Good evening po mga ka FSFG, ala ei kumusta ga ang buhay buhay, ay siya huwag niyo pong masyadong kaseryosohin ang saglit na pagtigil ng mga puso, ala ei pasasaan bat muli yang pipintig, ala ei may kasabihan na wala gang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin, Ay siya tayoy magluto na laang ng ulam na international na, are po yung comfort food ng mga Pinoy, abay siyempre e di bat Adobo, eto po yung aking lulutuin, adobong balunan at atay ng manok sama na ga ang itlog. Alam niyo na pong lutuin ito at itoy sikat mula aparri hangang julo sabi nga ng eat bulaga. Ngayoy sikat na ito kahit sa ibang bansa, bastat may Pinoy may Adobo. Ay siya iwan ko na ga kayo at ituloy ko na ang pagluluto. Ala ei salamat po!
No comments yet