read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in June 2021

@Fherdz

Magandang umaga sa ating lahat mga ka Ingay! Dahil unang araw ng June, salubungin ng may ngiti at ang bawat araw na darating sa ating buhay.🙃 Mawala man ang pintig ng puso ko sa iba O di kaya’y ang pintig niyo ang mawawala. Basta ang pintig ng puso ko'y di mawawala Dahil para sa'yo lang wala ng iba.😍 Hatid ko ay larawan ng mga Droplets. Pero bakit naman ito ang larawan? Nahihiwagaan kasi ako sa kanya Kasi naman pag naarawan na Kusang mahulog at mawawala. Yun tipong drop ka…

@Fherdz

Hindi tayo perpekto kaya siguradong may darating na problema at pagsubok, pero wag ka mawalan ng lakas ng loob at pag-asa. Huwag mag-focus sa ating problema bagkos mag-focus tayo sa ating makapangyarihang Diyos na nagbibigay ng sulusyon sa ating problema. Manalangin, humingi ng karunungan na bigyan tayo ng lakas ng loob na ito’y harapin ng may kapayapaan at hindi matatawarang kagalakan. Magtiwala tayo sa Kanya kapag sinabi niya na sasamahan at di niya tayo pababayaan,…

@Fherdz

Cereal Leaf Beetle🐞 (Oulema melanopus) I spotted this insect sa dahon ng aking halaman sili na nakatanim sa aking bakuran. Napaka cute na tignan dahil maganda na mostly blue-black ang color at kulay red sa may leeg. Ayun sa nabasa ko isa siyang pest sa mga pananim. Kaya't huwag tayong huhusga na ayon sa ganda ng ating nakikita dahil kahit anong ganda kung peste naman pala ang idudulot sa buhay mo, sapagkat kung minsan deceiving ang outward apperance.😂✌Magandang gabi sa ating…

@Fherdz

Let’s discover the beauty of insects through macro photography. So, I wanted to share with you what I got this morning… a butterfly perched on a leaf. Good morning fellas and stay safe!🙃 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines.

@Fherdz

Umuulan man sa iba't ibang panig ng mundo At ngayon makulimlim naman dito. Pero paano pag bahaghari ang nakita mo Malamang napakunot noo Baka di matuloy ang ulan na hinihintay mo. Pero wag kayong mag alala dahil ang larawang ito Ay kuha kahapon na akala ko na uulan ng todo-todo. Pero ngayon ko lang ibahagi dito At sana ay umulan na mamaya pag uwi ko. Sabi nila, There’s always a rainbow after the rain. Pero walang ulan kahapon at nauna ng lumitaw ang rainbow. Paano na…

@Fherdz

May mga plano ang Diyos na hindi angkop sa mga plano natin pero ang plano Niya ay mas higit na mabuti para sa atin. May mga pagkakataon na pinaranas tayo ng Diyos ng hirap upang mabatid sa ating buhay na Diyos lang ang dapat tawagin sa oras ng ating pighati at pangangailangan. Ang nais lang Niya ay lumapit tayo sa kanya at manatili ating pananampalataya. Dahil minsan sa pinakamalungkot at pinakamadilim na yugto ng buhay natin mas madarama ang kanyang presensiya at…

@Fherdz

Isang maulan na hapon sa ating lahat! Salamat, Lord sa biyayang ulan at ang mainit na nararanasan ay naibsan. Sa kabutihang palad ay naging maambon naman kaninang umaga kahit papano ay may nagpakitang Skipper moth sa daan. Kung mapansin niyo may mga patak pa ng ulan sa mga dahon kung saan siya naka dapo. Ito lang muna ang macro natin ngayon maraming Salamat at mag-ingat tayong lahat. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City,…

@Fherdz

Have a blessed Friday! Start our day with gratitude to God regardless of the problems we go through. Lord, grant us strength and grace to start our day with a grateful heart knowing it well that no matter what comes our way You will bring us to a successful end. Our trust is in You Lord Because You promise us in Hebrews 13:5...You will never leave us nor forsake us.Thank You Lord Jesus For Your Goodness. Amen.🙏 📸 #Originalphotography®️ 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines

@Fherdz

This should brighten up your day.😁 Two red cotton stainer bugs mating.🐞 Lumabas na ulit si Haring Araw para tayo ay liwanagan sa mga napapanglaw natin mga buhay. Gayunpaman dahil umulan ng malakas kahapon asahan mong may mga naglalabasang mga insekto sa kanilang mga lungga. Kaya nandito ulit ako upang ibahagi ang nakunan kong kaninang umaga rated spg dahil ang dawalang insekto ay nasa moments nila. Ang uri ng mga insektong ito ay tinatawag na red cotton stainer na common ng…

@Fherdz

May bisita! May bisita! Sigaw ni mam @ZanneV kaninana.(sorry mam nadawit ka✌ hehehe😁) Sabi niya “O fherdz may bisita ka. Dinadalaw ka na mga mga mahal mong mga inCHICKto, sila na ang pumunta dito sa office para sayo” 😁 Nasa malapit lang pala sa may pintuan nakadapo at buti nalang di pa umalis ng pinuntahan ko siya. Kaya ito ang mga shots ko sa modelo kong isang Mud Dauber Wasp. Isang maliit na Wasp na kulay black at yellow na stripes na nagpatingkad sa taglay niyang ganda.…

@Fherdz

Have a Blessed Saturday Everyone!!! Kapag nahaharap ka sa isang problema, manalangin at hilingin sa Diyos na tulungan kang makita kung paano matuto mula rito, magpatuloy, at higit na magtiwala sa Kanya. Bago ako magbiyahe iiwan ko sa iyo ang nakunan kung mga droplets kahapon. Magandang umaga.🙂 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines.

@Fherdz

Dahil lalong sumikat ngayon ang fast food chain na peyborit ng lahat. Walang problema sakin dahil dadaan lang naman ako at di ako kakain.😉 pero kung libre aba! mapapakanta ako ng,... I love you sabado kahit boung Linggo.😁 Dito kasi ang terminal ng bus Dagupan to Elyu. Kaya may paborito din akong silungan at pinag selfie-han na parang line ng kanta... sa ilalim ng puting ilaw, sa katirikan ng araw. Pakinggan mo ang aking sigaw Para na kuya, pasakay naman.🖐 Salamat at nakauwi…

@Fherdz

Blessed day, everyone😍 Dahil sa kulog at kidlat maagang nagising kaya bangon na ihanda ang puso dahil 1st Sunday of the Month ngayon Join tayo mamaya ng online Worship sevice. Darating at darating ang mga bagyo sa buhay, maging handa man tayo o hindi. Pero lagi mong aalalahanin na merong Diyos na laging nandyan para sa'yo. Lumapit at kumapit sa Kanya hinding hindi ka niya bibitiwan. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s.

@Fherdz

Magandang hapon sa ating lahat. Habang ako ay naglilinis sa aming bakuran kanina may nakita akong makulay na insekto kung tawagin ay rusty millipede o common Asian millipede ayun kay google. Malikot kaya mahirap kunan kaya pag sinagi mo namamaluktot na parang tulog. Sa tingin niyo cute ba.?😁 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s.

@Fherdz

Happy Monday everyone! Bantayan at protektahan ang ating puso na parang ginto. Huwag payagan na ang mga negatibong kaisipan at mapapait na damdamin ang manahan sa ating puso. Sabihin sa Diyos at hilingin sa Kanya na suriin ang ating puso. Walang sinumang makakatulong sa atin na protektahan ito nang mas mahusay kaysa sa Isa na lumikha dito. Maging mapagpatawad, huwag ipunin ang galit sa puso dahil mas magandang pagmamahal ang namamayani sa ating puso’t kalooban. Kaya isang…

@Fherdz

Minsan nga naman, pag lunch time doon pa dadagsa ang mga tao sa office at tanungin pa sayo “may lunch time po ba kayo?’’. Hmmm ano kaya sa akala nila di ako magla-lunch... Sarap sanang sagutin pero hinayaan ko nalang. Kaya pinaupo ko muna at kakain lang ako, tamang bilis nalang para di mabulunan. Btw mag isa lang kasi ako ngayon kaya tamang hintay din sila para patas lang. Baka kasi parehas ding may pinagdadaanan..Hehehe. Kumain na ba kayo ka ingay?

@Fherdz

Pansinin niyo ang uod na ito parang may mata sa harap at sa likod pero parang duling ang mata niya o baka ako ang naduduling na nag picture sa kanya.👀😶 Naimbag nga rabie tayo amin kakabsat. Magandang gabi sa ating lahat kabayan. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s

@Fherdz

Yun tamad moment kang maghanap dahil nawawalan ka ng gana, pero sila naman ang lalapit na kusa para gisinging ang tamad mong kaluluwa. Kaya ito na nga dumapo lang sa harap ko habang kumakain kaninang umaga. Ang tawag sa insekton ito ay Rice bug, marami ng mga bug na na post ko dito na kahawig niya pero ito yung mabaho ang amoy pagnahawakan mo bilang defense mechanism niya. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s

@Fherdz

Gaya ng ating inaasahan tag-ulan na mga kaibigan, kung noon kasagsagan ng mainit na panahon di mapigilan ang pag inom ng mainit na kape. Ngayon pa ba malamig na ang panahon at inaantok pa mas lalong masarap magkape habang nag iisip ng sulosyon sa kaliwa’t kanang suliranin. Pero wag kang mag aalala kaibigan, may Diyos tayong masasandalan at Di tayo pababayaan. Tara kape muna mga ka ingay! 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s

@Fherdz

Ang pag-ibig at kahabagan ng Diyos sa Kanyang mga tao ay hindi tumitigil sa kabila ng ating pagiging hindi tapat sa Kanya, Siya’y tapat pa rin sa atin at ang Kanyang kabutihan at pagmamahal para sa atin ay magpakailanman. Mapagpalang umaga sa ating lahat.

@Fherdz

Jumping spider eating a yellow butterfly. Buti pa ang jumping spider na ito dahil may nahuling masarap na ulam sa tangahalian. Ngunit kapag napansin mo ang kanyang mga mata ay pabago-bago ang kulay habang nakatingin sa aking camera. Kaya tara na!! Tanghalian na, kain na rin daw tayo mga ka ingay. 📸 #Originalphotography®️ 📸A10s. 📍Philippines.

@Fherdz

Basta Pinoy pure talented talaga yan!😁 Ang seste, minsan ay sa maling paraan. Akalain mo naman yun hero nating sina Bonifacio at Mabini, naging superherong sina Batman at Robin. Pero babala lang mga 'igan dahil ang mga sadyang sumisira sa pera natin ay pwede ng makulong o pagmultahin.🙃 Nakita ko lang sa FB.😁 📷ctto: Project Jurisprudence - Philippines

@Fherdz

Makulimlim na umaga na tila nagbabadyang uulan mamaya. Pero wag kang mag alala, tamang Arroz caldo lang na agahan ay sapat na. Mura na, busog ka pa! Saan ka pa!. Umagang KayGanda mga ‘igan. Nawa’y busogin kayo ni Lord ng pagpapala. 📸 #Originalphotography®️ 📸A10s. 📍Philippines. #Food

@Fherdz

Malapit na naman ang uwian mga ‘igan. Tara muna at ako’y samahan Sa kapeng walang katapusan. Samahan ng Cupcakes na flavor ay pandan. Sana nga naman makuha niyang magparamdam.

@Fherdz

Dati may manok ako, pero wala na dahil naging tinola na noon.😁 Kung ayaw daw nating matulad kay pareng Paul sabi bi sir Chinkee, matuto tayo sa tamang pag handle ng ating pera.🙃 Isang paalala lamang sa ating lahat. Magandang gabi.🙂 📷ctto: Sir ChinkeeTan

@Fherdz

Blessed day, everyone😍 Minsan dadalhin tayo ng Diyos sa mga sitwasyon na hindi lamang susubukan ang ating pananampalataya gayon din upang madagdagan ang ating pananampalataya sa Kanya. #droplets 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo A10s.

@Fherdz

Ito ang aking ulam ngayon aking mga 'igan tamang bicol express lang naman. Ano ang espesyal sa ulam ko, aba! masarap, malinamnam at maangahang.Hehehe😁 Tara kain na tayo, sabayang mag ingay habang kumakain.😋😋 #Food

@Fherdz

Hindi mahalaga kung hindi pahalagahan ng iba ang iyong mga pagsisikap at ang mga tao sa paligid mo ay hindi kailanman nakikita ang mga pagbabago sa iyong buhay. Gayunpaman, ang mahalaga ay natututo ka ng mga bagong bagay araw-araw. Maaari itong isang maliit o malaking bagay pero magpatuloy lang sa paggawa ng maliliit na hakbang hindi bale ng mabagal ang higit na mahalaga ay umuusad. Katulad ng isang buto na nagsimula sa isang maliit na pagsibol ngunit makalipas ang mga…

@Fherdz

Happy Independence Day🇵🇭 Pero usapàng Langgam muna tayo.🐜🐜 Convo. Langgam1: Pre, alam mo ba kanina sa Bus Terminal may nagalit sakin na isang buntis na babae. Langgam 2: ay naku tsiks na naman pre! bakit naman nagalit sayo.? Langgam1: di lang galit pinagmumura pa ako. Langgam2. Bakit nga pre.? Langgam1: Ganito kasi pre, punuan na ang Bus kanina standing na ang iba. Nakita ko nakatayo siya. Magtulog tulogan sana ako kaso di kaya ng konsensya ko. Langgam2. aba may konsensya ka…

@Fherdz

Pansinin niyo sa Google may features na doodle Ph flag para sa Ika-123 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa. Happy Independence Day ulit mga kapwa Pi-Noise!🇵🇭

@Fherdz

Snail in my yard🐌🐌 Dahil tag ulan na nagsilabasan na ang mga Snail at may isa akong bisita sa aking bakuran kanina. Minsan ang buhay natin parang Snail, mabagal man ang paglakad at pag usad pero unti unti din makarating sa patutunguhan. Maging matiyaga at masipag dahil lahat ng sakripisyo ay mag bubunga basta't wag mawalan ng tiwala.🙂 📸 #Originalphotography®️ 📸A10s. 📍Philippines.

@Fherdz

Walang mali sa pakikinig sa iyong puso, ngunit huwag hayaang maghari ang iyong emosyon, lalo na kapag gumawa ka ng mga desisyon. Magandang araw sa ating lahat. #RandomThoughts

@Fherdz

Pa good vibes lang mga ‘igan kahit maraming pinagdadaan. Balang-araw unti unti nating malalampasan. Sinong gustong magpa Vaccine? Dito na kayo dahil panigurado na nanunuot sa kailalim laliman at tagos pa hanggang buto. 📸 photo not mine. CTTO.

@Fherdz

Blessed morning everyone!! Thank you Lord for another Day. Huwag nating ituon ang pansin sa sakit dahil nahihirapan lang tayo, sa halip magpatuloy upang pagyamanin at mahalin ang ating sarili. 📸 #Originalphotography®️ 📸A10s. 📍Philippines.

@Fherdz

Happy Father's day to all of the Fathers here and all of our Fathers!🙃

@Fherdz

Ang buhay natin ay parang bula na biglang mawawala. Kaya ingatan ito habang nasa lupa ka pa. Tara kainan na! Ang ulam ko ay tinola. Ingatan ang sarili at kumain tayo ng mabuti. 📸 #Originalphotography®️

@Fherdz

Kapag ang isang tao ay mahalaga, ang mahalaga sa kanya ay mahalaga din sa iyo. Sapagkat walang silbi ang mga salita kapag hindi ipinakita sa mga gawa. #RandomThoughts

@Fherdz

Masakit kung ang mga pangako ay nasira at di natupad. Pero ang Diyos ay mapagkakatiwalaan! Tinutupad Niya ang Kanyang mga pangako. Kapag sinabi Niya, pinapanatili Niya ito. Dahil ang Diyos ay hindi nagbabago. Ang iisang Diyos na Lumikha ng langit at lupa, ay ang parehong Diyos na namatay para sa atin at ang parehong Diyos na Magbabalik muli. Magandang Hapon sa ting lahat. Kape muna Habang malamig dahil umulan kanina ng malakas. #RandomThoughts

@Fherdz

Hello ka Pi-Noise!!! News Update muna. Ayun sa balita kanina, ngayong araw ang mas mahaba ang araw kesa gabi dahil sa tinatawag na “summer solstice.” Ayun sa Pagasa, eksaktong sumikat ang araw kaninang 5:28 ng umaga at inaasahang lumubog ito ng 6:28 ng hapon. Subukan nating pansinin mamaya baka sakaling may ganap na kakaiba. hehehe Ngunit ano ang mas gusto mo 'igan? Makakasama mo siya sa isang mas mahabang araw o makakasama mo sa isang mas maikling gabi? Image Credits: GMA…

@Fherdz

Ano balita mga Ka- Noise? Dito ngayon ay maulan, kaya asahan na maaga matulog mamaya, bawi muna tayo sa puyat ng mga nakaraang araw. Dahil maulan na, minsan tinatamad mag hanap ng mga insekto ngunit di maiiwasang makakita dahil nasa tabi-tabi lang sila. Katulad ng mga Weaver ants na mga to nandito lang malapit sa opisina dinadaan mo lang sila. Buti pa nga sila tila wala silang ka proble-problema at parang ang ganda ng usapan nila. Kung sa tao ang ganyan may nagkukumpulan…

@Fherdz

May mga panahon at pagkakataon na masyado na tayong nag e-enjoy sa luho ng buhay. At dahil diyan ay minsan nakakalimutan na natin na magpasalamat sa Diyos. At may mga pagkakataon na kailangan tangalin ng Diyos ang ilang bagay sa atin. Para ma realize natin kung gaano tayo pinagpala, na minsan nakalimutan na natin mag pasalamat. At itong mga bagay din na sobra nating ine-enjoy, ay may mga panahon na ito rin ang sumisira sa ating buhay.

@Fherdz

Predator and Prey. Hello Fellow Noiser’s!!! Sana ay nasa mabuting kayong kalagayan. Sa ngayon ay nais kong magbahagi ng ilang mga larawan ng gagambang nasa kalagitnaan ng pagkain sa kanyang biktima na marahil ay isang uri ng bug. Nakunan ko ito noong nakaraang araw at sana ay nagustuhan niyo mga igan, mahilig man o hindi sa photography para sa inyo ito. Marahil ito lang muna ang masasabi ko sa aking post sa oras na ito. Maraming salamat sa inyong pagdalaw sa ang aking post…

@Fherdz

Ang plano ng Diyos ay mas mahusay kaysa sa atin, ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay gagaling at sa pagdating ng tamang panahon ay mabibigla ka sa pinakamagandang regalo na matatanggap mo sa pamamagitan ng pananatili mo ng iyong pananampalataya sa Diyos. Huwag tanungin kung bakit, magpasalamat sapagkat ang lahat ay nangyayari sa atin ay may isang kadahilanan. Magandang araw sa ating lahat.

@Fherdz

Kumikilos pa rin ang Diyos sa ngayon. Magtiwala sa Kanya sapagkat Siya ay tapat at hindi Niya makakalimutan ang Kanyang mga pangako at tutuparin Niya ito sa tamang oras sa Kanyang perpektong oras. Gumagawa siya sa mga paraang hindi natin naintindihan. Kaya hintaying may tiwala sa Kanya at huwag tumigil sa pagdarasal.

@Fherdz

Balik macro muna tayo mga kaibigang Noiser's. Share ko lang ang munti kong kaibigan na bumisita sakin noong nakaraan araw na isang maamo at mabait na insekto. Ang uri ng insektong ay Cicada, ang tawag namin sa ilocano ay Andidit. Ito yung maingay na naririnig mo sa mga punong kahoy na kadalasang kulay dito sa Pinas ay brown at meron na akong naipost noon dito din. Pero ang isang ito ay mas maganda ang kulay niya at mas maliit siya kumpara sa naunang post ko. Maari mong…

@Fherdz

Ang kasiyahan ay maaaring makamit sa pamamagitan ng isang mapagpakumbabang puso na nagnanais ng mabubuting bagay para sa lahat. Hindi makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang kanyang sarili. Magandang hapon sa ating lahat.

@Fherdz

Meryenda po muna tayo! Spagetting masarap Samahan ng mainit na Kape. Maraming Salamat Mam @ZanneV Sa luto mong masarap na Spagetti. Halina at kain muna mga ka Noise.

@Fherdz

Kung mas nakatuon ang pansin sa iyong mga problema, mas madarama mo ang pag-aalala at walang magawa. Kailangan nating tanggapin ang katotohanang hindi natin makontrol ang lahat, ngunit palagi nating mapipili kung paano tayo tutugon. Matuto at mapagkumbabang isuko ang lahat ang iyong mga problema sa Diyos sapagkat Siya ay tunay na nagmamalasakit sa iyo. Alam niya kung ano ang kailangan mo. Manalangin na buksan ng Niya ang iyong puso para sa Kanyang kapayapaan. Upang matutunan…

@Fherdz

"PARU-PARONG MALIIT" Isang maliit na paru-paro ang hatid ko sa inyo. Nawa’y magbigay kasiyahan sa malungkot niyong puso. Isa mang nilalang na maliit pero sa aking mundo’y kaakit-akit. Ang masilayan ang taglay niyang ganda'y walang katumbas na ligaya. Sapagkat ang pagal at uhaw kong kaluluwa'y nabigyan ng pagasa 📸 #Originalphotography®️ 📸A10s. 📍Philippines.

@Fherdz

Alam ng Diyos ang ating mga puso at lahat tungkol sa atin. Kaya't huwag mag-alinlangan sa Kanyang pag-ibig. Anuman ang iyong sitwasyon ngayon nais lang niyang dagdagan ang iyong pananampalataya at magtiwala sa kanya. Alam niya ang pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga problema. Dadalhin ka niya sa tamang landas, kung nais mong tanggapin ang Kanyang mga tagubilin. Manalangin para sa isang pusong mapagpakumbaba upang sundin ang Kanyang mga salita. Magandang hapon sa ating…

@Fherdz

Bill and Judith. Dahil End of the month na naman. Sarap manood ng mga bagong movie mamayang gabi. Pero bago ang lahat may nakaka inspire na movie na nakaabang at hango serye ng tunay na buhay natin. Ito yun buwan-buwan showing sa buhay mo. True to life na character sa bawat buhay ng tao. Pamagat palang pamatay na.. “Forever With Bill & Judith"…Sabi nila wala daw Forever pero sa movie na ito, napapatunayan na may Forever, ang walang forever yung sahod mo na dadaan lang sa…