Pandemia?
Para saan? Para kanino? Bakit sa dinami rami ng mga anino Sa kamay pa ng mga tsino, ikaw ba'y tunay na pilipino? Ako'y lubhang nagagalak, Sa mga salitang mabulaklak Na tila'y isang matinik na rosas, Na sa sariling bayan ay nakaposas Bayan kong sinilangan Na sakdal sa dugo ng katiwalian Na sa kamay ng mga dayuha'y Akala'y langit ang buhay Bilang isang pilipino'y mas nanaisin ko, Na lumakad sa matutulis na bato Maikubli man lamang ang ipinaglabang yaman at kinaugalian ng perlas ng silanganan
No comments yet