read.cash Log in
@Evda more from that month

Wala sa edad ang pag lisan sa mundo. Pag oras mo na, oras mo na talaga. Nakakalungkot lang kasi talaga, sa edad na 22, nilisan na niya ang mundo. Marami siyang pangarap, kung tutuusin, nagsisimula palang siya. Kaya lang, dahil sa di inaasahang pangyayari. Nawala lahat. Gandang gabi! Nakakapagod bumiyahe grabe!!! From Bulacan to Taguig... halos 6 hours yung byahe. Why naman ganon? Pero salamat parin at nakauwi ng ligtas. Walang pakong tulog simula kahapon huhu. Yung eye bags ko kumakaway na. Isa pa sa kinalulungkot ko eh, first time ko siya ma meet, tapos bangkay pa. At marami rin akong mga bagong nameet na halos diko na kadugo pero lam niyo naman pag pinoy, kahit malayong kapamilya kahit wala ng marka eh pamilya parin. Anyway, ayun, kaya habang may time pa at gumigising pa tayo sa bawat umaga, sikaping maging mabuting nilalang hanggat makakaya, dahil di natin alam kung hanggang kailan tayo hihinga. #ItsGoodToBeBack

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.