read.cash Log in
@Encarnation3456 more from that month

#everymorningisablessing Tanghali na siya nagising, pero nakakatuwa bilang nanay na di niya nakakalimutan ang dapat unahin gawin.. Ang pagbabasa ng bible.. after niyan saka ko siya tatanungin kung what verse o story nabasa niya.. Dun na magsisimula ang araw namin.. Malaking tulong din ang school nila sa nagiging spiritual growth ng mga anak ko.. kasi kung ako lang mag isa di ko kakayanin isa lang din akong marupok na tao at madalas nagkakamali nagkukulang.. Noong una pasok niya sa Christian school..12 verse agad ang kailangan irecite ng bata habang memorize dapat walang tinginan.. sabi ko "ano ba yan bakit napakadami ang bata mo pa kinder ka palang bat napakahaba"! Tanong ng isang nanay na wala miski isang kabisado sa bible..😔 Pero nagulat ako umuwi siya galing school at sinabing "mama nakapag recite nako" Siyempre ako natuwa at nagtataka paano niya nagawa yun.. Alam ko na ngayon kung paano nila nagagawa..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.