read.cash Log in
@Fairish more from that month

Pagiging Nanay! Mainit na hapon mga kaingay, wala pa naman akong macontent na iba ito nalang muna kasi nag aayos ako ng sampay naka nap naman ng kaunti habang naga scroll sa aking galery ee nakita ko ang cute ng mga anak ko.. Totoo po talga ang mga kasabihan ng magulang natin noon..na hanggat di ka nagiging ina di mo masasabi kong gaano kasarap o kahirap ang maging nanay, ako gang bata sila aalagaan ko sila minsan lang din kasi sila bata yon yong importante saken ang magkaroon ng masayang memories kasama aang mga anak ko.. Iba nga ee bat di daw ako maghanap ng trabaho sa labas para matutusan ang need ng 2 kids ko..mga tao talga no ni hindi ko naman sa kanila hinihingi kinakain bat parang concern na di ko mawari..palibahasa sila mga anak nila di na sila ginagalang pero kong makabantay sa kilos ko aba kakaiba talga..kahit sa pamilya ng side ng asawa ko minsan may nagsasabi na paano pag nagasawa ako ulit baka daw mapabayaan ko mga anak ko..diba subra silang advance mag isip.. Kung pabaya akong ina noon palang sana ee kaso di ako ganun..tsaka wala akong hinihingi ni piso sa kanila pinagpapala lang ako ng Panginoon dahil mula namatay asawa ko di ko naranasan mangutang ni piso, dahil marunong ako sa pera..bawat piso mahalaga di ako magastos..nakakasad lang no na pag wala ka ng katuwang ee parang iba na din tingin sayo..gang ngayon napapatunayan ko sa kanila na ito ako malakas para sa mga anak ko positive lang..konteto sa buhay..maraming blessings..hayst istress sila na ganito ako di ako pasaway hehe..saludo sa mga solo parent dyan..kala nila magaan lng ang life nateng mga nanay..noh pero tapang lang ang kailangan sumunod sa agus ng buhay..diba.. Yan na mga anak ko nong nawala asawa ko gumagapang pa yang bunso ko ngayon natakbo pa hehe..happy lang kahit may taong minamaliit tayo sa kanila naman ang balik niyan di saten tayo iaangat pa..stress free ako charring di pala pagod lang..sya magandang hapon mga loves ingat po kayo.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.