Hanggang Picture Lang Muna Kita Tatanawin!! Isa sa pangarap ko ang mag bakasyon sa probinsyang kinalakihan ko' simula nong naandito ako sa maynila ng 16 taon mabibilang sa daliri ang pag uwe ko sa loob ng 2weeks kailangan na naman bumalik ng maynila para sa trabaho. Nag asawa ako ng 23 years old at nong mula ng nagkaasawa ako di pa ako nakauwe.. Kung di lang namatay ang lola ko taong 2014 di pa kami mapipilitang umuweng mag kakapatid..ang sad lang no ones na namatayan ka ng kamag anak uuwian talga kahit gaano kalayo..ang malungkot don uuwe kang di mo na makausap at dikana makita.. Sabi nga ng mga pinsan ko nuon sana magkita-kita tayo di naman sa ganitong setwasyon na may namamatay..totoo nga naman.. Sana pinag iiponan ko na ang pag uwe at pag bakasyon kasama ang mga anak ko...naeexcite ako kasi makikita ko na ang mga pinsan ko..syempre nanay ko din..itong picture na to nag beach sila kahapon..sabi nga nila sana naandito kayo para masaya tayong lahat mag pamilya.. Gandang hapon sa inyo mga sis..lapit na naman ang meryendahan naten..
4 comments
Ang ganda naman dyan sis. Saang probinsya ka sis?
San province mo, sis?
Isa sa pinakamasakit na reyalidad Yan sa mga umaalis Ng lugar. Yung umuwi Lang pag may namamatay. Pero napakalungkot. Sana po magawa nyong makaligo diyan at makapagrelax.
magaganda talaga ang beach sa probinsya at talagang babalik balikan ang mga tanawin dun parehas tayo ako gustong gusto ko din umuwi sa bicol ilang taon na rin ang lumipas nung huli naming uwi doon ee sana soon parehas nating nagawa nakauwi sa mga probinsya natin.