Hindi ko alam kung updated kayo sa Angkas Serye sa Payong Kapeso Facebook group pero tuwang tuwa talaga akong nagbabasa ng mga kwento ng mga misis dito about sa Angkas Serye nila. Nagiging certified Marites tuloy ako dahil sa kanila. 😂 Ung isang kwento, pinost pa sa mismong CFO Peso Sense FB page eh. 🤣 Tungkol naman un sa dalagang teacher na mahilig daw umangkas dun sa motor ng co-teacher niya na may pamilya na. Siyempre, ung misis nagselos kaya sinabihan na huwag ng paangkasin ung teacher. Mehehe! At ang breakfast natin for today ay chismis. 😂
1 comment
Masarap naman kasi umangkas Lalo't mabilis magpatakbo.. Yung tipong fly high butterfly 🤣🤣😅