Tinola kagigising lang ng inyong lingkod nakabawe pa ng tulog hehe
Nag iinit nako ngayon ng ulam ko niluto ng asawa ko ito kanina para di na magluto kaya tamang init lang para masarap higupin ang maiinit na sabaw with sili and patis. .sarap tara po kain po tayo mag memeryenda na ulit ang karamihan ako lunch palang🤭🤭
Good morning noise.app
Bangayan kahapon hay di ako nag seselos no after ko mag post kahapon may dumating na bisita ang friend namin di namin kakilala yon may kasamang 3 na girls may lahi pq nga ata ang isa don. Magkahiwalay kasi kami ni hubby ng upuan kasi nag iinoman nga sila ng ilang friends din namin habang nakabikod naman kami na 4 girls...at dumating sila sabi nong isang girl don sya uupo sa tabi ng hubby ko napatingin tuloy qko sa kaniya pero tinginan lang din kami ng mga kaibigan ko hinyaan ko lang hahahah ayon mag kadikit lang kasi yong upuan nila then the girl said to my hubby "shot tayo" hahaha ahem exuse me naman miss my asawa yan..sa loob loob ko..then hubby replied.. "sure tagay na" isip niya naman siguro nakikipag inoman pa..pasimpleng tingin lang ako..kala mo walang jowa😅 basta parang nag iba nako non teka lang kung di niya sasabihing may asawa sya ako nalang tumayo ako at napatawa na yong 2 friends ko..lumapit ako sa kanila.. sabay sabi ko"honey uwe na tayo marami ka ng nainom"..
Tumingin si girl saken ulo gang baba oo mas slim sya saken wag ka at kaya kitang charrrr alam na ng asawa ko yon pag ganun ang mood ko at umuwe na nga kami natulig nako pag dating sa pagod akainom na din ng kunte di ko na alam sy kung anong ginawa ng hubby ko basta ako tulog..tas ngayong umaga nong nagising ako..may flower sa table anong meron di ko naman birthday..ayan daw yong kapalit na di niya pagsabi na may asawa na sya hehehe...di ko naman sya inaway about don pero guilty ang James hahaha..siguro nakonsensya sya baka galit ako pero sa totoo lang di naman.. o ang haba na nito i cut ko na..mga mate ingat kayo basta ganyan talga yang si hubby..happy morning to all of you..sakit ulo ko😅
I want to go home😅
Di ko na kaya makipag sabayan sa mga taong to nakakasuko hehe.
Hallow po kamusta kayo..naandito kami ng asawa ko sa party ng isa friend namin sya taga kuha
namin ng picture kaya wala sya dyan. May pag ka asawang na takot sa camera ata tong asawa ko haha.
As in kanina p kaming alas 9am dito si naman ako nag papakainom don lang tayo sa kaya ng isip at ng katawan. Si ko na din pinainom si hubby yong sapat lang kasi mag ddrive pa. Nataong linggo kaya ayan madaming my dayoff pwera kay hubby na nag absent para lang sa mga kaibigan namin minsan lang kasi nakikita kita.
Kamusta kayo?
Ready na for dinner.
Ito ang pinapaluto ni hubby kaso ako ay meneryenda ko na hahaha sarap kasi to pag maiinit malutong pa mag spam nalang ako mamaya hehe di ko mapigilan ang di kumain nito. Ganito talga ako isa na nga yan sa hinahanap ko pag may handaan di pwedeng wala yan.
Kaunte lang kasi kaya yong kay hubby ititira ko tas ang akin ay kakainin ko na😂 hihintayin mo pa ba yong mamaya ay ngayon ka natatakam diba amalay mo di ko na gusto to mamaya hehe. Sarap ng lupia with Jufran sawsawan😋
Change Profile🥰
Hallow dahil byernes ngayon mag to'throwback ako hehe kuha pa ito year 2017 november 2 sa baguio 4days lang kami dito pero super sulit lang. Akala ko makakabalik pa ako pero di na nangyare yon buti may picture picture na din noon na pwedeng babalik-balikan. Saya lang talga to kasama ko mga relatives ko yong tiya ko na nasa japan ngayon..
Sana soon ay mabalikan ko ulit ang gusto kong puntahan don talaga ay yong flower farm..hehe
Kamusta na kayo..keep smiling lang po mga kaingay good afternoon sa atin lahat malapit na pal mag gabi..😊
Good morning. Jogging is done.
TGIF. .guys morning view thanks to this cute butterfly make me smile. .kahit na nqpaka problemadao pag nakakita ka ng ganito sa paligid mo ay mapapangite ka. .😊
Nag solo lang akong mag jogging ngayon maaga kasi si hubby kanina umalis so ayon tamang imote lang ako ginising ako ng maaga di naman pala ko sasamahan..hehe. .
Busy ang lahat ako mag tutupi ng nilabhan ko nong isang araw..
Mangga 😋
Kamusta kayo have a great moring to everyone.. namalingke kami ni hubby kasi day off niya today pang isang linggo na namang kunsomo.
Habang nanadon ako syempre may mangga akong nakita di ko na nilagpasan at baka makalimutan pa hehe
Bumili ako isang kilo hahaha aanhin ko daw ee ang dami di kasi mahilig ang asawa ko dyan.
Pagdating namin syempre sya na bahala sa pinamili namin ako naman dito sa mangga🤣 takaw na takaw po talga e no..
Kayo po kumain na ba tara mag panghimagas muna nito ayos yong bagoong kaso bawal subra saken nito unti lang 🤭..
Salamat sa kapit bahay ko may libreng pagkain mga mate ang saya lang no na makatanggap ng ganitong pagkain hehe
May birthday may pa zumba pa nga member kasi ng zumba ang nag birthday may libreng ulam na din hehe
May ibibigay pa daw sya mamaya saken di sinabi kong ano basta aabangan ko yon mga mate ano kaya yon..sino po may gusto tara sakto at kaunting oras nalang meryenda na.
Good afternoon sa inyo..mycontent na tuloy ako🤭
Happy Morning Guyssssss!
Sabi ko na kahapon na mag rerelax lang ako today kaya maganda ang maagang natapos nag gawain makakapag relax ka talaga..like what i did..
Gala muna ngayon papaaraw lang ng kaunti kahit na walang araw..welcome to my chubby face ok kang yan masaya hahaha..all we need is to ignore bad vibes..happy ang enjoy mga kaingay.
Sinomag papaalaga ng chikiting dyan libre ako hahaha..padaan.
Ginataang, shrimp and my fav tulingan at langka😋
Premyo ko sa maghapong paglalaba kailangan ko ng masarap na haponan ng mapunan ang lakas haha kapagod jusmiyo grabe ang pagod ayaw ko naman na kasing balikan pa bukas labahin ko para bukas nakaupo nalang ako at mag rerelax ng walang inaalala..
Kamusta sampay niyo kaingay hehe akin may unting di pa natuyo kaya bukas may tupiin pa ako..
Mag hahaponan na din ng maaga para makapag pahinga ng maaga din iaphinga ang lik9d na pagod hehe..tara guys yan ulam namin luto ng asawa ko..good evening sa inyong lahat.
Good Morning Breakfast na tayo..
Paano naman kaya malalaman kung dalawa ang egg yowk ng isang itlog hehe ang cute para na tuloy syang imogie. Parang ayaw ko kainin kaso gutom ako kaya baka may mahanap na ganito ulit..
Pag naging sisiw kambal kaya ang mga ito? Hehe Ayan nahihiwagaan talga ako ee kahit si hubby sa itlog na daw yon hahaha diba sayang kaya..
Hay tara kain na nga tayo nag salang ako ng labahan nag charge pati ako thanks hubby..for this cute breakfast hehe kain po tayo
Lomihan ba ika mo?
No prob may lomihan na dito sa malapit at pag may bagong tayo kailangan tikman kung masarap kapag masarap mababalikan kita..so ano sa tinigin niyo guys may ilalaban ba hehe isang bowl po ang dami share kami ni hubby dahil madami sya subra..for 2 person nga daw ni mukhang kulang pa..hehe.
Ito na ang pinaka dinner namin ni hubby no rice na at ang tsarap ng sabaw mga kaingay..no need adding flavor like patis paminta or what sulit at masarap..pero bakit hapon dapat umaga hehe charr lang.
Anyway good evening nga po palal..
Convo with hubby via Call.😅
Hubby: honey nasan ka?
Me: Nasa bahay bakit po?
Hubby: wala ka kaya sa bahay honey?
Me: wag ka nga Vediocall ka para malaman mo..
Hubby: di na kita tatawagan alam ko naman kung nasan ka honey..kanina ka pa tumatakbo sa isip ko sabi ng puso ko kamustahin kita tumitibok na naman..i love you.
Me: loko-loko ka talaga!?
Hubby: hindi ah besides mas namiss kita pag ganun honey hinahanap ko kasi ikaw.
Me: hahaha uwe na ng mawala yang pag ka miss mo makita mo nakangite ang cute mong asawa😊
Hubby: 1hour more to go honey i miss you ano pala gusto mong food?
Me: anything po😘
Corny man pero kinilig ako😊😂 ang init kamusta kayo mga kaingay..
My Brother's Dish😂
Natawa lang ako kahapon sa kapatid ko sabi niya kasi bago siya umuwe ay ipagluluto muna ako ng dish daw na di ko pa nakakain o di pa naluluto ng hubby ko saken😄
Sa isip-isip ko panay naman ang luto ng kuya James niya saken ng hipon hehe pero hinyaan ko lang na magluto sya. Magkaiba lang ng version kung paano niluto si Shrimp.
Sabi ko nga pwede na syang mag asawa hahaha ang galit saken di pa daw niya kasi natutupad ang gusto niya kay mama pag natapos daw pwede na din syang lumagay sa tahimik..
Nakakaproud naman ang bunso ko kahit lalaki ee magulang parin ang iniisip..
So ayon lang umuwe na sila kagabi ng 11 kasi need na nilang pumasok ngayon pasyal nllang ulit pag may time..ayan po ang niluto niya saken😊
Good morning po sa inyo..mga kaingay.
My Brother,
Hellow noisemate meet my engineer brother together with his assistant..hehe hay buti nakapasyal pagod ang mga nga yan pero may kailangan silang asikasohin dito sa manila kaya magang aalis maagang bumangon.
Ang makulit padin same like before yan padin yong maraming ate kahit nasa tamang edad na..hehe close kami subra niyan before nga daw sila umuwe bukas ay ipagluluto niya ako sa dish na di ko pa daw natitikman kay kuya james niya hahaha sabi ko sege..
Good morning mga kaingay. Jamusta umaga niyo silang dalawa muna content ko this morning..hehe
Hai BCH kaya pa ba?
Nakkalungkot ang crypto ngayon as in. Mula nong naandito ako ngayon lang ako nakakita ng ganito kababa.
Ano kayang problema hehe mga di talga expert pagdating sa crypto..no.
Pero nakakasad no dati grabe taas nito pero ngayon ang baba naman subra..diba mga mate..
Kamusta kayo nag papaantok lang ako saglit hehe good afternoon po..
Morning View😊
Kung gustong pumayapa ang kaispan hanap lang ng makapag paparelax at magiging ok din.
Hellow sa lahat happy morning ganda ng umaga ngayon no mga kaingay. Sarap lang na nagigising tayo sa ganitong umaga full of positive energy.
Di samin to nakitambay lang ako baka mamaya makahingi ng malunggay😅 may pakay pala kaya tumambay dito hehe iba po kasi pag fresh talga na galing sa puno hehe..anong kulang dyan..mga kaingay
Good Night☺️
Tuyo na buhok ko kaya time to sleep na mga mare, matulog tayong may galak sa puso tanggapin ang mga bagay na nag papabigat dahil kahit anong gawen naten di na maibabalik ang nawala na. Importante ngayon ay ang kung papano ka haharap sa araw ng bukas. Lilipas ang panahon makaka move on din. I love you guys..
Share our bed maganda humilata at mutlog tara na sabayan niyo na akong matulog..hehe hubby ko busy pa sa work dinala sa bahay hayst imbes na pahinga na sana..
Our Lunch.
Yong wala ka namang ginawa pero pagod ka life talga no nakaka apekto talaga ang mga bagay bagay sa plligid naten ang hirap kumilos pero yan tayo need mag move on wala tayong choice dahil di naman naten hawak ang life.
Nagluto ang asawa ko ng manok simple lang gusto ko lang mag papak muna alam na ng hubby ko yan kaya ayan medyo dinamihan niya. . Kain kayo mga kaingay mahirap man bangon padin pero masakit talaga hehe..im just smile mga kaingay ang bigat ee..kain po..haòy afternoon..
💔 End of Life😭
Momments na napakasakit isipin na sa dinami-dami pa ng pwedeng mauna bat ang tita ko pa you know guyss nong nabalitaan ko is nawala nako hinimatay ako kausap ko pa sya that night pero pag gising ko may chat and vedio na si tita wala na..habang kinakausap ko ang mama bigla akong hinimatay buti nasa bahay pa si hubby that day nabaksag ang phone ko sumabay pa sa tita ko buti..nagising ako at sinabi ko sa asawa ko na need kong umuwe para kay tita second mother ko na sya sya ang nag palaki samin nong nag tatrabaho si mama sa bayan🥲 ang daya lang po talga ng panahon di masabi kung kelan tayo kukunin.
So ito ako sa mga nakakakilala na saken dito star a new mga kaingay nilibing na ang tita ko kahapon at need ko ng kausap for now wala si hubby nasa work na pakiramdam ko ang lungkot ko. Ang pangit ng bungad ng post ko new acount po buti na isave ko ang phrases ng wallet ko. Pinaayos ng asawa ko ang ginawa pinarestart ayon ubos ang info..andon lahat😢.