read.cash Log in
@Emond more from that month

Sangkap

Hello, kamusta? Sawa ka na ba? Sa buhay mo na wala man lang kulay at lasa? Sa buhay mo na wala man lang saya? Halika bibigyan kita Ng mga pampalasa Para buhay mo'y sumaya At magkaroon ng kaunting lasa Bawang, sibuyas at kamatis Mga sangkap na kailangan ng kilatis Kung maganda ba o nakakakuntento ayon sa gusto ng tao Bawang Ito ay all around Sa anumang lutuin Mabaho man kung aamoyin Ngunit napakahalaga sa isang putahe na lulutuin Gaya sa buhay ng tao Kailangan mo ng pampalasa tulad nito Di dahil sa amoy bagkus sa halaga Na syang nagbibigay lasa Na pag wala ito tila may kulang pa Na siyang hinahanap ng ating dila Sibuyas Bago mo magamit kailangan mo muna dumaan sa dahas Ito'y parang isang salita ng tao Palabas pa lang sa bibig ay tagos na agad sa puso Sa bawat talop at hiwa Paniguradong tutulo ang iyong luha Tulad ng buhay ng tao Hindi kailanman liligaya o sasarap Kung hindi ka dadanas ng pighati at paghihirap Kamatis Na kailangan ng masuring pagkikilatis Dahil kung minsan ay napakaganda Ngunit yun ay balat lang pala At sa loob ay nabubulok na Kaya't bago magtiwala kilalanin muna Dahil hindi mo alam baka siya pa ang sayo ay sisira Bawang, sibuyas, kamatis Tatlong sangkap na kailangan ng kilatis Na maihahalintulad sa tao Na minsan ay hindi nagpapakatotoo At minsan ay mga inaabuso Tiwala Sa tatlong sangkap ay hindi makikita Sa tao lamang ay nagmumula Kaya't tayo'y maging magandang halimbawa Para sa ating mga kapwa Kailangan mo pa ba ng mabubulaklak na salita? Bago ka maniniwala? Kung gusto mong buhay mo ay sumaya At magkaroon ng lasa Matutong magpakumbaba Sa Dyos magtiwala At maging mabuting halimbawa Sa iyong kapwa

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.