read.cash Log in
@Eirolfeam2 more from that month

Good Morning, Wednesday! 👻 So ayun, first-time kong mag-withdraw ng income from Upwork after more than a month of hustling. $600 ung winithdraw ko at may kaltas siyang almost $1 for the withdrawal fee. I chose BPI for the mode of payment dahil mas mabilis daw ang transaction dun kaso ambaba ng palitan ng USD to PHP. Ang rate now is around 57 pesos na ang $1 pero sa kanila, around 55.3 pesos lang. Laki nung 600 pesos plus na bawas. Pero di bale, kayod nalang ulit ng kayod. Lols! 😂 Eto na pala ung bayad nung 30K pesos na inutang ko sa piggery business ko pambili ng laptop. Hayy. So ibig sabihin, bawi ko na investment ko for my freelancing career. Now, lahat ng kikitain ko sa susunod eh iiponin nalang dahil may balak pa ulit akong bilhin. Lols! 🤣 Hayy. Ang sarap lang mag-work pag nakikita mong may pinupuntahan lahat ng pinagpapaguran mo eh. Labarn lang! ✨

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.