Tala at buwan
Malamig ang gabi Nagsungit ang mga tala Nag tampo magdamag sa buwan Dahil sa matagal na hindi nag pakita Hindi dahil sa di na mahal Kundi dahil sa mas maganda sila pag wala siya Maganda silaa sa mga hubad na mata Mga mata ng mga taong mapang husga Di alam ng karamihan ang katoohan Katotohan sa likod ng mga kinang Sa likod nitoy pangungulila ang mararamdaman Di man nila alam pero itoy ramdam ng buwan Nagpumiglas sa pagkakatali ng kaduwagan Binaybay ng matapang ang kalawakan Sinuong ang init ng araw makasama lang Ang talang walang silbi ang kinang kung wala ang buwan. Buwan na matapang at talang makinang Mga Nag papasaya sa mga taong sinakop ng kadiliman. Nagpapangiti sa mga taong umiiyak pag tulog na ang karamihan, Kayat ngumiti at magpakasaya aking sinta, Sila nga lumalaban tayo pa kaya.
No comments yet