read.cash Log in
@Evda more from that month

Focused or distracted? Pano masasabi kung naka focus ka or distracted ka sa ginagawa mo? Share ko lang, kanina... Sa simbahan. Ang epic ng nagawa ko. Communion kasi yun, tapos edi nasa line na ako. Pagbalik ko, deretso ako dun sa upuan and lumuhod na. Syempre nakapikit ako nun nagdadasal, hanggang sa narinig ko nalang yung "magsitayo po ang lahat". The moment na pagmulat ko, narealize ko nalang bigla na, iba na yung nasa harap ko, which is yung harap ng nasa harap ko. Since nasa aisle ako, pag lingon ko sa kaliwa, nagulat pako then biglang sorry po hahahahah. Natawa nalang din si kuya. Nakakaloka , buti halos patapos na yung misa. Diko alam kung sa sobrang focus ko ba yon or distracted ako. Ewan. So ayun share ko lang, nakakahiya pero parte ng pagtanda yan hahaha. Remembrance ngayong taon. Nagising talaga ako sa katotohanang.... Basta hahahah. Anyway, lunch time na pala, so tara kain ^^ Ps. Ang cute nitong feather na to na naka attached sa dulo ng pen. Elementary days ang daming ganitong pen. Sayang wala yung favourite color ko ☹️ pero okay narin. Basta natuwa ako haha Peace out!

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.