Gandang gabi noisemate.. Tag ulan man kailangan ng dagdag kita kaya gumagawa pako ng ice candy.. minsan mabili minsan eh matumal talagang ganon parang weather lang pabago bago.. buko flavor pala yan sinama ko na rin ang tirang red mongo sa ref.. naalala ko diyan si manong ice drop na naglalako noon..😄
@Encarnation3456 in July 2023
Blessed morning noisemate.. Tunay nga yatang start na ng el nino dahil umaga palang dito eh kaalinsangan na.. Ang alam ko tag ulan pero nabasa ko sa balita simula na daw ng el nino.. Tulog pa mga bata at nag sasaing nako pero hindi ko pa alam ang iuulam..ehehe Kayo mga mate ano almusal natin diyan..? Kuha pala yan noong isang hapon kakaiba kasi kulay ng langit naalala ko si noise at pinicturan ko..😁
Gandang gabi noisemate..🤗 Malakas ang kulog at kumikidlat dito na may konting ulan mabuti na rin para kahit papano eh lumamig ang panahon.. Nakaluto na ba kayo ng hapunan mga mate? Ako eh kakatapos lang magluto ng okoy na kalabasa at gumawa rin ako ng partner na sawsawan.. siyempre nakita ko lang ang pagluluto niyan sa tiktak.. kaka scroll nakakuha ng idea tipid ulam.. Lumakas na ulan ayaw na mag uploadng pic..😅