read.cash Log in
@Evda

Accept who you are, what you are, and what you can do. Learn about your talent and skills and improve it. Story time ... Nag uusap ang Agila at ang pagong... P: Mabuti ka pa, tanaw mo ang kagandahan ng buong karagatan, nakakapunta ka sa matataas na lugar at kahit saan mo gustong puntahan. A: Hindi naman, ikaw nga naeenjoy mo ang tubig at lupa, at anytime pwede kang pumasok sa bahay mo. P: Gusto ko rin lumipad at makita ang lawak ng karagatan. Ano kaya kung ilipad mo ako sa iyong likuran? Pumayag naman ang agila at inilagay si pagong sa kanyang likuran at lumipad. Habang pataas nang pataas, maya maya ay napansin nitong medyo gumaan ang kanyang paglipad, nang mapalingon ang agila ay nahulog na pala si pagong. Sa kasamaang palad ay hindi nito nahabol si pagong at tuluyan itong bumagsak at namatay. Tanong ... Ano ang dahilan ng pagkamatay ni pagong? Si Agila ba? Dahil hindi niya iningatan si Pagong??? Syempre hindi. Yung pagiging mapag hangad ng sobra, walang kakuntentuhan, at inggit, ang mga dahilan ng kamatayan niya.... Kaya importanteng tanggap mo kung ano ka, sino ka, at ang mga kaya mong gawain. Mas importanteng pahalagahan ang iyong kakayahan at pagyamanin ito kaysa tumingin sa iba at ikumpara ang sarili sa kanila. Good Evening!!! Ito yung naging closing remarks ni Doc Jof kanina sa Orientation naming mga interns. Ayun nakaka tuwa lang. Minsan sa mga simpleng bagay o kwento eh may mga Realizations tayo. At nadadala natin ito sa ating buhay. Padaan lang. Keep safe po🥰🌻 Evda_🌻

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.