Join 60,337 users and earn money for participation

Pinagtagpo pero hindi tinadhana

0 13 exc boost
Avatar for Dolores
Written by   357
5 months ago

Teka

Teka lang muna

Masyado pang maaga

Masyado pang maaga para sabihin mong ayaw mo na

Paano mo malalaman?

Paano malalaman kung hindi mo pa sinusubukan?

Kung hindi mo susubukan, susubukang dinggin ang mga katagang lumalabas sa walang preno kong bunganga.

Masyado ba akong madaldal?

Madaldal sa pagkakataong ito. Pero teka.

Teka lang muna.

Hindi ba pwedeng, pwedeng pakinggan no naman ako

Pakinggan ang mga salitang aking minumutawi dito.

Hindi ba pwedeng, sa pagkakataong ito ay subukan mo namang tumingin sa akin ng diretso?

Oo, alam ko. Alam kong nagkamali ako. Pero paano ito? Paano na lang itong mga planong unti unti nating binubuo?

Basta na lamang ba pakakawalang gayong ika'y nagsawa na lang?

Oo, alam ko. Alam kong nagkamali ako peeo hindi pa ba sapat na humingi ako ng tawad?

Matagal ko nang kinikimkim ang lahat ng ito. Ngayong nasabi ko na, binuksan mo ba ang iyong mga tainga?

O pinilit mo muling tinakpan ang mga ito gamit ang mga palad mong mas makapal sa pagmumukha mo?

Alam ko. Oo alam kong tanga ako. Tanga dahil umibig sa taong kagaya mo, pero bakit tila ako ang kontrabida? Kontrabida sa pelikulang tayo lang ang artista.

Sa pelikulang bigla na lamang natapos dahil bigla ka na lang nawalan ng gana.

Sayang, oo napakasayang.

Sayang ang lahat ng mga bagay na ating pinagsamahan.

Pero, naalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba ang mga panahong tilamas matamis pa sa asukal ang mga ngiti mo kapag tumatama ang iyong mga mata sa aking mukha?

'yung tila tumitigil ang mundo nating dalawa kapag nagsimula ng tumingin sa isa' t isa.

'yung tila ayaw papigil ang kakaibang emosyon na nagbibigay kasiyahan sa' ting puso na siya namang nagiging dahilan sa mabilis na pagtibok ng ating mga puso.

Na tila ayaw ko nang kumawala pa sa aking nadarama. Pero ika nga nila, kung tayo, tayo talaga hanggang sa huli. Kung hindi, huwag ng pilitin pa. Dahil sa huli ay tayong dalawa lamang ang kawawa.

Pero, sa dinami-dami ng babae sa mundo. Nakuha mo akong ipagpalit sa taong akala ko ay tinuring akong kaibigan.

Hindi ko alam na kapag nakatalikod na pala ako ay paulit-ulit na ninyo akong sinasaksak dahil sa pagtataksil ninyo.

Magkahawak na pala ang mga kamay niyong dalawa nang hindi ko nalalaman. Pero okay na rin dahil malaman ko ng mas maaga. Dahil kung hindi ko pa nalaman ito ay baka hindi ko na kayaning tumayo.

Tayo nga naman ay punagtagpo, pero hindi rin pala tinadhana. Pinagtagpo lang at pinaasa. Pero okay lang. Bagay naman kayong dalawa. Pareho kayong makakapal ang pagmumukha. Mas makapal pa at mas magaspang sa semento.

Pinagtagpo pero di tinadhana. Napalapit ka sa iba at natagpuan ang katulad mong mangga, manggamit lang pala.


Pagpasensyahaan niyo na lamang po itong aking akda. Sadyang gawa gawa lamang ang lahat ng inyong nabasa.


4
$ 2.96
$ 2.84 from @MJCD03
$ 0.12 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Dolores
empty
Avatar for Dolores
Written by   357
5 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments