#nilagangmais #miryendamuna Buti dumaan si lola na nagtitinda ng mais.. Matagal na niya hanapbuhay yan malayo layo layo din ang nararating niya.. kwento niya, ayaw daw niya pumirmis sa palengke para pumwesto at maupo at maghintay lang ng bibili.. gusto daw niya kumikilos, naglalakad.. ang sipag niya! Puting mais ang lako niya ngayon, minsan dilaw.. basta puro mais lagi ang tinda niya.. Bumili lang ako isa dahil ako lang naman ang kakain ayaw naman ng mga bata gusto nila dilaw.. Matamis din kahit puti masarap lalo't may sawsawang asin..😁 Mais po tayo mga kamema!
2 comments
Wow tama ganyan dapat, wag lang maghintay kasi minsan walang nagpupunta na rin sa palengke di ba? Ok na rin maglakad-lakad. Exercise pa. San banda po b yan parang gusto ko tuloy bumili. haha.
Sarap naman ng mais. Eat well