read.cash Log in
D@Drea15 more from that month

Buhay ina

27 years old ako ng mabuntis sa kaisa isa kong anak na babae.cyempre Ang Saya ko nung malaman kong buntis ako.after 6 yrs ng pagsasama namin ng ama ng anak ko nabuntis ako.akala ko kase Hindi na ko magkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng anak.naging ok Naman pagsasama namin ng Asawa ko.pero may panahon talaga na may darating na problema.2 yrs old anak ko ng maramdaman kong nagbabago ugali ng Asawa ko.wala man akong ebidensya nung una.dahil cyempre mas priority ko anak ko.hanggang a dumating Ang puntong naghiwalay kame Ng Asawa ko. 4 yrs kaming nqghiwalay.sa loob Ng apat na taon na yun.ako lang halos lahat gumagastos sa mga pangangailangan Ng anak ko.pinasok ko kahit na anong klasing trabaho.kahit Ang trabahong panlalaki nagawa ko na rin.nanjang nagawa kong magkarga ng mga case case ng softdrinks sa truck na magdedeliver.tiniis ko kahit maliit Ang sahod.ang mahalaga mapunan ko mga pangangailangan Ng anak ko.halos 2yrs din akong nagtrabaho dun.hanggang s may nag offer na mag apply ako sa isang mall. Magkagayun man kahit na mahirap Ang mga naging trabaho ko.worth it naman.kase Nakita ko Ang kapalit ng lahat ng pagod ko.ang mataas na grado Ng anak ko sa eskuwela.simula kinder hanggang grade 2 nia matataas na grades Ang nakuha nia.bilang isang ina.masasabi kong napakasaya kong ina dahil lahat ng paghihirap ko ay nasuklian nang maganda.♥️♥️♥️

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.