Hear yea! Hear yea! Hear yea! Sa wikang batanggenyo po ay Ala ei! Ala ei! Ala ei! 😂 Para gang nakasakay sa kumakaripas na kabayot nangangarera laang ei! Ala ei, Good Morning po sa lahat ng mga noisemakers around the world, ay siya, mali palat gabi pala sa ibang panig ng mundo, anyway paggising naman nilat umaga na baga sa kanila ay mababasa ga rin nila ito, yun nga laang ay kung marunong silang umintindi ng wikang tagalog hahaha! Kumusta na po kabayan! Kape kape na laang munat wala pa gang lutong ulam si aling nena 😂, Are munat ating pagmasdan ang throwback pictures ng inyong abang lingkod, Kuha po baga yan noong May. 2012, yun pong kuha sa beach ay bago na laang at pino promote ko laang ang mga lugar sa Batangas, ala ei libre po laang yan at walang bayad hahaha. Are gang picture sa una ay anniversary ga ng restaurant na pinapasukan ko hanggang ngayon yun ga laang ay sarado ga gawang MECQ pa dine sa maynila, blessing po sa akin ang restaurant na iyan at diyan ga ako nakapag patapos ng mga anak sa pag aaral at ngayon gay pulos propesyonal na, isa na laang po ang aking patatapusin at ako gay kuyakoy na. Hindi naman ga kalakihan ang kita pero arey sapat at samahan na laang ng overtime para madagdagan ang kita, tandaan po natin na wala gang madaling trabaho at ang trabaho gay minamahal din tulad ng pagmamahal sa ating pamilyat dito nanggagaling ang bread and butter ng buong pamilya. Ala ei, dito na laang po munat akoy maghahagilap ng aalmusalin at galit na ga ang dragon sa aking sikmura. Good morning po uli sa lahat and God bless po.
No comments yet