read.cash Log in
@Encarnation3456 more from that month

#lovingnanay Sa mga ganitong okasyon o lahat ng okasyon na, ang pinakapagod na yata.. ang nanay.. Kahapon madaling araw palang ay namili na para sa lulutuin.. noong nakaluto na intindihin naman para sa ligpitin at hugasin.. Habang nagaalaga pa yan ng apo at habang nagtitinda rin sa kanyang sari-sari store.. Di ko malaman kung san kumukuha ng sipag si nanay sa katawan parang laging may energy at handang tumayo lagi para sa pamilya.. Pero dahil sa may edad na, di na napigilang maupo at pumukit na rin.. pagod ang kita ko sa mata niya kahit may tulong namin iba parin ang kilos niya.. ako napapagod sakanya.. Binili siya ng kapatid ko ng upuan kagabi bilang regalo narin.. tamang tama sa oras na gusto niya magpahinga may mauupuan siyang komportable.. Mas lalo ko napapahalagahan ang sipag at sakripisyo niya ngayong ina narin ako.. sobra pagaalaga niya sa amin kahit kami ay may kanya kanya ng pamilya.. sarap talaga na nandiyan ka lang lagi para samin.. Sana maging kasing buti mo rin akong nanay at masuklian namin ang mga paghihirap mo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.