G'evenin po again! akoy nagbabalik upang kayoy ayain pong kumain! ala ei, tagalog na ga ang salita ko, ay siya naguguluhan pa ga akot hindi sanay ng wala gang punto! haha kahirap managalog ah ah, pati ga si noise ay naguguluhan na ga sa akin at hindi ga siya makarekober sa pag intindi 😂 anyways, tara na gat kumain ng bahaw na ulam at bahaw ding kanin, menok na naubusan ga ng sauce at pakbet na bagoong alamang ang paalat. Ay siya! Akoy pagpasensiyahan nat hindi ko na ga maibalilk ang inyong pagmamahal at ang aking mahiwagang baston ay naubusan na ga ng lakas, ala ei, said na said nat ilang oras na ga akong nag dududut dot para mabahagian ang lahat! Mayamaya po ay aking susubukan muli yun po ay kung akoy hindi pa aantukin. Baka akoy mag good night na rin po at akoy napagod din kababantay sa tindahan. Paalam po at magandang gabi po.
No comments yet