#firstdayoffebruary Blessed morning noisemate! Second month na tayo agad ang bilis ng araw.. Dahil nagustuhan nila yan kahapon inulit ko ngayon gawin.. Holiday today wala online class si bunso hahayaan ko muna siya matulog, nakapag gayak nako ng almusal at nakapagsampay narin ng nilaban kagabi.. feeling ko weekends pag walang pasok! Iniisip ko na ngayon kung ano ulam mamaya..ehehe "mama's time" advance magisip!
@Encarnation3456 in February 2022
#gulaytoday Gulay nga ba ang mais o prutas?..hehe Sorry di ko sure.. makabalik muna ng elementary😁 May nagbigay na kliyente sa kapatid ko ng mais tapos pinaluto kay nanay at nakarating din hanggang dito..pasa pasang biyaya lang.. Ibibili ko naman sila nanay ng saging para may prutas din sila palitan lang! libre ang ulam namin ngayon sana kumain ang mga bata nito.. Kainan na mga ka mema alas dose na!!
#pampalamig Ang init ng panahon ngayon parang summer na.. Binuksan ko na ang aming milon dahil mabango na isa daw sa palatandaan yun na hinog na.. tamang tama ang pagkabukas sakto lang ang pagka hinog.. ang problema wala pala dito ang aming pangkayod hindi naiuwi dito ng humiram.. Kutsara nalang ang ginamit mas pinino ko para makain ng dalawang bata.. okey naman ang kinalabasan masarap! Nilagyan ko rin ng gatas, yelo at konting asukal.. Tamang tama sa mainit na panahon..…
#carbonara Paano kung busog ka naman at may dumaan na carbonarang nagtitinda..ehhe ang hirap hindian dahil hinihintuan niya talaga ko para alukin.. sa halaga 15 pesos kabawasan narin sa dala niya.. busog na busog ako ngayon di nako maghahapunan.. mga bata nalang ipagluluto ko mamaya.. Konting oras nalang hapunan na noisemate..
#dividedbytwo Kainan na mga ka mema! Yan ang aming hapunan, may tira pa kabiyak ang milon kanina tinimpla ko uli ngayon baka masira kung ipagpabukas pa.. nagprito ko ng itlog hotdog pantay dapat ang hati para walang away..hehe hating kapatid lagi dapat.. yan ang gustong gusto nilang ulam di na kailangan pa pilitin kumain.. Kain na po mga ka mema!
#superhero Yung ang dami namin naisukat ni isa wala kaming binili..hehe sistema po namin yan nuon sa mall.... Tipong picture at sukat lang sapat na..hahaha Nakakamiss.. Matutulog na daw ang super hero!! Good night noisemate!! GOD bless everyone!😘
#backtoonlinestudy Blessed morning noisemate! Maaraw na Miyerkules.. matutuwa ang mga maglalaba today.. magluluto palang ako ng hot cake tamang tama to sa break ni bunso ng 10am.. Sarap matulog noh? hirap gumising sa umaga!! sarap kasi magpuyat eh..heehe pag may sarap may kondisyon na kapalit!!
#earlylunch Early lunch dahil di nako nagluto.. Nagpabili lang ako ulam kay tatay sa kariderya.. Sinigang kako o bistek eh wala daw kaya menudo uli nabili..hehe nadalas ang fiesta samin..haha Ok lang masarap naman ang pagkaluto.. Birthday ngayon ni tatay baka sunday na namin gawin dahil may pasok ang mga kapatid ko.. 74 na siya nawa maraming birthday pa ang dumating na malakas at malusog ang pangangatawan.. Ready ready na mga ka mema konting oras nalang alas dose na!!
#wrongmistake Hay nako wrong na mistake pa.... Eto na uli ang pagkakamali... kararating lang today ng deliver ni lazada, umorder uli ako ng tissue sinamahan ko na narin ng pang slice ng tinapay o pamahid ng palaman basta yon..ehehe parang kutsilyo! Same store lang din po.. ng dumating kanina taka ko bakit ganon picture ng karton.. de relax muna baka yung nasa loob eh tama.. ng buksan ko na.. ayan nga ang laman.. panghasa yata to.. di ko to kailangan.. buti di ganon kamahal…
#namissed Miryenda time na..ano po miryenda nyo noisemate? May dumaan nga pala na ahente nag aalok ng alak kanina pero ang kinuha ko ay magnolia namiss ko to... ito inumin sa canteen dahil bawal ang softdrinks sa loob.. masarap lalot malamig na malamig.. pamalit sa softdrinks pag di makatiis..
#oppositewear Ganyan ang sitwasyon nuon pag hinayaan ko silang kumuha mag-isa ng damit nagkakapalit! Mga nasanay kasing ako nag gagayak at nagaabot ng susuotin nila.. Wala lang sakanila kahit magkapalit pa basta makapag bihis lang.. unahan kasi sa computer pag galing sa school..kaso ngayon nasira na yan.. Ngayon di na sila pwede magkapalit nagdadalaga na si ate at di ko narin mapagsusuot si bunso ng ganyan sando kasi lalaki daw siya..hindi bading!haha natatawa nalang sila…
#favorite Blessed morning noisemate! Another day another blessing para sa ating lahat.. Nakapagluto nako ng nuggets at hotdog.. Nagprito ko ng isa hotdog kasi baka ayaw ni ate ng nuggets.. si bunso lang talaga may paborito niyan.. May konti pa kanin kagabi isasangag ko pa lang maya maya..para mainit init pa sa break ni bunso.. Pag nagising kasi siya hilamos lang at tuloy na sa study table niya.. Simula na tayo noisemate ng mahabang araw galaw galaw na ng di daw…
#fishtoday Mainit init pang pritong tilapya noisemate! Fresh from talipapa..ehehe tinanghali si tatay ng dating kaya ngayon lang nakapagprito.. hanggang ngayon natatakot ako magprito ang dami tilansik..ehehe kelan kaya masasanay.. Tara po kain na po tayo mga ka mema!
#wentongalupihan Sino takot sa alupihan?hehe Ako lang ba kumakaba dibdib sa tuwing makakakita ng malaking alupihan! Maguurong nako kanina ng biglang may dahan dahan na lumabas sa butas ng lababo.. sa sobrang kaba at taranta ko ang nakuha ko pamatay ay sipilyo ni bunso na kapapalit lang kagabi!huhu sayang ang toothbrush! De bale napatay ko naman.. ang sabi kasi ni inang nuon nangangagat daw yan at nakakalagnat kaya takot talaga ko diyan.. di ko lang alam kung totoo nga..😄
#dinnertime Okoy good for the eyes.. binili ko lang po okoy, dinagdagan ko nalang ng scrambled egg with slice hotdog..baka kasi mabitin ang dalawang bata sa okoy kaya dapat may pandagdag ulam..hehe di bali sobra wag lang mabibitin.. kayo noisemate kumain narin po ba?.. tapos na uli ang maghapon natin bilis ng oras noh.. maya maya lang tulugan nah!!
#kulitanbagomagsleep Paano ba kako magpray bunso?.. yan ang story ng picture na yan.. Nakakamiss to.. time na di pa uso cellphone samin.. harutan muna bago matulog tawanan,asaran..hehe Ngayon may kanya kanya nang hawak.. kanya kanya dutdot ng cellphone..hehe Aminin nating mga parents minsan ganyan din tayo..hehe pero hindi siguro sa laro libangan kundi kita parin ang iniisip habang nageenjoy.. tama lang siguro.. wag lang abusuhin at sayangin ang oras sa walang kabuluhan..…
#somethingfishy Anak: Natutulog ba mama ang isda? Mama: oo yata siguro.. Kaya binantayan niya fish kung pipikit..haha Ang ending siya nakatulog.. Hanggang ngayon di ko alam kung paano matulog ang fish kung nakadilat o pumipikit rin..hehe Pakiexplain.. Mema lang po..hehe friday na po uli kabilis.. Blessed morning noisemate! God bless everyone..
#myfavoritevisitor Cocomelon is coming ..hehe may bisita ako.. our own version of JJ.. pati gupit muntik nang maging JJ! Nagpagupit si nanay iniwan muna sandali si pamangkin dito.. napakalikot..walang ka energy energy.. ang mami daddy niya nasa work kaya kay nanay naiiwan maghapon.. Thank God may lakas pa si nanay magalaga ng ganito kalikot na bata..😁
#monggoday Dahil biyernes ginisa monngo kami today.. may shanghai at chicharon baboy din kapartner.. lahat yan bili lang na luto..heehe di kasi sulit samin pag nagluto pako 3 kami mag-iina mahihina pa mag sipag ulam.. kaya sulit na sulit samin ganito.. Kain na po tayo Pilipinas..
#miryendatimeburger Burger po tayo mga ka mema.. Ito gusto kong burger may totoong gulay.. Pero di akin to..dalawa lang kasi ang binili ko para sa dalawang alaga ko lang..hehe May naoorderan po ako sa kabilang barangay dinideliver narin nila add lang ng 20peseos df.. Sulit narin kasi di na kailangan lumabas.. ang init pa naman ng panahon ngayon dito.. Sa ibang lugar daw ay umuulan.. mabuti dito ay maaraw.. Bahala na mga bata kung ano panunulak nila diyan mga sanay naman na…
#firstime Malaking ginhawa pag nauutusan na ang anak basta susunod lang..hehe minsan kasi utos mo gawa mo rin.. nakakatuwa ngayon first time niya maglinis ng electrifan de bawas trabaho na sakin yun at pwede ko na uli iutos sa susunod..hehe Unti unti lang hanggang masanay at sana dumating ang time na hindi na need utusan..😉
#egglangsapatna Ngayon pritong itlog at chicharon ang ulam namin.. tira lang kanina tanghali chicharon.. pag wala maiulam itlog ang takbuhan namin.. Mas gusto pa nila yan.. request ni bunso wag daw basag ang pula buti nagawa ko..hehe Feeling blessed ako at di kami nawawalan ng pagkain kahit simple lang basta meron.. Kain na po tayo noisemate..🤗
#happysaturday Blessed morning noisemate! Tuyo at itlog para ngayon almusal na may kasamang fried rice with garlic..hehe Tulog pa po mga amo ko..hehe mga anak ko pala.. Mauuna nako magalmusal at baka mamaya pang tanghali yun magsigising.. ok sakin yun kesa aga aga magsipag cellphone.. kayo noisemate kain po tayo sa mga di pa tapos diyan magalmusal.. ay nakalimutan ko lalabas ko muna pala sinampay na nilaban kagabi.. masama talaga ko nauupo nasasarap.. nakakalimutan ang dapat…
#lumpiangfresh Buti pa lumpia fresh..hehe ako umaga palang hagardo na! Bumili kanina si tatang na suki ko sa yosi nawento niya na bibili daw siyang lumpiang sariwa sabi ko pasabay kako tang buti pumayag.. kundi di ko na siya pauutangin..hehe biro lang! 30 isa maliit lang pero sulit sa lasa.. May ubod at singkamas na halo masarap din ang sauce..aabangan ko uli si tatang pag bibili..😁 Kain po mga ka mema!
#bukojelly Experiment muna baka chumamba! Marami ako laman ng buko na tira tira sa freezer naipon dahil tuwing bibili si mister ng fresh buko sabaw lang laging nauubos.. kaya tinatabi ko sa freezer laman hanggang sa naipon na.. iniisip ko baka pwede ilagay sa buko pandan kaya lang baka di maganda kalabasan dahil frozen na.. kaya nagtry ako ngayon ng gulaman at nilagay ko habang kumukulo tirang buko.. sana makain at masarap kalabasan ng di masayang.. may gatas at condensed…
#DIYdrums Maliit palang mahilig na siya tumugtog ng drums dahil pag umaatend kami ng church nakikita niya tito niya tumutogtog.. nuon pa man gusto ko na siya ibili kaso may kamahalan.. kaya gumagawa na rin siya ng paraan para masunod ang hilig niya..hinahayaan ko lang kahit magkalat, diyan siya masaya eh..hehe someday nawa maibili rin ng totoong drums..😊
#Specialpancitcanton Special dahil may itlog..😉 Pinagsamang kalamansi at chilimansi..hehe Hapunan po namin yan ngayon.. bukas nalang makabawi sa lutong ulam.. Maaga po kami kakain at sabado ngayon may gawain kami ng mga bata mamaya.. Sana bukas makaalis kami ng maaga.. plano namin bukas icelebrate ang birthday ni tatay.. excited na me noisemate para bukas.. Kain na po tayo..
#midnightsnack on the spot si bunso nag mimiryenda pa ng pillows at gatas..hehe di pa yata nabusog kanina.. Kakatapos ko lang ng mga ligpitin may karapatan na mahiga..hehe Tambay tambay muna dito pampa antok.. Good night na po sa mga matutulog na.. Sa mga hindi pa antok diyan tayo'y mag-ingay pa.. God bless noisemate..😘
#sundaydayoff Blessed morning noisemate! Happy sunday!! Alam na sa picture kung ano ang gagawin.. ngayon namin icelebrate birthday ni tatay dahil nong feb 2 may mga pasok.. Gagawa ako ng dessert buko salad.. macaroni salad sana kaya lang mas bet ng nakakarami samin ang buko salad.. hinihintay ko pa buko dumating pero titimplahin ko na to para lumamig na.. simple salo salo lang basta importante maramdaman ni tatay love namin sakanya.. kapatid ko yata spaghetti sagot yung isa…
#ligotime Dito na kami kila nanay, nadatnan ko si pamangkin naliligo binobombet ni nanay ng tubig at gustong gusto naman..sigurado iyakan ang pag ahon nito..hehe nagluluto palang sila ng pananghalian.. Samantalahin ang day off mabilis lang ang oras! nawa lahat tayo noisemate magenjoy ngayon araw..
#lunchtime #familyday Pilipinas kainan na po! Share ko sa inyo noisemate ang simpleng handaan samin ngayon.. Kami kami lang ng mga tito tita ko pero masaya magulo na..hehe Mas lalo siguro kung nandito pa mga pinsan ko mas lalong masaya.. saka ko na sila kumbidahin pag marami na talagang handa pag may sharon na..haha
#BIKO Dala ni tita kanina bigay kay tatay..hehe dati ang biko laging may katambal na fresh na kudkod ng niyog tapos kakainin mo nakasapin sa dahon ng saging.. ngayon bihira na dito.. Solo flight nalang lagi si biko.. siguro kasi dahil madali mapanis ang niyog, pero masarap pa rin basta maraming latik sa ibabaw.. feeling busog na! bukas sigurado hahanapin ko na mga pagkain ngayon.. pag marami nakikita parang nakakabusog agad sa mata.. Tara mga ka mema kain po!
#sharonbalutin Ito isa sa pinakamasarap pag may handaan.. si sharon o pabalot..hehe bilin ko na yan kay nanay pag balot kami para may ulam ngayong hapunan.. kaya saing nalang gagawin ko ngayon.. Bukas may pasok na uli.. natapos na ang day off.. Happy naman ang maghapon waiting uli for next dayoff nextweek.. di ka naman mainip ang bilis ng oras at araw..
#tanggalumay Dessert muna tayo noisemate.. share ko po sa inyo ang buko salad na ginawa ko kanina umaga buti may natira pa at napauwian pako ni nanay ng isang baso.. Masarap talaga pag maraming buko ang ganda pa ng nabili ni tatay na klase di matigas di masyadong malambot yung sakto lang pang salad.. kada subo feeling ko bumabalik panahon ng kapaskuhan..hehe madalas kasi pag pasko lang meron nito samin o bagong taon.. Kaya thank God talaga for this wonderful day..
#sleepna May natutulog palang nakangiti na nakakunot pa kilay..hehe good night noisemate.. Salamat sa mghapon na kasama ko kayo.. Bukas po uli.. God bless everyone!
#pandesalatramen Blessed morning noisemate! Nakapag almusal na po ba kayo?.. siguro oo dahil tanghali na..hehe marami pa kasi ko ginawa.. sunod sunod walang dapat malaktawan.. ngayon lang nakaupo isusunod ko na labahin pagka tapos kumain... Ngayon lang uli nakakain ng pandesal buti nachempuhan ko naglalako.. namiss ko nissin ramen mainit na tubig lang katapat luto na.. si bunso gatas biscuit muna.. si ate lunch pa gising non tipid na bata..hehe Kain na po noisemate ng…
#paraparaan Dahil wala kaming microwave mga ka mema binababaw ko nalang sa sinaing ang tirang ulam na galing sa freezer, kesa iinit ko pa kawali mas madali ito..hehe oh diba tipid narin sa gasul.. Chicken kaldareta po uli ulam namin ngayon tira kahapon, magprito nalang ako ng itlog pangdagdag namin sa ulam.. Mag aalas dose na po mga ka mema kainan nah!!!!
#kanyakanyangfocus Ang mga magpipinsan kanya kanya laro.. yung dalawa malaki abala sa cellphone yung dalawa maliit abala sa pagkakalat..hehe Apat lang sila magpipinsan..sila laruan namin sa bahay pampasaya ng tahanan.. kaya pag nakukumpleto sila lalong kumakalat..hehe ang saya lang na lumalaki ang bilang ng pamilya.. Hindi maaalis ang pangyayari may nawawala dahil parte ng buhay natin un.. pero ang masaya ay may nadadagdag na bagong miyembro ng pamilya..😊
#howdoyoueat #creamocookies Miryenda ng dalawa kong alaga.. pinagtimpla ko ng malamig na gatas with ice at meron din creamO.. sinasawsaw nila yan sa gatas.. sila halos nakakaubos ng tinda kong creamo..hehe Noong bata pako pag may sakit lang ako nakakahiling kay nanay ng gatas dahil sa hirap ng buhay.. saka dun lang niya ko tinatanong kung ano gusto ko pag may sakit..hehe kaya sinasamantala ko rin..😁 Gatas na may yelo ang nagpapagaling sa mapait kong panlasa noon tuwing may…
#overcooked Natakot ako kala ko sa kapitbahay umaamoy na parang sunog.. samin pala! Binuksan ko kalan, pinainitan ko muna at mag babate sana ng itlog ng kukuha nako ng itlog pinigil ako ni bunso, mama wag na pala itlog sabi niya.. tapos biglang dumating kapatid ko dala pinabili ko sakanya..hanggang sa may bumili sa tindahna at nawala na sa isip ko patayin ang kalan.. naupo pako at nagcheck ng cellphone di pansin ang umaamoy.. ng idouble check ko kusina dun ko lang naalala…
#wentongtaho Blessed morning noisemate! Taho muna this morning dalawa 15 pesos binili ko tigisa kami ni bunso.. naubos ko na sakin pero parang gusto ko pa inumin isang baso, tagal kasi ni bunso inumin! Kahit malaking baso bilin nabibitin parin..hehe dati naabutan ko to ng dos o tres ang bili, pag 5pesos malaki na baso yun.. tumaas na talaga lahat..ako nalang hindi..ehehe
#sinigangnapig Malapit na magalas dose mga ka mema! Ako ready na sa tanghalian kasi bumili lang ako lutong ulam..ehhe sinigang na baboy.. Mamaya parang sinala yan ang matitira mga laman at gulay kasi mga bata sabaw lang kinukuha kailangan ko pa bantayan ang subo para kumain ng isang pirasong kangkong.. huh kahirap ng di kumakain ng gulay ang anak.. Babawiin ko nalang sa pagpapakain ng saging para kahit paano may prutas sila..😁
#newcable Ito ang madalas namin palitan laging nasisira.. Mabuti kahapon may nabili kapatid ko na 66pesos lang mas mura kumpara sa huli nabili namin.. mura o mahal di tumatagal samin..hehe Sana ito kahit ilan buwan man lang eh tumagal😁
#10pesos Saan makakarating ang 10pesos mo? sakin hanggang sa ginataang mais!hehe Late man naihahabol din ni manang suki.. Mainit init pa.. nakatulong kana nasarapan at mabusog kapa..😄 Ang totoo kakakain ko lang ng kanin at tira ulam kanina tanghali, ng marinig ko si manang sumumpong ang di mapigilang ewan..hehe Yung ayaw mo tumaba pero di mapigilang kumain..hehe
#lovingnanay Kala ko maiitlog kami ngayon o delata.. Thank God may dumating na ulam padala ni nanay, pork steak pa! baka binigyan ni kapatid ng pera..may ulam na dalawang bata.. ako busog pa sa miryenda kanina pero pag di nakatiis kakain uli ako..hehe Kain na po tayo Pilipinas, noisemate!
#morningsandwich Blessed morning noisemate! Gagawa palang ako ng almusal ng aking alaga.. Itlog na may tinapay.. ang bilis ng araw wednesday na ngayon.. ilang araw na walang ginagawa si ate wala pang balita sa kuhanan ng module.. sana magtext na si teacher..
#righttime Noisemate meron ba kayo pangyayari sa buhay na tumulo nat lahat luha, sipon may laway pa oh pero wala parin nagyari?.. kakalungkot noh tipong ginagawa mo naman lahat pero parang napakalayo parin mapasayo pinapangarap mo.. habang nagpipilit lalong lumalayo.. masama ba makaramdam ng suko na..hehe nakakapagod kasi.. pero mag papahinga lang, magiipon ng lakas at lalaban uli!! Ang umayaw talo daw..haha Inaasar yan ng tita kaya umiiyak nuon si ate.. titang pasaway!!…
#kutsintawithyemasauce Dumaan si kapatid may dalang biyayang miryenda, bigay daw sakanya ng kliyente niya kanina pang umaga.. buti di kako napanis ang dami pa naman yema.. ang sarap ng pag ka gawa.. iba sa ibang kutsinta ko natikman..binigay skanya binigay naman sakin pasa pasa uli biyaya.. tapos ibabahagi ko naman sa inyo..hehe Tara po mga ka mema miryenda tayo!
#somethingnew Nakapag palit din sa wakas ng plastic cover, nagmuka na uli tindahan..ehehe malabo na po kasi ilang buwan narin di napapalitan.. isa sa pagbabago dala ng pandemic ang paglalagay ng plastic cover sa mga tindahan dito sa amin.. noong una ayoko sana dahil mas maliwanag tingnan pag walang plastic na harang pero dahil sa proteksyon narin na dala nito sinunod ko na at nakasanayan narin.. ilang buwan uli ang bibilangin niyan bago mapalitan.. medyo mahal din ang…
#semimagnum Ready na ang aking semi magnum sa tag-init! Semi dahil hindi ko po na perfecrt..hehe May mali ako nagawa sa procedure pero sa lasa perfect! Pang dagdag kita din.. kahit pabarya barya ang tubo pag pinagsama sama nagiging papel na pera din ang halaga.. try nyo na po mga ka mema macharap yan!!😁
#almusal Almusal ni bunso.. checked! Yan ang di pwede mawala sa umaga! Kahit ano basta may makita lang siya almusal sa lamesa.. saging at itlog muna ngayon may sinangag narin dahil pag lamig at ininit lang di nila kinakain dapat isasangag pa talaga para di masayang.. Simula na uli ng mga gawain natin.. Nawa maging masaya ang araw ng huwebes natin noisemate.. God bless everyone!
#tortangcornedbeef Request ni ate itorta daw cornedbeef.. Kagabi palang naka abiso na yan..hehe Kaya granted request basta kako tapusin na naiwan na test bukas...hehe may kapalit! catsup lang katapat niyan sure na gaganahan dalawa ko amo este anak pala..ehhe Kain na po mga ka mema!
#bananachips May dumaan saking tindahan na naglalakong mama, napabili ako ng banana chips dahil ito lang ang nagustuhan ko sa mga dala niyang paninda.. Alam ko kung gaaano kahirap maglako sa daan na naglalakad lang dahil dati din kami naglako ng iba't ibang repak na paninda.. may pagkakataon tipong gusto mo uminom at mag miryenda pero titiisin mo dahil mababawasan pa konting tubo.. Tara po mangukot tayo ng banana chips pangtanggal antok..ehehe
#pizzadinner Mukang di nako magluluto ng ulam ngayon hapunan, alanganin ang oras ng dating ng pizza.. uwi ni papa nila.. mabigat din ito sa tiyan ewan ko lang kay bunso na mabilis magutom kung tatagal na hindi magkakanin ngayon..hehe sa bagay pag nagutom magmimidnight snack yun.. pizza muna this moment😄 Kain po hanggat mainit init pa..
#pastillasdeleche Binigyan ako ni tito nito pastillas dinala pa kahit gabi na.. sa tuwing nakakahiram sakin ng pera laging may pasunod na bigay, nahihiya na nga ako tanggapin.. pero minsan kahit wala siya nahiram sakin basta may pera yun di kame nakakalimutan pasalubungan ng mga bata.. Feeling blessed at may tuyuhin akong super duper thoughtful!! Bata palang ako meron na nito, sikat ito sa lugar namin at gawa sa gatas ng kalabaw kaya napakalambot at napakalinamnam..🤤
#feeza Blessed morning noisemate! Coffee and pizza tayo.. hehe tira pa kagabi yan.. Medyo makulimlim ang paligid dito samin.. ganda sana ganitong panahon pumunta sa park.. Makapasyal sana mga bata this weekend.. 2years na kami mahigit na hindi nakakapasyal.. Mas naboboring pako kesa sa mga bata..hehe Sila parang nasanay nalang na nasa kwarto lagi.. San talaga this weekend makapasyal kahit sandali lang..
#ginisangpechay Ready na ang ulam para sa tanghalian mamaya Nagpadala si nanay ng ginisang pechay na may tokwa.. ang mga bata nalang iisipan ko ng ulam dahil hindi pa sila kumakain ng pechay.. nawa dumating din ang time na magustuhan din nila kumain ng gulay.. Saing muna ko noisemate mabilis ang oras at maya maya alas dose na..😊
#spaghettipataas Spaghetti po tayo mga ka mema.. Tira pa po noong last sunday yung sauce, nagluto nalang ngayon ng pasta.. parang mas sumasarap pa pag nasstock ang sauce ng ilang araw..hehe Pag walang makain maghahanap hanap lang sa lalagyan o ref sigurado may makukuha..ehehe Papadalan ko sila nanay onti hati hati lang..😊
#isadalawahappyna Tanim po ni nanay yan, natuwa ako nung makita ko namunga kasi matagal na po yan nakatanim pero hindi nagbubunga dahil siguro hindi masyado naasikaso ni nanay sa pataba.. Nakakatuwa pala pag namunga.. lalo ko tuloy ginugusto na magkaron ng sarili bahay at lupa na na pwede sana taniman kahit maliit lang basta amin..hehe dito kasi sa bahay ko walang space dahil apartment lang..nawa magkaron din ako ng sariling taniman..hehe managinip ng gising ay masaya na😁
#bidaangsayakaypapa Gandang gabi noisemate madilim dilin na.. Share ko po sa inyo bitbit na pasalubong sa mga bata ni mister.. thank God may nakuha sideline kaya ayan binawasan na agad ang kita..hehe Yan lang ang kaligayahang pagkain ng dalawa bata na fast food.. Napasabi tuloy si bunso na.. The best ka talaga papa! May bola pang kasama..😁
#latelagi Tipong lahat nakabihis na tapos ikaw kagigising mo lang at tulala pa?!🥱 Mula noon hanggang ngayon laging late gumising si ate..haha kaya ang ending iwan siya o madaliang gagayak! Kahit noong magsimula siya mag-aral bilang ang pasok na hindi late.. alam ko mababago din niya yan, pinipilit naman niya.. Tama nga kasabihan.. Daig talaga ng maagap ang masikap!!!
#wentongfacemask Batang ayaw mag facemask! Iyakan muna bago maisuot ni hipag kay pamangkin with matching hawak pa ni daddy niya sa kamay..hehehe Sa bagay kahit ako ayoko magsuot ng facemask, napipilitan lang dahil kailangan.. Nakakalungkot sa mga batang naabutan ang ganitong klaseng panahon ng pandemic.. nawa dumating pa ang panahon kung saan hindi na natin kakailanganin ang facemask.. Happy saturday everyone!😉
#JIJI #Galunggong Isdang Galunggong short for GG pero hindi ganyan ang pronunciation kundi Jiji..hehe ay ewan basta isda! Di ko inaasahan mag uuwi si mister ng sariwang isda ang sabi niya "pinalinis ko na yan aasinan mo nalang" ikaw na rin kako mag asin ako nalang magpipirito..hehe pumayag naman pero malapit na daw niya ko isoli samin..😄 Ayan prito nalang muntik pa masunog, bahala na mga bata kung ano ilalagay sa kamatis patis o toyo basta naghiwa nako at kakain nalang…
#blessing May dumating na biyaya mga ka mema.. Bigay po ng kapitbahay, may birthday pala sa kanila.. kahit kaka spaghetti lang namin kahapon mukang mauubos ito.. masarap pa naman pag bigay..ehehe binigyan ko din ng softdriks yung may birthday natutuwa kasi ako pag naaalala kami bigyan kaya gusto ko may maipalit din ako sa bigay nila.. Tara po mga ka mema kain libre lang ito.. Bukas daw may bayad na..hehe
#simotsulit Alam na ang kasunod kapag wala ng lumalabas na laman.. kailangan na hatiin..hehe sa hirap ng buhay ngayon dapat walang nasasayang kung mapipigaan pipigaan pa nga eh masimot lang ang laman ng bawat gagamitin.. isa din sa pinakamabilis maubos sa amin ay ang catsup parang ginagawang sabaw hindi sawsawan eh..hehe pero ayos lang basta nagagamit at di nasasayang! Kaya mga anak ko sanay narin sa ganitong gawa sabi nga bawal mag aksaya..😉
#chickenfillet Paborito ng mga bagets chicken fillet.. Request granted! Medyo messy lang po siya gawin dahil di ko nasusunod ang tamang procedure.. Sabi ni Chef Tatung tandaan daw ang word na FEB stand for flour, egg and breadcrumbs sa pag gawa nito para hindi malito kung saan unang ididip.. Iyan ang isa sa natutunan ko kay youtube..hehe Catsup nalang kulang kainan na..😄
#porkbabad Blessed morning noisemate! Sunday again.. dati ganitong oras nasa church na kami ngayon online nalang.. isa sa binago ng pandemya.. Pupunta kami kila nanay mamaya, day off siyempre samantahin.... kakatapos ko lang magbabad ng baboy pero di ko pa alam gagawin luto.. bahala na kung ano gusto ng mga bata, yung nasa ilalim hindi pa cut pang ihaw style.. gayak gayak na at mabilis ang oras, manggigising pako ng mga batang puyat..hehe GOD BLESS everyone!🤗
#familyday Kain na po tayo mga ka mema.. Pritong isda, pritong talong na may sawsawang kamatis at sibuyas.. isda palang yan nagkakagulo na kame..hehe ito ang hinahanap hanap ko ang sama sama at sabay sabay kumain.. Masarap magkamay nito mapapa extra rice😁
#bondingtime Biglaang pasyal.. kahit sandali nakakita din ng ibang lugar.. nagpunta kami noisemate sa dam nagikot ikot lang ang problema biglang umulan..hehe kaya di masyadong nasulit pero happy naman kahit sandaling oras lang.. ang importante bonding ng pamilya ay naging masaya! Sulit ang maghapon day off.. thank God.
#thekeyisnaiwan Paano kung umalis ka ng bahay at paguwi mo hindi kana makapasok? Ganyan ang nangyari sa amin kanina, sabayan pa ng humihilab na tiyan ni bunso.. Kulang nalang lumipad ako kila nanay para balikan ang susi.. hay nako makakalimutin is not easy.. Mabuti nandun pa kapatid ko kaya naihatid naman ang susi after 30 minutes..hehe
#mymocha Parang sinasabi ni mocha mahaba na daw kuko niya "pagupit na po"! First time po namin magka alaga ng tuta napakalambing gusto lagi nakadikit kaso mahaba na kuko at nakakalmot na ang balat ko, gusto ko man gupitan pero di ako sanay..hehe Any advice po..saka advisible po ba gupitan good kaya yun sa mga puppy.. sorry po first time🤔
#familyislove Blessed morning noisemate! Maambon na umaga po.. February 14 today happy valentines sa mga magcecelebrate nito.. Wala man ako personal na date ngayon happy naman at kasama ang dalawang anak ko.. every weekend may date naman kami kasama ang buong pamilya.. Feb14 ay tanda na nararapat iparamdam araw araw ang pagmamahal para sa mga mahal natin sa buhay. Gayon din sating kapwa sa pamamagitan ng pag gawa ng mabuti sakanila na may pag ibig.. for me that's the real…
#Pebibig Ang simpleng pagluluto ng pagkain para sa pamilya ay isang pagpapakita ng pagmamahal sakanila.. kung ang bawat gagawin mo ay may pag mamahal mas gagaang ang bawat gawain at meron kapang plus point sa langit..😉 Niluto ko na ang binabad na baboy noong isang araw.. pinirito at nilagyan ng sibuyas na puti ang kinalabasan lasang bistek na tuyo..hehe nakialam nako.. busy si nanay eh.. Sana kainin ng aking mga chikiting.. Kain na po tayo mga ka mema! KAINAN NA!!!
#somethingsweet Suman po tayo Pilipinas miryenda time na! Sarap nito kainin pagkatapos maglaba..hehe medyo napagod.. Wala pang dumadating na chocolate eh kaya suman muna..hehe nabili ko po yan sa naglalako may dala rin siyang lecheplan pero di nako bumili dahil kulang na ang pera.. mabubusog na kami dito.. hindi ko ito nakakain ng walang asukal pero konti lang ang lagay dahil mahal ang asukal ngayon..hehe buti pa asukal mahal..haha kain na nga tayo noisemate!
#accident #pagkukulang Minsan kahit gaano ka man kaingat sa anak di maiiwasan ang aksidente.. nasasaktan o nasusugatan pa rin sabi nga ng mga matatanda parte daw yan ng paglaki ng bata.. Sa pagkakataon na to nagkulang uli ako.. Nakakalungkot nasugatan si bunso ko medyo malalim at mahaba, nahiwa sa istante ng salamin dahil hindi ko agad nalagyan ng tape ng nabasag ito noong isang araw.. masyado ko aligaga at nakalimutan na ang dapat unahin gawin.. Lesson ko ngayon mga mommy…
#sosweet Yung anak mo tinitiran ka lagi at pinipilit ka kumain dahil ayaw ka pumayat..hehe Sabi niya "mama tiniran kita" kahit na alam ko gusto pa niya pero naalala ko.. Matamis pa ito sa regalong chocolate! Sa huli pinakain ko rin sakanya dahil busog talaga ko.. Ang pagkakaroon ng anak na mapagmahal at maalala ay parang Valentines lagi..hehe
#remembrance Way back to 10 years ago yan ang huli kong natanggap na rose.. inipit ko sa scrapbook bilang remembrance.. masasabi ko kahit minsan nakatanggap din ako ng bulaklak galing kay partner.. iba ang pakiramdam pag nabigyan ng bulaklak may kilig factor! mababaw lang talaga kaligayahan noh..hehe flowers lang kilig na kilig na.. siyempre mga bata pa noon.. kung baga noon mas pipiliin ang bulaklak kesa bigas..haha iba na ngayon..😅
#mylolotlolaplaymate Blessed morning noisemate! Ang aga nila magkalat este maglaro..hehe Sarap lang tingnan na masaya sila nanay tatay kalaro apo nila.. diyan sila nalilibang maghapon.. ang bantayan si pamangkin.. habang si kapatid nasa trabaho.. Mapapalad ang mga kagaya ng kapatid ko may naiiwanan sa kanyang anak na mapagkakatiwalaan at meron kapantagan ng loob na hindi pababayaan.. Wag lang sana umabuso dahil kailangan din nila ng pahinga..😉
#recesssabahay Noong elementary ako "recess" ang tawag pag kainan na.. nang nag highschool naging "break" .. naiiba lang tawag pero isa lang ibig sabihin kainan na! Naalala ko noon pag walang baon nag dodrawing lang ako sa room kunwari may ginagawa para di ako matakam sa pagkain ng mga kaklase ko.. medyo mahirap magaral na kumakalam ang tiyan anin ko nalang mag uwian na kasi tagusan na sa tenga ko sinasabi ni teacher, wala ng naiiwan sa utak ko kundi gutom..haha Ngayon dahil…
#wentongupo Ginisang upo tayo Pilipinas.. Luto ni nanay yan.. alam na pag nanay ang nagluto.. simpleng luto pero masarap! Sabi ni inang noon ng bata pako kumain ka ng upo para lagi ka mangongopo o magsasabi ng po at opo..hehe kaya yan ang naaalala ko tuwing upo ang ulam namin.. sasabihin non pag di marunong gumalang pakainin mo nga ng upo yan..hehe Kain na po tayo noisemate..
#precioustime Tara swimming tayo noisemate! Nagpaparamdam ang summer ah!.. Dati kapag ganyan kainit bobombahan ko lang ang kanilang mini swimming pool at ola may instant languyan na sila.. Sarap magbabad sa tubig pag ganyan kainit ang panahon.. Medyo malakas nga lang sa tubig..hehe pero enjoy naman ang mga bata.. ngayon di na sila kasya diyan.. soon nawa makapag swimming din uli😁
#freshlumpia Dinaanan ako ni tatang kanina ang mabait kong kapitbahay tinanong kung magpapabiki daw bako ng lumpia.. kaya ayan may miryenda lumpia uli.. ang fresh ng gulay at malulutong pa.. Kain tayo noisemate!
#longganisadebawang Our favorite longganisa.. kain na po mga ka mema! Mainit init pa.. nagprito din ako ng kamatis para sa sawsawan.. kanina pang tanghali gusto ipaluto ni bunso ito, napilit ko lang na panghapunan nalang kako.. mukang wala ako nito maisasangag bukas..😅
#Wednesday #Chapelday Blessed morning noisemate! Kapag tinanghali ng gising ang mama tatanghaliin din ang istudyante!hehe napuyat ako kagabi kaya tinanghali pati si bunso medyo nalate din sa chapel nila.. every wednesday tinuturuan sila ni teacher about sa bible, malaking tulong ito sa bata para magkaroon sila ng good foundation hanggang paglaki.. Sisikapin ko na di magpuyat.. pipilitin!! para di na uli mangyari itong late namin.. Napuyat kakagrind sa iba app kakahabol ng…
#wentongmacopa Natanawan ko ang mga batang ito nakaakyat sa bakod ng kapitbahay at nangunguha ng macopa, Mga nagkakagulo't nagmamadali at may biglang sumigaw at nagsalita ng di maganda.. nakita sila ng katiwala ng bahay, dali-daling nagbabaan ang mga bata at nagsitakbuhan hanggang sa magkalaglagan ang mga napitas nilang prutas.. Nanghinayang ako sa mga nalaglag dahil matatamis yan at isa pa pinaghirapan din ng mga bata akyatin kaya lang di nila napakinabangan dahil sa…
#turonatsamalamig Miryenda po tayo mga ka mema.. Meron tayong turon saging at gulamang samalamig.. Kung napansin nyo po ang baso ko ay garapon dahil nabasag ko na lahat ng babasagin naming baso.. nirecycle ko lang lalagyan ng nata de coco at kaong dalawa po yan..ehehe Dalawa uli nakalineup mabasag, ang kamay ko kasi laging nagmamadali.. Kain na nga po..😁
#earlydinner Dahil lastweek hindi nakapag monggo namissed.. Naaga ang monggo namin na nakasanayan tuwing biyernes..may prito din lumpiang toge..hehe togeng nagmula rin sa monggo.. Maaga nakapagluto kaya maaga din makakakain.. Maaga din makakapahinga nito.. Kain na po tayo Pilipinas!
#pandecocopudding Blessed morning noisemate! Tanghali na good morning ko paano eh tinapos ko muna gawain sa umaga bago humawak ng cellphone dahil pag nauuna to di ko na mabitawan..hehe Share ko sa inyo noisemate ang nabili ni tatay sa bakery na pande coco at pudding.. bumalik tuloy ang alaala ng ako'y bata pa..hehe itong pudding ang laging uwi samim ni tatay noon, piso o dos ang isa.. ngayon 6pesos na.. Laki ng tinaas dahil sa mahal ng bilihin.. pero ang lasa ganon parin…
#diskartesatorta Talong po iyan hindi lang korteng talong..ehehe Pinino ko ng hiwa pagka ihaw saka nilagyan ng itlog.. ang mga bata kasi tinatanggal lang ang itlog sa ibabaw pag buo kong tinorta naiiwan ang pinaka talong.. kapag ganyan makakain na nila lahat kasama gulay🤫😁
#flowerbase Bata palang ako ganyan na ang mga nakasanayan naming flower base na walang flower puro dahon..hehe kaka refresh lang sa mata.. Si nanay ang mahilig gumawa niyan at kapag may ugat na pwede na itanim sa lupa.. dagdag halaman niya uli.. Tuwing pupunta ko sakanila iba iba lalagyan, kailangan lang pinapalitan ng tubig para hindi tirahan ng lamok..😊
#pugofreshbuko Miryenda po tayo Pilipinas! Tuhog na kayo 4pesos lang isa..haha Nag uwi si partner ng itlog nagmahal na daw, dating 3 sampo ngayon 4 na isa.. bumili siya ng 21pcs tig pito daw kami magiina.. siya hindi kasali dahil bawal sakanya yan, hanggang buko lang siya.. Kain po tayo mainit pa..🤭
#lutongnanay Wala na sigurong sasarap pa kapag nanay ang nagluto.. dahil may halong pagmamahal at pag-aalaga.. bawat gusto at ayaw mo ay kabisado niya.. Kaya kaniyang lutuin tiyak na maiibigan.. Yan ang lutong nanay.. kahit kelan man ay tunay na hindi ipagpapalit.. nasaniban ni makata..hehe Padala po ni nanay kaninang tanghali chicken kaldareta.. ngayon lang namin maiuulam.. init-init nalang😉
TARA TAYO'Y MAG SURF SA BATCHA!! Hindi makapag surfing sa dagat kaya sa batcha nalang.. ganitong oras naglalaba para wala ng abala.. mas nabibilisan pa matapos kapag sa gabi.. parang sa gabi talaga ko maraming energy..hehe diba sabi may morning at night person.. Ikaw noisemate san ka ba mas active sa araw o sa gabi.. Mapag mema lang talaga noh.. laba laba na nga..😁
#fridayhalfday Blessed morning noisemate! Nagprito ko ng itlog at tinapay na ininit ko sa kawali.. Friday na kabilis ng araw.. half day lang online namin ngayon ni bunso.. May nabalitaan ako na sa monday face to face na iba school.. kung dati sure na sure ako gusto ko ng face to face ngayon nagtatalo na isip ko..hehe hay nako bahala na si Lord, makahingi ng guidance to decide kung ano ba ang nararapat.. God bless everyone noisemate!
#friedchicken Pritong manok tayo mga ka mema.. kain na po tayo.. simpleng prito muna walang coating dahil sumasablay ako diyan.. kaya simpleng marinade at prito lang ang kaya ng powers sa ngayon.. pasado na sa mga chikiting ko ang ganyang luto..hehe bawal magreklamo dahil masama kako yun.. kamatis o catsup lang katapat niyan.. Kainan nah noisemate....
NILAGANG MAIS KAYO DIYAN!! walang mamiryenda mabuti dumating si nanang na suki sa mais.. kulay puti sana ang gusto kaso wala daw.. dilaw na malalaki ang dala niya, napaka init ng panahon naglalakad siya parang ang hirap hindi bilan.. bumili lang ako isa.. jackpot narin dahil matamis ang napili niya sakin.. Kukuha lang ako ng mahiwagang asin sawsawan at may instant miryenda na..😉
#POLVORON Gumawa ako noisemate ng polvoron na hinaluan ng cookies na Cream O at ang kalahati ay halong mani bale dalawang flavor.. pwedeng pangkain o pwede ko din itinda..simple lang gawin nahirapan lang ako sa pagbalot..ehhe first time eh..malaki hulmahan ko special yan ah.. kuha na po kayo 6isa char..😁
PRITO AT SABAW Nalibang sa oras dami gawain.. Share ko sa inyo noisemate ang ulam namin.. Pritong shanghai at miswa.. gawa po ni nanay yan ako lang ang nagprito pati sabaw padala niya.. Libangan na niya ang pagluluto, Nagbibigay nalang ako ng budget pambili ng rekado.. kasarap lang ng may nanay big blessing sila sa atin.. kaya nararapat lang suklian din ng pagmamahal.. Kain na po tayo mga ka mema hanggat mainit!😉
KAPE'T TINAPAY Blessed morning noisemate! Maaraw na sabado ngayon, ang ganda ng panahon, kasarap maglaba siguradong makakatuyo agad.. kape tinapay muna tayo mga mate.. kailangan magkape para full energy at gising maghapon..hehe malakas ang epekto sakin ng kape kahit 3in1 lang.. kaya kapag hindi ko kailangan magpuyat iniiwasan ko yan.. Oh siya kilos kilos na.. God bless everyone!
GINATAANG KALABASA'T SITAW Pilipinas kain po tayo.. gulay ang bida ngayon sa lamesa.. Nakakamiss din ang gulay dahil madalas prito at karne ulam.. pero sanay na kami don..hehe may mga bata kasi ko maseselan sa pagkain kaya di maiiwasan ang mga pritong luto lalo na ang pritong itlog.. kararating lang ni tatay dala itong ulam na luto ni nanay kaya ngayon lang kakain.. Tara po noisemate kainan nah..🤗
HOME MADE PALAMAN BUKAYO Simpleng gawin na masarap.. bukayo! Three ingridients lang pero nilagyan ko ng konting asin as in konting konti lang..hehe Buko, gata at asukal lang ang sangkap.. Dapat pulang asukal pero dahil walang stock segunda lang ang nagamit ko.. tira tirang buko lang sa freezer na nakakaabala na kaya naisipan ko lutuin..sayang kung maitatapon lang.. si partner kasi mahilig bumili ng fresh buko tapos hindi nauubos sabaw lang naiinom.. First time gumawa nito…
VERY GOOD Sa monday ang iba dito sa amin ay face to face na.. pero hindi natin alam kung magiging kasing saya din kaya ng dating sitwasyon noong wala pa covid.. naalala ko yan nasa picture tuwang tuwa ang bata pag maraming tatak na very good sa braso.. Masayang uuwi tapos ipagmamalaki ang mga tatak ni teacher.. Nawa maging ligtas at maayos ang darating na face to face para sa lahat..
PANTAY NA LOVE Naranasan niyo ba mga mate ang pakiramdam na hindi pantay ang pagmamahal ng isang magulang sa magkakapatid? tipong may paborito.. Ako oo.. feel ko yan noong bata pako lagi si bunso ang paborito.. Pero ngayon tumanda nako naunawaan ko na si nanay.. Ngayon nagka anak narin, lagi nakaremind sa isip ko na dapat pantay ang attention, pagmamahal at pag aalaga ko sa kanila sa lahat ng bagay.. Sa simpleng pagtulog lagi sila nagaagawan nuon kung kanino ako tatabi..…
GATAS MUNA Blessed morning noisemate! Happy lang dahil day off today, aalis kami mamaya pupunta kila nanay.. di ko ramdam ang day off pag hindi nakakapunta sa mga magulang ko.. Ayan nag gagatas na si bunso.. basta nag sweldo si papa nila ayan ang pasalubong sa kanila.. Kala ko noong nahinto dumede ang mga bata sa bote makakabawas nako ng gatas sa budget..kabaliktaran pala mas lumakas pa ngayong malalaki na..hehe Sabi ng papa nila kailangan eka talaga sipagan ko pa..😁
FAMILY DAY PANCIT DAY Wala na daw maisip si nanay lutuin kaya nag pancit bihon nalang, nagprito din ng manok.. Siguradong simot na naman ang kaldero nito, Basta nagsama sama napaparami kain.. Kain na po tayo noisemate sulitin natin ang araw ng pahinga..eheheh mamaya lang hapon uwian na at back to reality na uli..😁
SUMAN Feeling jackpot nakaabot pako nito kanina kila nanay, matagal ko nang gusto ito matikman at nakakatakam talaga kapag nakikita ko sa facebook post ng mga reseller.. ang sarap pala napakalambot hindi nakakasawa ang pagkatamis.. bitin sa isa isang piraso..ehhe nahiya nako kainin pa isa.. pag nagka extra budget nalang makabili din😁
THE BEST ULAM Nagluto nako noisemate wala naman hinihintay na litson eh! for me masarp pa to sa lechon..haha perfect partner ang tuyo at itlog with kamatis na di mawawala basta mura ang kilo.. kala mo naman bumibili ng de kilo..hehe Di lang pang breakfast pang sports pa ay este pang dinner din! kain na po tayo noisemate ng maaga makahayahay pahinga pahinga din kahit di pagod.. konti lang😁
HUMAHALIMUYAK NA BANGO ito ang isa sa kinatatamaran namin gawin mag-iina ang magpalit ng sapin dahil medyo mahirap palitan pero kailangan.. kailan one's a week mapalitan ang sapin.. sa punda at kumot naman atleast every 3 days sabi ng derma ni bunso dati.. kaya kahit sapilitan eh kailangan talaga gawin..hehe Ang sarap pumasok sa kwarto na mabango amoy malinis at amoy na amoy ang fabric conditioner.. sulit ang hirap sa paglalaba! Nauutusan ko na si bunso magtanggal ng sapin…
MAINIT NA PANDESAL May pambasa bang tinapay? Pandesal yata noh noisemate..hehe mabuti piso parin ang isa dito samin.. maliliit nga lang pero masarap isawsaw sa kape..hehe Simula uli tayo ng first day of the week.. mamaya mabilisan kilos uli dahil kukuha ko module ni ate.. Tara po Pilipinas kape't pandesal tayo! God bless everyone!
PRITONG ISDA Bumisita si nanay dito samin ngayon may dalang isda, nagpunta kasi ko sa school kumuha ng module sakanya ko na iniwan ang mga bata.. Pagdating ko tapos na lahat nakaluto na siya at nakakain narin sila.. thank God at may nanay pako naaasahan.. kain na po tayo noisemate!
HIGH SCHOOL DAYS Kanina pagkuha ko ng module may naabutan akong isang grupo ng mga student na nagpapractice ng sayaw na may kasamang cheering.. di ko alam ang exact na tawag sa ganyan performance.. Nakakamiss lang makakita, makarinig ng ganyan practice.. ang tagal ko din hindi nakapanood ng ganyan sa stage dahil narin sa pandemya.. Ang saya lang.. parang bumalik ako sa high school days ko.. na laging may ganyang praktisan.. Pangarap ko noon makasali diyan kaso talo ako ng…
MINSAN LANG Dumaan ako kanina sa bilihan ng chocolate para maghanap ng pwede ko ibenta retail saking tindahan.. di ko naiwasan bilin ang paborito kong chocolate basta may almond bet ko yan.. 45psos lang naman pero nagdadalawang isip pako kunin..eheh parang ang bigat pag para sakin.. pero binili ko padin pasalubong nalang sa eldest ko para magaang sa kalooban..haha Tumikim lang ako, ok na! Lasang almond padin! sunod nalang uli pag nadaan.. 😉
MAIBA NAMAN Hula ni bunso tortang giniling.. hula naman ni ate tortang corned beef..hehe nagsandok na ng madaming kanin ang magkapatid dahil kala nila ito paborito nilang torta.. nang tikman ang ulam may nag react na.. Una akala ko hindi kakainin pero naubos naman nila.. Thank God feeling winner pag ubos ang luto ko..😅
REQUEST NI BOSING Blessed morning noisemate! Maambon na umaga.. Ngayon palang ako gagawa ng almusal ng aking bosing este bunso..hehe iyan daw ang gusto niya kainin para mamayang break niya.. Maraming beses ko na ito nagawa pero bilang lang ang masasabi kong perfect ang pagkaluto.. sabi practice makes perfect but how many practice pa?hehe sayang naubusan ako ng hotdog lalagyan ko sana.. ayan ang caused ng makakalimutin di ko nailista kahapon..😁
INSTANT ULAM Madaliang ulam.. tipid ulam..masarap na ulam.. san kapa? de afritada na! 555 Easy open pa! Not sponsor..ehehe ito ang de latang masarap na no need to cook! naglinis ako ng bahay parang ang aga ko nalobat kaya delata muna kami.. special yan kasi with chitcharon po..haha Kain na po mga ka mema baka gutom lang to!😉
GINATAANG HALO HALO Kapag ganito maulan ang panahon ang masarap gawin ay kumain at matulog pero kumain lang ang pwede ko gawin.. mamaya pang gabi allowed matulog..hehe Kain po tayo Pilipinas mainit init pa!!
LOVE KO TOH... Paboritong pasalubong ni papa! Mcdo.. tuwang tuwa ang mga bata kapag ganito ang dala niya.. Tamang tama nakasaing nako at hindi na magluluto ng ulam.. sakto ang dating ni partner.. Maaga pa para maghapunan pero hindi na to patatagalin ng mga anak ko.. alam na.. pag may tira sakin.. kung may matitira😁
SINO MAY GUSTO NG SINANGAG? Blessed morning noisemate! Sa bahay namin basta sinangag ubos yan! Dapat pantay ang hatian walang ate o bunso basta pantay dapat kapag sinangag na kanin! Kapag may lamig na kanin at ibabaw lang sa sinaing ay di pansin dito.. isasangag pa dapat ng walang sayang.. kahit lutuin lang sa simpleng bawang lang at kanin gustong gusto nila.. Maaraw na ngayon.. mabuti makakapagbilad nako ng sinampay.. Thank God sa magandang panahon..☝
BISTEK AND SHANGHAI Lunch time na mag ka mema.. Bumili lang ako sa karinderia ng bistek at shanghai sobra pa ito samin magiina may mamimiryenda pa mamayang hapon.. hehe Malalakas sa kanin mahihina sa ulam ang mga alaga ko.. Kain na po tayo mga ka mema alas dose na! Happy tanghalian po sa lahat!
WENTONG BEANS dahil busog pa sa pananghalian kanina beans muna ang aking naharap.. kakadeliver lang kanina bago pa kaya masarap.. bitin ang isang balot..hehe ubos na agad ang kalahati ng tubo ko! Kain pa more kasi..😅
LECHON PAKSIW May dumating na blessing galing sa aking kapatid.. nagkaroon kasi ng handaan sakanila.. naglechon sa side ng family ng asawa niya, marami daw natira lechon kaya ginawang paksiw.. matagal tagal na din hindi nakatikim nito.. namissed ko ang amoy! Mukang wala akong isasangag bukas ah..haha Kain po mga ka mema!
PUTO KUTSINTA Blessed morning noisemate! Ang ganda ng panahon nakaka good vibes, tuminga ka lang sa langit! Napabili lang ako kay manong ng puto kutsinta.. Di nako nagluto ng almusal.. init nalang ng tubig para sa chocolate drink para mas may energy gumalaw galaw ng di mastroke..hehe Ewan ko ba dumadating minsan isang buwan ang katamaran parang tamad na tamad kumilos.. Pero maraming gawain di pwede tamad tamaran mode.. pipilitin! Break muna almusal po tayo noisemate!
HINDI MAKA MOVE ON Anak kong di maka move on sa cerelac.. 10 years old na siya, nagpapabili parin ng cerelac.. Binili ko lang ng 3 sachet mapagbigyan lang.. Kukunan ko sana picture di ko na naabutan kumakain kabilis naubos..ehehe May mga pagkain talaga siguro matatawag na forever favorite kahit lumaki kana eh di parin pinagsasawaan..😁
DELIVERY HAD ARRIVED Sa kagaya ko nanay na walang time umalis para mamili.. Pa Deliver ang sagot! May bayad nga lang 50 pesos pero sulit narin dahil ang pamasahe samin ay 70 pesos balikan sa taxikel.. nakatipid nako sa pamasahe di pa ko napagod.. may isa pa maganda sa padeliver dahil nabudget ko ang pera, nabili lang ang kailangan talaga.. unlike pag ako nag punta sa grocery nakukuha ang di kasama sa budget..hehe
SIOPAO ASADO Paminsan minsan bigyang reward ang sarili.. Sakin ito lang sapat na.. pero di pwede isa dapat tatlo..haha diet ba? minsan nga lang eh de samantalahin na noh! Tara miryenda tayo noisemate.. masarap lalo na pag mainit init pa..😅
ANYTIME MASARAP Kahit agahan o hapunan tocino is perfect with kamatis and sinangag.. maaga nako nagluto alam na siyempre para maaga din makapagligpit ng mga gawain.. Thank God nakatapos na uli ang maghapon na maayos at ligtas ang pamilya.. Big blessing yan sa araw araw.. Kainan na po noisemate..🤗
NO CLASSES Blessed morning noisemate! Tulog pa ang aking mga anak.. pero nagluto nako ng chicken nuggets at nagsasaing narin para pag gising kakain nalang sila.. di bale mag cellphone basta areglado na ang mga gawain at obligasyon dito sa bahay para walang masabi si partner at ang mga bata..hehe Di ko sila gigisingin holiday naman.. Kung pwede nga lang sana makalabas kami mamaya pasyal pasyal, relax relax punta beach outing.. aga managinip ah? kakagising lang eh..😅 Happy…
LUNCH TIME Yung kaka almusal mo lang tapos lunch na agad.. Kabilis ng oras.. paano papayat..hehe Bumili lang ako ng lutong ulam para mamaya.. mga busog pa mga bata.. chicken kaldareta ang aking nabili.. 60 pesos lang masarap na at sulit! makapag timpla nalang ng juice para may ka partner..😉
MIRYENDA Basta may tinapay may miryenda na! Sabayan pa ng malamig na softdrinks sure na mabubusog..hehe hanggat bata bata pa pwede pa mag softdrinks, pag may edad na hanggang tingin nalang.. Kaya ienjoy ngayon ang hagod ng lamig sa lalamunan..haha Pero siyempre tamang inom lang.. wag gawing tubig..😁
SIMPLE NA MASARAP Gandang gabi noisemate! Scrambled egg kami ngayon with kamatis.. Kapag gabi madaliang luto nalang kami.. Imbis na banana catsup ang sawsawan sinasanay ko mga bata sa fresh kamatis para kahit paano mas masustansiya ang makakain nila.. Kain po noisemate..🤗
WENTONG BUTIKI Kaya pala ayaw magsipasok ng mga bata sa kwarto maghapon dahil may butiki.. nakapasok sa loob ng orasan..hehe di ko tuloy mapaalis kahit ako di ko makaya hawakan para ilabas.. mukang natrap siya sa loob.. Sino matapang diyan mga ka mema pakilabas ang alaga ko..😁
HAPPY SATURDAY Blessed morning noisemate! Mainit na inumin at tinapay po tayo.. Maraming naghihintay na gawain kailangan may lakas para kumilos..hehe Mahirap magtrabaho ng gutom.. Oh siya wag kalimutan.. Count your blessing din para masaya.. Diyan mo maiisip kung gaano ka blessed!
SINIGANG sitaw gabi Binigay samin ni nanay gulay at sabaw nalang dahil hindi kumakain ng karne ang mga bata sa sinigang.. natitira lang.. kain na po mga ka mema mainit na sabaw at mainit na kanin para sa masarap na tanghalian🤗
FRUIT MILK Nag bukas ng bago business ang aking kapitbahay ng ganyan.. di ko alam ang tawag diyan.. milk siya na may real fruits na hiniwa.. Mangga at strawberry ang inorder ko, medyo mahal pero ang sarap! Tamang tama sa panahong maninit.. inom po tayo..hehe mukang matatagalan to bago maulit..ehhe
PREPARING FOR DINNER Si ate my panganay ang inutusan ko maghiwa ng patatas sibuyas at bawang para lumabas ng kwarto..heehe way ko yan para maawat sa cellphone! Gusto ko sana paglutuin na pero nandun pa kaba ko baka mapaso siya kaya ako muna sa ngayon.. Mag gigisa lang ako ng bakang nakalata.. Tipid tipid wala pa sweldo.. budget meal para ma extend ang kwarta👌😁
BLESSED SUNDAY Blessed morning noisemate! Maaraw na sunday at kaganda ng panahon.. tanghali na kami nagising, ito lang ang araw na pwede tanghaliin sa higaan.. dahil day off.. Cream o gatas muna.. pupunta kami mamaya kila nanay at doon nalang makabawi ng kain.. Minsan mas importante piliin ang oras kesa ang kita.. ang kita nauubos pero ang memories na kasama ang pamilya ay dumadagdag sa saya ng nakaraan na pwede balik balikan..😉
NANAY' BEST Ito ang komukumpleto ng linggo ko ang makita si nanay at tatay na malakas at masigla.. naabutan ko si nanay nagluluto ng spaghetti at chicken fillet without breading.. ito ang paborito namin klase ng luto babad babad lang.. masarap na naman ang kaninan mamaya lalo na at sama-sama😊
MATCHING Spaghetti at puto perfect match.. Miryenda tayo mga ka mema! Niluto ni nanay kanina spaghetti at nagpabili nalang ako ng puto ni sitang para may partner.. Sikat po dito sa lugar namin ang puto na yan.. Malambot at masarap.. Kaina na......
MY GULAY Hapunan na noisemate.. tapos na ang aking day off.. back to reality.. sa bagay kung walang reality di ka ma eexcite sa fantasy.. ano daw?hehe igets nalang! May pahabol pa ulam kanina si nanay tanghali, pinauwian ako gulay ginisang sayote na may carrots.. nagsasaing narin ako.. Masayang hapunan po sa lahat..🤗
SAPIN SAPIN Blessed morning noisemate! Sapin sapin po tayo at makapagtimpla ng mainit na kape! Maaga nagpunta si tatay at may pasalubong na kakanin.. Monday ngayon dapat full energy.. sa bagay kapag nanay ka dapat araw araw hyper para sa mga gawaing walang katapusan..hehe Oh siya kain na po tayo noisemate.. GOD BLESS everyone!🤗
BEFORE & AFTER Dahil 1 year old na pwede na daw siya gupitan..hehe napaka tahimik gupitan walang kaiyak iyak.. di gaya ng anak ko nagwawala nuon..hehe Ayan na si siya at presko na! ready for summer.. Kaya lang kapag ganyang ginupitan na naiiba na ang tubo.. Cute ka pa rin pamangkin kahit kalbo🙄😁
SINIGANG NA BANGUS Invisible ang bangus dahil sabaw lang ang hiningi ko kay nanay natitira lang kasi ang laman..hehe Matinik ang bangus, hinimayan pa kami ni nanay nuon pag bangus ang ulam.. ayos na to sabaw pa lang ulam na.. Ngayon palang kami kakain nalate ang pagsasaing, nakalimutan ko bumili ng bigas kahapon..haha Kung ano pa talaga ang pinaka importante sa lamesa iyon pa ang nawala sa loob ko😅
SAMPALOK Bigay kahapon ni tito ngayon ko lang matitikman.. Tinitingnan ko palang eh nangangasim nako.. Dati may sampalok sa tabi ng bahay namin napaka tamis.. hindi na kailanagan bumili mamumulot nalang ng laglag.. Isa sa nakakamiss noong araw..
WENTONG SAGING Bakit kaya nagkakaganyan ang saging? Nagpabili ko ng saging sa kapatid ko dahil saging lang talaga halos kinakain na prutas ng mga bata.. kaya di pwede mawalan nito kaso ang nabili niya di maganda matitigas ang laman.. di ko alam kung maisosoli pa ito bukas sayang naman pinambili di makakain ng maayos..
BEEFY NOODLES Kain po noisemate! beef with egg ang hapunan namin.. tinapay muna ko past sa kanin.. mabigat narin ito sa tiyan.. Bukas march na kabilis ng araw.. Di man lang mainip noh..hehe Isa lang kinaiinipan ko ang pagdating ng sweldo..hirap kasi magbudget😁
MARSO NA! Blessed morning noisemate! Parang kelan lang dati kapag tumungtong na ang buwan ng Marso ay excited nako dahil malapit na ang bakasyon sa school.. Ang bilis ng panahon noh? nawa masulit natin ito ng may kabuluhan.. Magtitimpla sana ko ng kape kaso pangalawang init ko na ng tubig lumalamig lang.. nakakalimutan at nalilibang sa gawain.. Ito talagang titimpalhin ko na para matanggal ma ang antok..hehe