Sumisigaw na naman ang langit 🙁 Nagising ako sa lakas ng buhos ng ulan. Rinig din kung gaano kalakas yung hangin dahil dalang dala nito yung ulan. Kumbaga parang may beat haha. Grabi, simula kaninang umaga hindi pa ito natila ng husto. Dahil to sa bagyong kiko eh. Mas malakas pa siya kesa kay Jolina. Kaya pala kahapon eh sobrang kapal ng ulap. Yun na pala yon. Naka pasok na pala siya sa Philippine Area of Responsibility. Sabagay, di naman nakakapag taka na may bagyo at panahon naman talaga ng bagyo. Kaya lang sunod sunod naman, ang hirap pag ganun. Halos kababalik lang din ng Internet connection kaninang tanghali. Nakaka inis lang dahil may meeting kami ng umaga, nag load ako pero di kinaya ng data , mahina sobra. At ito na nga po, ibig sabihin malapit na mag start ang klase. Medyo nahirapan pa pumili kung anong kukuning track. Pero syempre dun tayo sa kaya natin hehe. Sana kapag nag start na ang klase eh hindi naman ganito, na bigla biglang mawawalan ng connection nang walang abiso. Nakakasira ng furture eh hahah. Maulang gabi po sa inyo. Sana safe po ang lahat. Grabi kasi yung kulog at kidlat, at kay kapal kapal ng ulap. Mag ingat po tayo, mahirap pa man din magkasakit. Ps. Yung picture medyo, last last month pa po ata . #Evda
No comments yet