Blessed morning noisemate.. Makulimlim na umaga.. sana di muna umulan ng makatuyo.. Ito pinabaon ko kay ate brey kanina ito na rin ang almusal ni bunso pag nagising.. Nuggets at sinangag dami kasi kanin natira kahapon kanin.. Happy Thursday..π€
@Encarnation3456 in December 2022
Meralco time.. Bago umuwi kanina dumaan na kami sa meralco si tatay na ang pumasok dahil senior ilang minuto lang nakapagbayad agad siya.. Marami advantage ang pagiging senior.. marami din dis advantage.. pero ang mahalaga ano man ang katatayuan sa buhay senior man o bata ay nagagamit ng tama ang panahon at buhay na meron ka..π
Mainit na hapon mga mate.. Sa init nga nakatuyo nako ng sinampay.. Pero bago magtupi makakain muna.. Adobo na may red bellpepper at patatas ang niluto ni nanay.. Kain tayo noisemate..π€
Isa sa handa ni tita kahapon yan.. tumikim lang ako ng konti dahil nabusog ako sa kaldareta at kanin.. Ngayon parang hinahanap ko kumain ng carbonara.. Totoo nga sinasabi.. "kumain ka na ng husto sa handaan dahil bukas may bayad na yan"..π
Pagdating namin galing school may paganito na sa lamesa uwi ni partner.. Miniryenda na ng mga bata sakin ang samalamig.. Saingan time na.. madilim na..π
Gandang gabi noisemate.. Kanina ng pagsundo ko sa school may nasalubong kami malakas na tunog ng tambol kala ko nga may parada.. tumatapat sila sa may mga tindahan at nanghihingi ng donation may kasama pang sayaw kaya nakakaaliw panorin medyo nakakabingi nga lang sa lakas.. Medyo level up ang pangangarolling.. Diyan ba sa inyo mate uso pa ba ang carolling..π
Gandang tanghali noisemate.. Monggo day kaya naman monggo ang niluto ni nanay ngayon.. Sa bagay kahit anong araw naman masarap ang monggo.. Happy lunch time noisemate..π€
Spaghetti time.. Nagluto kami ng miryenda.. May bisita ko ngayon nadaan ang kaibigan ko pinagluto ko nalang ng kung ano available sa stock namin.. kain tayo noisemate..π€
Gandang gabi noisemate.. Bago umalis kanina kaibigan ko pinagluto muna niya kami ng tinola.. siya na bisita siya pa nagluto..ehehe Ang sarap ng pagkaluto.. baka after 2years na kami magkita uli dahil paalis siya ng bansa.. Happy dinner time..π€
Pancit canton with pandesal.. Blessed morning noisemate.. Kakaikot at kakalipigpit ng aming maliit na bahay ay tinanghali nako ang bilis talaga ng oras.. Me time muna nagluto ako pancit canton pagkatapos nito mga bata naman ipagluluto ko tulog pa kasi sila.. Happy Sabado..π€
Kainan na.. Ang dami pa namin natirang tinola kagabi kaya naman ininit ko ngayon at may instant ulam na.. Binigyan ko rin sila nanay kami eh sabaw lang nakakakain na lalo mga bata kakapiranggot kung kumain ng karne..hehe Happy kainan sa inyo noisemate..π€
Fresh Dalandan Juice.. Dahil may mga ubo sipon kami naisipan ko magpabili uli ng dalandan.. Swak din sa mainit na hapon..π€
Gandang hapon noisemate.. May natira pang sauce kahapon ng spaghetti kaya nag laga ako ng macaroni ideal para may mamiryenda ngayon.. Kain tayo noisemate..π€
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo noodles na bagong luto.. Nilagyan ko rin ng itlog para mas masarap.. Pagkatapos nito labada time naman mamaya na uli ang cellphone..π Happy dinner time..π€
Blessed morning noisemate.. Almusal muna tayo bago magchurch.. Maaga kami aalis ngayon diretso na kila nanay.. Happy Sunday.. Nawa maging happy and safe ang buong araw natin GOD bless mga mate..π€
Bistek para sa masarap na tanghalian.. Kain na tayo noisemate.. Nakakantok na tanghali kanina umulan ngayon maaraw uli.. Happy lunch time..π€
Miryenda time.. Nakakaiinip kaya idaan nalang sa kain.. Bananaque kamoteque at turon.. Humahanap kami ng itlog pugo walang nagtinda iyon sana ang gusto ng mga bata.. Miryenda muna tayo noisemate..π€
Ginataang Papaya.. Inabot na kami ng gabi kila nanay may dumating din kami bisita mga pinsan ko buti sakto may tatlong papayang hilaw uwi ang bayaw ko kaya naigulay namin.. Kain na tayo noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Maaga nakabili si partner ng puto pang almusal.. Iniisip ko pa kung ano maipapareho dito tulog pa naman mga bata.. Makulimlim na monday hindi ko alam kung maglalabas na ba ko ng sinampay..π
Gandang umaga noisemate.. Gagawa ako ng sisig tokwa nagpabili ko sibuyas kay nanay at sili green.. ang isang sibuyas ay 18pesos na.. Prito time muna ko ng tokwa.. mabilis lang ang oras mamaya ay alas dose na naman..π
Sisig tokwa.. Mabilis lutuin at murang ulam.. Bawasan nalang ang sibuyas dahil mahal..eheh Nilagyan ko ng century tuna nakakatuwa hindi nahalata ng mga bata.. mas sumarap daw ngayon kesa sa nakaraang luto ko na walang tuna.. Kain na tayo noisemate..π€
Gandang hapon noisemate.. Miryenda time na tayo.. May uwi si partner na miryenda pizza combo.. Sabi ko dapat mamayang hapunan nalang bumili para tipid na..π
No more tuchang!!π Dahil waley pamparebond sa kulot kong buhok bumili nalang ako nito pampakalma ng aking hair lagi kasi naka alsa balutan..hehe Nagupit ko pa nga accidentally ung freebies pag open ko ng parcel kaya obligado gamitin ko na mamaya facial mask..π
Blessed morning noisemate.. Naihatid ko na sis ate brey sa school ito pinabaon ko sa kanya itlog na ginisa sa kamatis.. Kapag wala ng maisip na ulam o wala ng stock itlog ang takbuhan namin..hehe Thanks God for this wonderful day..π€ GOD bless mga mate..π€
Late almusal.. Dahil kakagising lang ni bunso ngayon lang siya makakapag almusal baka 2in1 na dahil mabigat sa tiyan.. lugaw na may itlog.. Saingan time na..π€
Gandang tanaghali noisemate.. Dahil birthday ko ngayon kakain ako ng masarap wala muna pagpipigil sa kanin..ehehe Nagprito ko ng tuyo at may tira pang kamatis na may itlog kanina.. Kapag ganitong pagkain sobra ko naeenjoy.. Happy lunch time sa inyo mga mate..π€
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo ng barbeque with sukang timplado.. Thank God sa nagdaang maghapon puno ng loved..
Blessed morning noisemate.. Maaraw na umaga.. Almusal muna tayo ng kape at pandesal almusal na hindi pinagsasawaan dito.. Happy Wednesday..π€
Sinangag para sa mga bagets.. Tulog pa mga anak ko pero kapag ginising ko sila at sinabi kong may sinangag sure babangon na sila.. Ito ang mabisang pang gising ko sakanila.. Buti hindi pa napanis kanin kagabi nakalimutan ko lagay sa ref..π
Adobo with papaya.. Walang patatas kaya papaya sinahog ni nanay pamparami din ng ulam na adobo.. Kain na tayo noisemate..π€
Habang nanood ng abot kamay ang pangarap meron kukutin dunating macapuno dala ng kapatid ko.. Kain noisemate pang tanggal antok..π
Creamy sopas.. Gagayahin ko sana sopas ng Jollibee kaso wala pala ko mushroom powder.. sayang di pa nga nakumpleto ang sangkap pero masarap pa rin ang kinalabasan.. ito na ang hapunan.. Kain noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Miryenda tayo ng pandesal at softdrinks.. Grabe alikabok dito samin ang hirap kapag may gingawang kalsada dumoble ang alikabok sa bahay.. Kahit maya maya punasan ang mga gamit meron pa din dumi.. Makakain muna at gagawa pako ng yelo..π
Gandang hapon noisemate.. Galing kami sa SM namili ng pang exchange gift sa SM lang kasi mabibili gusto matanggap ng kapalitan ng anak ko ng regalo.. ang dami tao ito nga sa pagod at inip ni bunso nagpabili ng buko.. sulit ang maghapon..π
Bago umuwi kanina nanlibre kapatid ko at pinakain kami mag-iina pabirthday na din daw sakin nong nakaraang araw.. Sinamantala ko na nga ang pagkakataon matikamn ang isa sa paborito kong ulam ang crispy kare-kare.. Ang sarap ng bagoong super love ko talaga pagkaluto nila.. Thank God sa maghapon puno ng pagmamahal at biyaya..π
Blessed morning noisemate.. Kung gaano kaganda ang sikat ng araw kahapon kabaligtaran naman ngayon dahil maulan.. Kuha yan kahapon sa clinic na pinuntahan namin sinamahan namin si hipag.. while waiting sa parking lot picture picture muna dahil sabik kami sa mga ganyan view.. Sana one day nasa likod bahay ko lang yan..π
Ito pala nabili namin kahapon pabango para sa ka exchange gift ng panganay ko.. ito wish niya makuha.. Dati ang exchange gift bahala na mag isip kung ano gusto ibigay sayo ng nakabunot.. ngayon sinasabi na kung ano gusto matanggap.. 200 pesos ang halaga dapat ng ireregalo pero dahil 240 ang halaga nito magbibigay nalang daw ang kaklase niya ng 40 pesos kay ate para masakto pa rin..hehe Parang nawala na excitement noh? pero sa kabilang banda natupad naman ung wish list atβ¦
Happy lunch time noisemate..π€ Ininit na bistek ang ulam ko ngayon nahalungkat ko lang sa ref.. mainam din talaga mahilig magtira tira para kapag ganitong wala ulam eh may makukuha.. Kain na tayo noisemate..
Gandang hapon noisemate.. Bumili nako ng ibang kailangan para sa Sunday may konti kami salo salo.. ng papauwi na kami meron nagtitinda nitong chicken skin.. nagpalamig na rin kami ni tatay.. nagpasalubong din ako sa mga bata ng isa baso masama kasi ito kapag marami nakain kaya tama na isang baso lang tikim tikim lang..π
Noisemate sino nakatikim na nito sa inyo.. Ito naisip kong gawing drinks sa Sunday kaya nag order ako.. malagyan nalang ng fresh cucumber para may pa effect o magandang tingnan.. Gustong gusto ko cucumber juice kaso madalang lang makatikim.. natitikman ko lang ito sa mga restaurant.. sana masarap at masulit ang bili ko..π
Ready na ang hapunanπ€ Ito na hapunan namin tinapay na may itlog na may hotdog.. Ito lang eh nakakabusog na.. Kain tayo noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Aga dumating ni nanay bumili siya ng baboy ibabad ko na ngayon para menuduhin bukas.. Happy Sabado sa inyo mga mate.. GOD bless us..π€
Fried rice and fried chicken.. Ready na ang almusal ng mga bata kaya lang mga tulog pa.. Kapag walang pasok eh ayos lang tanghaliin sure kapag gising ng mga yan gutom.. Nakakagutom din yata ang sobrang tulog ung gigisingin ka ng tiyan mo sa gutom..π
Bistek again.. May padala si nanay ulam..binawasan na namin ung pangmenudo bukas.. Nawa hindi ako pumalpak sa mga lulutuin ko ang gusto ko lang naman mabusog at masarapn ang mga kakain..π
Miryenda time.. Nagluto ako ng instant hotcake pang miryenda.. Perfect with margarine at sugar.. Kain tayo noisemate..π€
Dessert para bukas ready na..π€ Kapag may ganito salo salo pwede na gawin ang dessert sa gabi para bawas trabaho na para bukas.. Masarap din kasi kapag overnight na sa ref..π
Blessed morning noisemate.. Maaga nakaluto kagabi palang nakaready na lahat sa kaabalahan hindi nako nakapag post.. Ang hirap magpaka chef puro lang kasi ko tancha..ehhe Mamaya malalaman sa mga pinsan ko judgemental ang lasa kung panalo.. sa luto ko lang naman sila judgemental!π Nawa maging at safe at happy ang buong araw natin noisemate.. GOD bless everyone..π€
Gandang umaga noisemate.. Kakatapos ko lang gumawa ng fruity maja siyempre don ko lang nakuha tutorial sa efbi..hehe Di malalaman kung masarap nga talaga kung di mo rin gagawin.. Sana nga tunay na masarap mamaya ko tikman kapag malamig na..π
Kain tayo noisemate.. Kaldaretang di planado.. pumalpak ako sa niluto kong manok kay ginawa ko nalang kaldareta..ehhe Susunod papaubaya ko nalang kay nanay ang pagluluto..π
Spaghetti namiryenda namin kanina naubos din kakasharon.. sulit naman umuwi lahat na may bitbit at busog.. Happy ang Sunday..π€
Blessed morning noisemate.. Di ko pa natapos ang ligpitin ngayon umaga dahil may nagdaang okasyon asahan din ang mga ligpiting naghihintay na walang ibang gagawa kundi ako din..hehe Ito niluto ko ngayon umaga mabilisang luto almusal ng mga bata.. Happy Monday noisemate..π€
Miryenda muna ang ferson tirang cake kahapon.. Nadeform na nga dahil sa palstic ko lang nilagay kahapon.. Dahil ayaw ng mga bata nito masosolo ko.. Kain tayo noisemate..π€
Dahil lahat kami may sipon advice ng friend ko mabisa daw ito gamot sa sipon.. Doble ingat mabilis makahawa..
Preparing for exchange gift.. 100 pesos exchange gift nila bunso kapalitan daw niya eh mahilig mag drawing kaya ito naisip namin iregalo.. sana magustuhan ng classmate niya..
Miryenda time.. Kain tayo noisemate may tira pang salad medyo matigas na at mala ice cream na.. Mas masarap ang salad kapag paubos na..π
Pepino at lemon.. Nitong mga nakaraang araw tamad ako mag iinom ng tubig hindi kasi ganon kainit ang panahon bihira makaramdam ng uhaw.. kaya nag resulta ng constipation.. naisip ko para maparami inom ko ng tubig malagyan ng lasa.. pero sa mahal ng pepino at lemon dito mukang minsan ko lang magagawang bumili.. pipilitin ko nalang uminom ng tubig..π
Kakatapos lang ng malakas ng ulan dito biglang buhos buti nalang at walang kasamang malakas na hangin kundi mababasa ako sa labahan sa likod.. Kakatapos ko lang din maglaba bukas sampay nalang sa labas.. Itong mga kasama ko mukang wala pang mga balak magsitulog.. Good night noisemate bukas uli akoy magpapatulog na ng mga batang online..π€
Blessed morning noisemate..π€ Ready na ang baon ng mga bata exam pa nila ngayon at tuloy practice para sa presentation sa Christmas party.. Maghahatid muna ko sa school mamaya uli.. GOD bless mga mate..
Isa sa exciting part ng Christmas party ang exchange gift.. lalo na kung makita mong natuwa talaga ang iyong kapalitan.. Done nako sa pagbabalot ng regalo.. panganay ko nagbalot ng malaki ako sa maliit.. sayang at hindi talaga ko expert sa pagbabalot nakakadagdag ganda pa naman sa panglabas na itsura.. dagdag points kumbaga..π
Dahil ako lang mag isa kakain naglaga lang ako ng talbos ng kamote plus may masarap akong baggong sa ref.. solve na ang lunch.. Happy lunch time noisemate..π€
Miryenda time.. Uwi ni partner bibingka.. Tara ka noise kain tayo.. konting oras nalang sunduan na ng mga bata..π
Kain tayo noisemate delatang meatlop ang ulam.. Tipid tipid muna at madami gastos.. Thank God nakaraos muli ang maghapon.. Happy dinner time..π€
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng buchi.. ang buchi-buchi nakalakihan ko.. ito ay may palamang monggo sa loob.. Speaking of monggo namimiss ko na mag ulam non.. Happy Wednesday..π€ GOD bless mga mate..
Walang pang friday pero iaadvance ko na ang monggo day.. namiss ko to.. dati 25 pesos na monggo medyo malaki ang repak ngayon ang liit na.. Cooking time muna mga mate..π
Kainan na tayo noisemate.. Monggo at fried tokwa.. Simpleng gisa gisa lang may masarap ng ulam.. Happy lunch time noisemate..π€
Wentong Buko Pie.. May pa sorpresa si tito di kasi siya nakapunta ng Sunday.. isa sa mga hilig ko ang mga pie.. Mapa buko pie.. egg pie.. mango pie.. lahat yata ng pie masarap..ehhe Kain noisemate..π€
Monggo with powder milk.. Ito na hapunan ko ngayon nagbukod ako kanina ng nilagang monggo saka ko nilagyan ng gatas at konting asukal ngayon.. Kain muna bago maglaba..π
Blessed morning noisemate..π€ Almusal na tayo ng pritong itlog.. Christmas party ng mga bata ngayon kaya excited sila bumangon.. last day na din ng pasok by January na ang balik.. Nawa maging happy and safe ang buong araw natin mga mate.. GOD bless..
Mainit na hapon noisemate.. Nag general cleaning ako kasama mga dingding.. kung meron hindi nauubos sa bahay namin eh alikabok na un sinamantala ko na kanina habang wala mga bata.. ang ending nalate ako ng sundo sakanila.. kapag inatake ng sipag di mapigil kapag dumapo naman si katam ay hirap kumilos..π
Gandang hapon noisemate.. Ito nakuha ng anak kong panganay sa exchange gift nila agad ko nilagyan ng battery ang ganda.. mas lalo siguro mamayang gabi.. mas okey sana kung rechargeable para tipid battery..π
Bida ang saya.. Iyan ang food ni ate kanina sa party di kinain dahil may ulam na dala teacher niya na ambagan din nila.. Kaya di nako magluluto ngayon si bunso may tira din.. Saing time muna..π€
Blessed morning noisemate.. Maingay na umaga dito samin dahil binubutas ang kalsada para gawan ng kanal.. ramdam sa loob ng bahay ang nginig ng lupa.. Nawa mabilis matapos.. May ulam na.. gigisahin ko lang yan para mamayang tanghalian.. Happy Friday noisemate..π€
Tortang talong.. Ngayon palang kakain nabusy ang ferson..ehhe Kanina may naglako dito apat na piraso 25 pesos per tali bale 4 na piraso.. bukas ko na iluto toge..π Kain tayo noisemate..π€
Gandang hapon noisemate.. Mainit at maingay na hapon dito sa amin may ginagawa sa kalsada natamaan pa tubo ng tubig namin kaya wala din tulo.. Sana maayos agad hirap ng walang tubig..
Miryenda time tayo noisemate.. May uwi si partner buko shake nakisipsip nalang ako kay bunso..π Makapag laba muna kahit mauan.. biglang ulan dito samin..
Gandang gabi noisemate.. Natahimik din ang paligid pwede na makapag hayahay.. Ito pala ulam namin kanina ginataang laing.. Libre ng pinsan ko pinakain kami sa labas.. Sa kabusugan eh inaantok nako.. Good night noisemate sa mga matutulog na..π€
Blessed morning noisemate.. Ang hirap mag bigay ng good vibes kung may bigat na dinadala.. dumating na kahapon ang sweldo ni partner at thanful naman ako may pambayad na kami sa mga judith.. kaso eh walang sobra para sana sa mga gusto ko bilin para sa mga bata at pamilya ko this Christmas.. Pero ganon pa man pasalamat ako at may pambayad sa mga basic namin bayarin.. Mahirap maghanap ng wala noh? kaya sana dapat makontento nalang ako at magpasalamat.. mas madami mabigat naβ¦
Kain na tayo noisemate..π€ Kakagising lang ng mga amo ko este mga anak pala.. Pinag prito ko ng itlog hotdog at talong 2in1 na almusal nila at tanghalian..hehe Happy lunch time..π€
Naisip ko lang baka magustuhan ng anak ko kainin ang saging kapag ginawang shake kaso eh mali pala ako din pala ang uubos..ehhe Nilagyan ko ng fresh milk at isang saging para sakin eh masarap naman.. sa anak ko eh napipikit pa.. ewan parang humihigop ng suka ang itsura..π
Gandang gabi noisemate.. Kararating lang namin gaking grocery namili ng konting paninda pagkaraan nanlibre si hipag sa tapsilogan.. Ito inorder ko pares ang sarap at sulit.. Linis muna saglit at kailangan ko na magpatulog ng mga bata maaga pa bukas para mag church.. Good night sa mga matutulog na diyan..π
Pritong galunggong.. Late lunch na pero ok lang dahil masarap ang ulam.. Masarap na kainan lalo salo salo ang buong pamilyang maingay..ehhe Ingay namin kapag sama sama..π
Gandang gabi noisemate kamusta maghapon nyo.. Bago kami umuwi pinakain na kami ni nanay ng hapunan.. Bumili nalang kami ng maling at ayan solve na ang hapunan.. Bilis ng oras tapos na naman muli ang maghapon.. Nawa naging happy din ang buong araw nyo..π€
Gusto ko gumawa ng Royal bibingka ni aling Esie Austria nakita ko lang sa youtube.. bukas sana makumpleto ko ang mga ingridients.. Matutulog nalang pagkain pa rin ang nasa isip..ehehe Thank God sa maghapon nakaraos muli.. Good night noisemate and GOD bless us..π€
Blessed morning noisemate.. Kahapon sa besco nakita ko na ang matagal ko nang gustong mabili.. Itong lalagyan para sa maliit kong oven ang liit kasi ng oven namin 17 years na di naman masiyadong nagagamit.. May mga gusto ko lutuin gamit ang oven pero wala akong ganito.. sa halagang 139 pesos malalaman ngayon kung good ba gamitin.. Gagawa ako ng royal bibingka sana wala ako masayang na ingridients ngayon bawal ang pumalpak..π
Kapag first time talaga may kaba pero bahala na dito ko matututo kung magkakamali man..hehe Ilan minutes lang luto na ang royal bibingka..π
Kain na tayo noisemate ng sinigang na baboy.. Isa sa tipid na ulam kung marami ang kakain dahil ulam palang eh ulam na..π
Ito na ang bibingka ko ginawa kanina.. Nasunog ung ibabaw kaya tinuklap ko nalang part na sunog bago kainin.. Masarap naman pero the best kung may toppings pa..π
Wento ko lang ung kahapon.. Bumili ko ng tela at mga gagamitin sa pagpapatahi ng uniform ng mga anak ko nilagay ni manong sa plastic bag ang pinamili ko.. Nang nakasakay nako ng tricycle napansin ko butas ung plastic bag.. chineck ko isa isa kung may nalalag ba at meron ngang nawala.. ang bitones kong binili nalaglag.. di kona nabalikan sa mga dinaanan namin dahil umaandar na taxikel.. Reminder: check muna plastic bag lalo na kung manipis para iwas mawalan..π
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng kakanin.. ang tawag yata dito ay suman sallyah.. sa tatlong piraso 25 pesos at tiyak na masosobrahan sa sauce dahil maliit nalang ngayon ang pagka gawa parang gadaliri nalang ang laki.. Hindi lahat papalaki meron ding papaurong o papaliit.. Para siguro mababa pa rin maibenta.. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon ang hangin pa kaya tingin tingin sa sinampay baka may nalaglag na..π
Yummy cookies..βΊ Gumawa kapatid ko ng pang extra kita nila this month nagbaked sila ng cookies.. Masarap di katamisan at chewy ang pagka gawa.. Bumili ko ng dalawang balot kaya ito miryenda namin ngayon.. Kain tayo noisemate..π€
Gandang gabi noisemate.. Ready na ang hapunan ginisang cornedbeef at sinangag.. kain na tayo! Happy dinner time..π€
Blessed morning noisemate.. Tinapay at keso ngayong umaga.. Dahil tulog pa mga bata maya maya ko na sila ipagluluto.. Ang bilis ng araw ilang araw nalang 25 na.. Di ko alam kung maeexcite o kakabahan sa gastos..hehe Dapat isipin ko nalang ang totoong diwa ng kapaskuhan..
First salang palpak hindi kumapit ang leche plan sa puto..pano naman kasi masiyado kong excited hindi ko napahiran ng butter ang lanera bago lagyan ng mixture.. pero siyempre walang masasayang kakainin yan ni bunso kahit ganyan.. Nagsalang nako pangalawa sana maging success na..π
Gandang gabi noisemate.. Biglang buhos ang ulan dito nagluto ako ng ginisang kamatis na may itlog.. tira kanina puti ng itlog sa ginawa kong lecheplan dinagdagan ko nalang para magka dilaw man lang.. Sakto may chicharon baboy pa kami.. Kain tayo noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Tamang kape muna habang di pa alam ang lulutuing almusal.. tulog pa naman mga bata.. Happy Thursday noisemate..π€
Lutong menudo.. Bumili lang kami ngayon ng lutong ulam dalawang order eh 80 pesos lang at lasang pang fiesta na..hehe buti nadiscover ni tatay ang karinderya na un.. Sure sobra pa samin yan may pang miryenda pa..π Kain na tayo noisemate..π€
Miryenda tayo noisemate.. Pizzang mas masarap kapag toasted.. Perfect sana sa kape kaso iniiwasan ko uminom ng may matamis omainit o sabrang lamig masiyado ng sensitive ang ngipin..π
Blessed morning noisemate.. Bumili ko last last week ng pag kulay ng buhok dahil walang budget pampunta sa salon.. Kaso di ko pa maituloy may kaba dahil first time ko palang mag diy.. Ano kaya tutuloy o ano..π
Gandang hapon noisemate.. Ito first regalo ko nareceive this Christmas galing sa grocery binibilan namin araw-araw.. Sure kayo din mga mate marami dib marereceived galing sa mga suki natin.. Kahit ba simpleng kalendaryo o wallet eh nakaka happy na..π
Ready nah..namili kapatid ko ng pang regalo at sakin pinabalot.. ako eh gusto ko man din mamigay ng gift sa iba kaso wala nako extra budget.. kahirap sa loob..hehe At least naranasan ko magbalot ng regalo ngayon sana matuwa ang mga mabibigyan nito..π
Blessed morning noisemate.. Naalala ko last year ganitong panahon napaka ingay sa dati nating bahay..noisecash.. Isang taon na rin ako nag iingay..hehe Salamat sa inyo noisemate.. Luto muna ko ng kaldaretang manok.. Sa mahal ng bilihin parang gusto ko na isama balat kung lalo na sibuyas..ehehe Pagkatapos ko nito punta nako kila nanay.. Happy Saturday noisemate..π€
Luto na ang kaldareta sa gata.. Tancha tancha at nakapa din.. Mukang di na abutin to ng noche buena..hehe Kain tayo noisemate..π€
Gandang hapon noisemate.. May nadaan sa harapan namin na naglalako ng mga laruan at may color game din.. Naibili ko nga pamangkin ko ng isa pati si nanay nakitaya din nananalo pa ng 5 piso..hehe Konting oras nalang hapunan na.. Ready naba ang noche buena natin diyan..π
Blessed morning noisemate.. Almusal tayo ng kakanin at mainit na milo.. Kamusta Christmas nyo nabusy kahapon di nako nakapag post.. Sana naging happy din kayo kahapon.. Ako happy naman pero may lungkot din.. iniisip ko nalang mga blessing na meron ako ang hirap kasi mag isip at maghanap ng wala nakakasama lang ng loob.. π Happy Monday..π€ GOD bless us..
Libre ni bunso.. Dahil sanay na umorder mag isa online nagulat nalang ako may tumtawag na rider..π
Blessed morning noisemate.. Pagkatapos ng mga de sarsa ito masarap namn kainin.. Pansit canton at itlog.. Kain tayo noisemate..
Miryenda time.. Ito miryenda ni bunso may sinat pa siya.. Gumaling na ang ate niya tapos ngayon si bunso naman.. Ang dali makahawa sa panahon siguro.. Ingat din kayo mga mate..
Gandang gabi noisemate.. Kain na tayo ang ulam namin ay tira lang kanina tanghali init init lang para ngayong hapunan.. Happy dinner time..π€
Musta noisemate.. Makulimlim na hapon.. May pasalubong ang panganay ko ng donnut tig isa daw kami ni bunso.. sinama kasi siya ng kapatid ko mamili.. Miryenda tayo noisemate..π€
Gandang gabi noisemate.. Lugaw muna kami para pagpawisan si bunso.. Nagluto lng ako ng konti pero mukang di pa namin mauubos.. may pang almusal pa.. Simpleng gisa lang sa luya wala ng sahog simpleng itlog sapat na..π
Blessed morning noisemate.. Saktong bukas ko ng tindahan kanina siya naman daan ni kuya naglalako ng puto.. Ang dami pagpipilian kaso ng sinabi niya 50 pesos na ito napili ko eh napahinto nako sa pagpili pa..hehe Mapapa aruy sa taas ng presyo..π
Tocino for hapunan.. Namiss ni bunso ang tocino.. Thank God di na siya nilagnat uli.. sipon nalang.. Kain tayo noisemate..π€
Blessed morning noisemate.. Iced coffee at tinapay para ngayong almusal.. Nakapaglaba na din ang ferson para pede na maghayahay bukas..π
Gandang hapon noisemate.. Feeling ko najackpotan ko nga itong sibuyas 30 pesos supot supot na .. 6 na pirasong maliliit lalagay ko lang sa sa macaroni salad..π
Bat kaya ganon noisemate naka ilan try nako ayaw mag success! Buti pa sa globe ang bilis.. Tama ba ko mga mate smart o tnt at sun isa lang pagreregisteran?
Blessed evening noisemate.. Happy New Year sa inyong lahat.. Habang waiting mag 12am bingo time muna..π€