read.cash Log in
@Dhanzkie

Unang kagat buns lahat! Merienda time na po kabayan at mga ka FSFG! Good morning po sa inyong lahat, kumusta naman po ang inyong Friday? Sige laang at tuloy tuloy laang po tayo sa pagkayod at para sa ekonomiya po yan 😂 Are po at nabigyan na naman po ako ng ayuda ng aking mahal na esposa hehe at medyo maganda ang mood ei, pero ito gay minsan minsan laang at hindi ga po kaya ng aking bulsa at wala pa ga akong pasok sa trabaho kaya kailangan muna gang maghigpit po ng sinturon at hindi ga po natin alam kung ano pa ang mangyayari sa susunod na mga araw, ala ei wala pang kasiguraduhang umalis areng virus na ito, kaya tayo po ay mag ingat at alagaan ang ating katawan para tayo po ay makaiwas sa lahat ng uri ng sakit. Dine na laang po at tayo ng mag minindal. Salamat po at magandang umaga po sa lahat God bless po. Chow na po tayo!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.