Sa wakas, Mabibilhan ko na rin ng bagong tsinelas ang aking mga anak,.. Rambbo pa naman ang nais nila,... Maibibigay ko na rin ang matagal ng request ni bunso, t-shirt na Voltes5 ang print...π Makakapag-groseri na rin ang aking asawa,.. Halos paubos na rin kasi ang Blend45, Liberty condensada, Maxam toothpaste, Plum blossom, Superwheel, atb.. Wala na ring LaCampana si lola,.. ...at kung may ekstrang pera pa baka pwede na rin akong makabili ng Three Flowers pomadeπ para naman lagi akong gwapo.π (Yan lamang po ay pakiwari kong tumatakbo sa isip ni tatay habang nagkokopra.)π From sulyap ng nakaraan
No comments yet