read.cash Log in
@Fairish more from that month

Umpisahan natin sa bating magandandang gabi sa inyo sa atin san man tayo naruruon, lahat naway nasa mabuting lagay po ating mga sarili, pamilya.. Gusto ko lang ibahagi yong " ANG PANGUNAHING UTOS" Deuteronomio 6:5 "Ibigin mo si Yaweh na iyong Diyos ng buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Yong matagal ko din naisabuhay yong verse na ito kung bakit sinasabi ng panginoon na unahin Siya sa lahat. Una mahalin naten Siya na mas Higit sa mahal naten sa buhay sa kasintahan, kapatid, asawa, at magulang, bakit? Kasi ang lahat ng nabanggit ko ay mawawala iiwan tayo sa mundong ito kahit ayaw natin nagyayare paren kumbaga wala tayong choice kung di ang tanggapin mag move on pag ngyare man yon. Kaya sinasabi ng Panginoon na unahin naten siya dahil iwan ka man ng lahat ng iyon..andyan Siya na hinding hindi ka iiwan at tunay na nagmamahal saten.. Naalala ko yong yumao kung partner in life..mahal na mahal ko yon at 9 years na pagsasama namin nawala siya namatay..mahirap tanggapin na halos gusto mong sumunod kung san man sya..mahirap mag move on dahil mahal ko eh. Pero yong naalala ko nong nagtanong ako sa kanya kung sino yong mas mahal niya..ang inaasahan kong sagut ay ako syempre asawa niya ako..e pero nong sinabi niya na yong sagot ..sabi niya. Hindi ikaw yong unang mahal ko.. pangatlo ka lang. .nagisip ako baka may kadedang or what..at sabay sabi "Ang unang mahal ko ay si Lord sumunod nanay ko at sumunod ikaw..at ang sabi niya saken..unahin mong mahalin si Lord sa kahit sino pa man dahil dadating yong oras na mawawala ang mga taong mahal naten...at pinanghawakan ko yan nong nawala nga sya..tumibay ako..❤ Thank you guyss love you all..be happy always mahirap man may Diyos tayong malalapitan..kapit lang. #Godisgood #noisecash @Neria13💚

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.