read.cash Log in
@Evda more from that month

Kabanata πŸ“– Ang buhay ng tao ay parang nobela. Nahahati sa kabanata depende sa dinadala. Sa bawat pahina iba iba ang tauhan, Iba ang lugar maging ang karanasan. Sa paglipat ng pahina dapat laging handa Kung anumang dumating, pangit o maganda. Hindi tumutukoy sa itsura, ngunit sa dala Pagsubok man ito o grasiya. Lilipas ang maraming araw Mga gawain ay umaapaw Sakit sa ulo ang dala, Di mawawala sa eksena Humahaba ang nobela parang buhay ang tala Nagiging maganda ang daloy kapag ikaw ay masaya Inspirasyon sa marami kapag naka ahon sa problema Ngunit puro husga ang natatamo kapag nalugmok ka. Sa huli sa iyo parin ang desisyon. Dahil ikaw ang bida ng kwento mong puno ng leksyon. Huwag magpapatalo sa sinasabi ng iba. Tandaan mo, sa buhay mo ikaw ang bida. ... Umaga pa rin ngunit may nagtatanghalian na, Naalala ko lang, ganito yung ginagawa ko sa project ko nung high school. Hahaha usong uso sa mga Interactive Notebook. Kanya kanyang design. Nakakatuwa lang, ngayon kasi di na uso yung ganyan, bukod sa College nako, online na kase πŸ˜… . Nga po pala, kumain na po ba ang lahat? Kain na po yung mga hindi pa. Bawal mag pa gutom, mahal mag pa gamot. Haha. Magandang paTanghali 😊 Ps. May kulang ako sa huling post ko na sulat baybayin na nasa picture. Kulang ako ng " + " . Hahah salamat kay Sir @Kurumbot . #Kabanata #Evda

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.