read.cash Log in
@Dhee007 more from that month

Masakit mawalan ng kapamilya. Sa sakit man o sa aksidente. Walang salita ang pwedeng bigkasin para mabawasan ang bigat na nararamdaman. Kahit paulit ulit nating ireplay sa utak natin ang mga huling sandali na kasama natin sila,hindi na mababago ang nangyari na. Maraming sana sa isipan na hndi na magagawa. Maraming tayong mga nais sabihin na hindi na nila maririnig. Nakakalungkot mga kakwento. Biglang nawala ang mother in law namin. Hndi namin inaasahan. Matagal na syang nagmemaintenance pero ok naman na sya. Pero kaninang umaga bigla nalng nanghina, nahihiloa at nagsusuka. Itinakbo sya ni hubby sa hospital pagdating daw dun sinubukan pa irevive pero wala na. Hindi ko makakalimutan ang tawag ng asawa ko kaninang umaga.. Humahagulgul sya habang tinitingnan nya na nererevive si mommy. Tas sumunod ang text nya na wala na.😭😭 Thankful kami at negative ang swab test nya kaya mababantayan nmin khit sandali. Mga kanoise, death makes us realize a lot of things. Whatever that is. Death is still ugly.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.