Blessed morning noisemate! August 1 na...!! Nawa maging masaya at ligtas para sa bawat ang isa ang buwan ng August. May nakita kong mag-ina nagtitinda ng gulay naalala ko sakanila noong kami ni nanay ay naglalako rin ng paninda.. Talagang mabilis lumilipas ang panahon parang kelan lang yon kainitan sa paglalakad bawat tindahan inaalok namin.. Ano man ang sitwasyon natin ngayon sa buhay pahalagahan at ipagpasalamat.. dahil diyan tayo matututo para sa hinaharap. God bless…
@Encarnation3456 in August 2022
Kinabahan ako ng husto ayaw lumitaw ng konting ipon ko sa coins.. hehe nakailan login logout nako ayaw talaga.. ilang try bago lumabas yung maintence.. at doon lang ako nakahinga.. Thank God ayos na ngayon back to normal na si coins..😁
Mag aala una na tulog pa mga kakain.. Maaga nagising si bunso masakit daw ang tiyan.. Hinilot ko at nakatulog uli..hanggang ngayon tulog pa pati ate niya.. Nag luto ako ng itlog na may hotdog.. Feeling almusal pa rin.. Gigisingin ko na sila bago pa lumamig ang pagkain.. Happy lunch time sa inyo mga mate!😊
Nakaka antok na hapon noisemate! Ang blessing nga naman dumadating ng di inaasahan.. dumaan sila hipag dito kanina sa bahay galing daw silang SM..napa sana all nalang ako..hehe may pa Gong cha pang bigay.. Nakikita ko lang sa order mo to ngayon matitikmam ko na..😁
Gandang gabi noisemate! Kain na po tayo pritong tilapya ang ulam.. Parang namimiss ko sawsawang na may sibuyas Mangga hilaw at kamatis.. pero ngayon ang available lang ay kamatis.. masarap na rin to.. Sabi nga wag kana maghanap ng wala..ehhe Ok.. kain na habang bagong luto pa.. mas masarap ang pagkain habang mainit.. Happy dinner time sa inyo mga mate!
Blessed morning noisemate! Kape na po tayo mga mate at biskocho.. Sarap isawsaw nito sa mainit na kape.. Mamaya aalis kami ng mga bata para mag paenroll.. kailangan matapos ang mga gawain ng maaga para walang iiwanan trabaho..hehe Prang di na babalik noh.. Wala lang gusto ko pagaalis areglado na ang mga gawain sa bahay.. Nawa maging maganda ang panahon ngayon..😊
Linis time: Dahil may bakanteng pang oras nilinis ko muna patiktikan ng pinggan namin.. Sa araw araw na ginagamit mukang malinis pero linisin na pala.. May mga singit singit na nakakaligtaan linisin sa kaabalahan sa buong araw.. Kahapon ibabaw ng aparador at water jag ang tinarbaho ko.. Nagtataka na talaga ko sa mga alikabok hindi maubos ubos.. Kailangan mas dalasan ko pa ang paglilinis ng mga sulok sulok..😅
Magandang tanghali noisemate! Makakain na para hindi nagmamadali sa oras sa pag alis mamaya.. Nilagang baboy ang ulam bigay ni nanay.. Sabi niya matamis daw saging nabili niya sabi ko penge maiprito..hehe Kain na po masarap ang sabaw habang mainit.. Happy lunch time din sa inyo mga mate!🤗
Gandang hapon noisemate! Kainitan ang lakad namin papuntang school mga tanghali na kasi magising ang mga bata.. Nawala sa loob ko kailangan pa pala ng picture for enrollment kaya naghanap pa kami ng rush id.. Una naming pinuntahan one hour pa daw bago magawa.. nako eh nakakainip maghintay ang init pa.! buti nakakita kami ng 10mins.. pero 10minutes naging 20 minutes.. Kapag hinihintay talaga ang oras nakakainip..😅
Kuha po may gusto..hehe Kanina habang naghihintay kami madevelop ang picture may nagtitinda sa harap ng mga mani.. Natakam ako sa maning may asukal.. Cornbits sana kaso walang luto si ate na nagtitinda.. Ngayon ko lang naalala kainin nailagay ko kasi sa bag😁
Gandang gabi noisemate! Luto ang napaka hirap lutuin ang scrambled egg..hehe kain na po tayo.. may sabaw pa ng nilaga kanina pero wala ng laman kaya nag prito ko ng itlog para may pandagdag.. Basta itlog naman dito hindi hihindian.. Maalinsangan dito ngayon hindi nagtuloy yung ulan.. makakain na at may naghihintay pa sakin sa batcha..😁
Blessed morning noisemate! Hindi pa tirik ang araw pero nag labas nako ng sinampay na nilaban kagabi.. Sarap sa pakiramdam walang labahin ngayon..hehe Makapag gayak na ng almusal ng mga bata.. tinapay nalang siguro.. mga tulog pa eh.. Have a great day sa inyo mga mate!😊
Magandang tanghali mga ka mema! Nagrereklmo na panganay ko.. di bale daw medyo sunog wag lang daw sunog na sunog ang sinaing..ehehe Siya taga saing ako taga bantay! Si kalimot kasi ako.. hirap din linisin.. Kakatapos lang namin kumain urong time na.. Mukang kailangan ko na talaga ng bagong rice cooker..huhu may pera naman pero wala sa budget😅
Miryenda pa ba..hehe nalate! Umuulan dito ngayon gagawan ko ng partner na kape ang ginawa kong tinapay.. Kanina pa nagbabadya ulan ngayon lang bumuhos.. Bakit kaya kapag umuulan parang kailangan mag kape..hehe Miryenda po tayo noisemate baka gutom lang ako😁
Blessed morning noisemate! Maliit lang ang bahay namin pero lagi ako may hindi makitang gamit.. yung ako ang nagtago pero di ko malaman saan ko nailagay..hehe Ilang araw ko na iniisip kung saan ko nailagay binili ko adhesive hook ngayon ko lang natagpuan kasabay pa yan ng hanger.. nakalimutan ko na tuloy kung saan ko siya gagamitin..hehe Mamaya maaalala ko yan.. Almusal na tayo mga mate.. tamang kape muna ko.. tulog pa mga alaga ko😁
Gandang tanghali noisemate! Mainit na tanghali dito.. Kain na po tayo sinigang na baboy ang ulam.. Gusto lang talaga sa sinigang yung mga gulay.. yung mga bata sabaw naman ang gusto.. yung laman kay partner nalang..ehhe Happy lunch time sa inyo mga mate!
Makulimlim na hapon mga mate.. Miryenda po tayo mainit na pizza.. Buti nadaan kapatid ko nakisuyo ako magpa bili.. sayang din kasi ibabayad sa delivery app.. Kaya lang minsan lang siya madaan.. sinasamtala ko rin kapag nakakaala dumaan dito.. Juice nalang siguro timplahin ko kesa softdrinks para may kapartner si pizza..😁
Gandang gabi noisemate! Naglambing ang mga bata ng chowking kanina.. maaaga kami nag hapunan..binili ko lang ng tig isang chowpan na may toppings sakin pancit.. Mag iisang taon na ko huli nakakain ng pansit ng chowking para nalang pala siyang pancit canton na curly.. mas bet ko dati nilang pancit..😁 Happy dinner time sa inyo mga mate!
Blessed morning noisemate! Almusal na po tayo ng kape..hehe Kape lang eh wala pang gana kumain.. Tulog pa ang mga bata.. Maya maya gagawin ko to.. ilang araw na nangungulit si bunso.. graham daw pero walang prutas..hehe iniisip ko pa kung paano gagawin.. Umaambon dito hindi makapag labas ng sinampay.. diyan ba sa inyo mga mate..
Nakakita naba kayo noisemate ng hotdog na half cook? Half sunog half okey.. sabay ang pagtitinda sa pagluluto kaya ayan nasunugan ng hotdog.. Walang katuwang sa bahay tulog pa mga anak ko.. gigisingin ko nalang sila at ipag pipirito ng itlog.. akin nalang sunog..hehe Tanghalian na almusal pa.. Happy lunch time sa inyo mga ka mema!
Maulang hapon Pilipinas! Sa wakas natapos din ang request ni bunso..na graham tiramisu yata tiwag dito.. Request ni bunso graham na walang fruits.. Iniisip ko kanina tatangalin nalang niya toppings pero panganay ko yung gumawa at hindi na niya talaga nilagyan ng fruits sa ibabaw. Toppings nalang na biscuit.. Sana pala hindi ko na binuksan fruit cocktail.. Dami natira.. may natira din na cream.. ginawa ko nalang fruit salad.. sakto hindi pa sira yung bukong natira kahapon…
Gandang gabi noisemate! Iniwan sakin kaninang umaga pamangkin ko dahil nag dialysis ang mama niya.. papa naman niya nasa trabaho din.. ngayon lang siya sakin pinaalagaan.. nag iiyak ang hirap patahanin!! Binigyan ko ng ng cellphone at pinanood ng coco martin.. aba nagulat ako eh? Kasi kung mag scroll parang matanda na.. Sanay na mamili ng gusto panoorin..hehe Advance na talaga mga bata ngayon ang madaling matuto.. Ako noon ganyang edad na magdadalawang taon Baka dumede…
Gandang gabi po mga ka mema! Nagpapa antok pako.. kanina pala fresh from the rain mamasa masa pa plastic.. dumating deliver ng mga anik anik ko.. nacurious lang ako kung good quality dahil ang mumura.. may 10pesos 6pesos basta mga mura lang.. Yun talagang oorderin ko sa shop na yan di ko nahanap..hehe Kakascroll kung ano-ano nabili.. 150 lahat yan maganda baby wipes di ganon kanipis may takip pa.. yung sa remote cute din.. Saka lalagyan ng mga card magagamit ko talaga.. 5…
Delata for lunch.. Hindi naka pamalengke kaya delata muna kami.. Malagyan ng patatas pamparami..hehe Si tatay sinasabawan pa yan noon para magkasya sa amin.. Minsan may kaklase ko noon na pinakain ko sa bahay namin.. nataon na ang ulam eh ganyang ulam.. sabi niya..ngayon lang eka ako nakakita ng may sabaw na corned beef.. sakanila daw kasi tuyo o walang sabaw..hehe De may natutunan pa siya samin.. di niya alam mahiwang technique yon para dumami..😁
Gandang gabi Pilipinas! Bumili lang kami lutong ulam na barbeque.. namiss daw mga bata.. gustong gusto nila dahil walang taba.. Masarap din ang timpla.. dating 13pesos noon.. ngayon 18 na pero sulit pa rin yung lasa .. Kain na po tayo noisemate!
Blessed morning noisemate! Pandesal po tayo almusal.. Nagpapakulo palang ng tubig para sa partner na kape.. maya maya punta kami kila nanay.. Day off kailangan sulitin.. Nawa maging masaya at ligtas ang buong araw nating lahat! God bless us!!😊
Happy Sunday noisemate! Ginataang tilapya ang niluto ni nanay maiba naman daw puro daw kasi kami prito.. Oo nga naman.. masarap din ang ginataan nakasanyan lang talaga ng mga bata ang prito sa tilapya..sana magustuhan nila.. Kain na po tayo mga mate!😁
Gandang hapon mga ka mema! Miryenda time tayo noisemate.. bago umuwi nanlibre kapatid ko ng shake na mango.. buti naabutan ko pa bago kami umuwi.. dahil malaki naman yan hinati namin sa lima tikim tikim lang..hehe sabi ko nextime baka pwede makiusap sa tindera nito na ilagay na sa limang baso..haha Sarap lalo na't libre..😅
Huling huli sa cctv ni google may nakikipag marites sa labas ng bahay..hehe Kuha yan ng kapatid ko.. may hinahanap kasi ko sa google map ng makita ko bahay namin at nahagip pa nga siya ng camera..haha Hindi daw siya nakikipag marites diyan.. Eh ano kako ginagawa mo diyan? Waiting lng daw sa pagdating ng truck ng basura.. May baon pang ngang bangko!😆
Blessed morning noisemate! Feeling blessed pa rin umalan man o umaraw.. May makakain.. may masisilungan bahay.. Simpleng pagpapahalaga sa lahat ng nasa paligid ay makikita ang maraming biyaya.. Kape tinapay ang almusal.. ang lamig ngayon.. Hehe sa lamig hindi muna ko naligo mamaya nalang.. Sure yung may mga pasok diyan no choice sila maligo kahit malamig.. pero mga kagaya kong bahay lang baka maghintay muna uminit ang panahon mamaya..hehe
Pares network is in the house! May uwi si partner na pares.. yan ang tanghalian namin kanina.. sorry mga mate nauna na kain sa post.. hindi ko na kayo maaaya kumain dahil ubos na..hehe Maya maya aalis kami puntang school papasukat ng uniform.. sana tumila na ang ulan..
Gandang hapon noisemate! Done na ang second task for pasukan.. Natapos na rin magpasukat ng uniform.. Waiting nalang daw ng message kapag gawa na.. Dumaan na rin kami sa alpha para bumili gatas pero siyempre hindi lang gatas ang natanaw ni bunso..hehe kakatakot sa counter.. kaya ayoko talaga lumalabas..ehhe napapagastos but no choice kailangan eh kesa gamot ang bilin..better ng pagkain😅
Gandang gabi noisemate! Ilang kapitbahay ko ang bumili nito ngayon.. Natakam tuloy ako..hehe ito nalang din ang uulam namin.. Kayo mga mate ano ulam natin diyan? Lutuan time na.. happy dinner time sa inyo noisemate!
Nasa punto nako na daig ko pa ang guard dito sa pinto para bantayan kung uulan na ba..hehe Ano ba yan kanina maaraw na eh.. Ngayon makulimlim na! Sisilong ko na ba o wag muna..hehe Kanina ko pa tanong yan sa isip ko.. o tatakbo nalang ako kapag bumuhos na ulan saka mamadaliin ang kuha..😁
Gandang hapon noisemate! Miryenda po tayo kape at pande coco.. Nadaan si partner sa bakery sakto walang miryenda ngayon dito..hehe Seven na daw ang isa nito ok lang kako tumaas talaga ang bilihin basta lasa masarap pa rin.. Nakatuyo na nga pala ko ng sinampay.. Mamayang gabi maglalaba na naman para bukas sampay uli..😁
Mga batang laking Cardo Dalisay..😁 Pa throwback muna noisemate! Bata pa sila noon diyan.. ngayon malalaki na.. may Cardo pa rin yata ngayon? bihira na kasi makabukas ng tv puro cellphone nalang..hehe Nakita ko lang sa fb nag notif sa memories.. Ang bilis ng panahon.. noon baril barilan lang hawak.. ngayon konti nalang at magiging binatilyo na..
Kakatapos ko lang sa exciting part mga mate! Ang paglalaba..hehe sarap sa feeling na bukas sampay nalang.. Siguro ang iba sa inyo tulog na.. Ang iba naman inaantok palang.. Ang iba nagmimidnight snack pa.. Ano man ang ginagawa nyo ngayon noisemate Nawa makapag pahinga tayo ng maayos at ligtas buong magdamag.. GOD bless us🤗
Blessed morning noisemate! Kakatapos ko lang ngga morning gawain.. No more luto ngayong almusal.. Yan nalang almusal ni bunso ngayon.. Yung ate niya tulog pa..tanghalian na gising non tipid na bata..ehhe 2in1 nalang ang kain.. Sasamantalahin na tulog ilang araw nalang pasukan na.. Maaraw na panahon nakapag sampay naba kayo mga kamema? Sakin nasa labas na..😁
Kain na po tayo noisemate! Mainit man masarap pa rin kumain.. Ginisang upo ang ulam padala ni nanay.. Nahihiya nako sa puro padala kaya nagbibigay din ako kay nanay ng pamalengke..hehe Isa ang upo sa gulay na kinakain ng mga bata kaya panatag na loob ko healthy ang makakain nila ngayon..😊
Miryenda time noisemate! Kahapon nagbilin ako sa kapatid ko pabili ng mangga kapag may nadaanan siyang nagtitinda.. ang hindi ko naklaro ay magpatapat lang ng presyong mga 80pesos.. to 100.. Kanina tanghali dinaan niya mangga 140 pesos daw ang bili niya.. nagulat ako ang mahal tapos dalawang piraso lang..hehe Siguro dahil tapos na panahon ng mangga kaya mahal.. saka Davao daw galing! Imbis ramdamin ang presyo ishake ko nalang..😁
Gandang gabi noisemate! Ang init sa loob ng bahay namin nang lumabas ako para may kunin ang lakas ng hangin..kapresko! Ewan ko ba sa bahay namin parang may heater sa loob.. ito pala ulam namin fried porkchop with kamatis para mas masarap! Hiniwa ko na ng maliliit ng mas madali makain ng dalawa kong alaga..hehe Happy dinner time sa inyo noisemate!🤗
Blessed morning noisemate! Kaganda ng panahon.. nakakasigla ng paligid parang puno ng energy kapag maaraw sa umaga! May padala si nanay na pang urong.. 1 malaking galon ang binili niya kaya nakakailan padala na rin siya dito.. Nakakalibre... Gusto ko sana joy kaya lang medyo mahal.. Lakas ko pa naman gumamit..😁
Mainit na tanghalian noisemate! Mainit o malamig ang panahon masarap pa rin kumain..hehe Chicken kaldareta ulam.. specialty ni nanay.. Nito laging may gata na siya magkaldareta mas gusto na daw niya kesa sa walang gata.. Pareho naman kako masarap meron o wala.. Basta ikaw kako nagluto.. inuuto mo pa eka ako..😁
Minsan may mga dumarating na tingin mo palang hindi mo na nanaisin buksan.. Last year pa ko sinisingil nito para bayaran ang mga kulang kong buwan na hulog.. Medyo malaki na rin ang nahulog ko at sa contract nakalagay hindi ko na makukuha yon hanggat hindi pa tapos ang kontrata.. Mahirap sakin hindi na ituloy ang educational plan na nasimulan.. siyempre para sa mga anak ko sana un nakalaan.. Tuwing may dumadating na sulat galing sakanila pinapaalala lang sakin ang perang…
Blessed morning noisemate! ang ibang school pasukan na.. kami sa 16 pa nito.. Wala pa din kami gamit.. waiting pa sa sweldo ni partner pero mukang hindi aabot..hehe Gagawan ko nalang ng paraan.. May konting nakatabi kay coins mukang magagamit ko ngayon..Kati sa ulo..hehe Salamat pala ng marami sa inyo mga mate sa mga bigay nyo at kay ninong noise kundi wala ako mahuhugot.. Nilista ko na pala mga bibilin.. kasi ako eh makakalimuting talaga.. Sana wala nako nakalimutan…
Gandang tanghali noisemate! Tanghalian na tayo mga mate.. tinolang manok ang niluto ni nanay.. sabi ko dagdagan ng sabaw kasi ang mga apo niya iyon lang ang kinukuha sa ulam..hehe Kung may lasa nga lang ang nilagang tubig siguro ganon na lang ang lulutuin ko.. naiiwan lagi ang laman.. sayang! ako lang taga kain.. Buti kung nandito palagi papa nila napipilitan sila talaga kainin ang gulay.. Oh siya dami sinabi.. kain na tayo.. happy lunch time sa inyo mga mate!
Gandang hapon mga mate! Ang sarap ng upo ko dito.. nakalimutan ko nang may sinampay pala sa labas.. buti may mga nabasa ko dito umuulan na sakanila.. Tirik pa naman ang araw dito pero silungan time na! May uwi si partner na chicken burger pahabol na miryenda..kain po tayo noisemate!
Ang gaganda ng tuyong dumating kanina diniliver ni suki.. 5 pa rin isa kaya abot kaya pa.. Mabili dito ang tuyo kapag tag ulan.. Ang kapartner kadalasan niyan noodles.. Ilalagay ko na sa ref para tumagal ang buhay.. Kayo po mga ka mema ano hapunan natin diyan.. Kami nagsasaing palang.. may tinola pang tira kanina iyon nalang ang ulam.. Sa mga pauwi palang from work keep safe mga mate..😉
Blessed morning noisemate! Maaga dumating kapatid ko nagpapatulong gumawa ng design pang lagay sa blackboard.. Mangangapa ako nito..hehe Makahingi ng tulong kay mareng youtube! Tamang tama tulog pa mga bata mamaya nako magluluto..😁
Nabusy..😅 Kakatapos lang namin gumawa ng pang design.. Ito lang nakayanan ko..hehe Mukang madali pero mabusisi.. Kain po tayo tanghalian na miryenda pa.. May notif na sakin si ninong..😁
Blessed morning noisemate! Umorder ako kagabi sa lazada.. sa kaantukan hindi ko napansin na nakadirect pala sa gcash ko.. ayan at ngayon umaga ko lang nakita payment receipt.. 3 set payment yan hindi lang nagkasya amount nang huli order ko kundi simot ang gcash.. gusto ko sana cod.. Paalala wag mag checkout ng inaantok na..😅
Gandang hapon noisemate! Nabusy ang maghapon namin.. kararating lang ngayon namili ng basic needs para sa pasukan.. sa tuesday ready na kami para sa face to face classes.. Happy mama dahil nabili ko na ng gamit ang mga bata.. panatag na loob ko ngayon.. sapatos nalang kulang.. baka nextmonth ko nalang ibili o kapag nayari na uniform nilang pinatahi.. Tumingin din kami short sa mall na pamasok ni bunso kailangan black short pero wala nang nagkasya sakanya 16 lang pinaka…
Dahil nagugutom na kanina si bunso nag aya kapatid ko kumain.. sabi ko sa mura lang ha..hehe After 3 years ngayon lang ata ako makakain uli sa labas ng dine in.. namiss ko feeling! Umorder lang ako ng crispy sisig bagnet 95 pesos saka sa mga bata na beef mushroom 110 yata.. Tapos nanlibre kapatid ko ng 2 putahe pang ulam.. nabusog kami 7 kasama 2 bulilit kong pamangkin.. ang masaya don sa part na bill out na dahil kapatid ko na nagbayad ng mahigit sa kalahati ng inorder…
Blessed morning noisemate! Last day ng bakasyon namin ngayon.. Bukas ay may pasok na.. hahayaan ko lang sila matulog para masulit.. holiday dito sa amin natapat na unang araw ng pasukan ay holiday pa! Sabi ni bunso "yes walang pasok"! Parang ayaw talaga pumasok noh!😁
Mga mari nagpakita na si haring araw pwede na magbabad ng labahin..hehe Isang araw lang ako hindi naglaba puno na agad ang basket.. Kanina malakas ang ulan sabi ko bukas nalang ako magbabad dahil hindi pa tuyo nilaban ko nung sabado.. umalis kasi kami kahapon hindi nakapaglabas ng sinampay! Thank God umaraw ngayon nilabas ko na sinampay mukang makakatuyo naman.. kayo mga mari naglaba rin ba..😊
Gandang tanghali noisemate! Ang bilis ng oras nalibang ako sa gawain.. Mag 1pm na pala.. kain na po tayo sinigang sa sampalok ang ulam na may gabi.. Isa rin matipid na ulam ang sinigang marami man rekado kung marami kakain sabaw palang pamparami na.. sa gaya namin tatlo lang mag-iina hanggang mamayang hapunan may ulam pa.. Pangat nalang mamaya..😅
Maulan na hapon dito mga mate.. Nakatuyo naman bago umulan.. Dumaan kapatid ko ngayon may dalang cassava cake kala ko para samin isa box dalawa kasi dala niya.. inabot sakin ang isang box sabi niya "kumuha kana diyan ikuha mo na dalawang bata".. expected much si ako..hehe Pinabawas ako sa isang box.. kumuha ko ng konti nahiya ako malaki kunin..hehe ayan at tikim tikim tikim muna kami.. sarap ng bigay! bakit kaya mas sumasarap kapag bigay..😁
Maulan na hapon dito mga mate.. Nakatuyo naman bago umulan.. Dumaan kanina kapatid ko pinabawas ako sa cassava cake niyang dala.. Kumuha lang ako konti nahiya naman akong lakihan.. hehe Bakit kaya lalong sumasarap kapag bigay..🤔
Gandang gabi noisemate! Nagpabili ko kanina kay tatay ng dalawang alcohol para baon bukas ng dalawang bata.. Pinapabaunan ko rin ng tissue at baby wipes.. kay bunso baby wipes kay ate daw ang tissue.. Lalagyan ko rin sana ng sabon pero umaalma na dalawang bata hindi na daw sila kinder wag daw ako o.a..hehe eh baka kasi kako mapupu kayo don incase lang.. bakit hindi pa kami mama mag dala ng shampoo at tuwalya pangligo sabi ni ate? Natawa nalang ako.. o.a naba talaga ko napaka…
Blessed morning noisemate! Umaga palang busy na dahil nagsimula na kanina pasok ng aking panganay.. nagluto lang ako ng simpleng almusal at naihatid ko na siya sa school.. second year high school na pero feeling ko naghatid ako ng kinder kanina.. ganon ung first time ko pakiramdam nang magsimula siya mag-aral.. parang gusto ko siyang bantayan sa tapat ng bintana baka may kailanganin..hehe Namili na rin ako ng grocery paninda bago umuwi para sulit ang lakad.. Mamaya 1pm si…
Gandang tanghali mga mate! Feeling lobat kailangan na kumain ng magkaroon ng energy.. aga ko nagising inaantok tuloy ako ngayon..hehe Bumili lang kami lutong ulam sizzling tofu.. Mahilig mga bata sa tokwa magugustuhan nila sigurado.. matiran nalang si ate nang pag uwi niya mamaya may miryenda siya.. Happy lunch time sa inyo noisemate!🤗
Miryenda time na tayo mga ka mema.. Kanina 1pm hinatid ko si bunso sa school dumaan na tuloy ako sa bakery na bata palang ako nakapwesto na doon.. ngayon nalang uli nakabili.. siguro 30 years mahigit na sila nandon pero ung lasa ng tinapay same recipe pa rin masasarap! Para kong bumalik sa pagka bata nang maalala ko lasa.. May miryenda na dalawa ko kapag uwi mamaya.. 5pm susundo nako.. busy day but happy!😁
Gandang gabi noisemate! May batang pamangkin din kayong mahilig sa bola..tipong basketbolista pag laki?.. Kanina nandito pamangkin ko na 2 years old.. hilig niya maglaro ng bola bata palang makikitaan na ng potential dahil ang daddy niya ay player din ng basketball.. Kaso pati itlog ginagawang bola..hehe Nalingat lang kami naabot na itlog at shinoot ng 3pts!! At ayun na nga 3pts basag! Kakatapos lang namin maghapunan ulam tokwa pa rin ang dami hindi naubos binabaw nalang sa…
Blessed morning noisemate! Nagparamdam na mga bayarin.. Ito ung kahit hindi mo hintayin dumadating pa din..hehe Maiready na at kukunin na to ng kapatid ko ngayon para siya na magbayad sa meralco tubig at ss.. kesa ako pa lumabas.. basta mag bigay lang ng pang gas tatakbo na yon.. Iniisip ko pa ano almusal.. tulog pa mga bata wala silang pasok ngayon bukas uli meron..
Gandang tanghai noisemate! Tortang giniling ang ulam padala pa kahapon ni nanay hindi naman nagalaw.. timplado na giniling ng pinadala itlog nalang ang nilagay ko ngayon.. Favorite ni bunso yan kaya dinagdagan ko na sinaing.. Kain na po tayo mga mate!😊
Gandang gabi noisemate! Kain na po tayo pancit ang hapunan namin.. may tira pang giniling kanina para sa mga bata, May padala din si nanay na pancit bihon.. konti lang ang sahog na gulay siguro tita tira niya lang tong panahog.. don ako hanga kay nanay miski konti ang sahog napapasarap niya.. Iba talaga ang magic ng nanay dinadaig pa ang magic sarap!😁
Blessed morning noisemate! Muntik ko nang makalimutan ang off.. Napaka lamok sa school ang lalaki pa.. Dahil siguro ang dami halaman at ngayon lang nagamit ang room.. Nilagyan ko na si ate.. Better na may extra protection uso pa naman ang dengue.. Ingat noisemate nawa maging safe ang buong natin😊
Gandang tanghali Pilipinas! Kain na po tayo.. Kami lang ni bunso ngayon sa bahay.. bumili nalang ako ng lutong ulam para sakanya.. Favorite niya yan.. napalitan na yata si Jollibee sa puso niya..ehhe pabor naman sakin dahil mas mura.. mayang 1pm hatid ko na siya sa school.. Kailangan busog para focus ang isip sa pag aaral.. Happy lunch time din sa inyo mga mate!
Tahimik ang paligid.. wala akong sinasaway dahil nasa school ang magkapatid.. kanina bago pumasok suot ni bunso polo shirt ng papa niya.. magkasing size na kasi sila ng damit.. naghahanap ng short biniro ko nga.. sabi ko wag kana kaya mag short dahil mahaba naman damit mo..ehehe natawa naman siya.. Pagkahatid ko kay bunso dumaan na rin kami ni tatay sa drugstore para bumili ng off lotion.. may nakita pakong sale na nakalay sa toothbrush bumili na rin ako.. Mamaya uling 5 ang…
Blessed morning noisemate! Wala kami pasok ngayon na extend ang gising ko ng 1hour pero inaanok pa rin at tulala.. feeling lutang today.. kailangan ko na gumawa ng almusal ng makakain bago pa magising dalawa kong alaga.. Tinitingnan ko palang mga gawain parang gusto ko higaan uli..hehe Kilos kilos na nga no choice ako din gagawa nito😅
Gandang tanghali noisemate! Maaga pa para kumain pero gutom nako.. Ready naman na ang toron toge at nakapag saing na rin.. ano pa ba ang hihintayin.. sabi nga wala naman lechon na darating!hehe Kain na po tayo sarap ng sukang sawsawan gawa ni tito.. sikreto daw niya diyan..kalamansi!😁
Maulan man tuloy pa rin ang spaghetti.. Malakas ang angge sa kusina namin lakas kasi ng ulan.. Kagabi pa request ni ate hindi ko naluto kaninang umaga, sabi ko ngayon miryenda nalang.. Kahapon ko dapat lulutuin kala ko magkakaron ako ng bisita.. Mukang ngayon talaga nakalaan to maluto.. Cooking time muna ko noisemate naghahanap na ng miryenda dalawa ko alaga😁
Gandang gabi noisemate! Hindi nako magluluto may tira pang spaghetti dito.. yan nalang ang hapunan namin.. Sa busog gusto ko na mahiga..... pero may labahin pa nakababad.. Nasarapan dalawa ko anak kahit simple lang sahog.. Ang namimiss ko ngayon tuyo.. bukas siguro makapag tuyo naman ng ulam.. puro pagkain nasa isip..ehehe Happy dinner time din sa inyo noisemate🤗
Blessed moring noisemate! Maaraw na umaga sa inyo.. ang ganda ng sikat ng araw parang nagsasabing magsampay na kayo mga misis..hehe Ang dami ko pala lamig sa ref naipunan nako.. Sinangag ko nga nang makain.. Ayan at may almusal na dalawa kong alaga.. Mga tulog pa sila.. ako muna kakain.. Kain po tayo noisemate!😊
Gandang tanghali noisemate! Makapag timpla ng juice para extra special ang tanghalian..hehe minsan lang naman baka masanay kapag madalas.. Sinigang na buto buto padala ni nanay tamang tama samin dahik hindi kinakaen ng mga bata laman sabaw lang ang gusto.. Kain na po tayo timpalhin ko lang juice at makakain na.. Happy lunch time sa inyo noisemate!🤗
Miryenda tayo noisemate! Pandesal at kape simpleng sawsaw solve ang miryenda.. kakatila lang ng ulan hindi naman masiyadong lumakas.. mukang pinasilong lang talaga sinampay ko ng maligpit na tuluyan..😅
Gandang gabi noisemate! Kain po may pa saturday treat si partner na graham.. Nilalagnat yata..ehehe Last sunday kumain kami sa labas hindi siya kasama..nabanggit ko gusto ko sana graham kaso nanghihinayang ako bumili.. natandaan pala niya wento ko naawa siguro.. dapat pala sinabi ko na din gusto ko rin ng lecheplan..hehe abuso na noh?.. charot lang! Happy nako dito sa isang tub na graham😅
Blessed morning noisemate! Gayakan time na puntang church.. Maganda ang sikat ng araw tamang tama family day..kung makagala lang sana sa park mas masaya sana.. kaso sira pa service namin..mahal naman kung mamasahe.. nextime nalang pag dating ng perfect time.. naniniwala ako lahat may nakalaan na tamang oras..😊 Nawa maging ligtas at masaya ang buong araw natin noisemate!
Gandang tanghali noisemate! Gumawa kami ng pampalamig DIY samalamig.. wanto sawa ang inom..hehe nabibitin kami sa pabaso baso bili.. baka matuloy mamaya tusok tusok na lulutuin ni nanay.. Cheers noisemate!😁
Miryernda tayo noisemate! Nalate ang luto..nakatutog kasi chefchefan namin..ehhe Fishball at squid ball ang naluto walang nabili pugo sayang favorite pa naman ng mga bata.. nakarami naman si bunso ng squid ball.. Sakto may samalamig pa kami tira kanina.. Kain tayo mga mate!
Mema ko lang sa inyo noisemate ang good vibes ng friend ko.. nakakaaliw siya kasama puro patawa! bata pa siya at ang layo ng edad niya sakin pero napapasaya niya ko lagi.. kanina pumunta sa patubig at nag picture picture hindi pa nakontento at bumaba pa nga! Sabi siya daw si Doray de explorer..ehhe Nakakaaliw kapag may kaibigan tayong handa lagi magpasaya kahit paano nakaka wala ng stress😁
Blessed morning noisemate! Napahanap ako ng di oras sa labas ng index card na kailangan ni ate sa school.. nawala sa loob ko kahapon bumili.. half size ang kailangan.. Buti may tindahan ako nabilan kundi susuba pako sa bayan..hirap ng makakalimutin..ehehe Umaambon dito maglalabas sana ko ng sinampay.. sana umaraw para hindi din mabasa mga bata sa pag pasok sa school.. Nawa maging ligtas at masaya ang buong araw natin noisemate..🤗
Nakahanda na ang ulam kakain nalang mamayang tanghalian.. nakapag saing na din kaya pwedeng makaupo na muna.. Bumili lang kami ng luto ulam 70 pesos may special laing na.. natakam ako sa menu ng makita ko laing mukang masarap pagkaluto.. Kayo mga mate naka luto na din ba.. Tumigil na ulan dito kaso ayaw pa tomodo ng sikat ng araw makulillim pa rin.. Happy lunch time sa inyo mamaya noisemate🤗
Gandang hapon mga ka mema! Half ng kilo ng bigas ang bagong dating.. bagong utang.. iba din siguro kapag alam na marunong ka magbayad hindi pa ubos may kasunod na agad.. One month to pay kaya magaang sa bulsa..😁
Spaghetting pangat na? Pangatlong init na..ehehe Friday ko pa yata to niluto nilagay ko lang sa ref yung tira hanggang ngayon buhay pa.. Sabi ko sa panganay ko wag na kainin ako nalang kako uubos niyan baka sumakit pa tiyan mahirap na.. tinikman niya pa rin masarap pa daw..kulet talaga! miryenda tayo noisemate damayan nyo ko dito😅
Gandang gabi noisemate! Ngayon ko lang nagawa balutan ang books ni ate.. apat na piraso lang naman kayang kaya.. mga notebook nila nauna na matapos.. kay bunso wala pa books niya.. bukas maaga uli ang pasok namin sana makatulog ng maaga.. hanggang ngayon nag aadjust pa kami ng tulog sa nakasanayan na walang pasok.. antok ang ramdam ko maghapon😁
Blessed morning noisemate! Isang maulang na umaga ang salubong ngayong martes.. nalate kami kanina ni ate pag pasok hindi nag alarm cellphobe kong de keypad.. sikat na kami naglalakad sa school dahil nag kaklase na sila kami papasok palang.. ayaw pa ni ate hanggang gate lang ihatid kahit grade 8 na gusto pa magpahatid hanggang room niys..ehehe ok naman sakin sasamantalahin ko na.. darating ang time hindi na niya ko kakailanganin.. Dumaan na rin kami ni tatay sa bakery pang…
Gandang tanghali noisemate! Dahil kami lang ni bunso ngayon dito sa bahay bumili nalang kami lutong ulam tanghalian niya.. Ako bahala na kahit ano nalang, basta nasa bahay hindi magugutom marami tira tira dito..ehehe Gagayak na rin ako.. Happy lunch time sa inyo noisemate!
Sunduan time.. Wala pang 5pm tumawag na teacher na cancel daw ang last subject dahil sa bagyo.. Nakapag break pa si ate bago nagcancel ng klase wala daw siya natira baon ok lang kako.. Si bunso hindi ko na din pinapasok kanina iniwan ko lang sandali sa bahay para sunduin ate niya.. Kaya sobrang madali ako sa pagsundo dahil may pagka over thinking ako na baka ano mangyari sa bahay habang wala kasama.. Thank God nakauwi na rin..😊
Gandang gabi noisemate! Saing time na tayo.. tapos ko na turuan magsaing ang panganay ko si bunso naman ngayon.. 10 years old na siya.. ngayon ko lang naturuan.. Sa pagsisindi ng kalan ako na bahala.. Mag dedelata nalang kami ulam baka meatlop.. Tanungin ko muna sila ano gusto.. Maulan pa rin pero salamat sa Diyos hindi lumalakas ng husto.. wala din malakas na hangin luro ambon lang.. nawa bukas umaraw na.. Happy dinner time sa inyo noisemate!🤗
Blessed morning noisemate! Morning na puno ng blessing.. Mas maganda ang panahon ngayon kesa kahapon mukang umalis na bagyo.. Tulog pa mga alaga ko suspended ang klase dito.. Baka bukas pa ang pasok namin.. Almusal muna tayo noisemate ng pandesal at itlog..🤗
Early lunch na tayo noisemate kakagutom na.. Nagbabaw ako ng talong okra saging sa sinaing pang ulam.. isa yan sa special na ulam para sakin.. Diyan napaparami kain ko kaya bihira ko lang gawin..ehehe May toyomansi din na sawsawan pang kumpleto ng sarap ng tanghalian.. Happy lunch time din sa inyo noisemate🤗
Gandang gabi nosiemate! Kainan na.. century tuna at chitcharon baboy.. No cook muna kami ngayon.. Kailangan maaga mkatapos ng gawain ngayon gabi dahil may pasok na kami bukas.. Kain na tayo noisemate!🤗
Blessed morning noisemate! Maaraw na dito ang panahon kakahatid ko lang kay ate sa school.. inuwian ko rin ng tinapay na tempura at lugaw si bunso.. na gabi palang nirerequest na niya.. Unang labas palang may gastos na mga mate..ehehe ngayon ko lang din naalala di ko nabigyan ng baon si ate.. Maimessage nalang kapatid ko buti same school naman sila..😅
Gandang tanghali noisemate! Ulam namin ni bunso parang pang breakfast lang ang peg..ehehe Pagkatapos kumain ligo at gayakan time na siya naman ihahatid ko sa school.. Binibiro ko nga sabi ko wag kana kaya magbaon ng pera busog ka naman tapos half day lang.. Umapila agad ang sabi magugutom daw siya at baka mahilo sa school..ehehe Happy lunch time din sa inyo noisemate🤗
Ang saya makita nakadisplay gawa mo.. Simple lang tanawin pero kahit paano nakatulong magkakulay ang room ng kapatid ko.. Yan ang ginawa namin bago magpasukan boarder ng blackboard may somobra pa kaya nilagay nalang sa table.. napicturan ko kanina ng hinatid si bunso😅
Bago umuwi galing sundo sa school hindi ko na nakalimutan bumili ng vitamins ng mga bata.. ceeline chewable pang extra protection nila laban sa mga sakit.. Simula ng baby sila ceeline na gamit.. sa awa ng Diyos bihira naman magkasakit.. Dati ceeline at cherifer gamit nila pinatanggal ni partner isa masiyado na daw nagsisitaba.. Ngayon gusto na rin ipaalis to malalaki na daw hindi na kailangan ng vitamins.. di ko sinunod..ehehe Siguro ito isang bagay na hindi ko pwede…
Gandang tanghali noisemate! General cleaning kami ngayon ng bahay dahil walang pasok.. mga sulok sulok na di nagagalaw naasikaso nalinis ngayon.. Pritong liempo ulam si nanay nag marinade ako lang sagot sa pag prito.. Kain na po tayo noisemate nakakapagod maglinis..
Wentong Dalaga Alam nyo ba noisemate na may dalaga palang tinapay.. late ako sa latest..ehehe Dalaga dahil daw may kulay pula na mukang lipstick? Bahala na kayo mag connect basta iyan ang sabi ng nagtitinda.. Maulan dito pero hindi malakas.. Perfect ang kape at dalaga ko.. miryenda tayo noisemate🤭
Gandang gabi noisemate! Mauna nako kumain maglalaba pako pagkayari.. Itlog na pula ang ulam bigay ni nanay.. may kasama na ding kamatis.. kapag nag bigay kumpleto.. sinabi ko sakanya ng linggo na gusto ko ng itlog na pula.. naalala naman ngayon.. Happy dinner time sa inyo noisemate🤗
Blessed morning noisemate! Tinanghali ng gising dahil walang pasok mga bata.. Medyo makulimlim dito pero nilabas ko na din mga sinampay kong nilaban kagabi sana makatuyo.. Kain tayo mga mate.. noodles at itlog ang almusal.. namiss ko perfect match na pagkain na toh! God bless sa inyo noisemate🤗
Gandang hapon na agad noisemate.. Kakatapos lang namin mag marites ng kapatid ko daig pa namin hindi nagkita ng matagal kakaalis lang.. makakain na rin ng tanghlian sa wakas..ehehe giniling ang ulam.. Kain tayo noisemate gutom nako😅
Paminsan minsan deserved mag milktea..😅 Dahil ayaw ng mga bata nito solo flight ko.. Ang takaw ko talaga sa matamis.. Alam mo gusto mo pumayat pero hanggang gusto nalang..huhu Ang sarap kasi kumain..ehehe Milktea tayo noisemate!
May bisita kami si Jabee.. Uwi ni partner sa mga bata.. Siyempre meron din ako diyan.. yung matitira nila..ehhe Kain na tayo noisemate wag na paghintayin lumamig ang pagkain.. dito kakain nalang ilang tawag pa bago magsilabas.. pero kapag Jabee parang naka automatic.. kusang nagsisilabasan😅
Blessed morning noisemate! Ang aga ko may sundong malikot si pamangkin.. Pupunta kami kila nanay ngayon para makumpleto ang buong linggo namin dahil family day.. Happy Sunday and God bless us noisemate..🤗
"Bilisan mo mag picture aba mainit!!" Yan ang reklamo sakin ni nanay ngayon..ehehe Konti nalang at maasar na kakapicture ko.. Darating kapatid ko mamaya na paborito spaghetti madala kako ng puto.. Yan ang sikreto ni nanay sa paghetti niya nestle cream pampa creamy..wala na cheese naubusan😅
Gandang hapon noisemate! DiY siomai ang miryenda natin.. Maya maya uwian time na kami.. samantalahin na ang oras ng day off.. Bukas kahit walang pasok may work pa rin sa bahay.. walang holiday sa mga nanay..😅
Gandang gabi noisemate! Thanks God nakaraos ng masaya at puno ng blessing ang maghapon.. Nag enjoy ako kasama ang buong pamilya kahit walang kain sa labas..shopping o gala happy na basta walang sakit ang bawat isa at nagkikita ng one's a week sabay sabay kakain sapat na.. Kayo kamusta noisemate maghapon nyo.. Ito pala ulam namin kanina tanghali pinabalutan pako ni nanay ngayon panghapunan daw namin..
Hindi ko gusto matakot pero imagination ko gumagana tuwing napapatingin ako sa bintana na yan.. sa tapat ng bahay namin kaya hindi ko maiwasan mapatingin..ehehe bakante bahay lang yan.. sinisindihan lang ang ilaw sa gabi ng katiwala.. Good night na noisemate sa mga matutulog diyan🤗
Blessed morning noisemate! Feeling Jackpot kapag may naabutan pa ko ganito sa lamesa.. kala ko naubos ng mga bata kagabi.. Dalawang pirasong maliit na donnut.. Holiday ngayon tulog pa mga alaga ko.. Done nako sa umagang gawain.. luto nalang.. Saya sana lumabas ngayon dahil holiday.. Kaso low budget na.. mabuti pa manahimik nalang sa bahay😅
Yung anak ko di mautusan bumili mag-isa sa tindahan ng iba..😅 Kuha yan kahapon ng nagpunta kami kila nanay dahil naubusan ng nestle cream para sa spaghetti inutusan ko bumili sa kabilang tindahan pero ayaw niya gusto kasama din ako..ehehe Ayan ngiting tagumpay siya nang makabili sa tindahan.. epekto siguro yan ng lagi lang kami nasa bahay noong pandemic naging mahiyain humarap sa ibang tao.. wag ko daw pakita muka niya nahihiya kaya may heart🤭
Gandang hapon noisemate! Mainit na hapon.. tamang tama may padala si nanay na minatamis na saging na saba.. Nilagyan ko ng dinurog na yelo at gatas na evap.. May instant saba con yelo na.. pampalamig sa mainit na panahon.. Miryenda tayo noisemate🤗
Maulang gabi noisemate! Nagsimula na bumuhos ang malakas na ulan.. Binilisan ko na kilos ng luto baka mawalan ng kuryente ang lakas pa ng hangin.. Kahit umuulan tuloy ang labada pagkayari kumain.. nakababad hindi pwede ipagpabukas.. Kain na tayo noisemate.. Happy dinner time sa inyo🤗
Blessed morning noisemate! Kakatapos ko lang mag sampay ng nilaban kagabi sa haba nasakop ko hanggang kapitbahay na sampayan.. nag paalam naman ako.. Kain tayo noisemate noodles at pandesal Pang tanggal antok.. bukas pa kami may pasok kaya hayahay pa dalawa ko anak sa kwarto..mga tulog pa.. Nawa maging ligtas ang buong araw ng martes natin noisemate.. God bless us🤗
Dahil mainit ang panahon maganda maglinis ng vacuum.. Tamang tama may tubig pako pinag gamitan kagabi.. One's a month ko lang linisin kaya naman pag bubuksan ko lagi nalang ako nababahing sa alikabok.. Ibabad saglit at pede na linisin.. Saya sa feeling kapag bagong linis ang gamit..😊
Ito hinihintay ko dumaan ngayon scramble iced.. Ang init ng panhon dito tuyo na agad sinampay ko.. katamad lang lumabas para manguha.. Kuha ito nong sunday kila nanay.. dito samin may nagtitinda din nito pero dapat mabilis tumakbo at malakas na sigaw para marinig ng nagtitinda..kila nanay tabing tabi kalsada kaya mabilis makabili ng mga lakong pagkain.. Sa inyo noisemate ano miryenda..
Kung may isang nakakamiss man sa school iyon ang mga school presentation.. Tipong mas kabado pa ang nanay kesa sa anak.. Dati ayoko niyan kasi magastos bibili pa ng custom at mga anik anik na kailangan.. Pero during pandemic don ko na realize mahalaga pala ang mga ganyan activity.. Diyan nahuhubog ang kompiyansa sa sarili at pag discover ng talent nila.. Soon siguro sana magkaroon uli ng presentation pag allowed na.. nang mkakita ko muli sila umapak sa entablado.. lalim ah…
Blessed morning noisemate! Kala ko may pasok na kami ngayon.. bukas pa pala pero may online class si bunso mamayang hapon.. Nabasa ko dito kagabi may paparating na malakas na bagyo kinabahan ako dahil sa troma sa malakas na hangin.. Ang magagawa natin ipag dasal ang panagamba takot dahil may Diyos na buhay na laging nakagabay satin.. Kain po tayo almusal mainit na energen champion at biskocho..😊
Gandang hapon noisemate! Ngayon lang kakain ng tanghalian.. kain tayo.. nabusog mga bata sa almusal na sinangag itlog kanina.. may padala si nanay ngayong kaldaretang manok.. salamat sa walang sawang padala.. sa sweldo na bayad..ehehe Mukulimlim dito pero walang ulan.. Nawa wag na matuloy bagyo..
Gandang hapon noisemate! May uwi si partner na fresh buko at turon.. ang masarap sa bibibilan niya luto ang luob ng saging at hindi tinipid sa matamis.. ayan ang mga gusto ng mga gusto nang magbawas ng timbang sugar pa more..ehehe Sa buko yelo at konting asukal lang nilagay ko para inumin lang ng mga bata.. Miryenda time muna tayo noisemate..🤗