read.cash Log in
@Dhanzkie

Hala! Kain na nman po tayo kabayang NOISER! Hindi ko na malaman kung almusal ba? Merienda? O tanghalian na ito 😂 Bastat alam ko kainan na naman haha! May bahaw na kanin kagabi kaya sinangag ni misis at baka daw mapanis e sayang na naman, sayang nga naman at baka sa pig slop o pagkain ng baboy mapunta. Talagang tipid to the max ang kailangan sa panahon ngayun at kung meron naman pinagkukunan ay tipirin pa rin at hindi tayo sigurado kung kailan matatapos ang pandemic, maging praktikal muna tayo sa anumang bagay, yung mga luho siguro kailangan munang iwasan, ala ei kapag hindi kayang iwasan abay huwag naman itodo ang panggastos, ala ei may kasabihan nga po sa Tagalog na huwag pong ubos ubos kapag nawalan ay tigok 😂 Sa English po naman ay "Don't live beyond your means" hahaha ang layo po ba? 😂 Kayo na po ang bahalang umintindi at ako poy tapos ng kumain at parang Sawa na pag busog gay naghahanap na ng tutulugan 😂 Ala ei! Kain Nat masiramon ang pagkain!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.