read.cash Log in
@Doweebluish more from that month

SIRENA

Si Seraphina ay isang magandang dilag na nakatira sa Isla Siera na napapalibutan ng anyong tubig. Anak siya nina Mang Pipoy at Aling Simang, kilala ang kanilang pamilya sa kanilang lugar dahil isa sila sa mga nakatataas o may kaya sa buhay. Noong bata pa lamang si Seraphina ay sinasanay na siya ng kanyang ama sa paglangoy sa dagat, kaya naman lumaki siyang hinahangan hindi lamang sa akin niyang kagandahan at may kaya sa buhay kundi pati na rin sa galling niya sa paglangoy. Marami na siyang naipanalong mga laban sa kanilang paaralan patungkol sa kanyang hilig na paglangoy at sa pang-akademikong larangan. Mukhang wala ka ng mahihiling pa sa dalagita dahil halos nasa kanya na ang lahat, talentado, may kaya sa buhay, hinahangan at maganda ngunit sa panlabas na anyo lamang dahil kung gaano karami ang humahanga sa kanya ay mas marami naman ang may ayaw sa kanya. Nagkakaroon man siya ng mga kaibigan ay hindi ito tumatagal dahil sa napakapangit nitong pag-uugali, matapobre, mayabang, at mapagpintas, marami na itong pinahiya at binully sa kanilang paaralan ngunit dahil sa sikat siya at maimpluwensya ang kanyang mga magulang ay walang nangahas na magsumbong sa kanilang principal sa kanilang paaralan dahil takot ang mga ito sa kanya. Bagamat maging ang kanyang mga magulang ay hindi na alam ang gagawin sa kanilang nag-iisang anak kahit pa pagsabihan nila ito ay hindi ito nakikinig sa kanila. Isang araw habang naglalakad-lakad si Seraphina sa dalampasigan ay may nakabangga siyang pulubi na kaedaran niya lamang. “Ano ba?! Wala ka bang mata? Hindi ka man lamang tumitingin sa iyong nilalakaran nabangga mo tuloy ako!” “Nako pasensya kana po, nanghihina na po kasi ako sa sobrang pagkagutom, maaari niiyo po ba akong tulungang makatayo? at makikihingi na rin po sana ng makakain” “Ano ka? Sinuswerte? Ikaw na nga itong binangga ako ikaw pa demanding dyan? Pwes! Bahala kang magutuman dyan! Dinumihan mo pa tong maganda kong sapatos!” at sinipa nga ni Seraphina ang pulubi sa paa sa sobrang inis at pagkagalit niya, napa-aray ang pulubi sa sobrang sakit ngunit walang pakialam si Seraphina at nilampasan niya lamang ito. Hindi pa siya nakakalayo ay nagdilim ang kalangitan at umalon ng napakalakas sa karagatan, maging ang hangin ay kulang nalang maging ipo-ipo ito sa lakas. Lumingon si Seraphina sa kanyang likuran ngunit hindi niya ito nakita doon kundi sa naglalakihang alon na parang tsunami sa laki. Nakasuot na ito ng maayos na kasuotan at malinis at walang kasing-ganda ang kaanyuan nito. “Seraphina! Kung ano ang kinaganda ng iyong kaanyuan, siya namang kinasama ng iyong pag-ugali, kaya narito ako para ika’y parusahan dahil sa kasamaan na iyong pinalalaganap sa iyong kapwa! Dahil sa iyong aking galling sa paglangoy ay pinarurusahan kita, ikaw ay magiging kalahating tao at kahating isda. Ang iyong mga paa ay magkakakalikisa t magiging buntot ng isda nararapat lamang ito upang ikaw ay magtanda at wala ng magawan ng kasamaan. Itatapon kita sa pinakailaliman ng dagat at pinakamalyong lugar ng sa gayon ay hindi ka na makita ng iyong mga magulang.” At tuluyan na ngang naging kalahating tao at kalahating isda si Seraphina, pinahanap ito ng kanyang mga magulang dahil sa biglaan nitong pagkawala ngunit nabigo lamang sila. Paglipas ng maraming taon may isang mangingisda na nakakiita ng babae sa dagat ngunit ito ay may buntot ng isda, hinala ng marami ay ito si Seraphina na sinumpa ng isang diwata. Seraphina ang kanilang bansag dito kada may makikita silang ganoong anyo sa tubig na di naglaon ay naging ***SIRENA.*** Sana na-enjoy niyo ang pagbabasa sa aking *"fiction"* story.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.