Kwentong hook muna mga ka-CA. Naka anim na pala ako ng Etimo Hook Pink. From Mareng Anekabenang of Shoppee. Una kung nabili ung 3.5mm. Aware naman ata tayo sa group sa fb na pag may nagsale na crochet items, mabait mga sisterekas natin na ishare. So un nga nakita ko ung post ng isang crochet sis na nkasale daw ung 3.5mm ni aneka that time. And dahil curious ako kung anung meron kay etimo, at dahil na din sa dami ng nababasa kung good feedback, umorder ako. Since from Thailand pa sya, 8 days ata ako naghintay para dumating. Sobrang tagal non pag excited tau. And then dumating na sya, una kung napansin, magaan nga sya. Tas try to max na. Indo gamit ko noon. Maganda nga sya mga sis. Napansin ko lng pag tumatagal na ang gamit, my moments na squeeky din pag indo ang yarn. Sa fine cotton talaga sya the best gamitin mga sis. Super vibes sila. Smooth ang glide at walang naiiwang strand ng yarn. Ung mga sumunod, tuwing sale si aneka, bumibili ako pa isa isa.275-315 ang bili ko sa kanila. Kadalasan naman free or 5 pesos ganun ang sf kaya keri na. Ok na ako dto, nakuha q na mga gusto kung size. Napasilip ako nung minsan,tumaas na pala price nila. Hehe Ito ang aking kwentong budol. Share yours na din po.
No comments yet