For today's noise. Share ko lng Budol ko fr. Shoppee . Si kuyang rider nalng talaga nagpapakilig sa akin hahaha not romantically ah. Wala ng ganun!
So ayan. Bumili ako ng electric insect repellant. Matry if effective nga. Dami kasi lamok dto sa amin. Ang baho kasi ng katol, eh may mga bata kaya not much safe. Syempre dahil sa sayang naman ang sf, nagdagdag na din ako ng ibang item para masulit. Kumuha na din ako ng brush ni baby, cups ng mga ate, facemask na din para hindi na bili ng bili pag lalabas sila. Mhal din kasi pag patingitingi..
Hmm. Bigay ako ng review bukas dun sa repellant if effective ba. Abang abang sa mga interested parties. Hahaha
Kau din ba mga kaingay, ung nasasayangan sa sf kay nagdadagdag nalng para masulit? Ako lang ba? Uy aminin! Hahaha
Be strong, never tell youself, "I am tired". The more you accept that thought, the more exhausted you'll become. But if you tell yourself, "I can do it". You'll find that there are no limits to what you can accomplish.
For God never gets tired of guiding you all the time. He never fails to give you the strength to carry on. God won't give us any problem we can't handle. Believe in Him. Believe in yourself. Believe in the people around you. If they can, then surely you can too.
Flex ko lang ulit.
Gumagawa ako ng samples for keychain. Para may magamit for posting na din. Eehh narealize q, ung ice cream kahapon na gawa ko, is my first amigurumi!
Haha, it has to start somewhere dba. Haha ang cucute kasi ng mga dolls na amigurumi. Nakakainggit ung mga nakakagawa. D ko kase forte un e.
Goooooooooood aftenoooooooon mga kaingay! Tulog muna tau hahaha.
I've been so down this past few days! Good thing I have these kiddos over here to make me smile! They're the constant reminder that I should not give up.
Minsan talaga, ung akala mo na kaagapay mo, nagiging pabigat pa! Ewan!
Sorry mga kaingay! Aga aga ko mag emote. Hahaha Gandang vibes sana ang sumainyo. Have a hahahahahahappy day guys!
My little helper!
Hay buti nalang nauutusan natong ate na to! Kahit minsan need ulitin ung ginawa nya. Inuulit ko pero d ko na pinapakita sa knya. Atleast natututu na db mga mii...
Kung meron lang sana dto ung kuya nya, hahah baka mas malaking ginhawa para sa akin. Pero mas need kasi si kuya ng lolo at lola kaya kahit dun na muna
sya.
Gandang hapon mga kaingay.. Anu kaya masarap meriendahin. Haha nakakagutom Uy.
Ice cream chillin, chillin!
How dou you like my handmade ice cream keychain? Flex ko lng para mapasaya ko ang araw ko. Sana pati araw nyo mapasaya ko din! Hahahaha!
Youtube tuts lang ang sakalam guys. Nasa yt na talaga lhat. Zero knowledge ako nung nagsimula ako magcrochet. As in. Haha pero dhil inggitera ako at nkita ko na magaganda ung ginagawa nung friend ko, sabi ko matry nga un. Order sa shoppee ng starter kit. Akala ko madali, pero super sa ngalay pala sa kamay. Haha pero push push push lng. Kahit walang nag oorder, gawa kng ng gawa dbuh. Ganda kaya ng mga handmades.
Gawa nyo guys?
Sigang at fried bangus!
Ulam namin ng agahan at mamayang tanghalian. Minsanang luto na para makatipid at para hndi din magahol sa oras. Ciao.
Tahimik ne. Walang paramdam ang Bitcoin wallet ko. Kau din ba o ako lang.? Hahaha
Garlic Bread.
Haha ok. Dahil adik adik ako sa garlic bread ng Greenwich, triny ko ung sinabi ng ate ko. Itoast q lng daw ung load bread sa butter with garlic sa pan. Here's the result. Mukhang masarap ne. Kulang pa ata ung nilagay kong garlic kaya d ko malasahan masyado. Try ko ulit sa susunod. Gamit ako ng ibng variety ng loaf bread. Whole wheat bread kasi yan. Kaya wala lasa talaga haha. Try q dun sa common lng. Baka mas kumapit ung lasa ng garlic.
Bet nyo din ba garlic? Gandang buhay mga kaingay!
Pasalubong ni ate galing Infanta, Pangasinan.
Di ko alam kung anu ang tawag. Pati ate ko di nya matandaan kung anu ang tawag nila dto. Specialty daw nila to sa knila. Nagboom nung kasagsagan ng pandemya. Noon nga daw iba iba ang filling. May ube, may macapuno. Nagyon kasi yema filling lng to. Masarap sya actualyy. Walang lasa ung puti na part pero matamis ung filling kaya ok lng.
Happy Monday morning mga kaingay. Ingay lang ng ingay para sa ekonomiya!
Si mama muna ang ginawang bed.
Hindi ko alam kong dahil malakutson ako kaya gusto nya sa akin humiga, o dahil sa linalagnat kaya gusto nya palagi malapit sa akin. Baby ko, pagaling ka na. Love love love.
Good night mga mii at dii! Tulog na habang tulog si baby. Mukhang puyatan na naman itey!
Ayarn. Keri pa naman nya maglaro kahit may sinat.
Mas mabait tong bunso ko compared sa mga ate nya nong same age pa sila a. I mean noon ung mga ate nya pag may sinat o lagnat, pakandong ang alam nila. Pero itong si bunso, nakakaya pa maglaro at hndi din sya pabebe. Magkakaiba talga personality ng mga bata kahit pa magkakapatid yan.
Musta mga kanoise? Nakapagsimba na ba kau?
Ang bebe ko na hndi makatulog ng maayos. Maya't maya nagigising kaya nagtaka ako. Kadalasan kasi pagkatapos dumede eh, diretso na tulog nya hanggang madaling araw na ang tulog nya. Pero ngayon, napaka restless nya.
May sinat pala kasi. Hindi ko alam kung bakit pero nasa stage kasi na nagngingipin kaya un lang ang alam ko na pwede nya isinat. Sabi ng mga doctor ngayon, d daw un related. Hehe pero sabi ng matatanda, normal lng daw un pag nagngingipin nga ang baby.
Kau mga mate, what do you think? Is it a fact or a myth?
Virus Shawl meets Granny Stitch
Or something like that ung name nung pattern ng shawl na yan. Hehe kay Fiber Spider din ung pattern nya. Very easy to follow talaga mga tutorial nia. Very detail kasi sya magturo kaya khit mjo mahaba haba ang videos nya, sulit panuorin. At d rin sya boring magsalita kasi kaya ok lng.
Check nyo nalang pala sa YT ung channel nya!
PS: BAKA PO MAY GUSTO BUMILI. HAHAHA BEKE LENG NEMEN!
Our late lunch! Hihi
Naglaba ang ferson kaya, d na nakapagisip ng magandang iluluto. Eh anu pa ba ang takbuhan ng mga mommy na gahol sa oras kundi ang pancit at itlog. Madali iluto at bet ng mga kiddos.
Anu ganap mga kaingay?
Module passing and retrieval.
Eto pala nung Lunes. Pumunta kmi sa school ni ate para magpass ng module at kunin na din ang kapalit. Pamodule module lang sila dhil as of the moment, nererepair pa ung classroom nila.(2nd pic). Nakakaloka lang l, sa ibang mga daycare, full face to face na ang ganap sa knila. Tas heto sila, pamodule module palang. Ang concern ko lng nman, bka mapagiwanan ang mga bata. Syempre iba padin pag si teacher ang nagtuturo dba. Sana, naghanap sila ng alternative na pwede pagklasehan. Hassle talaga eh. Sa tingin ko, matatapos ng daycare ang anak ko na hndi mararanasan ang f2f.ukhang matagal na trabaho pa e.
O sya. What's doing for this time? Hahahaha. Nagets nyo b.?
So, habang nagtutuhog, pamerienda merienda muna ang peg. Tulog ung tatlong alaga ko kaya. Singit singit sa pagtutuhog. Hehe.
Hindi ko masydong bet tong yogurt noon eh, hindi ko maintindihan ang lasa kasi. Haha pero now, mas gusto q na sya. Mas healthy daw to na snack e.Bigay lng to ng ate q. Hehe stock sana nya para pag nakulong sya sa room nya e, may makakain sya gnern. Pero namove naman na ng namove ung gamotan nya kaya binigay nalang sakin. Baka masira kasi. D kainin ko na. D din lng naman gusto ng mga bata.
O, syaa.. That's it for this time's noice. Magread muna ako ng mga unread.
That's our ate!
She can make their own coffee already. Kinda proud. She would asked me every morning if it's time for coffee (milk for them,of course) She's excited to make it on her own. Sometimes I supervise her, most of the time she does it in her own. She gots mad if I try to assist.
Aren't your little ones like that too?. They want to be as independent as possible. Let's give it to this young kiddos. Trying to be helpful! Eager to learn new things everyday.
Our ulam for tonight. Sisig with bits of sayote!
Looks sarap dba? Haha claim q na. Pero masarap talaga yan. The best part is easy to cook din. Hahahaha frozen sisig kasi yan. Nakalimutan q ung brand nya, pero may nakasulat na kapampangan's sisig. Bet na bet. At kilala naman talaga ang mga kapampangan na magagaling magluto. Helloo mga kabalen? Tama ba Kapampangan mga kabalen or iba un? Hihi educate nyo po akiz.
As for the twist, nag add lng ako ng tinadtad na sayote para dumami at macontrol na din ung lasa. Ewan ko, parang maalat palagi panlasa ko. Di ko alam kung maalat talaga or ung panlasa ko lang.
Kau nga mii? Anu ulam for tonight nyo?
Throwback muna. Hehe Jabee's spag and peach mango pie. Wala sa menu kasi ung ube macapuno ba un. Mas bet q sana un e. Ube lover here.
Nagcrave kasi ako that time kaya naisipan ko na tumingin tingin kay foodpanda kung anu maganda, kakabrowse ko wala din lng nman ako nkitang iba na kakaiba. Same same kumbaga. Haha sa Jolibee din ang bagsak ng order. Ewan ko lng pero iba panlasa q sa spag that time. Prang masobrahan sa asin pero keri lng pagkain padin nmn.
Bet q magkape pero tinatamad ako bumangon pa. Tulog pa ang mga kiddos. Later pa konti ang bangon.
There. There. Done with 50 pcs alcopouches! Aww, not yet truly done. But almost done. Haha i need to sew the buttons pa pala. Pero mabilis naman na un kaya, keri na. Kinatatamaran ko lng talaga magtahi din kasi. Kaya minsan, binubudol ko si mister para sya magtahi. Kaso may raket sya ngaun kaya ako talaga magtatahi.
Oh sya, patulugin ko muna mga kiddos tsaka ako magtatahi para waley distractions. Haha
Kau anung gawa nyo mga mates?
Fried Rice for today's breakfast.
Napaaga ang gising at luto dahil nay raraketin daw si mister ng maaga. May tira pang kanin kagabi kaya isinangag ko nalang. Ung tirang ulam na din ang uulamin nya. Haha magluluto na lang ako ng pang breakfast namin ng mga bata later konti.
Eto, balik muna sa higaan ang peg. Hintayin ko magising ang mga kiddos para sabay sabay na kmi makapagkape.
O sya, enjoy ur coffee or ur breakfast mga mate. Ingat ingat as always.
Ayan na nga! The best shot ng red moon, hahaha este red horse pala yarn!
Dahil sa redhorse na yan, naalala ko tuloy kabataan ko. Haha mathunders na yarn? Haha 31 palng naman, kaso ang feeling q 101 na. So much stress talaga. I promise.
Nakakamiss lumabas at magchill chill lng. Magvideoke gnurn. Magwalwal ng hanggang bukang liwayway. I miss my friends. I miss everything! Charrr. Hahahahha
Happy naman ako sa mga chikitings q pero gusto ko din naman magchill once in a blue moon. Mga miii san na ba kau, tara na at magwalwal khit isang oras lang.
CTTO po sa owner ng photo. Grab from FB!
Green tea w/ honey of The Cabin!
Lumabas nga kmi ng ate ko dhil nakaakyat sya from Pangasinan. Papapedicure sana kmi kaso kasama namin ang mga kids kaya nagpunta nlang kmi sa fave cafe namin.
Ung nasa pic, isa sa order namin haha jan nalang kmi natuwa. Ung ibang order namin, d na namin masyadong bet. Parang may kulay sa lasa. Hndi naman gnun dati..
Musta mga kaingays? Anung ganap?
Flex ko nga tong ulam hapunan namin kagabi. Hahahaha tama, hndi ka namamalikmata. Boneless na bangus at red eggs ang ulam namin kagabi. Hahahahaha pang breakfast yarn?
Yan nalang kasi laman ng ref namin kaya go na. Un na ang niluto.
Ingat ingat sa mga may pasok ngayon. Mapa school man yan o work. Have a blessed and fruitful day!
NACHOS with CHEESE DIP
Naisipan ko lng ulit gawin itong cheese dip dahil nagcrave ako ng nachos. Eh mjo super malasa ung mr.chips ngaun. Kailangan ng dip para d masyadong malasahan ung nilalagay nilang pampalasa.
Ingredients ni cheese dip:
Butter
2 tsp flour
1 cup milk/340ml evap milk
Grated cheese
Salt and pepper
Mas masarap ung ginawa ko dati using evap milk kesa sa tinunaw na gatas.haha experiment is real. Nasa fb din lng kung panu sya lutuin. Search u nalang if bet nyo din.
Gandang hapon mga kaingay. Anu na ganap?
Ayorn! Nakapaglaba na ang ferson! Buti hndi sila masyado nagpasaway ngaun kaya dere deretsu ang paglalaba. Sampay nalang later. At magcocook muna. Late na ang breakfast. Brunch na ang bagsak neto.
Kids, lumaki na nga kayo, nang kayo na maglaba ng damit nyo. Hahaha char lamang.
Kapagod maging mama minsan. Dami pagsubok. Pero kaya yarn. Mama tau eh!☺️ Laban lang alaxan,kasjay!
Shades if blue for today! Kasing blue ng nararamdaman ko. Hahaha huhugot sana ako kaso hwag na pala. Magtuhog nalang ako para may matapos.
That's it for todays tuhog. Tomorrow again.
Try ko magbawas ng mga unread and magreply sa mga kachikka. Maraming salamt din sa mga nagbibigay ng biyaya. Sino-sino kaya sila?
Listening to Ben and Ben playlist. Thier voices are relaxing. Nakaka at ease ng mind. Ung parang ayaw mo nalang isipin ang mga problema pag sila napapakinggan mo.
Di ko talaga sila knows before. Until marinig ko ung 'Leaves' na awit nila dun sa my day ng isang friend ko sa fb. Sabi ko ang ganda naman neto. Smooth lang pagkakanta nila. Since then nag search ako about sa Ben and Ben. Pinanood q pa interview nila sa Toni Talks. Mas lalo ako humanga sa knila.
Aside sa music mga kaingay, anu pa pampakalma nyo?
SHAWL OR ALCOPOUCH? Anu nga ba ang dapat unahin ko. Shawl ba o ang alcopouch? Oh, anung paiiralin ko sipag ba o katamaran ko?
Magtambay ka muna SHAWL. Kay ALCOPOUCH muna ako. Tagal ding matapos netong shawl na to. Nababagalan din ako sa pace ko. Akala ko wala pa sa 15", pero nung mineasure ko, it's almost 19" nadin pala. Halos nakalahati ko na din kasi yong yarn cake. Okay. Rest muna sa'yo.
Kay ALCOPOUCH tayo, baka sakaling kunin agad para may anda ang ferson. Laking tulong din pag kinukuha agad en. Nakakainspire gumawa.
Geh mga kaingay. Tutuhog muna ang inyong lingkod. Sana makarami ng slight. Laban para sa economy of the Philippines! Ajah!
Family portrait by ateng Daycare.
Feeling ko talaga magiging artist tong ate namin. Creative e. Hindi ko pa tinuro sa knya yan. Sariling imagination nya yan. Sinabi ko lng, "You make us, you make papa, mama,kuya zeth, you, ading jami and baby." hahaha sor'na agad sa carabao english ko. Tas hinayaan ko na sya, tas after a minute or so, pinakita nya sakin ung unang gawa nya. Natuwa naman ako. Sabi ko, "Cge you make more pa." Nakakaproud lang talaga. Natipid nga lang ung huling ginawa nya, naubusan ng clay.
Bukod sa blocks, isa tong clay sa pinapalaro q sa kanila. Un lang minsan ung kapatid nya kinakagat kaya tinatago ko. Minsan naman, colorwater at bondpaper. Kaso magastos. Minsan lapis at papel. Kung anu anu na din nadrawing nya. Hilig nya magdraw ngayon ng bahay. Pakita ko sa susunod pag sinipag sya magdraw ulit
Have a blessed day mga kaingay!