read.cash Log in
D@Dracooooo

Sariwa

Habang lumilipas, ang bawat sandali ay, higit kong nararamdaman ang buhay. Kung minsa'y mapait, kung minsa'y matamis. nag iisa lamang naman ang siyang nais. mabuhay, makaraos, malagpasan ang bawat unos. Paslangin ang umaga upang umabot ng hating gabi. siguraduhing ang bala'y sapat at di agad maubos, ang karahasa'y walang pinipiling sandali, kadalasan ngala'y kahirapan ang siyang dahilan ng pang aapi. Ikaw? Makakaya mo kayang bagtasin ang binabagtas nila? kung hindi ay, wala ka pa sa kalingkingan ng iba. Kung sa turan mo'y iya'y mahirap, isipin mo na lamang ang mga batang pinagkaitan ng pangarap. oh, kay bilis ng oras, bawat sandali'y mahalaga, lasapin hanggang sa ito'y nandiyan pa. minsan lang tayo dadaan sa oras na ito, magpapahuli ka ba?

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.