So sadyang kay bilis lang ng mga oras no mga kaibigan kani-kanina lang almusal ang iisipin naten..ngayon tanghalian na naman nagluto na lang para kakain na mamaya kasi pasahan ng module mamaya maagang makakain at gumora na mamaya hehe..malay malay naten the next day pasko na..hehe goodvibes lang. Share my cell- group mates sa church..nong sunday may kunting kainan kaya picture while waiting the foods..at ito ulam ko pritong tilapia maya nako gawa ng sawsawan na may kamatis…
@Fairish in December 2021
Naalala ko lang nong last year nuong kaarawan ko. Naisip ng mga hipag ko na mag samgyupsal kami so ito hinanda namen ng kanya kanya kaming bili hehe masarap pag sama-samang kumain ayan hehe 2020 pa to naalala ko lang..masaya pag nagkakasundo maraming bonding kahit sempleng salo-salo..lang masayang pananghalian po..
So ayon nasayang yong tatlong oras ng kakahintay ng signal ni globe bakit kaya sya laging ganun..imbes nakay noise ako hayst wala hehe akala ko sim ko na ang problema hay mag kape na nga lang tayo noisemate . nagkape lang ako habang nakasalang sinaing ko.maya maya maghapynan naman na.. Ginawa ko kanina pasa ng module at kunting nap lang..gandang hapon noisemate.💖 #mahinaangdata #noisecash
Oh siya mga kapatid at kaibigan ko dito sa noise abay yong aking allergy is coming to town pambihira.. Ganito ako pag taglamig akala moy may himolmol ng balahibo sa ilong sa kakabahing..tinablan naku ng gamot pahuroy na yong aking singkit na mata na nagsasabing itulog mo na haha..see you tom guyyyys di ako magsasawang magpasalamat sa mga nagbibigay ng tips alam naman ni noise yon kung sino po kayo at patuloy niya po kayong balikan dahil walang sawa din po kayong…
Pag kagising almusal na agad hanap ko napasarap tulog ko mga mate fully recharge ako haha Pag maganda talaga ang tulog maganda din ang gising Sa lamig ng panahon ang sarap matulog kaso di naman pwede at may mga anak tayong aasikasuhin Nag almusal na kayo mga kaingay almusal ko tinapay na bans pinalamanan ko ng keso para masarap at purong kape solve na umagahan namen. Sa papasok o nakapasok na po sa trabaho mag iingat po kayo mga mate. Mag almusal na tayo mga mate. Magandang…
Magandang tanghali mate mga noise friends kamusta po ang lunch naway nabusog po kayo..kami ay kakain pa lamang nag meryenda kami ng alas 10 kaya medyo ngayon lang ulit nakaramdam ng gutom lalo mga kids ko. Tanghalian namen gulay na adobong pichay..fav ng dalawang chikiting ko. ito naman ang kagandahan sa mga batang nasanay sa mga simpleng ulam kahit ano ipakain di ako hirap mag isip ng kung anong uulamin basta ano nakahain sa lamesa kain talga never naman sila ng demand na…
Habang nasa lamesa ako naririnig ko huni ng ibon dito sa bintana may alaga kasi kapit bahay namen, tapus sa kabila naman may nagpapatugtug ng musikang pang pasko na tagalog, habang pinapakinggan ko' sabi ko sa sarili ko ang saya naman dama na yong pasko habang napapasabay sa kanta' sabi ko sana itong pasko na ito ay magbigay ngite ulit sa atin lahat lalo sa mga batang masayang masaya pag sasapit ang pasko isa na doon yong mga anak ko na tuwang tuwa pag may na ngangaroling sa…
Paano tayo na muna'y magsisitulugan mga noise.cash friends salamat sa isang maghapon na kaingayan dito kay noise nakaka enjoy sapagkat marami akong nakakahalubilo na mga taong di ko kilala pero bukas sa pusong magbigay at nakatuwa kakwentuhan sa mga patuloy pong nagbibigay di ko man po masuklian ang mga yan naniniwala ako na mas duble ang balik ni noise dahil sa patuloy po nyong pagbibigay din po sa amen maraming salamat po im happy to have this noise.cash fam.:-):-) Ako ay…
Itong umaga na sadyang kay lamig na nanunuot sa balat' kayo naman po ay kamusta ang umaga ninyo mga kaibigan? pakiwari ko kayo ay nagsi-umagahan na ang karamihan at nakapasok na sa trabaho ang iilan, sa mga butihing ilaw ng tahanan na panigurado akong kanina pa gumising upang maghanda ng umagahan sa kaniya-kaniyang pamilya, Masayang umaga po sa inyo. Ako ay nagluto na nang maaga para mamaya ay wala na akong oras para magluto pa dahil ang araw ng beyernes ay araw ng aking…
Yong trabahong di nagawa hehe. Dinaanan kasi ako ng bilas ko na kung sasama kami kasi magpapa national I.D sila, sumama naren kami para sa panganay ko na anim na taong gulang. Pag dating naman duon kailanagan namen muna kumuha ng stub at eeschedule daw. Ayon balik na lang kami bukas ng alas 10..sa tabi nong pinuntahan namen merong park ayon naglaro na lang mga anak ko kasama mga pinsan natuwa naman ako kasi tuwang tuwa anak ko na nakapaglaro..marami na reng namamasyal…
Dramahan kami ni bunso" ang bunso ko habang naglalaba ako ng panlakad na damit nila..naglalaro lang sa maliit naming sala sya lang mag isa at pinapakingan ko din naman na masaya sya kunyare kausap niya mga toys niya. So nag babanlaw na ako ng bigla syang umiyak hehe yong iyak na arte lang kasi alam ko naman pag iyak na tunay..tapus sabi ko bakit lalo siyang umiyak todo talga luha hehe pero tingin ko inaartihan ako kasi lawit dila haha. Iniwan ko sya ulit ganun na naman…
Babati muna ako ng malamig na gabi po sa inyong lahat mga mate? Kamusta po kayo sadyang kay lamig ng simoy ng hangin animo'y nasa baguio ee. Naghapunan na po ba ang lahat anong hapunan naten dyan. Kami yong tirang ulam namen kaninang tanghali kami lang naman tatlo..init init na lang at yon solve ang hapunan. May problema ako mga mate ako naman ay hindi takot sa tubig naliligo naman ako araw araw ee bat ganto takot akong mabasa ng tubig di naman ako kambing hahaha hay ewan…
Isa na namang araw ng sabado noise friend malamig, maaraw at sa tingin ko maganda ang panahon ngayong araw ng sabado kamusta na kayo naway ok ang lahat sa pagawa ng gawaing bahay lalo na sa mga nanay na sa tingin ko nag iisip na ng mauulam ngayong tanghali. Nagising kame alas Syete ng umaga at nag almusal pagkatapus ng bihis at tumungo na sa lugar kung saan merong kuhaan ng national I.D para sa panganay kung anak di kami natuloy kahapon gaqa ng kailangan munang mag pa…
Tanghali na agad..kamusta po mga mate anong ulam naten ngayon ako di na nagluto bigay itong monngo ng aking hipag mamayang hapon na lang ako mamalingke para mamayang gabi.. Poborito ko to sakto meron akong tuyo itatambal ko dito..ayus na ang panghalian naming tatlo kain na tayo mga mate..ako kumakain na dahil may mga labahan pa ako kakaumpisa ko pa lang..maya na akong hapon mag iingay dito kay noise.cash hehe... Salamat sa mga taong nagtitip sa akin maraming thank you…
natapos na labahan..kapagud..bago ako nag umpisa maglaba medyo di na ok pakiramdam ko matigas ubo ko ganto ako pag di ko nainuman agad ng gamot yong allergy ko nagiging sipon at ubo..mga mate kaya katapus ko lang mag laba hirap sakit sa likod.. Pa pinag bukas ko pa kasi to lalong dadami kasi mga anak ko ilang besses mag palit sa isang ara..di ako magpapahilot kasi may church akp bukas di pwedeng maligo.. Kahit minsan talaga kahit gaano kalakas katawan mo dadapuan ka paren ng…
Dalawang yaman na meron ako. Magandang gabi noise.cash kamusta po ang gabi ninyo ok kay lamig na po subra..medyo maganda ang net ngayon nakapag uplaod ako ng iilang picture ng dalawa kong yaman na maituturing na meron ako..yong unang picture yan kuha kanina natuwa ako nong pinasa ng bilas ko yang picture sabi ko sa sarli ko dati kalong ko yan ngayon di ko na halos mabuhat..lumalaki na nga talaga siya.. At ilang taun lang mag mula ngayon mag sasarili at mag dadalaga na siya..…
Magandang araw ng linggo guyyysss! Kamusta tulog ninyo ako masarap tulog ko gawa ng pagud naren kahapon sa kakalaba.. Ang lamig parang naka aircon kahit walang electricfan..sarap mamaluktot hehe pero mamalingke ako at araw ng simba ngayon.. Maaga nagising yong dalawang anak ko masaya ang gising natulog ng 8 ng gabi ngayon lang nagising..para mainitan sikmura ng luto ako chicken nodles at sinamahan ko ng itlog..almusal na tayo mga mate.. #Blessedsunday #malamignaumaga…
Isang mapag palang araw po sa inyo mga mate..kamusta po kayo? Ang iba siguro sa pamilya ay namamasyal kasi araw ng linggo Day off ng karamihan..mag iingat lamang po kayo lalot kasama mga anak.. Ako kagagaling ko lang ng church..di ko na sinama sa pagsimba mga anak ko kasi ayaw ng misyonary namen na may maingay pag sa oras ng service..naiiwan ko naman sila sa tita nila.. Ngayon katatapus ko lang kumain bangus ulam ko di ko na nakuhanan ng litrato gawa ng gutom na ako haha..so…
Natuwa lang ako sa price ng binile kung long sleves na ukay hehe 5 pessos sya..meron pa siyang tag ibig sabihin di pa sya nasuot kaya binile ko..nong nilabhan ko na tinanggal ko tong tag niya..tapus nakita ko yong halaga niya sa korean won..hehe so punta ako kay google hehe at tiningnan ko sya magkano 39,900 won..I convert into piso nasa 1699 pessos haha sabi ko ang mahal pala niya pag dito sa pilipinas.. Kilala naman talaga ang korean na magaganda klase ng damit..mahilig…
Kahit ako pa ay gustong mahiga at mamaluktot pag itong dalawa na ito ay nagising na..la kailangan bumangon kahit malamig hehe..maagang nagising alas 8 kagabi tulog na yan sila kaya maaga din nagigising..ito almusal nila ngayon..Hotdog bigay ng tita nila.. Umagahan na tayo mga mate ako ay magkakape na rin..ingat kayo sa mga papasok po sa trabaho isang linggo na naman haharapin naten o kay bilis..lang talga ng araw.. Mapagpalang umaga po sa atin lahat..#umagahanna #noisecash.
Pag araw ng lunes Modyul day hehe..mukhang mag iingay na naman kami ng aking anak wala na naman sya sa mood at mamaya na lang daw hapon..pero big no! no! Kasi anim na subject ito kailangan niyang tapusin na kasi meyerkules pasahan na ulit.. So bula bulahan na naman kami..muna hehe Kayo mga mate anong gingawa niyo ngayon.. Nakapag almusal na ba kayo? #moduleday #noisecash..
Ang buso kong kakaligo lang..naliligo naman silang magkapatid ng malamig kahit di na ako mag init ng tubig..pero dahil super lamig ininitan ko sila..at yong sila lang naman yong si liligo ng walang laruang dala..at si ako baka mamaya pako maligo takot pa ako sa tubig sa mga oras na ito hahaha..
Na stress lang ako haha..nag registered failure yong sim na ginagamit ko sa mga importante like gcash at iba pa..medyo luma na kasi yong sim ko na yon mag 7 years na..need ko na ata papalitan ng sim with same number paren..anong gawa niyo mga mate kumain naba kayo..kami naghapunan na..bese besehan ako nag ako kung paanong gagawen pag ganun..yon sabi nila pag di na talaga gumana..need palitan.. #registerednetworkfailed #noisecash
Ang umaga na malamig, una salamat sa Mahal na Panginoon na ginising na naman tayo sa panibagong umaga ng ating mga buhay, sabi nga minu-minuto may ginagawa ang Diyos, isa na dyan ang gisingin tayo sa umaga.. Lord salamat sa panibagong umaga na aming nakamtan sa mga oras na ito, salamat sa pag gising mo sa amin sa bawat umaga, puno man po ng pagsubok na ipagpasalamat parin namen sayo aming Diyos dahil kung di sa mga pagsubok na yan di kami magiging matibay, malakas na harapin…
Merry merry Cristmass na agad haha enjoy naman yong mga baby ko..pumunta sila kanina sa bahay nong tita nila..ayan tuwang tuwa kasi maraming chocolate at regalo sa pasko sa kanila din naman mapupunta..yong iba niyan kasama mga pinsan din..kaya yong bunso ko laging nag aaya dyan kasi daw daming candy hehe..
So hapon na dami ko ng gutom..hehe alas dos na..mananghalian pa lang ako..galing akong SM Fairview nilakad ko sim ko na nawalan ng signal sadly diactivate na..need ko na daw gumamit ng ibang sim..yon lang kasi ang nakalagay na number importante yon naka register sa bank at sa mga pinagkakitaan ko online..pero ganun talga nasisira pag matagal na..kain na tayo guyyss..at para may pasalubong ako sa dalawa kong chikiting binile ko sila ng pakwan..80 pesosa ang isa di lang…
Pitong taon din kitang naging simcard nasanay na ko pag nagfifilup ako lagi kang nandoon kahit may iba akong sim ikaw yong gusto ko kasi pag sinabing sun mabilis isang tawag lang andon na..di na kailangan yong asteres churva dati..kaya lang di ikaw yong ginamit ko ngayon sa internet gawa nong napakahina mong cignal..di kaya makipagsabayan sa sa iba kaya yon gamit ko na ngayon napabayaan ata kita dapat regular din ang laod mo hehe..will goodby..na..simcard ko di ka rin kasya…
Malamig na gabi sa atin noise.cash friends habang palalim ang gabi lalong lumalamig parang sya lang haha..char lang po..di ako masyadong nakapag noise kanina pasilip silip lang ako.. Ngayon nakahiga na kaming mag iina..yong panganay ko tulog na..at itong bunso ko nagpapaantok habang nilalaro puppet niya..tsaka nguya nguya ako di nako ng dinner masyado akong nabusog kanina mga alas tres na ata ako na nghalian..at kumain pa ng tinapay nong alas 5 kaya para na naman kuno may…
Nuod muna akits ng paborito kong artista sa korean..si Song Hye Kyo.. di ko bet yong lading man niya dyan gusto ko paren yong ex husband niya for her drama..mula nong naadik ako sa k-drama isa sya sa sinubaybayan ko hanggang sa nakapangasawa na siya..at sadly ang ending💔 habang nanunuod ako niya nag nonoise naman ako..duble purpose in 1 screen hehe papa antok lang..tulog na mga mate..tapusin ko lang itong ipisode 1 haha.. Salamat po sa mga nag titip po sa akin..pag dumami po…
Masaya at magandang umaga sa inyo noise.cash friends..malamig na umuga na naman isama ko na mga huni ng ibon ngayon at tilaok ng manok..na animoy tuwang tuwa din sa magandang panahon ngayon..maaliwalas ang kalangitan..sa inyo ba mga kaibigan..gabi sabi nong aking mga pinsan maulan sa probinsya namen ng Aklan...kaya mag ingat po kayo. Lakas ko sa umaga my two kids na ang kukulit natutulog pa ako bumulong (mama nagugutom na ako) sabi ko inaantok pa na pagkasabi oo baby maya…
Ginisang sardinas ulam ko mga mate kunyare lang yang kaunting kanin pero tireple mamaya yan hehe..masarap mag ulam ng ganito..pang madalian lang di naku nasaing ininit ko nalang tira nameng kanin kagabi..at ito na habang nagttype ako naubos ko na isang cup na kanin at gusto ko pa ng isa pang cup..hehe. Simple ulam is the best...anong ulam niyo mga sis..kaingay mga brad..kainan na..ang alas 12 ngayon parang alas onse lang kung di pa ko tumingin sa cp ko ng oras di ko…
Nap na sinasabi ay iiglip lang pero tulog na yong sa akin hehe masarap naman matulog napasarap tulog ko mga mate..heto at nag hahanap ng mangunguya..dahil mag aalas 4 na naman. Flex ko lang aring bata na are ay kaya pala pag gising ko sabi niya.." Mama ekture ako" hehe saan kako..ee naka charge cp ko nong natulog ako..nong nagising ako hawak niya na..sabi mama look ako ikture hehe Nagselfie ang bunso ko.. Magandang hapon po sa inyo..anong meryenda naten makikisabay ako haha..
Magandang umaga noise.cash friend kamusta kayo kamusta po ang tulog? Ako alas 10 ay nakatulog na kagigising ko lang ngayon..at maganda ang tulog ko. Almusal tayo mga mate ito ulam namen kagabi may natira pa nito. Ito ipapaalmusal ko sa Ate Faith ko at bunsong Irish..magkakanin sila ngayon di sila kumain halos kagabi dahil mga busog na..nilagyan ko lang to ng isang pirasong kalamansi para lalo at crispy pagkaluto.. Godbless po sa ating lahat ingat po sa papasok sa trabaho..sa…
Sa oras na alas 10:39 ganito ang view sa amin katamtaman ang init..di ramdam ang init gawa nong hanging malamig masarap magpahangin..mga mate..may pinuntahan ako at sabi ko ganda naman ng kalangitan walang kaulap-ulap..buti naman bit-bit ko cp ko kaya nakuhaan ko ng litrato..sa bandang kanan ko may nakita akong damong ligaw na ang cute ng bulaklak kinuhaan ko din ng picture hehe ang ganda lang kasi kahit damong ligaw ang ganda ng bulaklak at maraming tulong din sila sa Inang…
Magandang gabi po noise.cash friends kamusta po medyo busy lang ako nitong hapon..pumunta kami kasama mga anak ko sa bahay ng aking bayaw gawa nong Kaarawan ngayon ng kanilang apo..at apo ko na rin bali hehe..sa pamankin may kunting handaan lang..natuwa lang ako dito sa cake..Ice Cream Cake ng apo ko hehe ang mahal niya pero yong lasa sakto sa presyo ang sarap..di na nga kami kumain ng hapunan ngayon gawa nong busog na kaming mag iina.. Kumain na po ba ang karamihan medyo…
Kamusta mga ka noise.cash ang ganda ng umaga ngayon maaliwalas ang panahon..malamig na malamig subra..at ang sarap mag kape..heto na nga po at nagkakape..kasama mga anak ko..kain tayo nitong tinapay nato binigay ng tito nila to kahapon di nila nakain ng meryenda kaya ito almusal namin ngayon masarap sa kape..anong almusal niyo mga mate..sarap matulog hehe.. Magandang umaga po:-)
Ako ay napapangiwe pag nakikita kung kumakain ng Lemon itong aking bunso..ewan ko ba di ko naman ito pinaglihi sa kahit aning maasim..pero pansin ko sa kanya habang lumalaki..nakakatikim ng maasim pero wala man lang kahit anong reaksyon ang mukha..gaya ng kalamansi kala ko yon lang pero nong bumili akong Lemon humingi siya gusto niya daw yon at binigyan ko sya..hehe ako yong nangingilo pero sya sarap na sarap ee hehe..habang tinatype ko caption ko naglalaway ako haha..pero…
Ulam na masarap na may kaunting asim..samahan pa ng labanos at mustasa at kamatis..ayon sarap ng sabaw hehe..pero di po ako nagluto niyan..bigay lang po yan ng aking mabait na hipag..mahilig yon sa sabaw kaya pati mga pamankin kasali sa luto niya syempre kasama naku don hehe..anong tanghalian niyo dyan..naku tayo ay mananghali nat nakakagutom na sa mga gawaing bahay...samahan pa niring panahon na kahit tanghali na ay parang alas onse laang..kain na tayo mag mate..:-)…
So maaga-aga pa naman para mag meryenda..natakam lang ako dito sa Ice Cream Cake..hehe bigay ng hipag ko kahapon yong nag birthday nong apo niya at apo ko naren..basta pala talga pag mahal mamahalin din ang lasa super sarap..nagustuhan ng dalawang bulinggit ko di masyadong matamis yong icing..Contis cake..di ka luge sa presyo at di ka luge sa lasa..ayie wala lang gutom ulit ako ee mamay kape naman..mainit ang panahon ngayon medyo nawala si haring ginaw..magandang hapon sa…
Kropek spicy masarap isawsaw sa suka..naghahanap mangunguya si ate at si bunso bumili ako isang balot sa tindahan 20 pesos..agaqan dalawa kong chikiting guato nila to hehe pati ako napapakain din dampot dampot lang muna kasi mag kakape ako di pwedeng hindi..hehe..maraming relate dito mga noise friends di pwedeng wlang kape sa hapon..diba..coffe lover tayo hehe..magandang hapon anong nguyain naten dyan mga mate?
Tayo ay magsitulogan na sa gustong matulog..naku sigurado gigising tayo ng araw na naman ng sabado..kinbukasan ay linggo na ulit..parang naglalakad na ngang talaga ang araw...nakapaghapunan naren kaming magiina ulam namen ay priton itlog at nakaraos ang hapunan..busog kahit paano..ngayon pinapatulog ko na yong makukulit..yong panganay ko antok na antok na..tapus bunso ko kumakanta pa hehe..Good night mga mate bukas nalang mag iingay ulit...salamat po sa mga tippers ko..puso…
Magandang umaga Luzon. Visayas, Mindanao..noise.cash friends ko!!! Umipisahan naten ang araw ng puno ng energy sa katawan..hehe medyo di ok gising ko..nawile ako sa kakanuod ng mga vidio ng politiko..kagabi namalayan ko alas dos na..hahaha..kaya medyo puyaters ako sa araw ng sabado..hehe.. Pagkagising ko tumuloy na ko sa labasan para bumile ng champorado 15 pesos ito para may maalmusal yong dalawang bulinggit ko almusal na tayo mga mate..nagiisip naku mamalingke magkakape…
Nakapaglinis narin sa wakas ng kuku..natipuhan ko tong kulay kanina at chadaaaaah hehe natapus din..sakit sa likod maglinis pero ok lang naman..wala namang badjet pang palinis marunong naman ako mas pulido pa..pasalamat lang ako kahit gaano karami labahin di sya napuputol..sakto naman may pupuntahan akong binyagan bukas syempre para maayus ang kuku linis linis din hehe..magkapagkape naren at masakit sa likod..magandang hapon po.. Dinagdagan ko lang ng effects para perfect:-)…
Magandang gabi sa lahat po..hapunan po tayo ito po niluto ko adobong kangkong nilagyan ko ng kaunting giniling para malasa at sibuyas kamatis ayon nasarpan dalawa kong chikiting..anong hapunan niyo noise.cash friends...naghapunan na ba kayo?.. Blessed na blessed ako ngayon at di lang naman siguro..ako marami rin akong kasabay na nabiyayaan ni noise.cash ng Ft ito po talaga yong tunay na saya na alam mo sa sarili mo na may maibabalik ka..ren iba ang pakiramdam pag ikaw din…
Mga batang mababaw ang kaligayahan..sabi ko maagang matulog para bukas maaga ang gising para sa binyag nong kanilang pamankin na bali sa pinsan..kaya ayan tutulog na daw sila kasi baka di ko sila isama sabi nong panganay ko don sa bunso hehe sweet sweetan pero lamang away dyan hehe.. Blessed night sa inyo noisefam..akoy antok naren..bukas nalang po ako ulit mag babalik..Have a Blessed night po sa ating lahat...#Goodnightna #noisecash
Magkape sa umagang malamig..sabayan nitong mainit na sabaw ng crab and corn sakto sa umagang malamig..hay linggo na naman kay bilis ng araw talaga parang naglalakad na lang ang panahon.. nong umgahan niyo dyan mga kaibigan? Sarap mamaluktot sa higaan ano po..pero gawa ng may lakad ako bangon ng maaga at maligo kahit malamig haha nag mag iinit na lang ako ng tubig pang patay sa subrang lamig na tubig.. Magandang umaga po.. #magandangumaga # noise.cash
Magandang gabi po..noise cash fam..ngayon lang nakapag post at busy busy ang ating kanina..gawa nong pumunta kami sa binyag ng aking apo sa pamankin..alas 11 ang binyag ang reception ay sa samgyupsal resturant at eat all you can iba-iba ang food syempre andyan na yong masarap na bacon wala sa plate ko kasi niluluto pa lang..at unlimited food talga uri ng pagkain ay beef di ko alam anong luto yon..suchi at madami pa..kaya busog ang ating hehe..nakakaumay lang pero may kimchi…
Magandang umaga noise.cash friend di ko namalayan kagabi alas dyes na ata yon ng nakatulog ako ng di ko na namamalayan di na ako nakapag patay ng ilay at naka on pa data ng phone ko..nagising ako mga alas tres na..tapus natulog ako ulit at kagigising ko lang.. Napagud ako kahapon gawa nga ng pag uwe namen ee nakatulog bunso ko at karga ko sya hanggang sa bahay na medyo malayo pa kasi amin sa mismong binabaan ng Jeep.. At yong bunso ko mula kahapon ng alas singko ng hapon…
At heto na po kami nagising naren ang bunso kong halos 13 oras ang tinulog sa pagud haha..alam kong gutom na kasi yong tiyan naririnig ko na..kakatuwa pag yong nag enjoy tapus ganyan sya bagsak pagdating..asan na nga daw yong S.M at mabalik kami haha..#owncontent #noisecash
Ginusto kita kaya pag igihan mo ha ng di naman tayo nahuhuli hehe morning guyyss e-ninsert ko na yong bago kung globe sim at 5G nga daw ito need ko kasi for my gcash..at wala naman ibang mas malakas dito sa lugar namen kungdi yan lang ayiee my free sya kaya sakto mawawalan na ng load yong number kong isa..ito na gagamitin ko.. So tingnan naten baka ako lang pa ang nahuhuli sa mga balibalita no mga ka noise..hehe..makakapag ingay ng tunay..sa mga nag tips sa mga post ko..dont…
Mula nong pinanganak siya di niya manlang nakita ng malapitan kung ano ba yong sinasabing jollibeeat anong hitsura..kaya kahapon hinawakan niya nong una ilang syang lumapit at binuhat na nga ng tita..na yan ay si jollibee..hehe..hinawak hawakan niya.. Katatapus ko lang maglaba ng sangkatirba di naku nakapaglaba nong sabado kaya ito at sandamakmak hehe..mabuti naman at di masyadong maligalig mga anak ko iwas saway kaya deretso ang gawa ko at natapus ko ng samapay ng di nag…
Meryenda tayo guyss may natira pa masyadong matamis..tong donuts masarap tambalan ng kape..at ito magkakape na..anong meryenda niyo dyan guyys..masarap pag ganitong mainit na hapon palamig..at dahil wala non mainit na kape na lang at itoy siguradong busog..haha..sa kabisayaan dyan na umuulan na daw po kahapon pa..mag ingat po.. Kakatapus lang ng isang linggong ulan 2 days na araw lang hayan na naman ang ulan..at bagyo pa..keep safe po. #meryendatime #noisecash
Buti di na muna ako bumile ng mauulam ngayong gabi plano kong mag itlog na lang para mas mabilis..pero may dumating na blessings gaya Chicken Joy ni Jollibee hehe..natuwa na bulinggit ko..share na lang kami ditong tatlo..galing ito sa tita ng mga babies ko..(hipag) ito na dinner namen..maya maya at kakain na ren..keep safe po sa lahat.. #chickenJoy #happydinner #noisecash
Naglinis-linis lang ako saglit sa bakuran ko..pagtingin ko sa oras 11:18 na agad. Pag may ginagawa talaga ang bilis lang ng oras..no mga mate..buti habang naglilinis ako nagsasaing na agad para pag tapus ko mag magic na lang ng ulam..wala ng time magluto hehe..tani to ng aking byenan..nagtanim sya ulit ng ampalaya kahit dahon lang laking pakinabang na..meron din alogbati at yong sibuyas..malaki at tumaba..na.. Sana magsitabaan na kahit sa konting space ng lupa..kahit paano…
Sabi ko mag mamadgic ako ulam..haha kapit bahay ko yong may tindahan ng binilhan ko ng ulam..bakud lang pagitan namen..sabi ko (Ne) sumagot siya..sabi ko anong ulam mo dyan pwede ibenta..sakin..yong mabilis lutuin..yong gisa gisa ok na..(sumagot sya..madami nodles corned beef ano ba gusto mo?) Sabi ko kung may miswa sya lalahokan ko sardinas ee wala daw kaya ito nagsolong sardinas haha.. Ganitong simpleng ulam napaparami lalo kanin ko:-) At ito na sardinas maya na lang…
Pagkatapus ng tulog. Nagutom, nagluto, kumain hehe..ayaw ko ng tinapay naghanap ako ng mameryenda at..nakita ko may pancit bihon pakong tira nong last luto ko..isip ko naman anong ilalahok ko..may tira akong ginisang sardinas kanina..at sabay luto..hehe bukas may buntot na ko haha may instant meryenda na..diba paraparaan lang tayo..at wala akong kalamansi kaya ok na yan..masarap infairnes samahan pa natin ng kape..diba solve ang meryenda..mga anak ko nasa layasan. Pagkatapus…
Cold & Happy morning po sa lahat..noise.cash fam. Umpisahan naten ang umaga na ito ng may galak sa mga puso naten..lam niyo mga mate pag positive po iniisip naten gumagaan pakiramdam..naten..kahit na may problema man gaano man kahirap ng setwasyon naten ngayon gumagaan. Lahat naman tayo may problemang di maiwasang dumadating..magaan man yon o mabigat laban lang kapatid dhil di lang ikaw ang dumaranas niyan..ang mahalaga harapin mo hanapan ng sulosyon positive lang lagi wag…
Ito masarap sa malamig na klema..champorado at isang tasang kape..ayaw..ko kasing nabibitin sa kape..di naman ako madalas nagkakape ng 3in1 ubos na black coffe ko mmaya pa ako mamimile..sa isang pack may tirang kaunte at yong panganay ko gusto niya yan..nagtampo akin daw puno kanya kalahati lng..haha kain na tayo mga mate. Naku kahit akoy tamad kumilos at napakalamig pero akoy malayas..kaya no choise bangun si ating..later na tayo magkitaan..mga mate ha..sa mga nagbigay ng…
Kararating ko lang galing sa pamimile..para ito sa aking bunso na edidicate ko sa Sunday..nong last year pa dapat to kasabay ng birthday ng nanay ko kaso na lockdown ulit..kaya hanggang naurong na ulit..gusto ng nanay ko mabinyagan muna apo niya bago sya umuwe.. Akoy gutom na nagluto na lang ako ng saup para madaliang luto na din mayang hapon na lang magluto ng ulam..anong ulam niyo mga mate..makikikain ako..hehe..magandang hapon po...#noisecash
Nguya-nguya muna tayo habang nag nonoise no po sarap nito bagong luto spicy flavor..katatapus lang namen maghapunan at gawa ng naubos na wala akong content na hapunan hehe so buti meron ako nito sa mga nag aaral dyan naniniwala ba kayo na ang mani ay nakapag tatalino.. Pag saken naman hindi kasi pag matilino talagang matalino..ako sapat lang ang talino ko hehe..boss namen dati nagkwento na nag aaral daw pamankin niya ng abogasya ee ang katabi mani..habang nag rereview kaya…
Kahapon pa sila nagpapabile ng cup nodles di naman ako bumile nong namile ako.. Di naman madalas ako kumakain na ito dahil di maganda sa katawan pag laging kumain ng mga ganito instant ba..ones in a month lang naman.. At dahil malamig ang umaga namen at maagang nagising ayan cup nodles sila..flavor nito seafood spicy yong panganay ko chicken flavor naman sa bunso ko..gusto nila yan..anong almusal niyo noise.cash kamusta po umaga ninyo? Prayer for my visayas and…
Kagagaling lang namen mamalingke sinama ko yong Ate at si bunso kasi para makalabas lang at makapaglakad-lakad maganda naman panahon kaya sinama ko na bumile pati akong bigass. At pang ulam na paa ng manok aadobuhin ko at laman din para pang laga ko ko.. Natuwa naman ako sa bunso ko kasi imbes ituro mga laruan..yong tinuro niya sabang saging hehe..marunong naren pumile ng gusto..pagdating dito sa bahay hiningi nya na agad yong saging..kain daw sya..ipiprito ko mamayang hapon…
Nagpalinis ako ng bubong ko kasi pag humahangin humahampas sa yero yong sanga ng kamansi na tanim ng kapit bahay ko ngayon may bunga na isang piraso medyo mura pa yong bunga...at pag ganun perfect sabawan kasi pati buto makakain..di ko tanim yong puno..pero lagpas na sa bakud ng may-ari at nasa..bakuran ko na yong bunga haha mabait naman kapit bahay ko na yon sayang ang bunga pag itatapon lng..kaya ito binilhan ko ng manok at nilaga ko..ang sarap ng sabaw..kain na tayo mga…
Yong pinatulog ko tapus module sabay kami humiga pero ako pala pinatulog lang tapus ayon sya naglaro na..haha batang to..tapus sabi o my gosh ma..gising kana agad hahaha wala kasi bunso niyang kapatid nandun sa tita..hintayin niya daw umuwe bago matulog.. Meryenda na tayo mga mate saging nilaga ko sarap sa kape kahit super init..magandang hapon..
Nalulungkot ako sa mga kapatid nating naapektuhan ng bagyo..mga off ng mga cp..super lakas ng hangin yong mga hagip lang paano pa kaya yong sa sentrong mata ng bagyo..napanuod ko sa yt super lakas niya ulan at yong hangin.. Sa mga noise friends ko na apektado ng bagyo naway nasa mabuting kalagayan kayo maging alerto po lalo ngayon gabi..pa..KEEP SAFE PO SA INYO LAHAT. pray na sana mawala na ng mabilis..Have safe evening po sa lahat..#odette #keepsafe #noisecash
Before i go to sleep..gusto ko manalangin sa mga kapatid na hinahagupit ngayon ng bagyong odette na sana mabilis ang pag alis ng walang masayadong mapinsala.. Lord maraming nagsasaya ngayon kasi ang pasko ay mararanasan na muli ng karamihan na halos dalawang taun na di naipagdiwang ng karamihan sa amin pero heto ulit yong panibagong pagsubok na haharapin ng mga nasalanta ng malakas na bagyong odette Lord wala man po akong kakayahan para may maitulong po sa…
Mgandang umaga po mga kaingay..kamusta umaga naten..manatiling nakaalerto po sa kabisayaan at mindanao KEEP SAFE PO. Ate at Bunso. Mga walang tulog to kahapon kaya ng pagkahapunan kagabi maya maya non pinatulog ko na sila saktong alas 8 kagabi mga tulog na..pagud kakalaro..kagigising lng nila..pinapili ko kong anong gusto nilang almusalin para sa pag order ko don sa nagaluto ng almusal..pancit ang gusto pero wala non kaya yan na lang daw.. Pancit palabok..almusal namen..kain…
Panahong makulit" ngayon super kukulit hehe masaya ang bahay pag maingay kasama narin ako sigaw dito sigaw duon hehe..kalat dito kalat duon..relate naman sa mga nanay dyan hehe..pag mga tulog naman namimiss ko ang ingay..pag maingay naman naririndi ako..pero pasinsya is laging mahaba para sa kanila para na eenjoy nila yong ganun..kasi mga bata sila..wala namang ibang gustong gawin yan ay puro laro..bilang magulang HANDA LANG AKONG GUMABAY HABANG SILA LUMALAKI.. Anong ulam…
TINOLANG ADIDAS Kain po tayo mga mate..ang dalawang bulinggit ko ay nag la-lunch na..adobo dapat ang gagawin ko dyan sa paa ng manok pero nag request panganay ko na tinolahin na lang para daw may sabaw..paborito nila yan..gusto nilang may nginangata sa paa ng manok.. Alam kung gusto nila yan kaya kahapon bumili ako ng kalahati 60.. Happy na sila dyan..Let lunch po kagutom na ren.. Thank you sa mga tippers ko..natigil po kasi yong tip ko haha bawe na lang po ako if meron na…
Naglinis ako ng bahay ngayon lang magkakape sabi ko ang dilim na pala' di pa pala ako nagkakape..kahit malapit na ang hapunan, mas gugustuhin ko munang magkape para kompleto ang hapon ko.. Ang panahon ngayon ay heto umulan at malumanay ang ulan pero wala namang hangin..dala na rin ito ng bagyong Odette..may nag chat saken na ang lakas ko daw na bagyo haha..nickname ko kasi is BODDET haha so sabi ko anong kaugnayan ko don..tapus sabi niya malaki kaya pinsala mo..sabi ko may…
Yong panganay ko napapansin ko maghapon na tumataghim di naman madalas pero pag ganun kasi parang naririnde ako..mga nanay sis ayaw na ayaw kong tumataghim or inuubo..kaya heto at patulog naman na siya Hiniwaan ko ng sibuyas at itatabi ko sa ulunan niya para habang tulog siya naamoy niya yong sibuyas.. Inubo din kasi to nong isang buwan..matigas ang ubo non at medyo may tunog na nga balak ko ng ipacheakup so nong gabi naisip ko tong sibuyas na sabi ko e try ko muna sya isang…
Nag chat leader namen sa Cell-group namen na kakanta kami ngayon pasa sa simbang gabi DAWN WATCH kahit wala kaming practice go lang..at kakauwe ko lang galing ng church...kuha ito sa church for last prayer..na. Ngayon lang talaga nakita kung gaano kalakas ang bagyong odette halos lahat ng dinaanan walang pinatawd..mag papasko tapus ganun pa...hay sana makabangon agad kahit mahirap... Magandang umaga po..akoy maagang mamalingke ngayon marami akong gagawin..ingat mga…
Nagutik-utik na kong mamile para sa binyag ng anak ko bukas..nakadalawang balik ako sa palingke buti at malapit lang..para bukas mag luluto na lang para di na aligaga sa oras.. Bumile na ren ng pang ulam ngayong tanghalian..akoy nagutom na bigla kakapagud pero naisep ko para sa bunso ko ito masaya akong ipaghanda siya dahil ito parte ng pagkabata niya..mahalaga madidicate sya.. Anong tanhalian naten dyan mga mate..anong ulam naten dyan..:-) #happylunch #noisecash
Magandang umaga po noise.cash friends Namiss ko kayo dalawang araw akong di nakapag post gawa nong nag asikaso ako sa dedication ng bunso ko..salamat sa Diyos at natuloy din..di ako naghanda nuong 3'rd Birthday niya..sinabay ko na lang sa binyag niya para isang handaan lang..sabi nga ng bunso ko birthday niya paren hehehe Katuwang ko sa pagluluto yong hipag at bilas ko..yong salad galing sa bilas ko..yong biko naman galing sa hipag ko.. Kamusta na po kayo mga kaingay sumilip…
#uban #haponnanaman #noisecash Blessed afternoon mga sis/brad ko here in nois.cash Habang nananalamin ako napatawa ako na meron akong nakitang puting buhok (uban) sa mahaba kong buhok di ko alam kong marami pa hahaha napapadasal ako(Lord ang bata ko pa po para magkauban hahah) Ako kasi nong elementary days ko lagi akong nakatali ang buhok kahit kakaligo ko lang..naisip ko baka dahil don..hay pag may ganto na talagang uban patanda na talaga haha.. Kain na nga lang tayo tasty…
Bago tayo matulog..ipanalangin natin yong namumuo na namang LPA sa labas ng pilipinas na kung pumasok sa PAR ay tutumbukin na naman ang mindanao" na nag sisimula pa lang bumangon sa nagdaang bagyomg Odette.. Na sanay malusaw na at di na maging ganap na bagyo.. Nag iiba na ang panahon lumalakas ng lumalakas ang mga bagyo sa mga taong dinadaanan naten..ang lagi lang naten gawin maging handa sa lahat ng pagkakataon..dahil ang sakuna gaya nito mahirap tan-tsahin. .BE BLESSED' BE…
Mukhang malakas acid ko..kaya nag init ako ng tubig inom muna ako nito bago magkape para madighay ko medyo madami akong nainom na ma'acid na food nitong nakaraang araw. Kamusta umaga niyo guys malamig umaga ngayon parang aaraw maghapon yong alaga na mga ibon dito masayang masaya.. Balak kong maglaba pero gusto ko munang pumunta sa bus terminal..para kumuha ng tiket ng nanay ko hay sana wala ng hihinging requirements..ayaw ng nanay ko sa eroplano hehe..parang ako takot sa…
Kakain muna ako bago ang gawain..ganito din inalmusal ng dalawa kong bulinggit..den gatas.. Nag hahanap ako ng lugaw pero wala ng mabilhan di ko naman mood magluto..kaya ito muna sa almusal.. Ano bang uulamin niyo mamaya maya kaingay? Siguro saken di po pa alam kung matutuloy ako going cubao..malalaman ko yan mamaya hehe sa ngayon kape muna ko habang nag iingay dito kay noise..kain po tayo.:-)
Wala naman akong mapopost na ulam dahil ubos na hehe ang naalala ko lang picturan itong kimchi na bigay ng bilas ko..at masarap tagal ko ng gustong kumain nito kaya sakto lebre na haha.. Ulam ko bigay lang din isda na sinabawan..sinigang..na nilagyan ng mustasa at sigarilyas..solve ang tanghalian namen anong inyong pananghalian dyan? Sino may desert haha happy lunch po sa inyo #noisecash
Tamang kape lang sa maghapong labada ariy likod na ay masakit..ee para naman mawala ang pagud ko kape muna..sawsaw sa mainit na kape at tiyak hehe bakit ba ganire ang aking accent..dala lang siguro ng pagud ee.. Gusto ko lang e share yong nakakatuwang sandali habang ako ay nagbabanlaw..mabilis lang ang kilos ko lalo malakas ang tubig..hehe may lumitaw na bente pesos sa tubig..ugali ko naman talga minsan nakakalimutan kong may mga pera ako sa bulsa..napangite ako sabi ko…
Ginising ako ng dalawang bulinghit ko...anong oras na kasi akong nakatulog kagabi ewan ko ba di ako dinalaw ng antok..anong oras na nakatulog..yong dalawang anak ko nagising mas nauna sa akin..ginising ako binigyan ako nitong biscuit kain na daw ako..kaya ayon natuw ang nanay..haha..bumangon na ren ako para mag kape..kasi nag aalala na bunso ko kain na daw ako.. Happy morning po sa inyo mga friends..katamtaman lang ang lamig ngayon..anong almusal naten dyan..
Habang naglilinis ako napansin ko tong drawing ng anak ko hehe..talagang nakaayos pa kasi hinanger nya pa..di sya mahilig sa art..pero tinatry niyang mag drawing dati kasi parang tingting lang na walis drawing nya ng tao..pero ito mukhang nagkakalaman na..hahha tinanong ko sya kung sino to..sya daw yan mayroon daw syang power hehe..wag ko daw tanggalin sa hanger para di magusot.. Ako linis linis ng bahay kayo mga mate anong gawa niyo..ako nag iisisip pa ng uulamin..mauuwe to…
Di ko inaaasahan na napahaba ang tulog ko aba recharge talaga..maganda rin naman talaga nakakatulog sa hapon..dahil na rin Siguro sa pagud ko..ang trabaho din ng kakalabas ko ng sinampay tapus ayon ulit ulan di pinaw na naman..hay nong umaraw ulit di nako naglabas tinulog ko nalang hehe.. Meryenda tayo guyys canton nilagyan ko sardinas tapus..gulay masarap na kanina ko pa niluto to ito na din kinain ko nong tanghalian..di nako ng kanin nagutom ulit ako kaya kakain na ako…
Habang nagpapatunaw ng kinain..kain muna ako nitong masarap na suha..kahapon lang ako nakatikim ng suha na ito tinda ng hipag ko bumili na agad ako ng dalawang piraso..kulang pa nga saken yong isa..haha.. Sinawsaw ko sa siling haba na maanghang tapus suka at asin..yummy :-) Anong hapunan niyo noise.cash friends nakakain na ba kayo?
Ready na yong pang puto ko bukas..nakatuka kasi samen yong puto..Cristmass party namen bukas sa church yong mga ka group ko yong nag ambag para mabile yong kailangan sa gagawen ko akin yong gas at syempre yong pagod hehe pero ok lang din masaya naman for party namen.. Maaga na akong matutulog at ako ay makanta pa sa church bukas sa simbang gabi.. Godbless you guyyss sa walang sawang pag titip po..salamat po ng madamng madami..#owncontentNeria31 #noisecash
Maaga akong bumangon dahil kami ngayon ang naka schedule choir sa simbang gabi medyo antok pa pero natanggal naman. Magandang umaga mga ka noise.cash friends kamusta umaga niyo dyan ? Akoy kagagaling magsimba ng simbang gabi.. Kuha ko to habang pababa ako ng church namen maganda panahon ngayon mga mate.. Be positive always:-) #Blessedmorning #noise.cash
Kain tayo nitong masarap na sopas mainit-init pa..binle ko sa kapit bahay ko..na nagtitinda ng almusal.. Yong aking bunso na nagtatampo kasi nagising sya wala ako sa tabi niya..nong dumating ako galing church di sya lumapit sa akin..tinatalikuran ako..ganyan yan pag umaalis ako matagal kaya todo suyo ako niyan..lumapit lang sya sabi ko picture tayo at ipapadala naten kay tita..hehe ayon ngumite at lumapit selfie kaming dalawa happy morning guyys..:-)
Katatapus ko lang magluto ng puto 100 piraso ito Inumpisahan ko ng 9 hehe tagal kong natapus..ito dadalhin ko sa christmass party namen mamayang alas 3..may time pakong matulog..nap konte para mamaya sigurado pagud.. Kamusta pananghalian niyo..sunod sunod christmas party namen bukas sa HOME OWNERS naman..masaya pag punong abala tayo nalilimitan nating may problema...magandang hapon po..
Bago ako mag papaka busy mag aalmusal muna ako ng subra kong puto kahapon..best e partner sa kape.. Nag agahan na ba kayo noise.cash friends..? Ako mamalingke mamaya may order pa na puto medyo di ko na sana gagawen pero dahil kapit bahay ko naman at gustong gusto niya yong puto ko.. Merry Christmas po sa Lahat...♥
Maligayang pasko po sa ating lahat sa inyo noise.cash fam. Kamusta po ang pasko natin kami po ay ok naman..kagigising lang duon na kami nag pasko sa pinagdausan namin ng christmas party enjoy ang mga bagets..maraming palaro.. Eto lang niluto ko kahapon..wala naman kasi makikikain lang ako sa maraming handa hahaha happy morning po..
So this is my lunch today..habang busy ang mga bagets mag ikot akoy nag papak ng gulay na ampalaya..solve naku dessert na lang mamaya.. Happy lunch po sa lahat..
Ready na mangolekta haha punta sila sa ninong at ninang..panganay ko nakalimutan ko magsabit ng medyas sa bintana na taon taon niyan inaabangan..haha..sa busy ng nanay di ko na naisip yon..will ok lang naman ang dami namang candy at chocolate napamaskuhan.. Ang pasko talga para sa mga bata..merry christmas again guys..♥ #noisecash
Napsarap ang tulog ko magandang umaga noise.cash fam.. Kamusta na po ang lahat.. Sadyang ang bilis lang ng mga panahon naten ano po.. Maya-maya bagong taon na! na sunod nating pag ka-abalahan. Almusal po tayo may tira pa akong chesse at tinapay ito almusal po tayo..#noise.cash
A blessed Sunday Afternoon.. Naiglip ako ng kaunte..pero napahaba ata..parang sarap na matulog ng matulog..ngayon hehe..lalo pat yong hapon ee parang inaantok din! Kamusta panahon sa inyo mga mate..di nako madalas nakakapagpost nitong paskong nagdaan.. Sa taon na ito naway mag tuloy tuloy na..yong ganito na free tayong makipagsiyahan sa karamihan..maikwento ko lang last christmas party ng aming samahan dito..nakakatuwa na madaming dumalo welcome lahat sa kasiyahang…
Breakfast! Ngayon palang mag aalmusal nitong masarap na champorado mainit-init pa binile ko lang sa aking kapit bahay ko dalawang luto lang meron sopas tsaka..ito mas bet ko itong almusalin..tsa sa mga bata. Nagising nako kaning 6am ngayon parang di ko pa bet bumangon tulog ulit hehe at kakagising ko lang..haha Kain tayo mga mate...anong almusal niyo mga mate..?
Korean Ramen! Sa ganitong malamig ang panahon..bagay yong ganitong maanghang na pagkain..hehe nanabik ako dito kasi dati di naman ako sanay kumain ng noddles nito kasi super anghan..pero kalaunan nasanay naren dila ko sa ganito pati korean food like kimchi..at seaweed nila na super sarap pag sinabawan kasama ang manok..ito talaga inuna ko kahapon nong namili kami..5 pack ang isang balot 210 sya may discount hehehe..nagluto ako jito kagabi yon na halos kinain ng pangananay ko…
Nagluto hipag ko ng kalabasang ginataan para sa tanghalian..nilahukan niya ng alimasag at hipon.. Kumain na ba kayo mga mate..tayo na at kumain sa hindi pa hehe..sarap ang gata tapus maligat pa yong kalabasa..busog lusog na naman akits.. MASAYANG PANANGHALIAN SA LAHAT.. #tanghalianna #noisecash
Katatapus ko lang sa gawaing bahay inuna ko lang labhan..yong mga panlakad..namen sa myerkules na ako maglalaba ng sangkatirba.. Habang nag papahinga ng likod snaks muna nitong piatos..pinartniran ko ng kape solve na meryenda.. Magandang hapon po..anong meryenda naten diyan..mga mate..
Bago matulog..naimbitahan mag inom ng soju..hehe nilagyan ng sprite at yakult para lang syan sofdrinks..mga mate..musta nag gabi naten ngayon habang palalim ang gabi lumalamig lalo.. mgandang gabi po..ingat mga mate sa lahat ng gawain..:-)
MALLOWS! BLESSED AFTERNOON po noise.cash fam kamusta po hapon naten..hmm sa amin medyo sumaya ang panahon nitong pahapon na umaraw guyys sakto sa labahin ko kahapon..matuyo na sya sigurado..mamaya Andito kami ng anak ko sa lamesa may pinapatapus ako sa module niya wala naman kasi syang gawa ayaw niya din matulog sabi ko tapusin niya na para makapglaro na..at ayon pumayag naman.. At dahil nagawa at natapus ito premyo ko sa kanya fav niya mallows na rainbow..di naman…
Maaga akong namalingke..inagahan ko na dahil may order sakeng puto para bukas namile nako ng mga gagamitin ko..para sa puto kasi nong minsan nong pasko nagkakaubusan na..para bukas magluluto na lang ako.. Ngayon pa lang ako kakain ng umagahan..ito ulam ko mag kakanin ako para busog akong mag lalaba hehe..tinatamad na sana kong maglaba pero mag new year na bukas..para walang labahin.. Marami na ding tindang prutas..bukas na lang ako bibile mg tig kakaunte.. Sana this new year…
Simpleng ulam pero super sarap..ADIDAS adobo spicy..kumain akong nagkakamay hay busog lusog talaga nkakawalang pagud ang masarap na ulam diba mga mate..hehe..oyster sauce lang nilagay ko tapus konting toyo..lang at pinalambutan ko sa marahang apoy..super lambot na.. Kain muna tayo mga mate late na..hehe..
Ang pangtanggal pagud ko Pag busy talga ako..di ko na sila halos maasikaso..hehe..gusto ko kasi pag may gawa ako ayaw kong naabala kasi pag tinigilan ko tatamaren nakong balikan..haha.. So habang may gawa ako..itong bunso ko lumapit sa akin nakayakap sa binti ko at may dalang suklay at pantali haha natawa ako sabi niya (mama tali mo ko hair..sabi ko mamaya na at may gawa pa ang mama..di sya umalis sa benti ko at nag PLEASE pa naman e di talo nako don hehe..naglalambing ee.…
Habang nag kukwentuhan kami..pag labas ko ng bunsuran, sabi ng mga anak ko may bugs daw hehe natakot bunso ko dito..kasi gumagalaw haha..ipis daw..may niyog kasi dito sa bakuran ko..nahulog siguro..di ko sakto alam kung anong tawag dito kasi mukhang makulay sya kesa don sa kadalasang nilalaro namen nuong mga bata pa kami.. Pamilyar ba kayo dito mga mate?
Chinarge ko na Speaker Blutooth ko haha..mag iingay ako bukas..medyo matagal kasi syang echarge kaya charge ko na sya ngayon..para bukas ready na sya sa bosses kong maganda Lol! Kahit naman paano may bosses tayo..hehe.. Ok na ganitong pang paingay sa loob bhay lang mariring..sana wag umulan no para maganda new year naten hehe.. Anong naka handang pang paingay niyo dyan mga mate...? Magandang gabi po sa inyong lahat..:-)