Grabe hindi agad nakakain dahil sa panonood ng laban ni pambansang kamao! Late na nakapag luto at tutok lahat sa laban! Salamat na lang at natapos na rin ang pagluluto at tapos na rin ang laban, yun nga lang at talo pero di bale ganun talaga, ang importante ay buo ang suporta natin kay Pambansang kamao, hehe win or lose po yan, Kailangan pala niyang ma K.O. talaga si Ugas dahil ang pinaglalabanan nila ay ang WBA crown na hawak ni Ugas in short po challenger lang po si Manny kaya may tsansa na matalo talaga siya pag dikit lang ang laban. Anyway malaki naman po ang prize ng manok natin kesa kay Ugas. Hindi na rin makakalaban ni Manny si Spence jr. bagkus ay si Spence jr. at Ugas na ang maglalaban dahil sila po ang may hawak ng belt sa welterweight division ng WBA. Kain na po at lamig na ang bahaw 😂 Tokwat baboy po ang ulam at sinampal na chicken na maraming pechay.
No comments yet