Tayo
Mahal Kita , Salitang tayo ang lumikha , Ikaw at Ako ang nakakaunawa , Oh kay sarap ding'gin Kapag sayo nang gagaling Ngunit sa panaginip lang aasamin Tinadhana kaya ng maykapal O sagot sa aking mga dasal , Pinagtagpo bakit tila napakalayo Nagkasama bakit tila napakalabo Pagmamahal na iyong ipinaranas Lalasapin bawat oras Ikaw , Oo Ikaw ! Ikaw na minahal ko , Ikaw na inasam ko , ikaw na pinalangin ko , na sana'y din'gin mo Kahit na WALA ako . Sadyang nakaka baliw ang mundo , Minsan nakakainsulto , Kung kailan mo natagpuan doon nasayang , Kung saan naging masaya doon biglang natapos , Kung kailan mo naramdaman ang buhay doon ka unti unting pinapatay ! Bakit ? Bakit ? Bakit may ending ? Naging masaya pero bakit sandali ? Bakit kung kelan ako nakabuo ng kwento'ng tayo ang bida saka ka nawala ang storya ? Iaasa pa ba sa panahon ? Isisigaw hanggang tumahan O Ipapaagos nalang sa mga alon Hihintayin pa ba ang pagbabalik ng dati ? Noong Mahal mo ako at mahal kita , Noong sabay sa pagtawang walang humpay Mga ngiti mong pamatay Mga mata mong walang lumbay DATING AKO, IKAW, ANG DIYOS AT ANG TAYO Hanggang dito na lang ba ? Hanggang sa ala-ala nalang magiging masaya ? Hanggang dito nalang ba ang storya ? Sa isang imahinasyon'g IKAW NA WALANG AKO AT TAYONG WALANG TAYO ?
No comments yet