read.cash Log in
@Errol.24 more from that month

Tula tulaan

PANGUNGULILA Ang problema ay dapat hindi tinatalikuran, Bagkos ito'y harapin upang mawala ng tuluyan Dahil walang problemang walang kalutasan Kung tayo'y marunong dumiskarte sa buhay. Sa paglipas ng panahon, maraming nabuong pangarap. Sa mga sandaling kayo'y inasam na muling makayakap. Sa pagmulat ng aking mga mata kayo'y laging hinahanap, Dahil sa iniwang alaala ninyong punong-puno ng galak. Sa inyong paglisan, labis kong dinamdam. Mga salitang inyong binitawan Tawanan, kulitan, sermon kasunod n'yan Oh! Aking mga magulang bakit kami'y inyong iniwan. Tanong sa sarili saan nagkamali Upang magdusa ng ganito kahapdi. Nawalan ng ina, sumunod naman ang ama, Anong saklap ang nangyari sa aming pamilya. Sa pagdaloy ng luha sa aking mata, Ang mukha ninyo ang laging nakikita. Iniisip na lamang pagsubok labanan, Dahil ang panginoon ay laging nandyan. TAGUBILIN NI INAY Pag-aaral ang unahin Bilin ni inang butihin Huwag munang magboyfriend Laging payo ng mga tiyahin Hindi ito para sa akin Kundi para sa iyo din Huwag mo sanang masamain Mga payo ko'y sundin. Ayokong danasin mo Ang hirap na pinag daanan ko Kaya giliw sana'y pakinggan mo Ang mga payo ko sa iyo Wala akong ibang kayamanan Upang ika'y aking pamanahan Liban sa puso kong nagmamahal Mga payo ko at pangaral. Kaya ikaw bunso ko Laging pakatatandaan mo Si inay ay nandito Handang umalalay sayo. ANG NAG-IISANG IKAW Sa di kalayuan ika'y aking natatanaw Mga ngiting nasaksihan ng aking balintataw Nasa tuwina'y aking inaasam, Inaasam na sana ako'y iyong matanaw. Ngunit sadyang kay pait ng aking kapalaran Mga ngiting pilit na inaabot ay ukol pala sa iba Na kahit lingunin mo man ako'y balewala lang Ngiti mo'y nagmumula sa kanya. Bakit nga kaya, sayo pa napako ang mga mata? Mga matang ikaw ang laging hinahanap Kung pwede lang sanang humanap ng iba Ngunit sadyang ika'y nakaukit na sa aking mga mata. Antayin mo't di maglalaon ay malilimutan din kita Sapagkat ang pagtingin ko sayo ay lilipas din parang bula. Ikaw ay mananatiling alaala sa aking gunita Ang nag-iisang IKAW na minsan sa akin ay nagpasaya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.