Limang taon ng pagsasama.
Limang taon na ako'y naghintay.
Limang taon na ako'y nagtiis kahit malayo tayo sa isa't isa.
Limang taon na ako'y di nagpatalo sa tukso kahit may pagkakataong ako'y bibigay na.
Limang taon na ako'y umasa sa pag- aakalang ikaw na.
At Limang taon na lumaban sa relasyon na ako nalang palang mag-isa.
Di man lang ako nainform, napagod ka pala?Pero bakit sa iba ka nagpahinga?
Di man lang ako na inform, sa iba mo pala tinupad ang mga pangakong sabay nating binuo.
Di man lang ako nainform na wala na pala akong babalikan pa.
Di mo man lang ako nainform na bumitaw ka na pala habang akoy kumakapit pa.
Masakit isipin na ang taong iningatan mo ng matagal, pinagtiisan, pinagpuyatan, pinaglaban at minahal, ngayon ay sa piling na ng iba nagpapahinga.
Wala pala sa taon at tagal ng panahon ang pagsasama. Di batayan para masabing siya na talaga.
Ito yung sinasabing pinagtagpo, pero di tinadhana, kasi kahit anong gawin mo kapag di para sayo, di magiging sayo. Matutong bumitaw kapag alam mong wala nang pag-asa at masakit na.
...and you will also help the author collect more tips.
Sissy im here na sa read.cash pero wala pa akong maisulat na article kaya basa basa muna ako ng mga articles mo. This is https://noise.cash/u/KinamayNiKaren just read this article. Ensheket