#AFAMHunting Update: 😂 Alright. I'm back with my Afam hunting shenanigans. Sa mga Marites (charot lang. 🤣), iready niyo na. Ito na ang bagong ganap. Lol! 😂 So last December, naka-match ko itong si Andrew (opo, Andrew na naman ang name. At mapanakit sila. Lol). So ayun na nga, umabot yata kami ng 1 week na consistent nag-usap tapos lumipad na siya pabalik ng London for Christmas vacation kasi sa Malaysia siya nagtatrabaho. Siyempre, nag-goodbye siya tapos blinock pa ako. Hayerp eh. 🤷♀️🙄🤣 Tapos nitong January, bigla siyang nag-chat ulit at nangangamusta. At dahil marupok nga tayo, siyempre chat ulit kami every day. Napaka-consistent niya sa part na yan. Siya lagi nauunang mag-text at mag-Good morning. Ung tipong mafa-fall ka talaga sa kanya kasi ang lakas makapa-fall ng mga galawan niya. Kaso, alam ko naman din na hindi serious relationship ang hanap niya kaya pinipigilan kong ma-Fall. Lol 😂 Tapos balak niyang pumunta dito sa Pilipinas sa March or April para mag-bakasyon at imeet ako. Hayy. Siya ung tipong gusto mong jowain pero hindi jowa ang hanap niya. 🤦♀️😂 Tapos kagabi, medyo nadisappoint talaga ako sa kanya dahil basta. 🤣 Kaya crayola ang lola niyo magdamag. Lols! 😂 At ayun, nag-Good morning na siya ulit today pero hindi ko parin nirereplyan. Pag nag-usap pa kasi kami, baka mas lalo lang akong mafall ng husto. Marupok pa naman ako. 😭🤣
5 comments
Hinay hinay lang sis hahahaha baka mahulog ka Dahil sa boladas nya,,,,,
Ano ung boladas? 🤦♀️🤣
Pambobola lels 🤣🤣🤣🤣
Nakooo Florie 💔 pa-fall din yang si Andrew ha. Hilig mag love bombing pero nasa sayo na yan how will you manage your emotions. Like you said, parang di sya seryoso.
Kaya nga po eh. 🤦♀️ Kaya swipe swipe parin para more chances of winning. 😂🤣🤣