Sinigang na tulingan!! Kaingay lunch na tayo, higop sabaw po tayo..wala png kamatis ito di ko alam kasi namili ako hawak ko na ang kamatis na yon tapos sibuyas at luya binili ko hayst di ko din naman kasi natingnan yong binigay na plastik deretso abot ng sukli tama naman kaso yong kamatis ang wala haha.. Pero ok lang di nako naghanap itong kalamansi nalang nilagay ko at ayon pwede naman same lang din ng may kamatis na luto..sarap ng sabaw kasi pag kalamansi ang nilagay at pang tanggal na lansa sa isda..sarap na ng kain naming mag iina..malaki to halos kalahati sya ang ginawa ko naman hinati ko inadobo ko ang kalahati para bukas naman oh diba sa halagang 90 ee pang 2days na ulam na tipid yarn pero masarap na ulam padin..tara guys kain tayo..
2 comments
sarap naman nyan sis.. pahinge sabaw lang.. hehe
parang masarap yan sis ahh ako kasi kapag tulingan na isda paborito kung luto ay ginataan try ko din sa sinigang parang masarap din naman siya kami tapos na kumain adobong manok niluto ulam na namin hanggang mamayang gabi tapos nagsaing din ako ng pang hanggang gabi hahaha sa mahal ng bilihin talaga tupid talaga ako sa gasul lalo ang mahal dito samin 900 na ang presyo.