read.cash Log in
@Evda more from that month

Grabe yung dami ng pulis dun sa gate ng subdivision namin... Parang di ka papalabasin😅 Nag punta lang naman akong palengke kanina, kaso yung palengke samin is part ng Caloocan and kami ay Part na ng Bulacan. Kaya mahigpit sila. Akala ko hindi ako makalabas kase sabi one person per every house lang ang pedeng lumabas pero hindi ako yung kausap nito that time sadyang narinig ko lang kasi palapit nako, yun pala akala ni sir (isang pulis) magkasama kami nung lalaking nasa unahan ko, which is hindi, and di ko rin siya kilala. Nakakahiya tuloy. Sabi pa "akala ko ayaw niyo lang mag sabay". May pahabol pa kaloka naman. Share ko lang hahah, first time ko kasi lumabas after mag ECQ ang M.M. Nakakainis, damay kami. Hati na naman yung araw ng pag bili bili. Ang hassle nun kasi baka biglaang maubusan ng stock. Bahala na nga. Kumusta po? Sa inyo po ba ganito rin kahigpit?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.