Pampagising.. Blessed morning noisemate! Makulimlim na umaga dito sa amin.. Panahon na ganito ang mahirap bumangon.. Kaya nagtimpla ko ng kape pampagising at may kapartner na pandesal.. Nawa hindi umulan ng malakas.. Keep safe everyone and God bless sa bawat isa😊
@Encarnation3456 in June 2022
BUKAYO Pamilyar ba kayo dito mga mate? yung pinatigas na buko na may asukal at pandan.. Uwi ito ni partner kahapon.. paborito ko tong binibili sa tindahan noong bata pa ako.. piso lang isa... ngayon 12 na daw isa..ehhe malalaki naman.. Masarap pagka gawa nito hindi masyadong matamis.. Sorry naalala ko picturan nung mauubos ko na..😁
Mixed vagetables.. Kumain na po kayo mga mate? Kami ay ngayon palang.. May padala si hipag kanina na mixed vagetable sinipag daw siya magluto.. feeling blessed at may libreng ulam.. mamayang hapunan nalang ang iisipin ko.. Kain po tayo noismate🤗
Ready nah!! ilang buwan din napahinga sa pagtitinda ng bigas.. ngayon back to retail uli.. may nagpautang sakin buwanan ang bayad why not pagbilan ko rin kapag may naghahanap.. dagdag kita din kahit pa barya barya ang tubo.. Mas maganda sana kung mas mababa puhunan para mas mababa din maibenta.. Magkilo muna ko mga ka mema😅
Ginataang Puso❤ Hapunan na po tayo mga mate.. Natatandaan ko non sa inupahan namin apartment dati may mga tanim na saging yung may ari ng bahay.. halos kami nakakaubos ng puso ng saging nila sa kakahingi namin..hehe Hindi naman kasi mahilig magluto kaya pinamimigay nalang kung sino ang gusto kumuha.. Nailuto na yata lahat ni tatay ang ibat iba klase ng recipe ng puso.. basta walang maiulam tanim na puso sa likod bahay ang napipitas..ehhe Kung mabibigyan lang ako ng…
SUNNY MORNING☺ Blessed morning sa inyo noisemate! Maganda ang sikat ng araw ngayon dito samin.. Magupload sana ko pic kaso ayaw.. Kinakabahan ako tuwing may error dito..haha Magluluto pala ko ng sinangag at itlog para sa almusal ni bunso.. Have a good mga mate! GOD bless po.
LIGO TIME.. Init na init din Mocha. Gustong gusto napapaliguan siya ni nanay lalo na kapag sinasabon ang bandang tiyan niya tinataas pa paa niya.. Gustong gusto niya rin malamig na tubig na inumin..hehe kasama na rin sa kunsumo ng yelo namin araw araw..pero sulit dahil napakalambing niya aso.. Magpapalit na naman kami ng kadena niya masikip na.. bilis niya lumaki eh.. sana all..😅
Dalagang Bukid.. Kumain na kayo mga mate?.. Dalagang bukid ang nabili ni nanay kanina nagpasabay nako dahil nagpalengke siya.. Pinirito ko nalang.. medyo tinanghali na ng luto dahil mga busog pa naman sa almusal kanina.. Kain po uli tayo noisemate..🤗
P I E Mema ko lang po itong dinaan ng kapatid ko na Pie.. kumain sila mag asawa sa jabee at naaalala magdaan dito ng takeout.. Alam na paborito ko to doon.. pie lang sapat na..hehe Sana may pagkain na di nauubos noh.. ano daw..ehhe Miryenda po tayo mha ka mema..😅
A D O B O Gandang gabi mga mate! Pasalamat ako kay Lord sa lahat ng blessing na binigay niya ngayon.. yung makalipas lang ang maghapon na ligtas ang buong pamilya na walang nangyari masama ay napalaking biyaya na.. Nakaka bless nga bilanganin ang mga bawat blessing Niya sa atin.. Salamat din nagpa dala ng ulam si nanay.. Adobong manok na yata pinaka madalas namin ulamin dahil mura lang ang mga sangkap..pero masarap kahit pangatlong init na..😁
Break Fast.. Blessed morning noisemate! Madaliang almusal ngayon umaga dahil marami nakaline up na gawain..hehe Ganda ng panahon dito ngayon.. Nagluto ako ng itlog talbos tuyo at talong.. Bahala na mga bata mamili diyan ng almusal nila.. Kakaantok pa..panay pa ang higab pero need na bumangon.. Kain muna po tayo para may energy😁
Napalitan din.. Thanks God sa bagong gamit na nabili ni partner.. matagal na rin ang luma narin electricpan sa tagal na nito bigla nalang ayaw na umandar.. naka pangatlong pagawa narin.. kaya sabi ni partner bibili nalang siya.. Kakatuwa lang kapag may bagong gamit.. Wala sa budget to pero di ubra walang electripan sa init ng panahon.. i assemble ko muna, first time magbuo nito😅
HAPPY LUNCH TIME🤗 Tanghalian na po tayo mga mate.. Alas dose na!! bagong luto ang ulam at mainit na sinaing.. Lalo ako nitong pagpapawisan..heehe Namimiss ko mag kamay kaya lang lalong napaparami kain ko.. Kain na po muna tayo bago lumamig ang pagkain😁
MIRYENDA bukayo po uli tayo noisemate.. Bumili uli si partner sa suki niyang bukohan.. Parehas buko ang uwi..hehe nagustuhan kasi ng mga bata bukayo noong isang araw.. yung nagtitinda ng fresh buko at buko ay isang pwesto lang.. siguro kapag marami stock yung may ari ginagawa nalang niyang bukayo..😊
Iklog at hakdog😅 Yan ang tawag ni bunso sa ulam namin ngayon.. Simple prito muna.. tipid tipid kahit kaka sweldo palang..hehe Kain na po tayo noisemate.. para maaga din makaligpit.. naghihintay na labahin ko nakakababad.. kusot later pagka kain.. Happy dinner time po sa inyo mga mate!
Request.. Blessed morning mga mate.. Maaraw na panahon dito.. tamang tama maglalabas ako ng sinampay.. Nakita ng panganay ko sa commercial itong bagong labas na noodles at gusto daw niya matikman nagpabili sakin.. Kapag mga mura lang na hiling niya granted agad basta maalala ko lang bilin..😁
Sayang.. Sa bilis ng oras at araw na lumilipas parang kelan lang ang kahapon..ehhe Nagchecked ako ng stock meron na naman ako nasayang na paninda.. na expired na.. nalate ako ng checked.. sana kinain ko nalang.. Hirap din talaga ng makakalimutin..😁
Miryenda.. Masisira na sliced na tinapay namin.. lapit na expiration hindi napapansin ng mga bata kainin eh nasawa na yata.. Kaya ininit ko sa kawali na may itlog at konting butter.. may gatas pa sila yun nalang ipartner.. Grabe init dito samin bilis natuyo ng mga sinampay kaso mainit pa para manguha.. maya maya nalang pag lamig..😁
Mais na Puti Nadaan si suki ngayon nakikiusap bilan na daw siya.. halatang pauwi na si manang dahil malamig na ang mais.. binilan ko lang ng isa para wag lang masayang ang punta.. Matumal siguro ngayon.. kahit sakin tindahan ay ganon din.. minsan kasi imbis na bibili ng miryenda panghapunan nalang ang iniisip bilin.. Pahirap ang buhay.. pamahal ang bilihin.. Diskarte pagtitipid ang uso sa panahon ngayon.. Salamat sa Diyos nakakaraos pa rin tayo😊
Fishsteak.. Kainan na mga mate.. Fish steak ang aming hapunan.. Sakin sabaw lang ayos na.. matinik ang bangus kaya doble ingat kapag ito ang ulam.. Happy dinner time po sa inyo mga mate😊
Blessed Sunday Ready na ang gagamitin ng mga bata papuntang church.. ako pa rin nasusunod sa susuotin ni bunso.. si ate naman ang panganay ko may sarili nang desisyon kung ano ang gusto.. Madalas hindi kami magkasundo sa damit..ehhe Big girl na kasi.. habang ako di pa nakakakmove on sa style noong bata pa siya.. i enjoy ko day off ngayon.. sana kayo din mga mate dahil mabilis lang ang oras.. Samantalahin makasama ang pamilya😉
Abala na si nanay.. Birthday bukas ng tito ko ngayon gagawin.. Nagpaluto kay nanay ng ulam.. simpleng Salo salo lang.. importante makapag sama sama ang pamilya.. solo lang siya sa buhay kaya kami lagi ang puntahan niya.. Magluluto si nanay kaldareta at pansit.. Masarap ang kainan mamaya.. nag ambag ambag din kami sa maliit na cake..para mas lalong mafeel ni tito na birthday niya😊
Chicken Caldareta😊 Mga mate kain na po tayo.. Mainit init pa ulam.. nagluto si nanay ng caldareta.. mukang tataob ang kaldero ngayon dahil marami kami kakain..hehe Sarap pa naman kumain kapag sabay sabay lalong nakakagana.. happy lunch time noisemate!
Simple Celebration Miryenda tayo mga mate.. Pinagluto ni nanay ng pansit si tito.. Miryenda namin ngayon.. Happy naman siya kahit kami kami lang.. Makulimlim dito ngayon maya maya uuwi na rin kami baka umulan pa.. Bilis matapos ng day off..ehhe Nextweek uli..😁
Bida ang saya..😄 Gandang gabi noisemate!! Thank God nakalipas ang maghapon na safe ang pamilya.. nagkasama sama kahit sandaling oras.. May pahabol si tito dahil na bigay.. nanlibre ng jabee sa mga bata.. out muna daw matatanda..hehe Ok lang may pansit pa naman tira..😁
Blessed Monday.. Maaraw na morning sa inyo noisemate! Nag prito ko ng ulam para kay bunso.. Ako kape muna.. ang sarap bumangon na alam mo yung goal mo ngayong araw.. Sabi nga sa commercial para saan ka bumabangon?... Naranasan ko gumising ng nangangapa pa at bahala na kung ano gagawin ngayong araw.. yung tinatawag na walang direksyon.. Thank God sa lakas na binibigay Mo every morning para gumising na may sigla..😊 GOD BLESS mga mate!
T A H ON G Luto na ang tahong kainan na.... Luto po ni nanay request ni tatay.. Kahit mainit ang panahon kasarap humihop ng sabaw na mainit na may anghang.. Dati ayoko ng tahong.. nito lang sinubukan ko uli tikman nagustuhan ko na.. Happy lunch time din sa inyo noisemate!
EMPANADA Miryenda tayo noisemate.. May uwi si partner na empanada.. Giniling at ham and cheese ang flavor.. Nito lagi sumasakit ang mata ko at nagluluha siguro need ko na ng proteksyon sa mata.. Pag iipunan ko na salamin..😅
Init init lang.. Ulam namin kahapo mga ka mema ay kaldaretang manok.. May tira pa kaya ininit ko nalang ngayon.. Binabaw nalang sa sinaing.. para sakin mas masarap ito kapag pangat na init..hehe kain na po tayo.. Lumipas muli ang maghapon na puno ng biyaya.. Thanks GOD..☺
Pancit Canton.. Blessed morning mga mate! Nakapag labas nako ng sinamapay na nilaban kagabi..mukang mabilis makakatuyo sa ganda ng sikat ng araw.. Sarap ng binili ni partner sa karinderya na pancit canton.. ayos at hindi nako magluluto ng almusal.. Kape nalang kulang.. kain po tayo noisemate!
NILAGANG BABOY Dahil hindi ako nagluto kaninang umaga ay maaga nakapagluto ng tanghalian ngayon.. Nilagang baboy tayo mga ka mema.. Ayoko ng taba pero si partner yan ang gusto.. Hinay hinay lang kako..hehe Sakin sabaw lang solve na.. Walang saging na saba nabili kanina kaya kamote nalang..sarap din naman..basta mainit!😊
T U R O N Turon saging tayo mga mate! Miryenda time.. sarap nito namiss ko! Naka chamba si partner ng binilan.. Luto ang saging sa loob at sakto lang din ang tamis.. Gusto ko dito may pagka hinog na saging mas masarap.. 10pesos pa rin daw ang isa mabuti di pa nagtataas.. Kaya ko to ubusin kapag gutom..haha😅
Nang maalala ubos na.. Sa init ng panahon di ko napigilan umorder ng shake.. avocado uli binili ko flavor.. kaso ng maalala ko picturan ay ubos ko na.. Sorry mga mate..hehe masyado kong naenjoy ang pagsisip sa malamig na shake.. Busog na busog pwede hindi na kumain mamaya😁
T U Y O My favorite tuyo.. bow..! Simpleng ulam pero ito yung ulam na nakakapag pa excite sakin kumain... ewan ko ba hindi yata lilipas ang buong linggo ko na hindi nakakapag ulam ng tuyo.. bukod sa mura masarap talaga at nakakagana lalo na at nakakamay pa kumain..hehe Minsan nga hindi ko na binebenta ang tuyo kong tinda kapag konti nalang..naka saved nalang para sakin..😁 Kain na po mga ka mema!
SOPAS Blessed morning noisemate! Almusal na po tayo.. Nagluto ako ng sopas pang almusal.. Bibigyan ko rin sila nanay nito naparami ang luto.. Mag 8 na ng umaga pero inaantok pa rin ang ako.. hirap din ng kulang sa tulog.. pero mas mahirap yung wala nang gising..hehe
Ay nako..😓 Di ko alam na pwede palang masira ang pitsel sa loob ng freezer.. ayan wala na tuloy ako pitsel..huhu bigay pa naman yan ni tito.. Nilalagay ko kasi yan sa gabi sa freezer para sa umaga pwedeng lagyan nalang ng tubig ng sa ganon hindi nako maglalagay ng yelo..hehe Kaso nasira.... Minsan hindi talaga matututo hangga't di nakikita ang resulta ng pagkakamali😁
Pritong canton😁 Kanina nasa fb ako.. nakita ko yung video ni Chef Obang yata name.. pinirito niya pancit canton halo ang scrambled egg.. sinubukan ko ngayon gayahin..hehe Di naman failed.. pwede na.. maiba lang nang luto! Kain po tayo mga ka mema!
PIZZA TIME🤗 Sa bilis ng oras busog pa rin sa tanghalian.. Pero kung ganito kasarap ang darating na miryenda ay mahirap paghintayin.. mas masarap to kapag mainit.. Dala lang ni kapatid.. nalibre.. Miryenda po tayo noisemate!
Happy dinner time🤗 Kain na po tayo mga mate! Marami pa tira sopas kanina umaga kaya ito nalang ang hapunan namin.. tinapay muna ko imbis na kanin.. para medyo magaang sa tiyan.. Umulan kanina dito kaya medyo lumamig ng konti ang panahon bumagay ang mainit na sabaw ng sopas..
Perfect partner.. Blessed morning noisemate! Makulimlim na umaga ngayon.. Sarap matulog pero di ubra dahil sa mga gawaing naghihintay.. Tayo muna magkape at pandesal para pampagising! Huwebes na agad.. ano man ang gagawin natin ngayon araw ay gabayan nawa tayo ng Diyos..😊
PRITONG TILAPYA Happy lunch time noìsemate! Nagprito kami ng tilapya.. tamang tama may kamatis pa sa ref.. Kapag ganito ang ulam mas napaparami ang kain.. tumindi na rin ang sikat ng araw dito.. kanina kasi makulimlim.. O siya kain muna po tayo🤗
ICE CREAM AVOCADO Miryenda time na mga mate! Walang mamiryenda mabuti dumaan si mamang sorbetero.. Favorite ko pa flavor avocado.. 10pesos solve na.. makulimlim na dito buti nakatuyo nako ng sinamapay.. mukang uulan eh.. De bale umulan o umaraw masarap ang ice ice cream😁
CHOWPAN Gandang gabi mga mate.. Kakatapos lang ng ulan dito.. Ulam namin ngayon uwi ni partner ay chowpan.. Favorite chowpan ng bata..pati ako pala..hehe Kaso dalawang order lang ang uwi.. Samin tuyo at itlog uli..hehe sarap din.. Kain po tayo😊
My bunso.. Blessed morning noisemate! Nagising ako ng walang internet connection.. kinabahan ako kala ko eh may problema na naman si pldt.. yung pala wala talagang kuryente.. Thank God meron na ngayon.. Naglalagay na si bunso ng yelo sa jag.. sakanya ko na pinapagawa yan tuwing umaga para may obligasyon everyday.. Natutuwa ako sa kanya at malakas uminom ng tubig kaya lang gusto laging malamig😁
Ginisang Sayote Tanghalian na po tayo noisemate! Nagluto si nanay ng ginisang sayote na may carrots at sinahugan ng manok.. Sarap nito gulay.. isa ito sa kinakain ng mga anak kong gulay kaya happy mama.. makakain sila ng masustansiya😊
ICE SCRAMBLE Mainit na hapon mga ka mema! Matindi ang sikat ng araw dito mukang hindi uulan.. miryenda po tayo ng scramble.. Dati sa school 5pesos ang bili basta marami gatas solve na.. ngayon dami na pwede pagpiliang toppings..😊
Simple happiness.. Sa wakas napalitan din.. kararating lang ng aking order na eyeliner sa halagang 49pesos..hehe Madalas yung mga mura halaga o gamit ay iyon pa ang mahirap bilin o palitan.. o sadyang kuripot lang ako pag dating sa sarili.. aminado naman ako don..hehe mas priority kasi ang pang araw araw na gastusin.. isa pa paborito ko talaga itong luma kasi simple lang gamitin at natural look lang.. kaya inabot sakin ng ilang taon dahil bihira lang naman magamit kapag may…
Dinner time na.. Kain na po kayo mga mate.. Hindi ko alam kung ano itatawag sa niluto kong ulam.. nakita ko lang kasi sa fb..hehe gaya gaya na naman ako.. natakam ako eh tapos ang simple lang kasi ng procedure.. Kaso kapag luto ko nawawalan nako ng gana kumain.. parang nabusog nako kakatikim sa timpla..😁
Happy Saturday Blessed morning noisemate! Yung magising sa ka na may kuryente tubig at connection sa internet ay big blessing na sa umaga.. naranasan ko magising na wala tatlo na yan kaya sobra naapreciate ko.. Sabado na agad mga mate para tayong pinapast foward.. Kape tinapay muna pampagising.. God bless us😊
His turn.. Natutuwa ako kapag si partner ang nagluluto.. Bukod sa mabilis siya kumilos masarap pa magluto kesa sakin.. ang problema ko lang kapag siya ang gumawa sa kusina ay nagiging makalat.. Siyempre ako habang nagluluto siya ako naman ay nagliligpit..hehe Gustong gusto niya ipagluto ang mga bata ng gulay, bagay na hindi masyadong gusto ng mga anak namin.. pero napipilitan sila kumain kapag papa nila nagluto..hehe O siya kainan na.. halo halong gulay yan na sinahugan ng…
Kape sa tag ulan.. Lakas ng ulan dito mga ka mema.. May kasama pang hangin kulog at kidlat.. Thanks God wala ng tumutulo sa tindahan.. Makakapag kape nako habang umuulan.. Ewan ko ba may pobya nako sa malakas na hangin at ulan..di nako mapakali kapag ganito ang panahon..pinipilit ko kumalma at magdasal nalang na huminto ito..
GINILING with egg.. Kain na po tayo noisemate.. Padala ni nanay giniling na may itlog.. Bukas ay day off again.. nagaaya si kapatid mamasyal sa mall bukas ewan lang kung matuloy .. tinatamad ako lumakad kapag walang pocket money..hehe Maaga mamaya magpapatulog ng mga bata at magchurch bukas..
Happy Sunday Blessed morning noisemate! Kain kami ngayon ng maaga dahil aalis.. Nagprito ko ng tuyo at ininit ang tirang ulam kagabi na giniling.. Pagkatapos nito gagayak ko naman yung susuotin ng mga bata pag punta ng church.. Ingatan nawa tayo sa araw na ito.. God bless us🤗
Wentong Icegem Nandito ko kila nanay ngayon mga mate.. Naabutan ko si pamangkin kumakain ng ice gem.. ang kinukuha lang yung nasa ibabaw na matamis tapos sakin isusubo tinapay..hehe Ka sweet din talaga ng bata na to kahit makulit..hehe Sipag din ng kapatid ko magliligpit ng kalat niya.. Mabuti nalang akoy graduate na sa ganyan pero nakakamiss din magkaroon ng ganito kakulit na alaga..😁
Tilapya at ginisang kamatis😊 Dahil Sunday ngayon family day! Kapag family day lang nakakapag sabay sabay kumain kami magkakapatid kasama sila nanay at tatay.. sarap sa pakiramdam na kahit sandaling oras eh nagkikita kita kami.. Past muna sa labahin at gawaing bahay.. Bukas na yab iisipin..hehe Nagluto si nanay ng ginisang kamatis at pritong tilapya.. Kain na po tayo noisemate!
Papaya Miryenda tayo mga mate! Matamis na papaya.. ang ganda ng pagka hinog.. gagawin ko sana shake kaso nakatamaran na.. Sarap din naman papakin lang.. Pagka kain nito uwi na rin kami.. back to reality again.. tapos na ang dayoff.. Thanks God sa masayang maghapon..😊
Dine in nila..😅 Nasa mall ang buong pamilya ko at di ako kasama..ehehe hanggang picture nalang ako ng mga kakainin nila.. sinend sakin ni bunso picture.. slight natakam ako.. akoy dumiretso na kasi ng uwi sa bahay..pinabaunan ko nalang ng budget pangkain ang dalawa kong anak.. nahihiya naman ako pati ako ilibre pa ng kapatid ko..nextime nalang kako kapag may extra budget.. Isa pa baka makakita ko don ng gusto bilin eh wala naman pambili kaya mainam manahimik nalang sa bahay😅
It's Monday😊 Blessed morning noisemate! Nakabili kami sa karinderya ng almusal carbonara at palitaw.. Mamaya kuhanan at solian ng module ng panganay ko akoy saglit na lalabas.. Last kuhanan na yata ito.. Magaasikaso nako at mabilis lang ang oras.. Kain muna po tayo!
Good news☝ Kararating lang noisemate galing sa school.. nagsoli at kumuha ng bago module.. magandang balita ang bungad sakin ni teacher.. Naayos na daw LRN ng anak ko.. nasunod na ang tamang apilido.. thanks God sinagot na ang isa kong dasal.. matagal din namin hinintay na maayos.. Pagkagaling school namili konti paninda.. Feeling happy ako ngayon.. lahat talaga may tamang panahon para dinggin ang ating mga dasal magtiwala lang at maghintay..😊
PINEAPPLE Mainit na hapon mga ka mema! Dumaan kapatid ko ngayon maya dalang pinya.. 3 for 100 daw niya nabili mura na dahil malalaki.. Ang ganda fresh na fresh pa dahon.. Mabalatan mamaya at mapalamig.. sana matamis..😁
TURON SAGING pahabol na miryenda noisemate! Nagluto pala si nanay ng turon saging pinadala ngayon.. medyo muntik na masunog..ehhe Naiwanan siguro ni nanay.. napaka abala kasi non.. Timpla muna ko ng kape para my kapartner na panulak.. kailangan ko ng lakas.. dalawang batcha naghihintay sakin mamaya labahin..😅
Instant Bulalo Kainan na noisemeate! Kumain na po ba kayo.. akoy nagiinit palang ng tubig para sa instant sabaw na bulalo..ehhe Kakatapos lang kasi maglaba.. naubutan na ng malakas na ulan.. nawa bukas umaraw ng mailabas ito..😊
Tapay.. Blessed morning noisemate! Naalala ko pamangkin tawag sa tinapay ay tapay.. Fooding at pandecoco ang tinapay dito ngayon na almusal.. pandesal sana gusto ko eh kaso wala daw gawa.. Kape nalang kulang.. Almusal po tayo mga mate!
Count your Blessing😉 Dala ni tatay ngayon pinabibigay daw ni hipag samin..hehe peanut brittle at biscuit.. Bihira nalang makatikim nito..hehe Siguro may nagbigay din sakanya.. Tikim tikim lang..matamis.. Ang dami pa din blessing na dumadating .. Maliit man o malaki biyaya pa rin bigay..😊
Nilagang🐷 Happy lunch time noisemate! Bumili lang kami lutong ulam ngayon.. Nilagang baboy lang ang may sabaw sa menu sa karinderya.. kay ito nalang binili ko.. Samin halos sabaw lang naman kinukuha ng mga bata.. kami lang mag-iina sobra pa ito..😊
Avocado😋 Ang lakas ng ulan dito mga mate parang may bagyo! May kasamang hangin kulog at kidlat na malalakas.. nagsara muna ko tindahan tatakot ako..ehhe Daanin sa miryenda ang takot pero kinakabahan pa rin ako hanggat di tumitila.. Kung nandito si mister sasabihin non magdasal ka lang kapag nakakaramdam ka ng takot.. Na ginawa ko na.. First time this year makapag timpla ng avocado.. Madalas ay bili lang ako ng ready to drink na shake.. iba pa rin talaga ang sariling gawa..
Scrambled egg🥚🥚🥚 Hapunan na po tayo noisemate! Ulam namin ay pritong itlog.. ang all time favorite dito sa bahay.. yung tipong sabik lagi sa pagkain at dapat pantay ang hatian kapag ito ang ulam..ehhe egg is life nga sabi ng panganay ko pero kontrol pa rin hindi pwede araw araw dahil nangangati ang balat niya kapag madalas.. Ayan muntik pa masunog ng husto naiwanan dahil may bumili.. Happy dinner time everyone🤗
Champorado😊 Blessed morning noisemate! Makulimlim na umaga dito sa amin.. Nagluto ako almusal na champorado.. Kaya lang si bunso hindi na halos makita champorado sa daming gatas na nilagay..hehe Diyan siya masaya hinahayaan ko na basta kakainin.. Kain po tayo habang mainit pa..😁
LANGKA Dami bigay ni hipag na langka.. Sariling ani nila.. habang wala pa ko menu para dito mamatamisin ko muna para hindi masira.. Bibigayan ko din si nanay dami eh.. Sarap nito ihalo sa biko.. siguro sa sunday para marami kami kakain.. Malapit na mag tanghalian mga ka mema saing time na..😁
Pinakbet.. Late lunch na kami noisemate.. Mga ngayon lang nakaramdam ng gutom.. Ngayon lang uli nakapag pakbet si nanay.. Sarap nito manamis namis ang sabaw dahil sa gulay.. Kain po tayo Pilipinas..😊
Itlog pugo at shanghai🤤 Miryenda po tayo mga mate.. Uwi ni partner itlog pugo at shanghai.. iuulam daw ni bunso imbis na papakin yung shanghai..ehhe May dala din na buko fresh pinapalamig ko pa sa ref..hehe pang mamayang hapunan naman😁
Adobo.. Maulang gabi dito mga ka mema.. Kain na po tayo adobo manok ang ulam.. Pagka kain akoy malalaba pa..huhu parang ang sarap na mahiga kaso pwedeng bumaho ang mga binabad ko..hehe Saka ito lang ang free time para maglaba.. Hirap kalabanin ni "katam" kapag sumusumpong..😁
Breakfast.. Blessed morning mga mate! Nakapagluto nako kanina ng almusal nilagang itlog hotdog at longganisa.. mga tira tira sa ref.. Para pagka gising ng mga bata kakain nalang sila.. Maganda ang panahon dito ngayon mukang matutuyo agad ang mga nilaban ko kagabi.. Thursday na agad.. bilis ng oras at araw.. GOD BLESS us😊
Sinigang na Bangus Tanghalian na mga ka mema! Sarap kumain lalo na may sabaw na mahihigop.. Napaparami kain ko kapag may sabaw ang ulam..ehhe sabaw lang naman at gulay ang gusto ko.. takot me sa bangus matinik eh.. Kain na po tayo..alas dose nah!!!😁
SUMAN Nadaan si suki kanina nagalok ng suman.. Moryekos yata ang dmtawag dito.. Kulay violet na may latik at langka.. 5 piraso 40 pesos.. last na to sa bayong niya kaya binili ko na ng makauwi narin.. Sulit naman dahil masarap! Kain po noisemate..😊
SHANGHAI Gandang gabi noisemate! Kain na po tayo ng mainit na shanghai.. Katatapos lang malakas na ulan dito.. mabuti bago bumuhos ang malakas na ulan ay nadalan pako ng shanghai ni classmate! Umorder ako sa kanya.. 10pcs for only 50 pesos.. Kala ko nga nagtaas na din.. nahiya naman ako dinala pa dito sa bahay kaya dinagdagan ko na ng konti para sa gas.. Paborito ito ni bunso masasarap ang kain niya..hehe
Matalino.. Ito na yata ang pinaka matalinong daga nakapasok samin..hehe Magdadalawang linggo ko na hinuhuli ang bubwit na nakapasok sa tindahan ko.. nilagyan ko ng pandikit unang araw at huli agad kaso nakawala sa pandikit sayang! Dapat pala tinapon ko na agad nakawala pa tuloy.. Simula noon hindi na siya dumadaan sa mga trap kong pandikit.. Nilagyan ko ng lason kahapon.. nakita ko ubos agad ang pain kaso hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita kung buhay pa o patay na..…
Blessed Friday.. Good morning noisemate! Friday na uli bilis noh.. mamaya recognition ni bunso online..nakakalungkot dahil last banquet na namin ito.. lilipat na kasi namin siya ng school This year.. Nagluto pala ko ng nilagang okra, itlog at di mawawala ang tuyo na paborito ko.. Medyo busy ngayon araw need ng more energy!😊
Chicken Caldareta with Gata.. Masarap na tanghalian sa inyo Pililipinas! Kain na po tayo.. Nagluto si nanay ng caldateta with gata na may anghang..isa sa paborito dito.. yung sarsa palang eh ulam na.. Gawa ako ng sawsawan na may patis at sili.. Ang init ng panahon dito nakatuyo agad ng sinampay.. maya maya kukuhanin ko na lulutong kasi ang hanger sa sobrang init..hehe Happy lunch time po sa inyo😊
Tira-tirang Buko Miryenda time mga mate! Mainit init pa ang bukayo kong niluto.. Si partner mahilig bumuli ng fresh buko madalas sabaw lang naiinom.. naiiwan ang laman kaya tintago ko nalang sa freezer at kapag sinisipag saka niluluto.. Wala akong asukal na pula segunda lang ang nagamit ko kaya maputla.. pero sa sarap at lasa panalo para sakin..ehehe gata asukal at buko lang yan..kaunting asin narin.. Kain po..😊
BANQUET Gandang gabi noisemate! Dahil may high honor si bunso may pa Jollibee si mama.. kay papa pala nila galing pinambili ako lang ang umorder..ehhe Thanks God nakatapos na naman kami ng panibagong taon.. this enrollment grade six na siya.. parang kelan lang ang lahat.. ang bilis talaga ng panahon..
Partner all the time.. Blessed morning noisemate! Itlog at sinangag ang perfect partner lagi.. Para sakin mapa umaga, tanghali o hapunan pwede sakin yan.. minsan nga kahit walang ulam basta may sinangag! Tulog pa mga kakain tayo muna mauna.. Ang ganda ng panahon dito ngayon maaliwalas..sikat na sikat ang sinag ni haring araw.. Nawa maging kasing ganda ng sikat ng araw ang maghapon natin noisemate!
TINOLA Ready na ang tanghalian noisemate! Nakapag saing na..nakapagluto na ng ulam.. Nakapag lagay na ng yelo sa jag.. uupo nalang at kakain ang mga bata.. ganyan ako noon.. noong bata pa.. Sana pala mas naapreciate ko sila nanay at tatay noon.. minsan pahirapan pako pakainin dahil hindi gusto ang ulam..maling mali pala.. Kaya ngayon bawi bawi sakanila.. Alam ko n pakiramdam nila noon dahil magulang na rin ako ngayon.. Kain na po tayo.. naalala ko lang..ehhe
Melon Samalamig.. Nagbrownout dito mga ka mema buti nagkaroon na uli ng kuryente.. kala ko naputulan na kami dahil hindi pa bayad.. Dumaan ang kapatid ko may dalang samalamig..milon ang flavor.. kala ko libre eh bente nalang daw..hehe Sulit naman masarap at malaking baso na free delivery pa kahit hindi naman ako umorder😁
Late Miryenda Miryenda po tayo mga mate.. Nakakagutom maglaba.. naaga ang pag lalaba ko dapat mamaya pang gabi pa.. siningit ko na para maaga makahiga mamaya dahil bukas maaga kailangan gumising para mag church.. Ito tirang ginawa ko kahapon minatamis na buko at may uwi uli si partner na fresh buko.. Perfect match..hehe parehong buko😁
Paborito.. Hapunan na po tayo Pilipinas! Masarap ang ulam simpleng masarap! tuyo talong itlog.. Noong isang araw ko pa gusto kumain ng pritong talong eh.. ngayon lang nakabili.. ganda ng nabili ni tatay bagong pitas..fresh na fresh.. kamatis lang available na sawsawan pwede na rin masarap din yun.. Kain muna po tayo noisemate!
Wish list..✅ Feeling happy dahil may natupad sa isa sa mga wish ko magkaroon ng ganitong gamit.. Last year ko pa ito nakikita lagi sa shopping app at ngayon lang nakarating dito sa bahay ko..ehehe Nahirapan ako iassemble kaya kay partner ko na pinagawa.. hindi maganda quality nang napunta sakin ginawan lang ng paraan para maikabit at magamit.. Thanks God may partner ako madiskarte..hehe Lalo ako sisipagin nito maglinis ng banyo.. Nawa tumagal ng masulit...😁
Champorado.. Blessed Sunday noisemate! Gayakan time na para di malate sa church.. Araw at oras para magpasalamat sa ating Diyos sa nadaang buong isang Linggo.. Nakapadami pa rin blessing kahit mahirap ang buhay hindi lang materyal o pera.. nandiyan lagi ang pagmamahal Niya sa atin.. Pinagluto ko ng champorado mga bata para may energy at hindi gutumin.. Mamaya po uli noisemate.. GOD bless us😊
Avocado.. Dito na kami kila nanay.. Dumating narin ang pinabili ko avocado.. Mamaya daw ishake para sa miryenda.. Baka magturon saging din na may langka.. May partner miryenda na.. wala pang tanghalian miryenda na agad nasa isip..hehe
Fried chicken Masarap na tanghalian noisemate! Kain na po tayo mga mate fried chicken ang ulam.. Mag gugulay sana ng mais kaso naging busy na chef namin..hehe Grabe ang init dito.. pero kahit grabe inut sarap kumain..happy lunch time po sa inyo😊
Nalate ang turon ni nanay.. Ngayon lang makaka miryenda.. Nilagyan ng langka minatamis.. para special daw.. Malamig na rin ang avocado shake.. Miryenda po tayo😊
Puto.. Blessed morning noisemate! Thanks God sa payapang umaga.. Maaraw na umaga dito.. Almusal po tayo ng puto.. naalala ko kuhanan ng picture mauubos ko na.. nasarapan eh! Mabigat na sa tiyan sa halagang 20 pesos..hehe Tapos na ang day off kahapon back to reality again😊
Blessing na Kapitbahay May dumating na biyaya galing sa kapitbahay kong mabait.. huli ani na yata nila ito.. Salamat at naalala ko bigyan..eheh Hindi lahat ng kapitbahay ay mababait.. meron din mga sakit ng ulo.. pero feeling blessed ako at may kapitbahay ako na may malasakit sa para sa iba..😊
Miswa at shanghai😊 Masarap na tanghalian Pilipinas! Nagluto si nanay ng miswa at shanghai.. Hindi ganon kakumpleto ang sahog pero basta lutong nanay napapasarap! Sabaw at pirito ay perfect match! Kain na po tayo noisemate!
Bago yarn? Hehe bagong repair lang.. Nanghihinayang ako mga mate sa binili ko stepin.. ilang suot lang nabakbak agad ang pinaka tapakan.. Pina repair kahapon ngayon nakuha na din.. Hindi man kasing ganda ng original color ang pinalit happy pa rin dahil muli ko ito maisusuot.. Sa liit ng paa ko bihira lang makakita ng gamay na sukat..ehehe isa pa pinagpapawisan din ang paa kaya di pwede goma ang tapakan lalong pagpapawisan.. ito parang gamosa tapakan nagaabsorb ng pawis.. May…
Banana cue.. Miryenda po tayo ng banana cue.. Iniisip ko kung ano spelling ng banana Q kala ko Q! Buti nalang nadiyan si mareng google..hehe Habang nagkakaedad ako lalong humihina sa mga simpleng spelling..ano ba yan..hehe Parang may loading lagi nagaganap bago ko maisip.. Dumaan nga pala si lolang naglalako ng banana cue sakto at wala pa kami miryenda.. sarap ipartner sa malamig na softdrinks.. Kain po tayo mga mate!
Ginisang Monggo Kain po tayo nag gisa ako ng monggo.. Simple gisa at sahog lang ang ginawa ko.. kung ano lang ang available sa kusina.. Hindi nagluto nito si nanay last week kaya namissed ko.. Ayan at muntik pa masunog kanina.. nakalimutan na may nakasalang.. Sarap ng kainan nito.. Konti inin nalang ang kanin at kaianan na.. Happy dinner po sa inyo😊
LUGAW Blessed morning mga mate! Almusal po muna tayo.. nakabili si partner ng lugaw sa kanto na may kasama tokwa at konti baboy.. Ngayon lang uli makakatikim ng lugaw.. Pandesal din sana masarap kapartner nito..😊
Nautusan ako ni nanay bumili ng kalan.. single burner lang.. ang napili ko brand ay camel.. Sana matibay ito .. yung luma namin kasi nasisira pinaka gitna.. nagbabakbak siya unti unti.. hanggang sa tuluyan ng nasira.. ito may free hose na rin na kasama.. 710 ang presyo.. sana masulit.. Ang dami magagandang gamit dito kung pwede lang maiuwi sa tingin..😁
PRITO.. Kain na po tayo noisemate! Pritong tilapya ang menu.. makapaghiwa ng kamatis para may sawsawan.. Ang tindi ng araw dito baka mamaya eh uulan na naman.. Kapag may natirang tilapaya mai sarciado mamaya.. madami kamatis sa ref mabubulok lang.. Happy lunch time po sa inyo😁
Indian Mango Ngayon ko lang makakain ang bigay ng aking kapitbahay noong isang araw.. Ito ang klase na masarap dahil maniba lang.. Matamis pero matigas pa.. Kahit na may ngilo na ang ngipin ko hindi mapigil kumain nito.. simpleng asin lang ang sawsawan.. Kain po mga mate..😊
Minandal.. Nadanaan si manang na naglalako ng miryenda.. May dalang ginataang mais at pancit.. Pancit napili ko..hehe sakto at nagkakape ko at tinapay.. Sa halagang 15 pesos nabusog nako.. Bakit kaya pag nabubusog ang kasunod sakit ng tiyan at antok..ehhe Kaya ihihiga ko muna habang wala pang nabili😁
Wentong Meatlop.. Dati mga mate tinatamad ako magluto ng delatang meatlop.. ang hirap kasi buksan.. Natuklasan ko ang mas madali paraan yung isasalang sa apoy para umangat pero naglalasang sunog yung meatlop.. Hanggang ang panganay ko ang nagturo sakin ng sikreto sa pag open.. napanood niya daw bubuksan ang lata at bubutasan ang kabilang side ng maliit saka hihipan..iyon pala ang mas madaling way.. Siya na din ang nagluto.. tinitingnan tingnan ko nalang at pinapaalalahanan…
Breakfast.. Blessed morning noisemate! Nagkahiwalay ang talong at itlog hindi ko na naitorta.. nagmamadali sa pagluluto.. baka mamaya tanghali nalang makapag tortang talong.. Kain po muna tayo para ma energy sa maghapon.. Have a great day and God bless us😊
Mura.. sulit kaya?.. Nalaban ko na ang bagong undies ni bunso.. Namurahan ako noong nakita ko ito sa palengke.. 100 apat na piraso na.. bale pumapatak lang ng 25 pseos isa.. compared sa mall na 300plus mahigit ang 3 piraso.. pero sulit na sulit din naman hanggang ngayon mga buo pa, sumikip nga lang kay bunso.. Makabili pa uli kapag nagustuhan niya gamitin..😉
Caldareta.. Late lunch na noisemate! nalibang sa mga gawain.. ngayon lang nakramdam ng gutom.. nagluto si nanay ng caldaretang manok.. Di ko pa natikman kung may gata o wala.. O diba unahin muna ang magpost bago kain..haha Gutom na ko..kain muna po tayo😁
Shake shake shake.. Pampawi ng init.. Patak patak kami mag-iina para umorder nito..hehe kay bunso buko kay ate mango sakin ang avocado.. wala naman delivery fee dahil sa kabilang kanto lang..kasarap ng malamig na maiinom kapag kaganito kainit ang panahon..😊
Ang lakas ng ulan dito noisemate.. Ang lakas ng hangin.. may kulog at kidlat pa.. Sana wag bumaha.. mababa lugar kasi kila nanay naaalala ko sila kapag ganito kalakas ang ulan.. Alam ko kailangan itong ulan ng mga pananim at sa mga dam na konti na ang tubig.. Nawa wag lang tumagal.. Keep safe noisemate!
Happy dinner time Pilipinas.. Ginataang sitaw kalabasa ang aming ulam.. Mabuti at huminto na ang malakas na ulan.. Kanina pa itong ulam tanghalian ininit ko lang ngayon.. padala ni hipag.. Medyo lumamig ang panahon mukang masasarap ang tulog mamaya.. Kain po muna tayo..😊
Blessed morning noisemate! Ang lakas ng ulan kanina madaling araw.. Mabuti at maganda na ang panahon dito.. Hindi ako masiyado nakatulog biglang may sumakit sa lalamunan ko.. yung nagka plema na hindi naman sinipon.. Sakit kapag lumululon..nag timpla ko ng kape para mainitan.. may tinapay din na perfect isawsaw sa kape..😊
Nadaan si tito may dalang rambutan para sa mga bata.. panay ang paalala ko sa mga anak ko kapag kumakain nito na magingat.. baka malulon ang buto..ang tamis pa naman parang kasarap kagatin ng buto..hehe Nagiisip nako ng uulamin mamaya para sa tanghalian.. Makapag saing muna mga ka mema..😁
Tortang talong.. Happy lunch time Pilipinas! Mainit na tanghali po sa inyo.. Ngayon palang kami ka kain dahil hinintay ko pa magising ang panganay ko.. masarap kumain kapag may kasalo.. o sabay sabay sa pagkain..😊
Itlog pugo at shanghai.. Gandang hapon mga ka mema.. Miryenda time na.. medyo busog pako sa tanghalian kanina pero need na ito kainin habang mainit pa.. uwi ni partner ngayon.. gusto non kapag may dala kainin na.. Kain po tayo noisemate!
O K O Y Di ko malaman uulamin kaya napa scroll sa app.. Nakita ko itong okoy 20 pesos each.. tinanong ko mga bata kung gusto nagsipayag naman.. Ayon solve na ang hapunan namin.. nakasulit sa order dahil masarap mura at healthy.. Panalo din ang sawsawan nila may lasang pipino.. Thanks God sa maghapong puno ng biyaya.. Tara po kain na..😊
Breakfast Blessed morning noisemate! Late breakfast na.. tinanghali ako ng gising..ehehe May panaginip kasi ko exciting kaya nahimbing.. Kabilis ng oras.. madaliang trabahao na naman ito.. Nagluto ako ng itlog at tocino para sa mga bata.. para ready na kakainin nila pagka gising.. gabi palang naka order na gusto nila kainin sa umaga..😁
Alas dose na po kainan na Pilipinas!! Nagpirito ako ng bangus para makain ng mga bata dahil kapag sinigang sabaw lang ang nakakain.. Gagawa nalang ako sawsawan toyo at kalamansi.. Noon kapag ganito ulam hinihimayan pako ni nanay para makain ko laman.. Ngayon ako naman gagawa sa mga anak ko..ehehe mahirap kasi matinik..😁
Miryenda.. Kain po tayo mga ka mema.. Noong isang araw pa nagpaparinig ang panganay ko na gusto daw niya ng maja.. Di naman ako kumikibo kasi lagi ako pumapalpak tuwing gagawa non.. Ngayon hindi ko natiis subukan uli.. Hindi pa rin ganon ka perfect pero ok na sa lasa.. Dapat keso ilalagay sa ibabaw kaso naubusan pala kami.. coco mama gata ang available na stock kaya latik ang naging toppings..😁
Nanghingi ako halaman sa kapatid ko dahil nakita ko kahapon ang isang post ng isa natin mate na meron siyang halaman sa loob ng comfort room.. at sobrang nagandahan ako.. gaya gaya noh..haaha Nainspired talaga ko.. ginawa ko nilinis ko muna pinaka paso at nilagyan ng maliliit na bato na may kulay.. naka stock lang yan sa mga abubot ko.. napakinabangan ngayon.. Nawa hindi mamatay sa loob ng c.r ang halaman.. nakaka refresh kasi kapag may halaman sa loob ng bahay kasarap sa…
Hapunan na po tayo noisemate! Monggo at paritong isda.. padala pa ito ni nanay kanina hapon.. ininit ko nalang.. Hindi muna sana ko kakain ngayon hapunan pero kapag ito ulam hirap mag pigil.. Mapa mahal kasi o mura ang sahog ng monggo masarap pa rin..😊
Mga ka mema papasok na sana ko ng kwarto pero may pumasok pa isip ko gawin.. pag bukas ko kasi ng ref nakita ko na naman magulo ang ayos ng mga tuyo ko.. Naalala ko may sabitan pa kong hindi nagagamit.. Kaya dinikit ko sa ref para sabitan ng tuyo.. Titingnan ko kung hindi malalaglag bukas yung sabitan.. Nito ko lang nalaman na mas tumatagal ang buhay ng tuyo kapag nasa ref.. salamat sa tinderang nagturo sakin.. dati kasi lagi ako nasisiraan.. Now i know..😁 Good night po sa…
Sinangag.. Blessed morning noisemate! Ang bilis ng oras.. parang kulang ang magdamag na tulog..hehe Nakapagsangag nako.. halo ang hotdog at itlog.. Paborito yan ng mga bata dito basta sinangag.. Mukang maaga ang kulilim ng panahon dito ngayon.. sa pagpalit palit ng panahon uso na naman ang sipon..huhu wag nawa ako makahawa..
Ginataan.. Maaga nakaluto ng ulam.. ginataang sitaw kalabasa at alimasag na maliit ang sahog.. naparami ang luto ko kaya ako naman ang magbibigay kila nanay.. Waiting nalang maluto ang sinaing.. Tamang tama mag aalas dose na.. Happy lunch time sa inyo mga mate!
Spaghetti.. Walang may birthday pero spaghetti time.. ilang spaghetti post na ang nakikita ko dito nakakatakam talaga!! kaya gumawa ako ng simpleng version lang.. tamang tama at may tinapay pang hindi na pinapansin.. nanawa na yata mga bata.. ginawan ko ng paraan para maubos na..nilagyan ko ng butter garlic at konting basil.. Siguro naman ay mauubos na ito.. ready na ang miryenda sila nalang ang magsandok ako'y magsiyesta time naman..hehe
Sakto ang dating ng parcel ko ngayon.. Magagamit na bukas ng panganay ko.. First time bumili sa online ng sapatos at medyas.. Good naman naayon lang sa presyo quality.. Iisa lang kasi ang pangkalad ni ate doll shoes..kaya binili ko panghalili.. rubber shoes napili ko maiba naman.. Napangiti siya ng makita niya ito.. happy yarn😁
Ito nangyayari kapag magkaiba ang gustong ulam ng dalawa kong anak.. magkaiba pa brand pareho lang naman delata at isda..hehe Sige kako basta kainin nyo lang.. Pero sure may matitira yan.. Bukas na kami magluto ulam sunday naman sure na magluto si nanay.. Kain po muna tayo..😊
Blessed Sunday noisemate.. Kakaalis lang ng aking panganay papuntang church.. siya lang magisa.. iwan kami ni bunso dahil biglang nilagnat kaninang madaling araw.. hindi siya makahinga sa sipon.. Pareho kami puyat.. thanks God hindi nahawa panganay ko.. at tumuloy pa rin kahit siya lang mag isa lalakad.. Excited din siya talaga ngayon dahil suot na ang bago niya sapatos at medyas.. Si bunso naman bagong bukas na gamot ang gamit.. Hindi talaga natin sigurado kung ano…
Kainan na noisemate! Dahil Sunday ngayon family day.. nagluto si nanay ng pork steak.. minsan lang makapagluto nito kaya siguradong taob ang kaldero mamaya.. kumpleto pa naman kami..hehe Masulit ang day off mabilis lang ng oras.. Kain muna po tayo😊
Avocado again ang miryenda.. paborito ng kapatid ko to kaya bumili uli at pinatimpla sakin.. Ayaw daw niya ng shake.. ang gusto may buo buong nakakain.. may naalala daw siya kapag naka shake..hehe miryenda po tayo😊
Little Papaya.. Hinatid ko na si pamangkin sa kanilang bahay at may nakita kong nakakatuwang papaya..kaliit liit na puno ay may bunga na.. bihira ako makakita ng ganito kaya pinicturan ko.. sarap ng may ganitong tanim.. madali lang mapipitas.. Uwian time na noisemate.. back to reality😁
Done na sa pagluluto! Ginisang corned beef with patatas.. iniinin narin ang sinaing at pwede na kumain ng hapunan.. parang ngayon lang lumipas ang mahapon na walang ulan dito.. Sabi nga pala nang kapatid ko kanina balita daw na August pa ang pasukan matagal tagal pa pala ang bakasyon ng mga bata.. May time pa magipon pambili ng school supplies kung sakaling mag face to face na..😁
Blessed morning noisemate! Ready na ang sosoli ko module mamaya last na ito.. nakatapos din ng isang taon sa high school.. Mabilisang lakad uli mamaya.. Makapag asikaso muna para areglado iiwanan ko mamaya.. Extra ingat po pala nauuso ang ubo sipon.. kami magiina tinamaan na.. God bless us..
Pritong Isda🐟🐟🐟 Alas dose nah.. kainan na?.. Maaga ko nakabalik galing school wala na kasi kong ibang dinaanan.. nakapag prito pa ng isda pananghalian.. Dahil mura ang kamatis ngayon sagana sa sawsawan.. baka mamaya makapag gisa ng kamatis na may itlog..😁
Buko pie.. Miryenda time noisemate.. May uwi si partner na buko pie.. Makapag timpla ng kape.. makapag tanggal antok.. buti medyo umaaraw na dito..naihabol ko pa sinampay ko ilabas.. kakainip kapag ganitomg oras.. pagkain ang nagiging libangan..hehe Tara po miryenda muna..😁
Gandang gabi noisemate! Kumain na po kayo? De lata again ang ulam.. waley pang sahod..hehe Kami basta gabi kahit ano nalang maiulam kung ano available pwede na.. Catsup lang katapat nito busog na! Happy dinner time po sa inyo..😊
Breakfast time.. Blessed morning po sa inyo noisemate! Maaga nagpunta si tatay samin bahay para maghatid nitong tinapay.. cheese bread at pande coco.. hindi ako masiyadong nakatulog kagabi ang panaganay ko naman kasi ang nilagnat at hindi makahinga sa sipon..hirap ng nagkakasakit.. Sabi ko nga sa mga anak ko ang blessing hindi lang financial, material o nakikita dito sa mundo..yung simple nakakahinga ka ng maluwag blessing na..😊
Chicken curry.. Tara let's eat na po Pilipinas.. Maaga nakaluto si nanay ng ulam na chicken curry.. kaya nagsaing na rin ako ng maaga.. Tinapay lang ang almusal kanina umaga kaya maaga mga nagutom.. Wala pa rin panlasa dalawa ko alaga dahil sa sipon at ubo.. pero need pilitin kumain para mas lumakas ang resistensiya.. Happy lunch time po sa inyo😊
Macapuno.. May bigay si tito noong sunday na macapuno.. Ngayon ko lang naalala kainin.. nasa ref kaya siguro tumagal ang buhay.. makati pa lalamunan ko sa sipon at ubo kaya tikim tikim lang muna bawal ubusin.. Kayo po mga ka mema ano miryenda diyan..😁
Tara po kape tayo.. Bumuhos na ang malakas na ulan dito.. Grabe ang lalaki ng patak parang may binubuhos na maliliit na bato sa bubungan.. Ano pa ba masarap gawin kapag ganitong panahon.. ang matulog sana kaso cannot be pa.. Kaya kape kape muna.. sakto may mamon tostado at cookies dito.. charap ichawchaw xa kapiiiie..hehe Sorry noisemate kakanood ko yata ito ng kung ano ano sa tiktok😁
Maulang gabi noisemate! Dinner time na po tayo.. kapag ganitong nag-uulan mas mainam na maaga nakakapag asikaso ng hapunan dahil minsan nawawalan ng kuryente.. nag prito ko ng luncheon meat.. Ulam na hindi aayawan ng mga alaga ko..😄
Champorado.. Blessed morning noisemate! Makulimlim uli ang panahon dito.. Nagluto ako ng champorado almusal ng mga bata.. Ang sarap pa sana matulog noh mga mate.. Kaso may mga gawaing naghihintay.. Ang laki ng binaba ni bch.. nawa tumaas uli ang value..
Thanks God umaraw din... Mukang makakatuyo ako ng sinampay.. Nagpalit ako ng inumin namin.. isa sa kinatatamaran ko gawin dahil ang bigat itaas sa taas ng lababo.. Halos araw araw pumapasok si partner at lagi natatapat nauubusan na wala siya.. Pero naalala ko mga kamag anak namin sa Quezon province iigib pa sila sa ibaba ng bundok para magkatubig.. hindi pa kulo yun pakukuluan pa ni lola bago mainom.. samantalang ako bubuhatin ko nalang..ehhee kaya pasalamat pa rin ako..…
Kaldareta with gata.. Kumain na siguro kayo mga mate dahil ala una na.. kami ngayon palang kakain.. nagpadala si nanay ng kaldaretang manok.. Mas malasa talaga kapag may gata.. Pagka kain hanap uli ako sa youtube ng ibang earning app pang dagdag income..ehhe Kaso sa dami nila pinopromote diko na alam ang uunahin..😅
Sana looking Fresh lagi..😁 Batang 90s nakakaalam ng candy na ito.. Hinihipan noon sa bibig pataas at nilalaro sa hangin.. kapag nagawa mo yun magaling ka!! Kaso one time ko ginawa at nashoot sa ilong ko! sobrang natakot talaga ko.. mabuti nailabas din.. simula noon hindi ko na inulit pag laruan.. Sarap nalang pagulugin sa loob ng bibig habang kinakain..hehe
Nakakatuwa buhay na ang tinanim ni nanay na mga sili.. sana lumaki pa.. gamit na gamit samin ang dahon ng sili kapag nagtitinola.. madalas kasi ay walang malunggay.. Pati kapitbahay libre pitas kapag tanim ni nanay.. Pati papaya nabuhay din.. dumarami narin ang oregano na sulit kay tatay kapag nagkakaubo.. sarap lang ng may tanim.. kapag kailangan may mapipitas..😁
Ginisang kamatis with egg.. First time ko gumamit ng instant giniling na argentina.. hinalo ko sa ginisang kamatis at itlog.. Mabuti at nagustuhan ng mga bata kundi ako mag-isa ang uubos nito.. Mura ang kamatis ngayon dito kaya marami stock sa ref.. magpipirito pa sana ko ng tuyo kaso baka lalo maparami ang kain ko diet pa naman ako kunwari..hehe Kain na po tayo mga ka mema..😉
Blessed morning noismate! Kaganda ng sikat ng araw ngayon.. Nagluto ako ng pritong itlog at pancit canton almusal.. may sinaing na rin.. Malapit na katapusan ng June.. Ang bilis.. panibagong mga duedith uli next month..kaya need magsipag.. para sipagin dapat busog para may lakas..wag lang magpaka sobrang kaen.. nakakaantok!😊
Babad time muna mga ka mema.. Mamayang gabi ang umaatikabong kusutan..hehe Ganyan ang style dahil walang washing.. Gusto sana namin lumabas mamaya at mamili ng konting grocery kaso ang dalawa kong anak eh matindi pa ubo.. baka layuan kami don..hehe Gusto ko sana makalabas man lang sana mga bata..pero mukang di pa pwede.. Waiting nalang siguro uli ng perfect time..😊
Ginisang Sayote.. Masarap na kainan sa inyo noisemate! Ginisang sayote with corned beef ang aming ulam.. simpleng masarap! Siyempre happy mama kapag gulay ang makakain ng mga bata.. Kain na po tayo Pilipinas😊
Ito na kaya ang sagot sa tumataas kong timbang..hehe Another try ng vitamin c.. dahil lagi ako umiinom ng vitamin c madalas nauubusan o kaya naman ay bili ng bili sa botika ng pa sampo sampo piraso.. Nagkataon naging reseller nito tita ko at marami na good review.. Sana maging maganda rin ang epekto sakin.. Bukod sa pampalakas ng resistensiya pampapayat din daw..weh di nga?! Hehe masubukan ng malaman..😉
Pahabol na miryenda mga mate.. Uwi ni partner.. buy 1 take 1 yata to.. Mas bet kesa ko sa angels.. Sarap sana ipartner sa softdrinks.. Nagpipigil lang..pagkatapos nito maya maya hapunan na..😊
Maulang gabi mga ka mema! Ang lakas ng ulan na may malakas ding hangin.. Buti bago bumagsak ang ulan naka order na kami ng uulamin na okoy.. naulit dahil nasarapan ang mga bata noong unang order.. Kapag talaga mura at masarap babalik balikan..😁