Hindi kagandahang umaga.

0 5
Avatar for FerferClear
3 years ago

Nagising ako at tulad ng dati, cellphone agad ang hanap pagka gising. Pero sana hindi ko nalang ginawa. Isang masamang balita na naman kasi ang sumalubong sakin.

Isa na namang kababayan natin dito sa Kuwait ang nagpakamatay. Hindi ko maintindihan kong bakit nagagawa ng tao ang kitlin ang sariling buhay ng ganoon kadali. Sabagay, hindi din natin alam kung ano ang takbo ng isip nila.

Pero kahit gaanon. Hindi ba sila natatakot na wakasan ng ganun nalang kadali ang buhay nila?

Alam kong sobrang hirap ng sitwasyon ng mga katulad naming OFW ngayong may pandemya. Halos lahat nawalan ng pagtrabaho. At minsan pa imbes na makahanap ng pag-intindi mula sa pamilya sa Pinas. Sila pa mismo ang galit na galit dahil sa hindi lang magawang makapadala ng pera.

Hay, sana kung nasan ka man ngayon kabayan. Naging payapa kana.

2
$ 0.00
Sponsors of FerferClear
empty
empty
empty
Avatar for FerferClear
3 years ago

Comments