Dahil sa pandemya nabago ang nakagawian natin. Maraming nawalan ng mahal sa buhay, trabaho at mga ibang bagay. Ang isang taong nakalipas ay parang walang nagbago o di kaya'y lumala pa. Kaya ng mag-declare na MECQ dito sa amin samo't saring saloobin ang nababasa at naririnig. Sa hirap ng buhay ngayon di maiiwasang wala kang masabing di maganda. Pero sa nasa atin din yon kung paano tayo tumugon sa sitwasyon na nararanasan natin ngayon. Dahil ang sitwasyon natin ay di natin kayang baguhin, ang kaya natin baguhin ay kung paano tayo tumugon sa ating sitwasyon. Magreklamo ba o magpasalamat dahil sobrang pinagpala ka na dahil humihinga, walang sakit at may kinakain pa. Sa panahon ngayon dimo masasabi kung buhay kapa kinabukasan kaya laging magpasalamat sa ating Diyos, magpatawad at maging mabuting tao. Lubos na nagpapasamat sa ating Diyos na mabuti at tapat. Maraming salamat sa biyayang natanggap.
4 comments
madaming biyaya sir Salamat sa Diyos.
Oo nga mam bigas palang sapat na.
Nagpintas talaga dayta patatas yo bwhahaha abangan u jay ayuda mi bwhahaha kababain nga ipost✌😂
Baka met sikaang mangivag baga anti