Join 91,959 users already on read.cash

Masakit na alaala, na hindi mawalawala.

7 18
Avatar for En2x
Written by   26
7 months ago

We back 2006 February 17, alas 10 Ng umaga,araw na hindi ko malilimutan sah tanang buhay ko, araw na parang pinagsakloban kami ng langit, araw nah akala mo perpekto pero isa palang bangungot, araw nah mapa hanggang ngayon hindi parin tanggap, akala mo simpleng Araw lang pero napaka lagim pala, minsan inakala mo nagising kang masaya pero natutulog kang kinagabihan nah lumuluha,napaka raming tanong sa sarili ko, kung bakit? Bakit nangyari? Bakit sila pah? Kung bakit lahat sila nawala nah parang bula,

Guinsaugon tragedy sah leyte, isa sa mga alaala nah mahirap kalimutan, alala nah hanggang Ngayon may kirot parin sah pakiramdam, isang Masaya at buong pamilya sah isang kisap mata nawala nah parang bula, mahirap tanggapin oo, pero kailangan, kailangan moh parin umusad kahit masakit, kailangan moh parin makibaka sah Buhay para sah natira mo pang kapamilya, isang buong pamilya ng uncle ko ay nawala, dugo,pawis, ulan,putik, hindi namin iniinda para lang makita sila at mabigyan ng magandang libing kahit papaano, naranasan kung humawak ng ibat ibang bangkay para lang tingnan at kilalanin kung sila naba Ang hinahanap namin, at sah bandang huli hindi kami nabigo sah paghanap nila, kahit papaano nagpapasalamat din kami sah panginoon dios dahil nakita namin sila,kahit pah sabihing patay nah sila,

At sah nagdaang taon kahit Ang pitak Ng lupa ay unti unting bumabalik sah dati niyang anyo pero meron paring bakas Ng pitak nah kahit kailan hindi nah maibalik pah sah dati, katulad din yan sah nararamdaman ko, kahit ilang taon pah Ang nakalipas kahit pah sabihing naghilom nah ang sugat, pero meron paring lamat Ang puso ko, nah hindi kayang paghilumin ng napakaraming mga taon, alaala nah kahit kailan hindi mabubura sah isip at puso ko, alaala nah kahit kailan nakatanim at nakalamat nah sah buong pagkatao ko,at lahat ng alaala ng ito gusto kung baonin kahit saan man ako liparin ng hangin.

Salamat po Sah pagtyaga sah pagbasa ng aking kwentong Buhay, alam ko wala pah akong alam sah ganitong platform, pero may taong nag tyaga sah akin at nag encourage sah akin nah gumawa Ng ito, soh I try, salamat po at alam kung alam moh Ang taos puso kung pasasalamat, GOD BLESS po.

6
$ 0.09
$ 0.05 from @SofieAgang
$ 0.02 from @Sweetiepie
$ 0.02 from @QueencessBCH
Sponsors of En2x
empty
empty
empty
Avatar for En2x
Written by   26
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ang sakit naman niyan sis, lalo at may pamilyang nadamay. Karanasan na jindi na ninuman nanaisin pang balikan..

$ 0.00
7 months ago

Kaya nga sis ehh, napakasakit, pero tuloy parin ang Buhay,, salamat pala sis sah pag upvoted, God bless you always po.

$ 0.00
7 months ago

Napakasakit na karanasan na kailangang tanggapin

$ 0.00
7 months ago

Kaya nga po ehh, pilit nalang tanggapin Ang lahat kahit masakit, salamat po pala sah pag tyaga sah pagbasa, at sah pagvisit po.

$ 0.00
7 months ago

Ok lang sis, basta keep going lang, ang mahalaga nag eenjoy tayo

$ 0.00
7 months ago

Sa bagyong yulanda ba ni nga trahedya day?

$ 0.00
7 months ago

Hindi dai, sah guinsaugon tragedy ,nag landslide,

$ 0.00
7 months ago