read.cash Log in
D@DollyFaith more from that month

Mahirap Maging Mahirap

Ang buhay ay walang kasiguraduhan Di alam kung anong patutunguhan Mahirap man o mayaman Sa mata ng diyos pantay pantay ang karamihan   Ngunit sa batas na ating nakasanayan Lamang ang mayayaman Sapagkat hindi ang tama ang labanan Kundi ang gintong kayamanan   Paano namin makakamtan Ang hustisyang matagal na naming  inaasam Kung ang pinapaburan lamang Ay ang mga maykapangyarihan   Na kahit anong pagkakamali ay kanilang matatakpan Gamit lamang ang gintong kayamanan Na para bang sinasabi nila na pag wala ka nito, wala kang laban Na para bang mas matimbang  ang gintong kayamanan kesa sa tamang ating pinaglalaban   Sa mundong puno ng makasalanan Maypagasa pa kayang makakamtan? Ang hustisyang aming inaasam Amin pa kayang matutuklasan? Na kahit ang taong batas na dapat amin sanang nasasandalan Na kami'y tutulungan sa patas na labanan Ay kami kinalimutan Dahil sa gintong kayamanan

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.