Blessed morning noisemate! Tulog pa ang mga chikiting ko.. Mamaya pupunta kami kila nanay para don mananghali.. di pa din ok ang aming connection sa internet.. inip nako.. Mamaya makikiconnect ako kila nanay para makaupload ng picture.. Nawa maging masaya at ligtas ang araw nating lahat.. GOD bless noisemate☺
@Encarnation3456 in May 2022
HEALTHY Cookies😊 Sarap ng kain ni pamangkin.. gift lang sakanya yan.. cookies na may chia seed oats cashew nuts.. kami busog pa sa tanghaliang gulay kanina.. basta nakila nanay ako napaparami talaga kain.. kasarap kasi kumain kapag kasabay ang buong pamilya..😊
Lambing ni nanay.. Nang napunta ko kanina kila nanay nabanggit niya wala na daw siya deodorant..ehhe simpleng lambing niya yan sakin..ibig sabihin ibili ko na siya.. kaya bago ko umuwi ibinili ko na.. Sabi niya sabay na siya samin umuwi dahil magpapagupit siya ng buhok.. binigyan ko narin ng pampagupit kahit wala na laman walllet ko..hehe Pag dating sakanila ni tatay nakakalimutan ko talaga magtira.. sa maliit man lang na paraan mapasaya sila..😁
GINISANG BAKA😅 Kumain na ba kayo noisemate? Kami ngayon palang.. nag gisa ko ng delatang baka..hehe walang patatas eh itlog nqlang hinalo ko.. yan ang hiling ng panganay ko ngayon namimiss daw niya.. Kain po uli tayo mga mate😊
Kape't Tinapay Blessed morning noisemate! Simpleng perfect combo ang aking almusal.. Mula noon hanggang ngayon paborito ko.. Ngayon nalang uli nakatikim ng mainit na pandesal.. medyo malayo kasi ang bilihan sa samin.. sarap nito isawsaw sa mainit na kape..hehe Sana'y nag almusal na rin kayo.. Have a great day noisemate😊
GINISANG SAYOTE Yehey gulay uli ang ulam.. Kain na po tayo noisemate.. Ito ang gulay na kinakain ng mga anak ko.. Imbis na giniling ang sahog binating itlog nalang para mas makamura..hehhe Healthy masarap at mura.. Happy lunch time everyone😉
Work work work😁 Kahit holiday pinapatapos ko na ang mga module niya.. mukang matagal pa kami pababalikin sa school para magsoli at kumuha ng bago gagawin.. Mainam na mas maaga matapos kesa maghabol.. Medyo need konsiya bantayan para di matukso sa gadgets.. tamang wento bantay lang na may halo rin lambing..ehhe gagawa kako kita mamaya ng miryenda..😊
Masarap na Libre.. Pumunta si pinsan at naki connect ng internet para sa kanyang orientation sa trabaho.. May pa pizza pang dala.. mabuti bukas makakapag start na rin siya sa kanyang new work.. Ang hirap ngayon makakuha ng magandang trabaho.. yung malalalaki na ang sweldo kinakapos pa.. paano pa kaya walang pinagkukunan ng regular na kita.. Ulila na tong pinsan ko at sobrang proud kami skanya na kaya niyang buhayin ang kanyang sarili na di umaasa sa iba.. Miryenda po tayo…
Wentong Hotdog.. First time ko magluto ng hotdog na ibang way ng pagluluto.. nakita ko ito sa tiktok na pinakuluan muna sa konting tubig at pagkakulo saka nilagyan ng mantika para prituhin.. Mas maganda pala ganitong way kesa sa diretso prito na.. mas masarap din daw sabi ng mga bata.. Sabi nga.. kids can tell..😅
Wentong noodles.. Blessed morning noisemate.. Sarap talaga matulog sa umaga.. antok is real pa.. Namissed ko ang noodles.. kaso nang iluluto ko na nawawala sachet na flavor.. hindi ito first time nangyari.. dati sa pancit canton naman wala din nakalagay na sauce.. yung tipong tipid mode ka tapos ganito..hehe Makapag bukas nalang ng bago kumukulo na tubig eh..😅
PIRITONG ISDA Kakatapos ko lang mga ka mema mag pirito amoy pirito narin ako kahit hindi pa kumakain..hehe tamang upo muna sandali..kainit magluto pero pasalamat pa rin ako at may lulutuin.. Kapag ganito kainit ang panahon tubig na malamig na malamig ang panglaban.. kaso ang bilis din matunaw ng yelo.. Makapag hiwa muna ng kamatis at matawag na ang mga amo para makakain na..este mga anak pala😁
BAWAL na masarap!! My favorite softdrinks! Kasing cute ko ang size nito..hehe Tanda ko dati noong bata ako sumakit ang tiyan ko.. ang ginawa ni inang bumili ng sarsi at nilagyan ng gawgaw saka pina inom sakin.. hanggang ngayon di ko pa rin alam ang connect ng gawgaw sa sarsi kung bakit ito naging gamot..ehehe Wala na si inang di ko na maitatanong.. the best talaga lola ko na yon basta para sa apo gagawin lahat..😅
Turon toge at Buko Miryenda po tayo noisemate.. may uwi si partner na turon toge at fresh buko.. masarap din sana tong ulam kaso naubusan kami kanin..hehe Sarap nito mainit pa bagong luto.. Yung buko nilagyan ko ng konting asukal at yelo para inumin ng mga bata.. Kain po tayo noisemate!
S I T A W Tayo na pong maghapunan Pilipinas! Adobong sitaw ang niluto ni nanay pinadala ngayong hapon.. binabaw nalang sa sinaing para initin.. nalibre na kami sa ulam ngayon gabi.. Thanks God sa maghapong nagdaan na puno ng pagmamahal Niya..😊
Birthday? May Spaghetti yan.. Blessed morning mga ka mema! Sa ating mga Pilipino kapag may birthday bihira mawala ang spaghetti.. kahit pa simple ang sahog itutuloy yan..hehe Birthday ni bayaw yan lang daw ang handa.. Medyo kapos daw sa budget.. pero thankful parin ako at naalala ko dalan.. Kakahiya lang at wala ako naibigay na regalo.. Bawi nalang next time.. Kain po tayo noisemate...
IHAW-IHAW Kahit mainit ang panahon tuloy pa rin ang ihaw.. Request ni partner eh.. siya nagpunta sa talipapa at pina ihaw sakin to.. kung ako papipiliin may sabaw nalang sana..hehe Sa bagay ok lang.. minsan lang naman kami mag ihaw.. masarapan sana sa timpla..hehe Maghain na po at kakain na.. Happy lunch time mga mate!
Aaraw o Uulan? Maglalabas sana ko ng sinampay kaso biglang kumulimlim.. alanganin oras kasi ako naglaba.. Bukas ko nalang ito ibibilad sa araw para sure.. Nag miryenda na ba kayo mga mate... Ako iinit ko palang spaghetti para mamiryenda.. di naman naubos kanina.. Sakto at may slice pa.. makapag timpla din ng juice para masolve na ang miryenda😄
Pusong tira..😅 Kumain na ba kayo noisemate? Kami po ngayon palang.. hirap hati hatiin ang katawan sa mga gawain.. gumawa uli ako ng ice candy.. kaya ginabi na ng kain.. Pritong itlog para sa mga bata sakin itong tirang puso na isang linggo na yata sa freezer.. mabuti di nagbago lasa..ahaha wag lang sana sumakit ang tiyan ko dito..hehe Kain po noisemate😅
Again and again.. Blessed morning noisemate! Di ko inaasahan magiging ganito kabilis ang pag ulit ng pagkawala ng internet connection namin.. dahil last week lang nangyari na ito.. Huh.. kelan nanaman kaya maaayos ito.. Nagload lang uli ako ng data.. Nawa maayos din ngayong araw..
Waiting pa rin for maintenance ng connection namin.. di ako makapag upload ng picture.. Hina talaga kapag data lang.. Nagsasaing nako at magluluto lang ng century tuna.. tamang tama may chitcharon baboy pa dito.. maipartner nalang.. Happy lunch time po sa inyo noisemate!
Mainit na hapon mga ka mema!!! Tubig na malamig ang pampawi ng init sa ganitong panahon.. tipong kalalagay mo lang ng yelo sa jag eh lusaw na agad.. Karararing lang ng mga deliver ng ice cream pang tinda.. puno ang freezer sana eh wag sumuko sa init.. Miryenda po muna tayo tinapay at keso😅
Tuyo't itlog.. Kain na po tayo noisemate.. Sorry at wala akong picture.. di pa naayos connection namin.. maghapon naghintay pero walang dumating na magaayos.. Thanks God sa maghapon nagdaan na napakarami biyaya sa paligid at kahit mahina ang data meron parin parin signal kahit paano.. Happy dinner time po sa inyo😊
Blessed morning noisemate! feeling blessed ako ngayon kahit wala pa aayos ng connection namin ng internet ay nakakapag post pako dito gamit ang data..hehe wala nga lang picture.. Kape at tinapay ang aking alamusal ngayon.. Tulog pa ang mga alaga ko.. Samantalahin ang tanghaling gising ng mga student habang wala pang pasok.. Pero mamaya pagagawin ko si bunso ng lesson niya kahit konti.. Maaaga palang mainit na.. ingat noisemate and God bless po sa inyo😊
Mainit na hapon noisemate! Kakatapos lang namin mananghali.. Wala pa rin hinintay ko magaayos kainip maghintay.. Makapaglaba nalang para mawala ang inip ko.. Sa init ng panahon baka makatuyo pako nito..
Nagmiryenda na po ba kayo mga ka mema? Kakahinto lang ng ulan dito.. kakasabi ko lang kanina mainit tapos biglang umulan kaso hindi naman lumamig..vpa rin saglit lang kasi ang pag buhos ng ulan.. Nakakaantok... akoy nag hahanap ng mangunguya..😅
Finally.. Sa wakas dumating din ang gagawa ng internet connection namin.. buti maaga nagsipunta.. pang 3days na namin nagtiis sa data.. Thank God.. Marami daw dugtong linya namin sana naman wag na uli magka problema.. Hehe wala kami almusal.. magsasaing nako para sa tanghalian.. na busy ngayon umaga.. buti tulog pa mga bata..😊
TINOLA Nananghali na ba kayo mga mate? Kami ngayon palang kakain.. katatapos lang mag luto.. tinolang manok ang ulam.. kumilimlim kanina akala ko uulan.. buti hindi nag tuloy ang dami ko pa naman sinampay..hehe Kain po uli tayo sa mga tapos na diyan🤗
Miryenda Time:😁 Umorder si partner ng pizza may kasamang Free softdrinks.. mukang bago lang ang store.. Bacon ang flavor nito maiba naman daw.. lagi kasi hawaian ang naoorder.. pero para sakin kahit ano flavor basta pizza..hehe Miryenda po tayo mga ka mema!
New look.. Sa wakas napalitan din ang lumang mantel para sa study table ng mga bata.. na order ko lang online.. manipis sa personal.. pero pwede na rin.. Ingatan nalang kako ng mga bata.. Panganay ko ang nag ayos niyan..hindi ko talaga ginalaw.. gusto ko siya ang magpalit para masanay magligpit at magsinop ng gamit.. Ayos na ayos yan ngayon kapag may pasok na para nanaman ginera..😅
Blessed Sunday👩👧👧 Happy mothers day sa mga ka nanay ko diyan! Specially kay nanay ko.. na gagawin lahat para sa anak.. pagmamahal na buo at walang kapalit na hinihintay kundi nais lang mapabuti ang anak.. yan ang nanay ko.. Mamaya pupunta kami sakanila.. makapag salo salo sa simpleng tangahlian ay masaya na.. Maglalaba muna ko ng konti.. para wlang maiwan gawain bago umalis.. Nawa maging masaya ata ligtas ang araw natin lahat..GOD BLESS po..
GINILING na bola bola.. Kumain na kayo noisemate? Kami ngayon palang, kararating lang kasi namin galing grocery ang haba ng pila.. matagal pa pinila namin sa oras ng pamimili ng grocery.. Buti pag dating namin nakaluto na si nanay ng ulam kaya kakain nalang.. Thank God may nanay akonh masipag mag asikaso samin.. Kain po muna tayo uli..ehhe
Buko shake time.. Paborito ni bunso ang buko shake kaya di nawawala yan basta kasama siya sa grocery.. Kaso di siya jackpot ngayon .. ang nabili namin kanina may something na lasang panis.. Kaya di rin naubos.. Kayo mga mate ano po miryenda niyo..
Parada.. Hindi ko alam kung ano okasyon ang meron pero may pa ganyan samin ngayon at may tugtugang mosiko na may halong sigawan.. Makapag saing na.. ang bilis ng oras mga mate.. Happy mothers uli sa mga ka nanay ko diyan sana naging masaya din kayo gaya ko.. Walang regalo.. walang special na pagkain o pamamasyal pero happy!! dahil buo ang pamilya, malulusog ang bawat isa.. yan naman ang importangteng tunay satin mga nanay😍
Happy Monday! Blessed morning noisemate! Maaga ko nagluto para makakain sana bago bumoto kaso yung kapatid ko nagbago isip sa hapon nalang daw kami pumunta.. Sana mamaya konti nalang tao kapag pumunta kami.. Napapa happy ako ng simpleng tuyo sinangag na to..hehe may favorite almusal.. kain po ka mema!
7:00 am palang dumating na sila nanay kanina dala ang tinapay na ito.. dala din ang aking pamangkin para iwan muna dito..dahil sila boboto. Mabuti isang oras lang ay nakablik uli sila para kunin si pamangkin na may sinat kaya malambing algaan.. naiwan pa dede dito.. mamaya papadala ko to.. mailagaya muna sa ref para di mapanis.. Mamayang hapon kmi naman ang boboto.. Nawa manalo ang karapat dapat sa posisyon at walang mangyari dayaan sa resulta..
TILAPYA Tanghalian na po tayo noisemate! Nag paksiw si nanay ng tilapya.. Kundi prito.. paksiw ang madalas luto namin sa tilapya.. ito ulam na pangatlong init na masarap pa rin..hehe Dati ayoko ng paksiw dahil hindi pak sa panlasa ko pero habang tumatanda naiiba ang pang lasa at gusto..😁
Simple gift.. Ito lang ang naibigay ko kay nanay kahapon na regalo.. low budget pa.. pinagiipunan ko din kasi postiso niya..ehhe para makangiti na uli ng maganda.. hirap din siya sa pag nguya kaya need talaga ng bagong ipin..hehe Kelan ko kaya makukumpleto ang 8k.. Ang mahalaga may okasyon o wala naaalala natin sila😊
My elementary school.. Tuwing election day lang ako nakakabalik sa dati ko iskwelahan noong elementary.. Na parang kelan lang dito sa stage na to kami naglalaro ng langit lupa.. at sa malaking oval na ito damuhan kami nag momoro moro.. hay nako bawat parte ng school na ito may istorya sakin.. mula sa gate hanggang dulo my memorable moment sakin.. Naisip ko lang kung makikita ko kaya ang sarili ko ngayon na kabataan ko pa.. ano kaya ang sasabihin ko sa kanya..😁
Late man naihahabol din.. Kahapon parang ordinaryong araw lang pero masaya ko dahil kumpleto kami pamilya.. Kanina umuwi si partner at may dalang eggpie na goldilocks.. sabi niya para daw yan kahapon dahil mothers day..hehe nangiti at natouch ako siyempre.. wala lang pala siya pera extra kahapon kaya di nakapag effort..haha Parang ito na hapunan ko ngayon.. Kain po mga ka mema😍
Blessed morning noisemate! Ako lang po ba hindi makapag cashout kay noise kagabi pa.. dahil po kaya sa holiday.. Back online na si bunso.. makapag ready na ng almusal..ehhe nandito uli si pamangkin may makulit ako alaga..hehe
My pamangkin.. Sarap pang gigilan kapag pamangkin..hehe Namimiss ko mga anak noong ganyan pa kaliliit.. Iniwan siya dito ngayon dahil magbabayad ng meralco mommy niya.. iniwang isang dede lang ang dala at walang extra damit.. eh pumupu wala ako maisuot sakanya.. kaya damit ni bunso nalang! Naninibago siya sa damit niya😅
Pritong Liempo Kain na po tayo noisemate.. Pinirito ko na ang liempo uwi ni partner.. Kamatis sana gusto ko sawsawan kaso wala kami stock.. catsup nalang siguro o toyo mansi.. Sarap talaga kumain.. lagi ganado.. Paano papayat..haha Tara kain po habang mainit!😁
Instant miryenda.. Miryenda po tayo mga ka mema! Kahapon pa ito egg pie natira kagabi kaya may instant miryenda pa ko ngayon.. Minsan maganda din may tira para may makukuha pa sa ref kinabukasan..😅
Mula noon.. Hanggang ngayon.. Hapunan na po tayo noisemate.. Bilis ng oras.. Bumili lang kami luto manok sa kanto.. 23 years ago suki na kami ng manukan na ito.. isang picho 4 kami kumakain mag anak.. may natitira pa minsan yan..hehe ganon kami katipid sa ulam noon.. Mula noon hanggang ngayon ang timpla di nagbabago.. pati sauce hindi rin madadagdagan kung di ka magrerequest ng dagdag..hehe Kapatid ko ang bumili na mahiyain kaya ayan isa lang😅
Break fast.. Almusal po tayo.. Madaliang almusal mga ka mema.. Pinagsawaan na ng mga anak ko tong cereal sayang naman kaya ako nalang ang kakain.. Amg dali nila magsipag sawa sa pagkain.. sa gawain.. hayss.. Pagkatapos nito makapaglaba ng sapin ng makatuyo agad.. ganda ng sikat araw😊
TILAPYA at SABAW Kain po tayo Pilipinas! Nagpadala si nanay ng pritong tilapya at sabaw ng bangus.. sabaw nalang binigay dahil di naman nakakain dito ang laman ng bangus..ehhe may pobya na sa bangus ng natinik noon.. Sakin sabaw ay sapat na.. Happy lunch time noisemate! Tara po kainan na..🤗
Tira tira.. Ano po miryenda nyo mga ka mema? Akoy may napulot.. April palang nakikita ko na to sa ref.. binili ni bunso di naman kinain.. hindi siguro nagustuhan ang lasa.. kapag walang manguya naaalala ko mga tira tirang pagkain eh..ehehe nagluluto panganay ko sa kusina may naaamoy akong mabango..ehhe makahingi..😁
Milktea lover.. Nakita ko to sa grocery 4pesos isa.. namurahan nako kaya binili ko na.. lagi kasi ako natatakam sa mga nagpopost dito ng milktea..hehe tuwing makakakita ko parang gusto ko rin umorder.. buti meron nito isang timpla lang makakatikim na wala nga lang pearl pero solve na ang uhaw sa milktea..😁
Inihaw na pinirito pa😅 Yung hotdog kong natuyuan ng tubig nagmuka tuloy inihaw..hehe nakalimutan ko nakasalang buti hindi natuluyan masunog lahat.. Nilagyan ko agad ng mantika ng mahabol pa ang luto.. Kayo kumain na ba mag ka mema? Kain na po tayo uli...
Blessed Thursday Maaraw na umaga noisemate! Almusal po tayo.. minsan lang magkasabay sabay ang ganitong almusal namin.. request ng mga bata pabcit canyon na may nilagang itlog.. sa akin naman tuyo sinangag..hehe Isang pamilya iba iba gusto.. Ganda ng panahon..naglaba ko kagabi kaya sampay nalang sa labas ngayon..😊
LIBRENG ulam.. Iniisip ko kung ano na naman ang maiuulam.. Biglang may tumawag ng pangalan ko sa labas si tito ko pala.. may dalang biyaya ulam.. Marami daw tira sa handaan na tinulungan niya kahapon kaya pinauwian siya ng kaibigan niya.. Taon taon yun siya tinatawag para makatulong.. magaling kasi si tito makisama..hehe Blessing na di inaasahan dumadating..😊
MAGNUM ICE CANDY Wala mamiryenda buti meron pa nito sa ref.. Alam mo yung busog ka pa naman sa tanghalian pero bibig mo eh naghahanap ng mangunguya..ehhe Tipong inip lang pero pagkain ang nagagawang libangan..hehe Ice candy po tayo mga mate..🤗
Another Sulit Deal! Kararating lang ng aking inorder sa lazada.. happy ako sa quality ng product.. mukang matibay.. nasulit ang perang pambili.. para ito sa cellphone ni bunso.. hindi pwedeng walang case at screen protector dahil baka madali ang buhay ng cellphone.. May mga kamay pa naman akong hawak na nabibitawan pa😁
Pritong embutido.. Nakabili kami ng ulam sa talipapa na embutido.. Simpleng prito lang at solve na ang hapunan.. Nag sasaing palang ako.. bilis ng oras.. Thanks God sa maghapong nakalipas na puno ng biyaya..
Kape't tinapay Blessed morning noisemate! Nagkape naba ang mga coffee lover diyan.. Kailangan ko to ngayon dahil inaantok pako.. Need ng energy pampagising ng diwa! Friday na uli bukas weekend na naman..hehe Bilis talaga ng araw at oras.. Nawa maging happy ang friday natin.. GOD bless po..
Alam na.. Kapag Friday alam na kung ano ulam dito..hehe Namiss ko to ilang friday din ang nagdaan na hindi nakapag mongo si nanay.. Ang sahog lang nito chitcharon at talbos ng kamote.. tamang tama may chitcahron pakong tinda..haha Kain na po tayo habang mainit pa..😊
TURONG TOGE Miryenda po tayo Pilipinas! Mapa ulam miryenda masarap tong lumpiang toge lalo na kung may sawsawang special ang lasa..ehhe nabili lang ito ni partner sa suki niya na pinipilahan talaga.. 10 pesos ang isa pero sulit dahil siksik ang laman.. may kasama tong buko fresh pinapalamig ko pa sa ref..😅
BUKO JUICE Buko juice po tayo noisemate! Pampawi ng uhaw sa init ng panahon.. Kapag ganito kainit ang gusto ko lang uminom ng uminom ng malamig na tubig.. Kanina pa tong buko pinalamig ko lang sa ref saka nilagyan ng konting asukal para magustuhan ng mga bata.. kahit medyo masakit ang tiyan ko sige ang inom kaya pa..ehehe
Happy dinner time! Naglaga ako ng itlog tamang tama may kamatis at bagoong pa kami.. wala nako maisip na ulam na afford ngayon.. dito kasi kapag gabi kahit ano nalang.. ito ang simpleng masarap..hehe Kain po tayo noisemate..🤗
For Me... Blessed morning noisemate! Three years ago ng matuto ko umorder online sa mga shopping app.. di sumagi sa isip ko meron na rin Avon online.. dati kasi may kapitbahay ako nagaalok nito tapos one month to pay pa.. kaso noong nag pandemic huminto na siya.. Noong isang araw naisip ko mag hanap nito sa lazada at may lumabas nga ng matagal ko ng gusto bilin.. lip shiner lang naman at isang bra na mas malaki size sa ginagamit ko ngayon.. dahil tumaba ako sumikip na rin…
Tortang talong.. Mainit na tanghali Pilipinas! Kasing init ng tortang talong na bagong luto..hehe ang init magluto.. makaligo uli pagkatapos kumain.. kaso ang hina ng tulo ng tubig ngayon.. siguro maraming naglalaba.. Maghihiwa muna ko ng kalamansi at malagyan ng toyo.. tara na po kainan na noisemate....
TINDAHAY.. Before and After Share ko po sa inyo mga ka mema ang bagong ayos ng aking tindahay.. Tindahan na bahay pa..hehe dahil apartment lang kami maliit ang space, limitado lahat.. naisipan ng kapatid ko ibahin ang pwesto ng mga gamit at success naman lumuwag tingnan.. Magaang talaga sa pakiramdam ang maaliwalas at malinis na paligid lalo na sa loob ng bahay..☺
Milon.. One of my favorite fruits..Melon! Ginawa ko ngayon hiniwa nalang by cubes na maliliit at nilagyan ng gatas at yelo.. sobrang sarap talaga hindi nakakasawa.. hindi titigilan hanggat di masakit ang tiyan sa kabusugan..haha Sorry naman talagang paborito ko to.! Sunod sana avocado naman.. Cheers po tayo noisemate!😅
NUGGETS Nagluto nako ng maaga para maaga din makahinga mamaya.. nasa bahay lang ako pero feeling pagod..ehhe Nagprito ko ng nuggets para sa dalawang bata.. akoy busog pa.. Kayo noisemate nakapag luto narin po ba.. Happy dinner time po sa lahat..🤗
LUGAW Blessed morning noisemate! Mainit na lugaw muna po tayo.. Sinipag magluto si partner.. maya maya aalis kami papunta kila nanay.. siyempre day off kailangan makalanghap naman ng ibang hangin.. Sarap pa sana matulog kaso may nakakababad akong labahin.. isang mabilis lang na kain at sisimulan ko na para makagayak na din.. Kain muna po tayo.. Nawa maging masaya ay ligtas ang araw nating lahat.. GOD bless po..
Happy Sunday😄 Nadatnan ko si nanay nagbabalat na ng lukutuin para mamayang tanghalian.. ito ang kumukumpleto ng linggo ko ang makita sila nanay.. ang buong pamilya.. Kahit hindi kami nakakagala sapat na nandito kami sa bahay sama sama isang beses isang linggo..😊
Ginataang Sitaw Kalabasa.. Ready na ang ginataan ni nanay.. Paborito to ni tatay.. Nagpiprito pa ng isda galungong nagugutom nako..hehe kayo po ba noisemate kumain na? Mabilis ang oras ienjoy natin ang day off.. Maya maya uwian na rin.. Happy lunch time po..😊
Mushroom Chicharon😋 Ang lakas ng ulam dito parang may bagyo may kasama pang malakas na hangin.. Buti bago umulan nandito na kapatid ko kasama mag ina niya.. May dala si hipag na chicharon na mushroom, alam niya paborito ito ng panganay ko.. 50 pesos daw bili niya.. sarap lang kukutin habang nag kukwentuhan.. Ano paba masarap gawin kapag umuulan? De kumain..ehehe wag naman sana bumaha..
Shake! Shake! Shake! Extra miryenda noisemate! Umorder kami sa kanto ng shake.. Sakin avocado, kay ate choco cookies.. kay bunso buko.. matagal ko na gusto makatikim ng avo ado shake sa wakas may nakita ko murang mabibilan.. Happy tummy..😊
Pritong egg with patatas.. Happy dinner time noisemate.. Kainan na.. ready na ang pritong itlog with patatas.. Mabuti tumigil na ang ulan dito medyo lumamig ang panahon.. Thanks God sa kumpletong pamilya at maghapong punong puno ng biyaya..😊
Blessed morning noisemate! Maaraw na Lunes.. ready na ang almusal Sinangag at luncheon meat.. Mamaya kuhanan ng module ako'y makakalabas uli.. hehe Iniisip ko na ngayon mga dapat gawin o daanan para isang lakad nalang..😊
Special visitor Minsan lang may dumalaw sakin bahay na mga kaibigan.. kaya masaya ngayon dito.. diko akalain dadayuhin nila ko.. nagluto kami ng fries at saktong may ice cream silang dala.. Miryenda po tayo.. happy lang..
Takoyaki Miryenda uli tayo noisemate! Di nakontento sa bahay mga nag aya pa sa labas para kumain.. minsan lang naman.. sulitin na..hehe Kakatila lang ng ulam dito.. mabuti pinabigyan kami makagala sa food park.. Kain po tayo..
Allthetime.. Kumain naba kayo mga mate? Ito ulam namin.. Kahit anong oras paborito dito ang itlog at hotdog.. mapa almusal.. tanghalian.. o hapunan pwede..hehe Saya ng maghapon.. nakagala din kahit papano.. Masaya din kahit minsan nabibigyan ang sarili makasama ang mga kaibigan.. thanks GOD sa proteksiyon at pag iingat..
Blessed morning noisemate! Happy Tuesday sating lahat.. Nakapag luto nako ng almusal na all time favorite tuyo..hehe magpipirito pako itlog para kay bunso.. sobrang busy ko kahapon pero ang saya.. Nagawa ko parin maglaba kagabi kaya isaisampay nalang sa labas ngayon.. dapat kahit gumala magawa parin ang obligasyon..hehe
Y E L O Kapag ganitong mainit ang panahon mabili ang yelo.. naglagay nako 3 yelo sa jag para hanggang hapon na.. ang bilis lang malusaw at mawala ang lamig kapag sobrang init.. mabuti may jag para mas tumagal ang lamig.. kapag kasi sa pitsel nako isang oras lang ay lusaw na..ehehe Sarap lang uminom ng malamig kapag ganitong panahon.. 😊
Corned beef with Sayote.. Happy lunch time noisemate.. Kain na po tayo.. nagluto ako ng corned beef na may sayote.. simpleng gisa gisa lang.. dapat may sabaw yan kaso nakalimutan ko nakasalang muntik na masunog.. kaya ayan natuyuan tuloy.. Masarap pa rin naman..ehhe
Late burger Mga ka mema hindi ko na ishare sa inyo kahapon ang miryendang libre sa amin ng kaibigan ko na napaka bait..hehe sakanila burgeran na yan may stall sila sa food park.. Lalo talagang sumasarap kapag libre..ehhe Parang ang sarap nalang tanawin kahapon..😁
Another shake.. Mukang madadalas ang post ko nito dahil malapit lang ang bilihan.. free delivery pa kapag 3bottle.. kapag dalawa o isang bote 10 pesos lang ang charge.. bumili ako ng medium size na iba ibang flavor.. sinubukan ko apple kung masarap.. pero the best talaga ang mango at avocado nila..😊
After four months.. Sa wakas may TV na uli kami..hehe Apat na buwan din kami napahinga sa tv.. Noong January nag convert kami sa pldt nawala na converge na may cable kaya hindi kami nakapanood.. Ngayon lang nakabili ng gma box.. Medyo di ko pa gamay gamitin at medyo mahina ang signal dahil nasa mababa lang antena.. di ko pa rin makita ang GMA channel.. Thanks GOD sa pag-iingat at marami blessing ngayon araw..😊
Organize.. Blessed morning noisemate! Ito yata ang kulang sakin ang pagiging organized.. Naglilinis lang ako ng bahay pero ang pagiging orgnize kagaya ng kapatid ko ay di ko matatapatan.. Dahil wala pa siya work sabi ko pag may time ka pag ayos moko ng bahay..ehehe Kaya ayan umaga palang nanadito na.. Nako mukang mahal ang bayad nito maaga dumating eh..🤣
Pritong fish😊 Sarap ng ulam ngayon pritong tilapaya.. Yung simpleng ulam na masarap isa ito.. Kain na po tayo noisemate.. Dati hirap ako pag prito nito yung tipong lasag lasag na bago maluto kakabaliktad ko..ehhe Talagang dapat kapag nagluluto hindi mainipin😅
P A N C I T Pampahaba daw ng buhay kaya di nawawala kapag may birthday ang pancit.. bigay ng kapitbahay ngayon.. tamang tama may miryenda na kami..hehe Kanina pa makulimlim di malaman kung uulan..kaya nag silong nako sinampay.. Kain muna tayo habang mainit pa🤗
YAKULT Yakult is life sa pamangkin kong ito..heehe Kaya kapag may pampasalubong ako yakult lang binibili ko.. yan lang ay sapat na sa kanya.. Siryoso yan kapag umiinom..haha Bawal hingian.. kakatuwa lang ang may bata s bahay may laruan..😅
Mainit na sabaw.. Maulan na gabi Pilipinas.. Hapunan na po tayo! Sinigang na baboy ang ulam.. ininit ko lang dahil kanina tanghali pa padala ni nanay.. hindi nakagalaw ng tanghalian dahil may pritong isda naman.. Tamang tama sa maulan na panahon ang mahihihop na sabaw.. tag ulan na talaga.. every hapon na umuulan.. Happy dinner time po sa inyo🤗
Simple..but Big blessing.. Blessed morning noisemate.. Biyaya ang pagkakaroon ng anak na may bonus pang pagiging mabait at malambing.. Sa tuwing makikita ko siya babangon sa umaga at magdadasal muna bago magsimula ng gawain na biblessed ako bilang mama niya.. Alam mo mga simple bagay sa araw araw na di na napapansin pero malaki biyaya sa atin.. Start na siya mag online class.. Happy thursday po sa ating lahat..😊
M e n u d o Happy lunch time mga ka mema! Menudo for today ang ulam nabili namin sa karinderya.. gustong gusto ko karinderya na iyon dahil parang lutong nanay lang o lutong bahay ang pagkakaluto.. masarap kahit medyo nagtaas sila ng presyo sulit pa rin!! kain po tayo..🤗
SUMAN.... Naglako si suki ng suman tamang tama nandito din si tatay kanina naibili ko rin.. sarap po nito sa ube halaya pero dahil wala tayo non.. Sa asukal muna isasawsaw..hehe Maagang miryenda Pilipinas..😄
SARDINAS with MISWA Gandang gabi noisemate.. Umaambon parin dito sa amin.. Nakapagluto nako ng sardinas na may miswa.. Murang ulam na masarap.. Magpiprito pa sana ko itlog pero baka hindi kainin ito ng mga bata kapag may itlog na nakita..🤔
Hotsilog.. Blessed morning noisemate! Maaraw na umaga ngayon.. Mailabas na ang sinampay dahil baka mamayang hapon eh umulan uli.. Tapos nako magluto iniinin nalang sinaing.. ready na ang breakfast ng aking istudyante.. Happy friday po sating lahat..😊
DIY DIVIDER.. Noong nag iba kami ng ayos ng bahay naging kitang kita na ang buong kabahayan sa labas.. nawalan ng privacy.. tipong kapag may bumibili sa tindahan kita na kung ano ang ginagawa mo.. Naisip ko bumili ng divider sa online shop kaso ang mamahal at isa pa wala extra budget para don.. Kaya sabi ko kay mister baka pwede lagyan ng sabitan ng kurtina pang harang.. Ayon nagawa naman niya agad.. kaya happy na ang tinderella..nakatipid rin😏
Forget password Ito ang hirap sa pagiging makakalimutin.. Nawala ang gutom ko dito hindi ko pa rin naayos.. hindi ko ma open..huhu Sinulat ko password pero hindi ko naisulat username.. ano ba yan..☹ Kahit yung araw araw ko ginagawa minsan nag loloading pa rin isip ko kung nagawa ko naba.. Hihingi nako ng tulong sa pinsan ko baka maayos pa..
BIBINGKA May uwi uli si partner nitong bibingka.. Yung tipong gusto mo na umiwas sa matatamis para makapag bawas ng timbang tapos ito iuuwi..hehe hirap nitong hindi matikman.. Nagsilong nako sinampay nagbabadya na uli ang dilim ng kalangitan.. Thanks God nakatuyo rin.. malaki bagay to sa mga walang dryer kagaya ko..😁
Kakatila lang ng malakas na ulan dito sa amin.. Di ko inaasahan papasukin ng tubig ang bahay namin na mula sa kisami ng tindahan ko.. Ngayon lang ito nangyari.. ang hirap wala pa si partner.. dalawang bata lang ang kasama ko.. Ang lakas parang alulod na binubuhos.. nabasa na ang iba kong paninda.. Salamat sa Diyos at humina na.. Nawa wag na uli lumakas ang ulan.. Pinakain ko na ang mga bata dahil sa kabilang barangay daw ay walang kuryente baka mawalan din dito.. kailangan…
Blessed Saturday.. Maaraw na umaga Pilipinas.. Thank God at di na umulan magdamag.. Inaalala ko mamaya hapon baka umulan uli..tutulo nanaman.. Mukang di maayos ni partner ngayon ang bubong masama ang pakiramdam.. Makakain muna ng almusal bago magisip..hehe Pandesal at kape my paborito..😁
GINISANG AMPALAYA Matagal tagal din hindi nakapag ulam ng ampalaya.. padala ito ni nanay masarap siya magluto nito nawawala sobra pait.. napapalitan ng sarap..hehe may konting pait pa rin pero sakto lang.. Kain na po tayo mga ka mema🤗
Pandecoco..cocacola May tira pang softdrinks noong monday tira pa ng mga bisita ko..haha tamang tama may pande coco pa dito.. pag tapos nito akoy magkukusot na ng labahin.. miryenda po muna tayo noisemate!
TINAPA Thanks God di umulan ngayon.. hindi pa kasi nagagawa ang bubong namin.. Baka bukas pa magawa.. Kumain na po ba kayo? Kami po tinapa ang ulam simple prito.. kamatis nalang gagawin ko sawsawan nito.. Medyo malalaki nabili ko.. wala yung maliliit na mas gusto sana.. pero masarap din ito.. Happy dinner time po sa inyo noisemate!
Blessed Sunday Magandang umaga noisemate.. Kaganda ng sikat ng araw.. nawa maging maaliwalas ang buong maghapon.. Ready na ang magkapatid papuntang church Naigayak ko na ang kanilang mga susuotin.. Nakakatuwa masigasig sila gumising ng maaga kapag linggo.. feeling blessed mama😇 God bless noisemate..
S O P A S Almusal po muna tayo Pilipinas.. Nagluto si bayaw ng sopas.. ngayon palang makakapag almusal busy kanina eh.. Magluluto mamaya si nanay ng giniling na may itlog isa sa paborito ko.. Samantalahin ang day off at kain..hehe Happy Sunday noisemate!
GINILING Lumaki na itlog..hehe ang mahal na kasi ng itlog pugo kaya itlog ng manok nalang ginamit ni nanay.. tig-iisa lang ang kuha.. bilang na yan ni nanay kung ilan kaming kakain bawal nang dumoble..hehe Kain na po tayo noisemate🤗
Miryenda time.. Nagmiryenda na po ba kayo noisemate? Kami po ice cream at siomai.. Tinda ni nanay ang siomai sakanya nako bumili at saktong dumaan naman si mamang sorbetero.. Solve ang miryenda.. tagal din hindi nakatikim ng dirty ice cream.. keso ang flavor.. sarap!
Nodols and toyow😁 iyan ang pronounciation ng kaibigan ko taga Dubai sa noodles at tuyo.. natatawa ko sa kanaya palabiro siya..slang ka girl?hehe kengkoy sa magkakaibigan.. Sarap nito tuyo at sabaw.. kakatapos lang ng malakas n ulan dito.. mabuti huminto na baka kasi bumaha uli.. Kain na po tayo ng maaga kapag ganito naguulan madalas nag kaka brownout..😊
PANCAKE Blessed morning noisemate.. Katatapos ko lang magluto ng pancake.. Almusal ng mga bata.. ako tamang kape muna pampatanggal ng antok.. start uli tayo ng monday back to everyday routine.. Ano man po gagawin natin ingat at God bless us..
Tilapya at mangga.. Mainit na tanghalian mga ka mema! Kainan na.. parehong may naglako nito kanina dito sa amin kaya bumili nako kesa magisip pa at lumabas para bumili ng uulamin.. yung mga ulo ng tilapaya si nanay na bahala magluto ipapaksiw daw niya.. sarap ng mangga jackpot matamis..mauulit kay manong ng bili..😊
CHAMPORADO Maulan na hapon mga mate.. Kain po tayo.. Nagluto ako ng champorado paborito ng mga bata.. asukal at gatas lang katapat nito at solve na ang miryenda nila.. buti nakatuyo din ako bago pa bumagsak ang ulan.. nawa huminto na para magawa na ni partner ang kailangan ayusin sa tindahan.. hirap ng nangangamba tuwing umuulan na may tutulo at mababasang paninda..
Before and After Thanks God makalipas ang isang taon nagawa din.. partner ko lang ba kapag sinabi gagawin eh inaabot ng buwan o taon bago magkatotoo..hehe Minsan naniniwala nalang ako kapag nagawa na.. Pero pasalamat ako napalitan rin sa wakas.. inabot naman ng tatlong taon ang lona namin bago napalitan sulit na..😊
Adobong kangkong Hapunan na po tayo Pilipinas.. Umuulan na naman dito.. nagluto si partner.. sarap ng may taga lutong partner paminsan minsan.. yung uupo at kakain kana lang..ehehe murang masarap ito.. healthy pa.. Sana wag na lumakas ang ulan.. Happy dinner time po sa inyo🤗
I T L O G Blessed morning noisemate! Maganda ang panahon dito ngayon.. nawa makatuyo ng sinampay.. napuyat ako kagabi tinapos ko "morethan blue" yata title ng movie nila Yassie ang ganda.. nakakaiyak..haha Kaya ngayon medyo tinanghali ng gising.. Pritong itlog muna ngayong umaga at sinaing.. Kain po tayo noisemate🤗
Happy Lunch Time! Tanghalian na po tayo mga ka mema.. Adobong manok at may pinya dala si parter.. Maliit yung pinya pero napaka tamis.. makakain ng mga bata.. sarap nito lagyan ng konting asin.. nilagay ko na sa ref kanina umaga kaya malamig na ngayon.. Kain na po tayo..😊
I N U T A K First time makatikim nito.. uwi ni partner.. Kakanin siya na parang biko ube yung ilalim at may malambot sa ibabaw na toppings.. hindi katamisan kaya may libreng sachet na condensed para sa mahihilig sa matamis.. para sakin no need na lagyan dahil nakakasuya ang sobrang tamis.. Miryenda po tayo..☺
INSTANT AFRITADA Happy dinner time sa inyo noisemate! Delata kami ngayon.. afritada 555.. May katernong chicharon din.. ang sikat na chitcharon sa aming lugar.. Mabuti di na umulan.. mas gusto pa to mainit kesa bumaha uli.. kain na po tayo🤗
ITLOG & SAUSAGE Blessed morning noisemate.. Maaraw na umaga sa inyo! Nagluto ako ng pritong itlog at sausage.. Gustong gusto ko ng sausage kaso lagi nadikit sa kawali..hehe Babad time uli ngayon ng labada para mamaya kusot time uli.. isip isip n akung ano ulamin mamaya..😅
LONGGANISA Kain na po tayo noisemate! Luto na ang tanghalian kakain nalang ang mga bata.. kamatis nalang ang kulang.. Masarap tong nabibili namin kay suki halos laman ang loob.. ayaw kasi ng mga bata marami taba..medyo tumaas nga lang ang presyo pero sulit pa rin sa lasa.. Kumukulimlim mukang may nagbabadya ulan..
PINEAPPLE-PAPAYA MIXED Kahapon nakita ko sa isang noiser ang kanyang shake na papaya at pineapple.. natakam ako ng sobra kung ano ang lasa non kapag pinag halo.. Naalala ko ang binilan ko ng shake sa kanto at sakto nagmimixed sila ng fruit shake.. 40pesos tong medium size.. ang sarap pala paghaluin..mauulit! Sakto sa mainit na panahon.. shake! shake! shake!😁
CRISPY CHICKEN! Ang all time favorite dito sa bahay ang kantong fried chicken.. buti nadaan ang kapatid ko ngayon hapon at nakapag pasabay para bumili sa kanto.. Isang picho lang pinabili ko para sa mga bata lang naman.. Ang gusto nila dito yung lutong ng pagkaluto.. Naiiwan pinaka laman..maisama nalang bukas sa sinangag ang matitira.. Kain po noisemate..😊
Suman at Halaya Blessed morning noisemate.. Namimissed ko na notif tone ni pareng bit..hehe Nawa umaayos na uli at bumalik na sa normal.. Dumaan si suki at inaalok ako ng suman at halaya.. suman lang sana ang bibilin ko kaso mapilit siya at natakam din ako..ehhe Kape nalang kulang makapagtimpla muna..😊
TORTANG GINILING Mainit na tanghalian noisemate! Nagpadala si nanay ng tortang giniling.. Kasarap nalibre pa sa ulam.. catsup lang katapat nito! Kain na po tayo noisemate..alas dose na!! Happy lunch time po sa inyo🤗
Nagkasabay.. Di inaasahan may darating na dalawang masarap na miryenda.. yung donnut libre ni ate.. yung ice cream dala ni tito para sa mga bata.. may tinda nakong ice cream pero iba parin talaga ang sarap kapag bigay..ehhe Miryenda po tayo mga ka mema☺
TUYO AT TALONG Gandang gabi mga mate.. Simpleng lutuin ngayon hapunan prito prito lang pero mapapa replay ka ng kanin..hehe Sana maaga ko makatulog ngayon sisimulan ko na uli mag iba ng oras ng tulog.. Minsan mas mainam itulog nalang kesa mag isip pa ng kung ano anong stress sa buhay..ehehe Ikain nalang muna kesa mag drama.. Happy dinner time sa inyo mga mate..
Fooding at kape Blessed morning noisemate.. Bawat gising ko sa umaga umaasa kong may maririnig na notif galing kay pareng bit mula kay noise.. sa ilang buwan ko dito araw araw na ito naging parte ng pang araw araw ko gawain.. Bawat pagkain di makakalagpas sakin na hindi kukunan ng picture..hehe Kapag nakasanayan na mahirap na mawala sa routine.. kaya tuloy pa rin mga mate.. Nakakawala rin ng stress ang pag babahagi ng ganap sa buhay na walang judgement ng iba.. lalo na mga…
Korean cake Nakita ko ito sa fb natakam ako ng sobra.. kala ko malalaki ang laman gadaliri pala ang laki sa personal..haha Masarap naman ang lambot ng pagka gawa.. Miryenda po tayo mga mate🤗
CHAMPORADO Maulan na gabi mga mate.. Kanina pa nagsimula hapon ang ulan dito at hanggang ngayon ay may ambon pa.. Nakakalungkot at tumulo uli sa tindahan papasok sa pinto namin.. nakausap na ko na may ari ng apartment baka pwedeng maipayos.. pumayag naman may ari hindi lang sinabi kung kelan ipatingin.. nawa maging mabilis ang aksyon lalo na ngayon halos araw araw naulan.. Kain po tayo champorado kami ngayon di nako nagluto ulam..😊
2in1 Lunch at miryenda namin pancit.. Bumili si partner sa suki niya halagang 120 kasya na samin mag anak ang dami ng serving kasarap pa.. sulit.. umuulan na naman.. nagaalala nako tuwing umuulan..dati noong bata ako tuwang tuwa ako tuwing uulan ng malakas kasi babaha at makakpag laro ng tubig sa labas.. makakaligo pa.. Ngayon kabaligtaran na😁
NAKAKAIYAK..... Nakakaiyak sa tuwa at muli pumasok kay pareng bit ang mga pending blessing.. Di ako makapaniwala.. thank you Lord.. Mas napahalagahan ko ngayon ang mga blessing na naibigay nito sakin sa pamilya at mga kaibigan dahil sa platform na to.. Nawa wala na pong maging problema🥳 Tayo magingay pa at magpasalamat sa bawat maliit o malaki mang biyaya dumadating..
Balutin.. Magandang gabi noisemate.. May uwi si partner ulam galing handaan kasama pa pati mangkok..hehe ipapabalik ko nalang bukas.. minsan lang makatikim ng ganitong pagkain malalaki hipon halo halong seafood.. mabuti pinabalutan siya galing sa katrabaho niya.. Parang kahit di nako kumain ng kanin nito mabubusog na.. sarap ng gulay tamang lutong lang.. Kain po tayo..😊
L O L A Blessed morning noisemate! Maaga ko nagising ngayon para maihanda ang mga gagamitin ng mga bata papunta church.. Kaka message lang ng kapatid ko bunso aalis daw sila ngayon.. sayang di namin aabutan mamaya.. Gusto ni pamangkin kasama pa si nanay.. Maaga palang nasa labas na ang maglola.. Im blessed malakas pa si nanay at nakakapag alaga pa ng apo.. Super blessed yung hanggang ngayon may mga lola pa buhay na walang sawang nag aalaga pa rin sa mga apo nila.. Namiss ko…
Request.. Nagpabili si nanay ng kutsara baso..mahirap hindian kapag request ni mother..maliit na bagay lang pero tuwang tuwa na kapag naibibili.. Binili rin ng kapatid ko ng shake na pineapple-papaya mixed para di mahirapan dumumi.. si tatay avocado.. Di man kami kompleto ngayon family day happy pa din ang day off..🤩
Sumang Balinghoy Ito ay isa sa paborito kong suman dahil tuwing kakain ako nito si inang ang naaalala ko.. Gumagawa siya nito noong nabubuhay pa.. Tamang tama ang dating ko kila nanay kanina meron nito.. ngayon lang nakain.. Miryenda po muna tayo noisemate😊
TINOLA Maagang hapunan noisemate! May ulam at sinaing na tara na at kumain kesa lumamig pa.. bigay lang kanina ni nanay tinola tira pa kaninang tanghali at ininit nalang ngayon.. Bukas pasok na uli.. kuhanan again ng module.. Malapit lapit narin matapos ang fourth grading.. Paano na naman kaya mangyayari sa pasukan.. Hehe sumusumpong si advance mag isip😅
MONDAY Blessed morning noisemate! Thanks God maganda ang sikat ng araw dito.. Mukang magigingcmaaraw ang maghapon.. Nagluto ako ng almusal ni bunso.. Yung scrambled egg na nga lang hindi ko pa nabuo..hehe Tapos na ang pqgluluto..babad naman ng labahin ang kasunod para mamaya kusot..😊
Sulit ang lakad.. Kararating ko lang mga mate galing school, grocery.. kumuha kasi ko module para sa panganay ko at pinakita narin ang grade.. good news naman at top2 uli siya.. pagkatapos dumaan ako puregold pagkatapos dumaan din sa bilihan ng isa ko pang mga paninda.. wala pakong kain..hehe sulit ang lakad..
Miryenda time.. Snack time po tayo mga mate.. Ito ang paborito kong flavor ng big250 at ngayon ko lang natikman ang bagong creamo cake.. Sarap pala di masyadong matamis.. Binawasan ko na tubo ko..haha Miryenda po tayo😁
Feeling healthy muna😁 Eto na ang namissed ko ulamin.. Tamang steam lang.. iniisip ko magiging sawsawan ko dito.. may bagoong pa naman sa ref.. malagyan nalang ng suka.. Pwede rin naman kalamansi toyo.. Tamang tama bagong luto din ang kanin.. Kain na po tayo noisemate!! simpleng masarap!!!
Labadami.. Kakatapos lang maglaba ni aling labandera sa gabi..hehe my favorite time para maglaba.. Bukod sa walang abala malakas ang tubig.. Parang may mas energy talaga ko sa gabi maglaba.. bukas sampay nalang nawa umaraw at maging maganda ang panahon para makatuyo.. Hirap din ng walang dryer.. pero alam ko coming soon magkakaroon din😉 Good night po sa mga matutulog na.. God bless everyone!
Wentong Guyabano.. Blessed morning noisemate! Nakakatuwa itong guyabano puno na bigla nalang tumubo sa likuran nila nanay.. kabilis lumaki at ngayon may mga bunga na.. Natutunan na ni nanay ilaga ang dahon nito at inumin.. matagal na rin hindi nakatikim ng bunga nito.. sabi ay marami rin itong vitamins.. Maganda ang araw dito ngayon mukang makakatuyo ako ng sinampay😁
Lumpiang Fresh😁 Lumpiang sariwa ang nabili namin ulam ngayon.. pwedeng pang miryenda pwede din iulam.. Sarap ng sauce nito dami binigay ni suki.. Hindi pa luto ang sinaing kakasalang ko lang.. waiting pa..hehe Maya maya po kain na tayo noisemate! Kumukulimlim ang kalangitan may nagbabadya.. Nawa wag muna umulan..😅
Play time.. Twelve years old na si ate my panganay.. hilig pa rin niya hanggang ngayon mag buo ng mga ganyan laruan.. mas gusto ko siya nakikitang ganyan kesa sa hawak ang cellphone.. Kaso may batang makulit na pinsan niya na gusto rin makigulo este makipag laro sakanya..hehe Kakatuwa tong pamangkin kong bulilit kulit😅
For my two.. Gandang gabi mga mate.. Thanks God nakalipas muli ang maghapon natin sa biyaya Niya.. Umorder ako ng dalawang order sa bida ang saya para sa dalawang bata lang.. hindi ko na pinalagyan ng drinks.. nagtimpla nalang ako ng nestea juice.. akoy busog pa.. Masayang hapunan po sa lahat..😁
10:55 Natapos din gumawa ng ice candy.. Tuloy pa rin kahit madalas na umulan.. Pang dagdag kita rin.. Bubble gum at ube muna flavor ngayon.. Ligpit na lang at makakahiga na rin.. Good night po sa mga matutulog na diyan.. Sweetdream..🤗