read.cash Log in
@Encarnation3456

@Encarnation3456 in April 2022

@Encarnation3456

KAKANIN Yung pagod ka sa paglalaba tapos biglang darating si partner na may dalang pasalubong na bibingka malagkit.. parang nakaka wala ng pagod..hehe miryenda muna tapos sampay na.. Samantalahin hanggat maaraw kasi ang panahon pabago bago bigla nalang didilim at uulan.. kain po noisemate!

@Encarnation3456

FRIDAY na.. Monggo day kami ngayon padala ni nanay.. Masarap kapag maraming malunggay.. Bukod sa malunggay may halo din talbos kamote.. Chitcharon nalng kulang..ehehe Sarap kumain hirap magpapayat! Kain po noisemate😊

@Encarnation3456

NEW TASK Yung anak kong takot na sa sinag ng araw dahil ones a week lang makalabas ng pinto..hehe Madalas lang siya nasa kwarto, kaya inutusan ko naman kumuha ng sinampay lagi kako ikaw na kukuha ng niyan para kahit paano maarawan ka naman.. Yan ang dagdag niya sa gawain bilang ate😁 Hihirit pa sana ko ikaw narin magtiklop..haha Biro lang isa isa lang utos..

@Encarnation3456

Paradusdos itama nyo po ako mga mate kung mali ang tawag ko.. Paradusdos ang rinig ko kanina kay manang na naglalako..hinapon na daw siya ng daan.. binilan ko na at dalawang piraso nalang ang dala niya kung baga pauwi na siya.. Mabigat to sa tiyan ewan lang kung makapag hapunan pako mamaya..ehhe Kain po late miryenda😊

@Encarnation3456

SINIGANG kumain na ba kayo noisemate? Mema ko lang to ulam na bigay ni tito.. Hindi na sana ako kakain ng hapunan pero may duamating na biyaya.. si tito hindi nakakalimot.. Sarap niya magluto sayang nga lang at wala siyang asawa na nilulutuan..hehe napaglipasan na ng panahon.. Kain po tayo mga ka mema!

@Encarnation3456

SABADOOO nah! Bilis ng araw sabado na uli.. dahil walang pasok tulog pa ang aking mga alaga.. tanghalian na gising nila niyan.. magluluto muna ko para sakin.. nakakita ko kagabi ng noodles sa mga post dito nakakatakam kaya magluluto din ngayon..hehe

@Encarnation3456

Blower Vacuum Kararating lang ng aking inorder.. Wala sa budget pero isiningit.. baka sakaling makatulong ito para mawala ang pag aching ni bunso tuwing umaga na nag ko caused ng sipon niya.. siguro sa alikabok.. mganda product ang problema maiksi ang kordon ng saksakan.. kailangan ko naman ngayon ay extension..hehe Nanay na hindi nauubusan ng kailangan..haha Di ko parin magagamit excited pa naman..😁

@Encarnation3456

Miryenda Nagluto panganay ko ng hotdog at itlog na may tinapay din na ininit sa kawali.. pero mukang may hindi makakatiis sa tinapay lang mukang tuloy kanin na si ate..hehe sarap kapag ang anak naaasahan na simpleng lutuin.. kain po late miryenda tayo noisemate!

@Encarnation3456

Egg & tomato Ginisang itlog na may kamatis ang menu namin ngayon.. simpleng ulam na masarap..hehe budget friendly din.. Bigay lang ng kapatid ko kamatis kaya nakatipid.. Kain po tayo noisemate😁

@Encarnation3456

WENTONG SALAD Blessed morning noisemate! Birthday bukas ng aking panaganay ngayon gagawin kaso yung salad hanggnag ngayon nasa lata pa.. nawala sa loob ko timplahin kaya ayan hanggnag ngayon di pa rin kumpleto ang sangkap..haha hirap kapag marami ganap sa buhay nagiging makalimutin.. ganon pa man tutuloy ko yan dahil walang dessert mamaya..😅

@Encarnation3456

SIMPLENG MASAYA Simple celebration ni ate.. 12 na siya bukas ngayon na namin ginawa dahil may mga pasok sa monday.. kami kami lang pamilya.. Kahit simpleng pagkain basta sama sama ang pamilya sumasaya😊

@Encarnation3456

CHOPSUEY Gandang gabi noisemate.. Pabalot ni nanay sakin kanina.. yan ang ulam namin ngayon.. sarap ng gulay na to.. pinaka favorite ko menu kapag may handaan.. Medyo mahal na ang mga rekado kaya bihira lang din makakain nito.. Kain po noisemate!

@Encarnation3456

BREAK FAST Blessed morning noisemate! Mabilisang almusal madami naka abang na gawain today.. pritong itlog nalang niluto ko para mabilisang luto din..hehe mamaya pupunta naman si nanay para magluto ng tanghalian.. Mamaya plan namin pumasyal para ilabas si ate sa mall dahil birthday niya ngayon nawa mapasaya ko siya😁

@Encarnation3456

Sulit ang lakad.. Kumain na siguro kayo noisemate dahil ala una na.. ako kararating lang kumuha ng module diretso grocery na ng paninda.. isang way lang ang school at puregold kaya sinamantala ko na lakad.. namili nako ng paninda at konting pang gamit din sa bahay.. ng pauwi na nag gas narin at bumili ng chicharon sa factory.. dami stop over..haha sulit ang lakad.. maya hapon uli..😅

@Encarnation3456

HAPPY LUNCH Umulan man o umaraw para sakin masarap ang tuyo..hehe nagprito din ako ng itlog at may sabaw pa ng sopas tira kanina umaga.. Kasarap lang kumain kapag maulan.. Kain po mga ka mema..😁

@Encarnation3456

WENTONG FACE MASK Yung may lakad ka at pababa kana ng tricycle tapos pagsuot mo ng face mask eh bigla pang naputol tapos wala pang extrang dala.. Ugali ko kasi habang nasa tricycle pa hindi ko muna sinusuot ang facemask dahil mainit.. si tatay naman kasi ang driver.. dapat talaga laging girl scout para laging handa..dapat laging may extra dala lagi😅

@Encarnation3456

Kape tinapay Kape lang sapat na pero may bonus pa tinapay.. Medyo malapit na maexpired medyo matigas na texture.. pang sawsaw na to sa kape.. Hanggat di malapit masira di nagagalaw pagkain sa lamesa.. parang tipong makita ko lang na may pagkain sa lamesa nakokontento nako sa tingin..hehe Tara kape po tayo😅

@Encarnation3456

Happy Wednesday Blessed morning noisemate! Kape kape na ng mawala ang antok.. Ganitong panahon ang napakahirap bumangon sarap pa sana matulog..hehe May binili si partner kakanin parang sapin sapin pero may halong buko.. Nawa umaraw na ngayon ng makapagbilad ng sinampay na nilaban ko kagabi kahit bumubuhos ang ulan.. GOD bless mga mate🤗

@Encarnation3456

HOTSILOG Ready na ang breakfast ni bunso.. Home made tapsilog..hotsilog nga lang..hehe Lalong ginaganahan mag aral kapag paborito ang lamusal.. mainam na busog habang online class.. Kain po noisemate..

@Encarnation3456

PUDDING Ngayon lang mamimiryenda ang birthday gift ni tito saking panganay noong sunday.. wala daw siya pera kaya ayan nalang daw regalo niya.. Pinatikim ako ng anak ko masarap pala may nata de coco halo.. gagayahin ko nga to kapag gumawa ako ng gellatin..😁

@Encarnation3456

TAPANG🐷 Maaga nako nagluto ng tapang baboy.. matagal tagal na rin kami hindi nakakain nito namissed.. makapag hiwa nalang ng kamatis para may sawsawan.. Kain po noisemate..😁

@Encarnation3456

BLESSED THURSDAY Good morning noisemate.. Ang ganda ng panahon.. sinag na sinag na ang araw.. Kagigising lang ni bunso pagka hilamos diretso work na siya.. naghahahabol na dahil last day na ngayon for third grading.. mamaya na daw siya magaalmusal.. Kanya kanya ng obligasyon ang tao kahit ang bata.. I'm blessed bilang mama niya dahil nahuhuli man nagsisikap si bunso makahabol..😄

@Encarnation3456

Mistisang Pakwan😁 Dahil maputla ang nabili ni partner na pakwan ginagawa ko nalang shake.. di katamisan kapag ganitong ma pink ang kulay.. para sakin mas gusto kong ishake ang pakwan kesa kainin ng buo..hehe Mas madali ko kasi nauubos kapag shake na.. Papatikim ko rin sa mga bata baka magustuhan.. Nilagay ko sa dalawang garapon para mapalamig pa sa ref bago inumin☺

@Encarnation3456

GINATAANG🌽 Pangalawang gata ko na to ah! nagkataon ginataang mais din lako ni manang na miryenda.. 10pesos parin di pa siya nagtataas free delivery pa..hehe paano mahihindian.. Miryenda po tayo noisemate!

@Encarnation3456

CHOWKING Nanlibre ang aking panganay.. Namimiss na daw niya ang Chowking.. Inorder ko na kesa kung ano pa bilin..ehehe Kapag pagkain maubos man atleast nasarapan at nabusog sila.. yung minsan makain at mapagbigyan ang hilig ng gusto kainin ay happy na..😊

@Encarnation3456

Happy Friday! Blessed morning noisemate! May tira pa kagabi hindi na nakain sa kabusugan.. iisteam ko uli ngayon.. Wala pasok online si bunso ngayon.. magpapatanghali sana ko sa higaan kaso may tindahan kailangan buksan..heehe May mga bagay talaga hindi na pwede gawin ngayon gaya ng magpainin at tanghaliin sa higaan..😅

@Encarnation3456

NUGSILOG Done cooking.. kumakain na si bunsokoy.. Batang hindi pwedeng hindi mag almusal..hehe Dahil iyan ang una niyang hinahanap sakin ang amusal.. di niya nagustuhan siopao kaya kailangan pa magluto mabuti at may tira pang kanin kagabi..😁

@Encarnation3456

FINALLY Happy lang... sa wakas nakabili din for my self.. Hindi man totoong gold pero masaya na.. May magagamit narin kapag may lakad.. Sabi ng nagtitinda made in US daw yan..eheh ewan kung totoo.. at hindi daw kumukupas.. wow!! sana nga para magtagal.. matagal ko na tinitingnan yung store na yan di ko lang mahintuan dahil nahihiya ako ng hindi bibili.. May konting guilty dahil bumili ako ng para sakin pero pampalubag loob ko nalang eh 200 compare sa totoong gold eh mas…

@Encarnation3456

GINISANG🐮 De Lata for dinner.. ginisang corned beef na may patatas.. Kapag gabi kahit ano nalang ulam namin.. ayaw naman nila ng bopis kanina..hehe ako lang kakain ng tira na un.. ang mga bata minsan mas gusto pa delate kesa sa lutong ulam..kaya hirap magisip ng maiuulam araw araw kapag may maseselang kasama..hehe Kain po noisemate🤗

@Encarnation3456

COMPLETE Blessed morning noisemate! Thanks God sabado na.. kabilis ng araw.. Ngayon lang yata uli nakumpleto ang tulog ko ng 8hrs..hehe sarap sa feeling.. Alam mo yung kapag kumpleto ang tulog mo less hagard sa face?hehe Magtitipay muna ko at magtitimpla ng kape para ready to sabak na sa batcha..😅

@Encarnation3456

PATIKIM lang..😅 Kapag pagkain ng mga bata hindi ko pinapakikialaman kahit ako pa ang bumili.. ewan ko ba nakasanayan ko na.. pero ngayon pag bukas ko ng ref di ko napigilan kumuha ng isang dutcmill na malaki..ehehe Ang sarap pala makaubos ng isa.. sabi ng panaganay ko kay bunso bakit daw nabawasan ng isa? Ako na sumagot.. sabi ko bumawas ako ng isa..haha bilang pala😅

@Encarnation3456

READY NA🥳 Naisipan ko gumawa ng mango jelly bukas para sa birthday ni nanay.. lagi kasi fruit salad eh maiba naman ang dessert.. nag pabili ko kay tito ng sago kanina na maliliit at mangga sa palengke.. mabuti at mababa na pala ang presyo 60 nalang per kilo.. tumikim ako ng isa najackpatan naman matamis ang nabili..excited for tomorrow.. siyempre thanks God sa panibangong taon binigay Niya kay nanay na nakakasama pa namin hanggang ngayon😊

@Encarnation3456

BLESSED SUNDAY Maaga ko nakarga si pamangkin ngayon.. tamang tambay lang sa tabi ng patubig.. pumunta kami ng maaga dito kila nanay dahil birthday niya.. simple lang ang nilulutong salo salo mamaya.. past muna sa karne.. nagluluto na si tito..siya ang aming chef chefan ngayon..hehe Nawa maging masaya at ligtas ang araw nating lahat noisemate..😊

@Encarnation3456

Puuutooo Malakas na sigaw ng naglalako.. dahil wala pang lutong ulam bumili muna sa naglalako ng puto.. mga gutom na galing church.. bibingka kanin at sapin sapin binili ng kapatid ko.. maya maya tanghalian na rin.. miryenda po muna tayo noisemate!

@Encarnation3456

HAPPY LUNCH Kainan na po noisemate! Ito ang aming munting salo salo para kay nanay..hehe kami kami lang pamilya.. ang mahalaga kumpleto kami at malusog pa si nanay.. nawa marami pang birthdayan na dumating😊

@Encarnation3456

MANGO JELLY Ito na ang dessert na ala sais palang ng umaga eh ginagawa ko na..ehhe medyo matrabaho kumpara sa buko pandan pero sulit naman dahil lahat ay nasarapan.. mukang mauulit ang gawa nito kapag may okasyon uli.. nilagyan ko lang ng fresh mango, sago, gulaman, all purpose cream, condensed at evap.. sulit sa sarap! Miryenda po tayo noisemate😊

@Encarnation3456

SINIGANG Pa sharon ni nanay sinigang na hipon.. Sinaing nalang kulang at pwede na maghapunan.. Ang aga ko nagising sana maaga din makatulog.. Nakakapagod ang maghapon pero masaya.. Bukas maaga uli may pasok na..😊

@Encarnation3456

25 YEARS AGO Blessed morning noisemate! Way back 25 years ago bago makakain nito ay kailangan ko kumaakyat ng puno.. may habulan at unahang nagaganap sa taas ng puno.. meron din ginagawang namin swing ang sanga nito..hanggang sa maranasan malalag ako at mapilayan ng braso..hehe Sarap balikan ng nakaraan tuwing nakakakita ko ng bayabas..😅

@Encarnation3456

FRIED Tilapya again ang aming ulam.. yung dalawang bata lang ang pinagprito ko dahil akoy busog pa sa almusal.. hating kapatid sila diyan..ehehe tilapya ang laging present na isda sa talipapa at mas mura din kumpara sa ibang isda kaya kapag wslang maisip na ulam tilapya ang takbuhan..😅

@Encarnation3456

BARYA PARA SA GASUL😅 Pumunta si tatay kanina at binalitang wala na daw sila gasul o gas ni nanay.. siyempre umiikot nanaman ang isip ko kung saan kukuha pambigay kasi wala nako extra budget kakatapos lang ng mga gastusin.. hanggang naisip ko pulutin na ang mga hindi nashushoot na barya saking mahiwagang arenola..hehe Kapag mga bata kasi ang nagbebenta basta nalang makapag hagis.. iniisip ko din na may mapupulot ako sa oras ng kagipitan kaya hinahayaan ko nalang din dumami..…

@Encarnation3456

Dessert na hapunan Dumating kanina hapon ang inorder ko leche plan.. last month pako inalok ngayon lang nadala ni nanang.. kapag may ganito minatamis feeling ko Christmas..hehe May tinapay pa dito maipalaman.. Kain po noisemate🤗

@Encarnation3456

Good night o good morning..hehe Matutulog palang.. umaga na pala ang bilis ng oras.. good night noisemate.. see you later.. May God bless us..🤗

@Encarnation3456

Blessed tuesday Nauna pa siya bumangon sakin kanina para mag work ng mga activity niya.. mag holyweek na this week.. kailangan na bilisan hanggat nandiyan pa mga teacher.. binabantayan ko din para sure na walang makakalusot na games habang online..ehehe yan ang matinik na cctv mata ng mama! Dito lang ako sa likod mo😅

@Encarnation3456

PAKWAN 3 for 100 alok ni manong.. namurahan nako kaya ayan may pakwan kami ngayon.. sabi ni manong mas mabilis daw siya nakakaubos kapag tatluhan kesa sa per kilo.. ang mura kasi pakinggan kapag 3 for 100..hehe dagdag pa niya pwede daw isoli kapag hindi matamis..haha Jackpot naman dahil totoo ngang matamis!

@Encarnation3456

NILUPAK First time makakatikim nito.. buti binigyan din ako ni pinsan..ehhe Tirik na tirik ang araw sa labas sa ibang lugar naman ay maulan.. nawa umalis na ng Pilipinas ang bagyo ng gumanda narin ang klima sa buong bansa.. Miryenda po muna tayo noisemate!

@Encarnation3456

Kala ko bukas pa ang prusisyon dito sa amin.. ngayon pala ang simula.. parang dalawang taon nahinto ang ganitong gawain dahil sa pandemic.. Dami tao at traffic na rin.. Makapag saing na.. medyo mabili sigarilyo ngayon.. marami humihinto para bumili..

@Encarnation3456

A D O B O 🐔 Kumain na po ba kayo noisemate? Kami po ngayon palang..may padala si nanay adobong manok.. hindi nako magluluto ng ulam.. Nilagyan din ni nanay ng patatas pamparami at pampasarap din.. Kain po tayo..😊

@Encarnation3456

POSTPONED Blessed morning noisemate! May mga bagay talagang inaasahan ngunit di nangyayari.. Kala ko makakapunta kami mamaya sa Bicol para makita si lola.. pero sabi ni pinsan na may ari ng sasakyan na sasakayan sana namin ay.. iwan ang walang vaccine.. pangalawa reason medyo mataas ang hinihingi samin budget.. Nalungkot na ang mga anak ko dahil hindi na tuloy.. magtatanda na talaga ko hindi ko na sila igagayak hanggat di pa sigurado ang lakad.. Ganon pa man alam ko may…

@Encarnation3456

May bisita😄 Yung biglaang may iiwan sayo na pamangkin habang marami ka nakaline up na gawain..heehe Yan ang aking biglaang bisita.. may pupuntahan kasi kapatid ko.. ayaw pa bumangon ng panganay ko kahit sinisipa na siya.. mamaya na ko nito makakapag laba.. Parang di ko na kaya bumalik sa panahong bawat kilos ay may kargang bata..😅

@Encarnation3456

RAFFLE Panalo ni kapatid sa raffle isang bucket ng chicken at 3 burger sa halagang 25 pesos.. Ang nakakatuwa hindi niya to napanood sa live raffle binalita nalang sakanya ng nag paraffle na nanalo siya.. anak ko sinama niya kumuha ng prize kaya ayan pinicturan ko na remembrance ng panalo..hehe Ako noon isang beses tumaya ng 100 di nako umulit..ehehe nanghinayang ako.. talo eh..😅

@Encarnation3456

Wentong Manok😅 Kapag bored ba talaga mas gumagana ang imagination..hehe si bunso may gawa niyan.. naiinip daw siya.. kaya yung lulutuing manok eh sinuotan ng salamin.. Salamin yan ng papa niya.. Muka daw masungit na manok nakanguso eh...😅

@Encarnation3456

Kaganapan Ngayon Taon taon dito ang daanan sa harap ng bahay namin ng prusisyon.. ang dami 100 na yata ang bilang.. talagang pinaglalaanan ng mga may ari ng poon tuwing ganitong panahon.. Iba iba man tayo ng paniniwala tungkol dito kailangan pa rin irespeto ang bawat isa.. Nawa lagi natin maalala ang tunay na halaga ng pag kamatay ni Jesus para sa atin..

@Encarnation3456

HOLIDAY Blessed morning noisemate! Dahil walang pasok medyo nagpa tanghali din ako kanina ng gising.. pati mga bata tulog pa.. Nakapag luto nako ng tuyo at itlog na may patatas.. kape nalang kulang.. Kain po tayo noisemate!

@Encarnation3456

Ginisang monggo at inihaw Sarap kapag ganito panahon at holyweek ang ganitong mga ulam.. luto si nanay ng monggo at nag iihaw naman si kapatid ng tilapya at talong.. Lalong ramdam ang bakasyon kapag sama sama ang pamilya.. Makapaghain na at maya maya kakain na😊

@Encarnation3456

SPAGHETTI miryenda.. May natira pang sauce noong monday.. Ang ginawa ni nanay nagluto nalang ng pasta ngayon de nagka instant spaghetti kami.. Basta may masipag lang magluto sa bahay hindi magugutom.. Miryenda po tayo noisemate!

@Encarnation3456

McDo.. Libre ng mga anak ko hati sila magkapatid sa gastos... binigyan ni partner ng pera dahil di natuloy sa bikol para mabawasan daw ang mga lungkot..chicken fillet float at fries lang naman ang paborito nila.. Diretso hapunan na to..hehe Kain po noisemate😊

@Encarnation3456

BLESSED FRIDAY Good morning noisemate! Maaga ko nagising sa gutom dahil maaga kami naghapunan kagabi.. parang ginigising ka sa kalam ng sikmura natulog lang naman..hehe Big blessing na yung merong mailuluto sa oras na gusto kumain.. mahal man o mura importante eh may maakakain.. Tulog pa ang dalawa kong alaga solo ko muna to..kain po tayo..😅

@Encarnation3456

PABORITO Gabi palang bilin na yan ng panaganay ko.. magluto daw ako ng sinangag.. wala nang iba maisip na ulam kaya ano paba ang kapartner ng sinangag? de itlog at hotdog..hehe Kapag may ganyan almusal masipag sila sumunod sa mga pagagawa ko..😉

@Encarnation3456

EARLY MIRYENDA Dahil mga busog pa sa almusal sakto dumating na ang order ng kapatid ko.. tig isa kami ng binili.. Suman..tatsulok ang tawag ko diyan..hehe may sauce na malapot na nagpapasarap lalo.. 120 per order 8pcs laman.. sulit kasi ang sarap ng pagka gawa nila.. deniliver pa dito.. ayan di na problema ang miryenda ng mga bata mamaya kung magugustuhan..😁 Pero sakin panalo..kain po tayo noisemate!

@Encarnation3456

SaMaLaMiG Kainitan ng panahon pero dinalan pako nito ni tito kahit nakabike lang siya.. isang pitsel pa! gumawa siya ng sago't gulaman.. specialty niya yan..hehe Wala kami gala today bahay lang.. medyo inip.. kaya halos puro pagkain nagagawang libangan..hehe May panulak na suman ko tira kanina..😅

@Encarnation3456

Hapunan na! Happy dinner po noisemate! special tuyo at fresh talong na may sawsawang toyo.. simpleng masarap na ulam.. special ang tuyo dahil hindi masyadong maalat..hehe Hindi pa ko tapos magluto magpiprito pako ng itlog para sa dalawang bugets.. Hindi kailangan mahal para matawag na specìal ang ulam basta paborito? Special yan!..😅

@Encarnation3456

BUKO PIE Blessed morning noisemate! Alanganin oras na kagabi ng kumatok si pinsan binigyan ako nitong buko pie.. Bigay daw ng amo niya sakanya na galing tagaytay.. 2 box binigay sakin ang isa.. hihiwain ko palang nadudurog na kaya bago ko pa tuluyang masira eh pinicturan ko na..hehe Kain po.. kape nalang kulang para kumpleto na almusal..

@Encarnation3456

LECHON🐔 Mainit na tanghalian mga mate! Feel na feel ang summer..hehe bumili lang kami ng lechon manok dumalaw si katam eh kaya hindi nako nagluto.. Makapaghiwa ng kamatis at lalagyan ng patis sawsawan mas bet ko yun kesa sa sarsang kasama nito..kanya kanya taste..haha Kain na po tayo..😉

@Encarnation3456

Over sa laki.. Dahil sa kagustuhan ko wag mabitin eh 1liter ang binili ko nitong mango shake..eheehe Takaw yarn? di ko balak ubusin.. magtitira ko para mamayang gabi.. ang sarap kasi nito may halong bits ng mangga, pearl, gulaman, oreo ,cookies at graham basta pinag halo halo na..nakakalibanag to sipsipin..kaso kadalasan di ko namamalayan mauubos na pala.. ang ending sakit ng tiyan😅

@Encarnation3456

SISIG TOKWA Galing sa handaan sila nanay.. may pa sharon si pinsan na sisig tokwa.. ayos at malilibre na sa ulam ngayon hapunan.. makapag saing na at makakain na ng maaga.. Bukas ay sunday dapat maaga makatulog para maaga din magising.. para makapag church.. Happy dinner po sa lahat..

@Encarnation3456

READY NA! Blessed Sunday noisemate! Gumagayak na papuntang church.. Naigayak ko na susuotin ng mga bata.. Sinasamantala namin ang pag punta sa physical church hanggat hindi pa mahigpit dahil hindi natin masabi ang takbo ng panahon.. Gayak muna po habang ligpit ng mga kalat..hehe Deserved ni Lord mabigyan ng kapurihan at karangalan araw araw lalo na tuwing linggo para sa lahat ng meron tayo dito sa mundo.. GOD bless everyone😊

@Encarnation3456

SINAMPALUKANG🐓 Ready na ang tanghalian na sinampalukang manok..maasim asim na sabaw.. Tamang tama samin to dahil marami kami kakain.. dahil family day kumpleto kami.. sure simot ang kaldero mamaya pati tutong mauubos..haha Kain po tayo noisemate🤗

@Encarnation3456

GROCERY TIME Yung sinabi mong gatas lang ang bibilin tapos lagpas lapasan naging total sa cashier..hehe Namiss ko mamili kasama mga bata sa puregold pero mas namiss nila kumuha ng mga paborito doon kaya ang ending sira ang budget..ehhe Di bale mas mainam na daw pagkain ang bilin kesa gamot..😅

@Encarnation3456

IMBOTIDO Gandang gabi noisemate! Bumili lang ako ng ready to cook na imbotido.. Simpleng prito masarap ketsup lang ang katapat..ehhe Bukas may pasok nanaman.. tapos na ang ilang araw na bakasyon.. kabilis na lumipas.. Thanks God sa mag hapong nagdaan na masaya at ligtas ang buong pamilya😊

@Encarnation3456

Time check 12.09am Good morning noisemate umaga na! Kakatapos ko lang maglaba.. di ko namalayan ang oras.. bukas ko dapat kukusutin kaso medyo madami aabutan ako ng init sa paglalaba bukas.. Dahil tapos na ngayon isasampay nalang mamaya sa init.. sarap din maglaba sa gabi malakas ang tulo ng tubig.. nawa mahimbing ang tulog ko nito..ehhe Good night po😅

@Encarnation3456

Kape kape muna... Blessed morning noisemate! Yung umaga kana natulog tapos aga mo pa kailangan gumising..hehe every gising is a blessing kahit kulang pa sa tulog.. Kaantok pa pero kailangan na kumilos kaya kape muna tayo pang tanggal antok.. Have a great day mga mate! GOD bless..😊

@Encarnation3456

Almusal.. Yan ang kinuha ni bunso kahapon sa grocery na pagkain.. pabor sakin hindi na magluluto sa umaga ng almusal.. pag nag sawa nalang saka uli makapag luto.. online pa rin siya.. sana ma experience niya uli ang face to face.. para narin mabawasan ng konti ang timbang..😅

@Encarnation3456

Second try.. Nalibang ako kagagawa ng ice candy magnum.. Nakalimutan ko mag saing.. mabuti at busog pa ang istudiyante ko..hehe work ka muna kako habang hindi pa luto sinaing..hirap ng makakalimutin ang dali malibang sa gawain.. Second time ko na gumawa ng magnum pero di pa rin perfect..huhu baka sa pangatlo machambahan na.. dapat kasi walang white na makikita sakin meron pa rin.. pero sure na masarap ang lasa dahil puro gatas at nestle no added..haha

@Encarnation3456

Namiss.. Simpleng miryenda noong kabataan ko.. Madalas pag recess non sa school kapag konti ang baon yan ang binibili ko.. Namiss ko ganyan brand at flavor ng zesto.. Kapag natitikaman mo pagkain noong nakaraan parang binabalik ka rin sa past kung ano sitwasyon noon..hehe Miryenda po tayo noisemate😄

@Encarnation3456

PORK Luto ni nanay kanina tanghalian pinadalan kami ngayon.. ibababaw nalang sa sinaing para mainit.. Laki bagay kapag hindi nako magluluto..saing nalang.. Thanks God sa nanay kong mahilig magluto basta may lulutuin..hehe sipag talaga yun hindi ko kayang pantayan kasipagan.. Happy dinner noisemate!

@Encarnation3456

MENU DO Kararating lang galing school kumuha ng module.. madaliang lakad pero ang dami dinaanan.. Mahirap umalis ng walang naiiwan sa mga bata.. hindi nakapunta si nanay para magbantay.. Mabuti may padala ng ulam.. laki bagay narin na hindi nako magluluto.. nakapag saing nako bago umalis kaya kakain nalang ngayon.. Kain na po tayo noisemate! Gutom is real..hehehe

@Encarnation3456

Pasalubong Dahil nakalabas ako kanina naisipan ko uwian ng pasalubong ang dalawang bata.. first time ko makakita ng ganyan sa cafe at natakam talaga ko.. Dalawa lang ang binili ko same flavor na para walang away.. ngayon ko lang nilabas para kako may miryenda sila..😉

@Encarnation3456

MACAPUNO Nadaan si tito nag dala lang siya nito sa mga bata.. sarap nito.. yung nagpipigil ka kumain ng matatamis tapos biglang may tuksong darating..haha Pasalamat ako at may tiyuhin akong di nakakalimot kapag meron siya..😊

@Encarnation3456

🐔HOTDOG Gandang gabi noisemate! Luto na ang hapunan.. mag hotdog kami ngayon.. Prito prito muna.. ayan ang pagkain na hindi ko kailangan pilitin kumain ang mga bata.. Mga kusa na nagsisi punta sa lamesa.. Kain na po tayo mga mate😁

@Encarnation3456

CHAMPORADO Blessed morning noisemate! Nagluto ako ng hindi pinagsasawaan ng mga bata ang champorado.. paulit ulit man nauubos parin.. Wednesday na agad.. bilis ng araw at oras di ka maiinip.. Sana magkaroon tayo ng masayang araw ngayon pandagdag sa remembrance bukas..😉

@Encarnation3456

FRESH LUMPIA Napadaan si tatang na kapit bahay ko bibili daw siya uli ng lumpia baka makikisabay daw ako.. Sa sarap nito mahirap tanggihan.hehe Nagpabili lang ako ng tatlo..tigiisa kami nila nanay at tatay.. yung mga bata ayaw naman nito.. Kain po tayo noisemate!🤗

@Encarnation3456

NEW PRODUCT Share ko sa inyo mga ka mema ang aking bagong paninda na ice candy.. inalok ako ng kapwa ko din na tinderalla..hehe mabili daw sakanya kaya nag try din ako para maiba naman din.. minsan kasi hindi ko na nahaharap gumawa ng ice candy dahil bisibusyhan sa maraming bagay.. Nawa maging mabili rin dito..😅

@Encarnation3456

PiZzA for hapunan.. Mga walang gana kumain dahil mga busog kanina sa miryenda.. kaya pizza muna kami ngayon.. Bukas na makapag kanin.. Thanks God sa maghapong nagdaan.. Kain po noisemate!

@Encarnation3456

PERFECT PARTNER Blessed morning noisemate! Kagabi alanganin oras nakakita ko ng nakakatakam na tuyo dito.. kaya sabi ko bukas magpiprito din ako..hehe siyempre samahan na ng itlog para sa mga bugets.. Napanis na naman ang kanin ko kagabi kaya magsasaing nako..sayang dami pa naman siguro sa init ng panahon kaya madali mapanis ang kanin..mamaya kapag may matira lalagay ko na sa ref.. nakakalimutan ko kasi ilagay.. bagay sana sinangag dito..😅

@Encarnation3456

Ginataang Langka.. Kararating lang ni tatay dala ang ginataang langka at pritong isda.. luto ni nanay.. Mabuti ayos na pakiramdam ni nanay kahapon kasi nahihilo baka kako sa init ng panahon.. Nababahala ako kapag nagkakasakit sila ni tatay.. Kaya everyday super feeling blessed ako kapag maghapon dumaan na wala silang sakit o nararamdaman na masama.. Kain na po tayo... basta lutong nanay masarap!

@Encarnation3456

Mixed fruit Nakaka antok kapag ganitong oras gusto ko nang gumabi.. kapag gabi naman di mapigil ang pagpupuyat.. ano ba talaga te?hehe ang gulo ko.. Naghiwa ako ng mga prutas para kakainin nalang ng mga bata.. pampa tanggal antok din.. Kain po tayo mga mate.. miryenda..😊

@Encarnation3456

CHiCKEN NUGGETS & SOUP Hapunan na po tayo mga mate.. Nagprito ako ng chicken nuggets na inalok sakin kahapon ng ahente ng ice candy.. extra product daw nila.. Nag pakulo din ako ng instant corn soup na nilagyan ng itlog para mas masarap katambal ng prito.. Kain na po tayo habang mainit init pa! Happy dinner po sa inyo🤗

@Encarnation3456

NiPS NiPS Batang 90's ako at bata palang ako noon meron ng Nips.. hanggang ngayon paborito parin lalo na may mani sa loob.. Konti lang kinain ko kanina kaya parang akoy naghahanap pa ng mangunguya..hehe Ayaw tumaba niyan ha..pero kain ng kain😅

@Encarnation3456

BLESSED FRIDAY Good morning noisemate! Makulimlim ngayon dito sa amin.. Medyo malamig pa sarap magkape.. May tinapay binili si partner pande coco at mc. donut.. Mc donut tawag namin diyan kapag wala pa pambili ng Mcdo si mister.. mc donut muna daw ang kaya niya bilin... biro niya yan sa mga bata.. Almusal na po tayo para mag ka energy na .🤭

@Encarnation3456

Breakfast for break😅 Ready na ang pang break ni bunso.. ayaw daw niya ng tinapay..kaya ayan ang breakfast niya.. binili ko din ng taho na paborito niya.. hindi na siguro gugutumin yan hanggang tanghalian.. Online class pa rin kami.. next pasukan sana maka pga face to face na din siya..

@Encarnation3456

Miswa with Patola.. Kapag naririnig ko ang salitang patola na ibig sabihin ay palapatol natatawa ko.. ngayon ko lang din nalaman na may salitang ugat din ito na patola..ehehe ang pinoy talaga galing gagawa ng mga patawang salita! Ulam namin yan ngayon miswa na may patola.. Kain po tayo noisemate.. mainit na sabaw sa mainit na panahon😅

@Encarnation3456

Early miryenda.. Dumaan ang kapatisd ko binigyan ako nito dalawang piraso lang..hehe bitin kako to biro ko.. 1order lang daw kasi binili niya.. Para di mabitin nagtimpla ko ng kape pang tanggal antok narin..ehhe

@Encarnation3456

Hilaaawww Nag saing ako at ng papatayin ko na ang apoy nakita kong hindi ko pala nalagyan ng takip.. ang ending hilaw pa pero tuyo na ang tubig.. Nakalimutan ko lang naman takpan kakamadali..ehhe Nasira ang rice cooker namin kaya sa gasul muna nagsasaing.. hirap din dahil madalas nakakalimutan ko nakasalang.. nasusunog.. Nilagayan ko nalang uli ng tubig para maluto to..😅

@Encarnation3456

SABADO na! Blessed morning noisemate! Sabado na uli ang bilis ng araw .. Nagluto ako ng hitfog at ready to cook tongkatsu.. para mamaya pag gising ng mga bata kakain nalang.. Ako kape lang muna.. Nawa maging masaya at ligtas ang araw ng sabado natin mga mate.. GOD bless us..

@Encarnation3456

Pagtitilad Umuwi si partner tatlong buong manok ang dala.. may nabilan daw kasi siya mura kaya tatlo na kinuha.. Napaka dami kako para samin.. o sige kako tilarin mo na..hahaha Mas magaling pa siya magtilad ng karne kesa sakin.. pambihira eka bili ko na tilad ko pa? Wag ka kako magalala lulutuin mo pa yan..hehe biro nalang un baka mapainit ko na ulo😅

@Encarnation3456

A D O B O manok.. Kumain na ba kayo noisemate? Kami ngayon palang kakain.. Sakto pumunta si nanay kanina siya na pinagluto ko para sure na masarap ang luto.. Perfect na niya ang timpla niyan.. Kain po muna tayo mga mate🤗

@Encarnation3456

PARTNER Nagdaan si nanang na naglalako ng miryenda at yan ang menu niya ngayon.. di ko pa natry kumain na may partner na inangit si bilo bilo.. pero sabi ni nanang masarap daw yan pagtambalin.. At totoo nga perfect partner ang dalawa na to lalo na yung may tutong..haha Miryenda po tayo noisemate🤗

@Encarnation3456

Meatlop with egg Ready na ang hapunan nagprito ko ng meatlop na nilagyan ng egg.. may tira pa naman konting adobo kanina pang dagdag lang ito.. Ang ayoko lang pag meatlop ang ulam nahihirapan ako palabasin sa lata.. mabuti alam ng anak ko ang technique paano palalabasin ng mabilis.. Binutasan niya baba ng lata at saka hinipan..hehe Ingat lang baka mahiwa ang labi..😅

@Encarnation3456

PRITO time.. Blessed morning noisemate! Sunday ang pinaka masarap na tulog ko dahil pwede gumising ng tanghali.. one's a week di masama magpainin sa higaan..hehe Magpiprito ko ngayon ng luncheon meat almusal.. Mamaya pupunta kami kila nanay para don mananghali.. Nawa maging masaya at ligtas ang araw ng linggo nating lahat noisemate🤗

@Encarnation3456

HAPPY BIRTHDAY Birthday ni hipag.. boodle fight ang ginawa namin handa para maiba naman.. simple mga pagkain pero lahat to paborito namin..hehe Thanks God sa panibagong taon na binigay kay hipsg kahit siya dialysis patient kasama pa rin namin siya ngayon.. Kain na po tayo noisemate!

@Encarnation3456

SPAGHETTI pa more.. Miryenda namin ngayon ay spaghetti luto kanina ni nanay.. spghetti yata ang di nawawala kapag may birthday samin..hehe laging present.. Hinahanap kapag wala.. nanawa kapag meron..😅 Maya maya uwian na rin.. Miryenda muna tayo bago umuwi mga ka mema!

@Encarnation3456

PUSO NG..🍌🍌🍌 Luto po kanina ni nanay yan kasama sa handa.. siyempre may pa sharon si mader..ehehe Libre na sa ulam pang hapunan.. Sarap nito puso ng saging na may gata at hipon ang sahog.. medyo maanghang ang timpla kaya lalong nakakagana.. Bukas nalang ako hindi makakanin..😁

@Encarnation3456

Happy Monday.. Blessed morning noisemate! Maulan na umaga dito sa amin.. Mukang di makakapag labas ng sinampay.. Sinubukan ko tikman ngayon ang almusal ni bunso na corn flakes at milk..ng konti lang.. ang sarap pala nito..hehe hindi ko na uulitin baka ako makaubos😅

@Encarnation3456

Tira tirang ulam.. Happy lunch time mga mate! Ulam namin kahapon ay chicken caldareta hanggang ngayon ay may tira pa rin.. pinadalahan ako ni nanay ngayon.. isa ito sa mga ulam na hanggang pangatlo init ay mas sumasarap..hehe Kain na po tayo noisemate!

@Encarnation3456

LA LA LA LA.... My name is Lala lalalala...ehhe naalala ko trending sa tiktok na napanood ko.. may name is boom..boom.. basta may ganon..hehe 90's palang tanda ko may lala nang chocolate.. dati 5 pesos yan.. ngayon 9 na... LALA po tayo pang tanggal antok mga ka mema😅

@Encarnation3456

BIDA ang SAYA Kararating lang ni Jollibee..hehe Paminsan minsan pag bigyan ang hilig ng mga bagets.. ayan lang naman ang lagi nilang inoorder.. laging shanghai at steak.. Pag kaing di na kailangan pa tawagin para kumain.. maamoy lang nagsisilabasan na..haha Happu dinner po sa lahat😊

@Encarnation3456

SIDOG.. Blessed morning noisemate! Nawala itlog kaya sidog nalang..hehe Maganda ang sikat ng araw ngayon.. Naglaba nako kagabi kaya sampay nalang ngayon.. Laki kabawasan sa maghapong gawain ang paglalaba.. Tara po almusal na.. Kape nalang uli kulang..😁

@Encarnation3456

Blessed Wednesday.. Good morning mga mate.. Gaya ng puto at kutsinta na missed ko kayo.. Thank God for this wonderful morning.. Sa tagal ko di nakabili nito kahapon ko lang nalaman na dalawa lima na pala ang presyo.. Abot kaya pa din... at nakakabusog! Makapag timpla nalang ng kape ngayon para pampa gising.. God bless everyone😊

@Encarnation3456

Garlic bread.. Garlic bread iyan yata ang tawag diyan.. Lasang breadpan na mainit na may cheese sa loob..hehe uwi ni partner mahal daw yan.. ayaw naman sabihin ang presyo.. baka binibiro lang ako.. Pagkakain nito makapag babad na ng damit para mamayang gabi makusot.. Miryenda po muna tayo mga ka mema🤗

@Encarnation3456

TORTANG TALONG Tanghalian na po tayo noisemate.. Nag prito ko ng tortang talong.. siyempre may sawsawang toyo at kalamansi.. madaliang luto muna ginawa ko dahil hindi ko na napino hiwain ang talong bago itorta.. Sana maubos ng mga bagets..

@Encarnation3456

Shake Shake Shake Yung anak kong kailangan pa bantayan para ubusin ang isang basong shake na pakwan.. Hay nako may papindot pa siya sa ilong habang iniinom yan para daw hindi niya malasahan.. Binantayan ko talaga hanggang maubos..haha Hirap pakainin ng prutas.. Hanga talaga ko sa mga mommy nasanay ang mga anak nila kumain ng prutas..😊

@Encarnation3456

HOT LOMI Miryenda po tayo mga ka mema! Mainit na lomi.. ngayon lang uli makakakain nito.. natakam lang ako ng makita ko sa app.. 92 pesos ang dami na.. at sobrang init pa.. kahit ganitong mainit ang panahon sarap parin humigop ng mainit na sabaw.. Kain po noisemate!

@Encarnation3456

Chicken nuggets.. Pride pride muna uli.. chicken nuggets na home made ng isa kong suking ahente.. mukang masarap naman.. sana.. para masulit ang pera at para maulit narin.. May cheese daw to sa loob.. pakainin ko na mga bagets.. akoy busog pa sa lomi kanina.. Happy dinner sa inyo noisemate🤗

@Encarnation3456

Tiktilaok sabi ng manok😅 Magandang Umaga noisemate.. Ang hirap ng ibalik ang dating oras ng pag tulog.. kung dati 10pm ang sagad puyat ko ngayon inaabot ako ng umaga.. kaya naman pag dating ng umaga pahirapan sa pag gising.. Hay nako tama nga ang sabi pinaghihirapan ang eyebags kaya wag ikahiya..hehe Have a wonderful day.. GOD bless you all☺

@Encarnation3456

Wentong unan.. Blessed morning noisemate! Sino angvmay ganito ding anak?hehe Yung sa gabi gusto niya ng maraming unan.. pero pag dating naman ng umaga mga nakabagsak na sa sahig.. pati punda tanggal pa.. Gusto kasi ni ate may panganay yung madulas na side kaya kahit lagyan ng punda eh tinatanggal din.. kaya ang first step ko sa umaga ay ang mamulot ng unan..😅

@Encarnation3456

FREE Perfect timing ang labas ko mga ka mema para mag walis.. kasi may isang babae lumapit sakin at sinabi "maam free po ni creamsilk" kala ko ay aalukin ako bumili pero hindi naman.. pagka thank you ko umalis na din siya.. Papagamit ko ito sa panganay ko..😁

@Encarnation3456

P E C H A Y Kain na po tayo ng noisemate! Ginisang pechay ang niluto ni nanay ngayon.. Para sakin mas gusto ko talaga ang gulay.. ang mga bata lang ang problema ko kapag ganito ang ulam.. ipag piprito ko nalang sila ng itlog.. Hoping naman ako someday matututo din sila kumain ng iba pang gulay gaya nito.. Kain na po tayo hanggat mainit pa🤗

@Encarnation3456

S U M A N Kain po tayo ng suman.. Nadaan si nanang kanina yung naglalako ng suman.. napabili ako ng isang balot 40 pesos 5 piraso ang laman. Ang gusto ko ditong sawsawan ay brown sugar mas malasa.. makulimlim na tamang tama makapag timpla ng kape..😁

@Encarnation3456

INSTANT PANCIT Gandang gabi noisemate! Nagluto ako ng dalawang pancit canton na extra big nabibitin kasi sa maliit.. masarap din ganitong brand.. parang mas namumurahan ako dito.. Naglaga rin ng itlog para special..hehe busog na kami dito magiina..wala naman si partner.. sarap talaga kumain.. Thank God nakaraos na naman ang maghapon na puno ng biyaya😊

@Encarnation3456

Wentong mantel Start na ng fourth grading.. Malapit lapit na matapos ang last sem.. mamaalam na din ang mantel ng study table namin.. parang nabagyo lang..ehhe Aywan ko ba.. pwede naman maupo lang at magsulat .. Flywood lang yan na ginawa ni mister.. low budget noon para bumili pa ng lamesa..hehe Next target ko yan mapalitan ng bago sapin para mas sipagin pa mga bata mag aral..😉

@Encarnation3456

S I G N Blessed morning noisemate.. Yung mata mo nag ootomatic ng gising ng ganon oras.. parang may sariling isip..yung isip mo naman gusto pa matulog..hehe Yan ang palatandaan ko sa umaga na kailangan na bumangon dahil may maliwanag na sa bintana.. Umpisa na tayo para bilangin ang ating mga biyaya ngayon araw.. Thanks God sa payapang panahon kahit may bagyo.. GOD bless noisemate!

@Encarnation3456

Pancake Gagawa panganay ko ng pancake.. sanay na siya mag mix ako nalang mag salang.. sarap din ng naasahan na anak sa gawain.. Sana lagi nasa kondisyon para tumulong.. Madalas kasi nasa gadgets lang nakatutok.. Pero pag paborito nila lulutuin mas ganado siya tumulong..

@Encarnation3456

B I S T E K Bistek ang pinaluto ko kay nanay ngayon.. Perfect na njya yan.. yunh sabaw palang eh ulam na..hehe ako ang perfect ko ay ang kumain ng more than 3x a day..haha Kaya gusto ko man magbawas ng timbang eh hindi ko magawa gawa.. madali ako matukso sa pagkain! Kain na po tayo Pilipinas!

@Encarnation3456

S I O M A I Siomai lang walang rice..ehhe Miryenda po tayo noisemate.. Akoy naiinip at inaantok kapag ganitong oras.. Ang mga bata kasi mga nasa kwarto lang walang makausap.. matumal din kapag ganitong time.. Idadaan ko nalang ito sa kain mga ka mema.. Mukang uulan na makulimlim na ang kalangitan.. Parang masarap din magkape..😅

@Encarnation3456

SIMPLY FRIED Feeling ko maaga pa pero madilim na ang kalangitan.. ganon kabilis ang oras o sadyang nalilibang lang ako sa mga gawain.. Nagprito pala ko ng manok para lang sa dalawa kong alaga.. catsup lang katapat nito at solve na ang hapunan.. Thank you so much God for all the blessing ngayon maghapon..😊

@Encarnation3456

Blessed Saturday Good morning noisemate! Pag mulat ng mga mata ko sa umaga gustong gusto ko pinagmamasdan ang muka ng mga bata habang natutulog.. sabay yayakapin.. Ganyan sila sweet magkayakap sa pag tulog.. Kapag mga gising na ayaw na magkadikit..hehe Katuwa lang pagmasdan habang mga tulog pa.. Makabangon na.. simula na tayo ng panibagong araw para sa mga gawaing walang katapusan mga nanay!😁

@Encarnation3456

Breakfast.. May surprised na pasalubong si partner sa mga bata..pati pala ako kasama sa bilang ng binili.. tatlo burger steak ang uwi.. dahil nakamotor lang siya napunta na sauce sa kanin..ehhe Naiinis ako sakanya minsan kapag ganyan bumibili siya laging kami lang ang pinapakain.. ang dahilan niya di daw niya hilig mga ganito pagkain.. pero feeling ko baka nagtitipid lang.. Makita lang daw kami busog.. busog na rin siya..hehe linyahan ng mga tatay..🤣

@Encarnation3456

Init init lang... Tirang adobo manok at bistek ang ininit ko lang ngayon.. Di nako nagluto ng ulam.. dahil bitin si bunso kanina sa 1pc burger steak kumakain na naman siya ngayon.. ilang araw na adobo sa ref nakakalimutan ko initin para makain.. sana maubos na ngayon.. pag hindi pa hihimayin ko at isasama ko sa sinangag.. Basta adobo mahaba ang buhay..yung bistek kahapon lang.. kain po noisemate!

@Encarnation3456

NO SIGNAL Mga ka mema baka po may nakaka alam nito sa inyo..please help kung ano dapat gawin.. first time po nagyari ito samin.. nag karon ng red light modem namin.. nakalagay lost.. di rin ako makatawag sa telephone.. nagload pako extra pang wifi..hehe Hirap pag po ng wlang signal..😅

@Encarnation3456

Sounds like li..chon😁 Hapunan na po tayo mga mate.. nagprito ko ng delata.. luncheon meat.. wala pa rin kami signal sa wifi.. ang tagal bumalik.. Kasama at parte na talaga ang internet sa mga gawain ko araw araw kaya pag nawala eh may hindi matatapos.. sana mamaya umayos na.. Kain muna po tayo😊